SAKAY ni Apollo na nilibot ni Agatha ang Hacienda, binisita ang mga magsasaka at tiniyak na maayos ang lahat. "Magandang araw po, Señorita!" Bati nina Mang Temyong. Nginitian niya ang kapatas saka bumaba sa kabayo. Nag-uumpisa ng mananghalian sa kubo ang mga ito. Nasa di kalayuan ang kaniyang mga bodyguard na mas naging alerto pa pagkatapos ng nangyaring pamamaril sa kanila. "Kumusta po ang lahat?" Tanong ni Agatha, inilibot ang tingin sa mga masisipag na tauhan. Nagkatinginan ang mga ito. Kumunot ang noo ng heredera nang mapansing tila atubili ang mga ito at may nais sabihin."May nangyari ba?" "Señorita, isang grupo ng mga kalalakihan ang nag-aalok ng malaking halaga upang ibenta namin ang mga lupaing ipinamana sa amin ni Don Sylvestre." Sagot ni Mang Caloy. Natigilan si Agatha, "Bibilhin?! Sino ho?" Napatingin si Agatha sa pinsan. "Taga Maynila daw ho sila, nagmamay-ari ng karatig na lupain." si Mang Temyong ang sumagot."Ibibenta n'yo ba?" Bagamat alam na ni Agatha na hindi '
ANG luwang ng ngiti ni Alexis habang nag-iimpake, eksayted siyang makita ang ate Agatha niya na pupuntahan na nila sa Zambales. Isasama daw siya ni Khevin at kahit biglaan itong nag-aya ay natuwa naman silang mag-ina. "Ang dami kong itatanong kay ate,Sir Khev-" nilingon ni Alexis si Khevin na nakatayo sa pintuan ng silid. "Alexis, baka naman kung anu-ano pa ang itanong mo ha. . . Iba na ang mundo ng ate mo," Paalala ni Nanay Rosa. "Nay, itatanong ko lang kung anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang-taon? 'Yun lang." Sagot ni Alexis saka nagkibit-balikat. "Anak, baka nagtatampo sa'tin ang ate mo-" "Itanong mo na rin kung sino ang Daddy ni Kheanne?" Sabad ni Khevin. Kapwa napatingin ang mag-ina sa binata na natigilan. "Sino si Kheanne, Sir Khev?" Kunot-noong tanong ni Alexis. "Anak ni Agatha," "May anak na si Agatha?" Gulat na tanong ni Nanay Rosa. "May pamangkin na pala ako?!" Natutop ni Alexis ang bibig, natuwa ito sa nalaman. "Inay, may apo ka na!" Nanubig ang mga mata
"NOT FUNNY, Agatha!" Galit na mensahe ni Tristan na ikinangiti naman ni Agatha saka ini-off ang cellphone. Tinakasan niya ang kaniyang mga bodyguards sakay ng motorbike at nag-ikot sa hacienda. "Yehaaa!!" Tili ni Agatha, mas masarap pa rin palang maging malaya kaysa maging tagapagmana ng malawak na lupain na tila may gwardya-sibil na laging nasa gawing likuran at nakamasid. Pinaharurot niya ang minamaneho at tila malayang ibon na dinama ang paligid. Pansamantalang kinalimutan ang tunay niyang mundo. Napapagod na rin siya sa pagsunod-sunod ng kaniyang mga bodyguard, maging ang presensya ni Tristan nakakaumay na. Nakakapagod din pala na ikaw 'yung pinagsisilbihan, at tinatrato na tila isang disney princess Inihinto niya sa gitna ng burol ang minamaneho saka tinanaw ang luntiang paligid. Nasa pinakadulong bahagi na siya ng Villa Agatha. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang malawak na lupaing ipinamana ng ama. Huminga ng malalim si Agatha. Simpleng-buhay na lang pala ang pangarap niya
MAGHAPONG nagkulong sa silid si Agatha. Nakakapagod ang ilang araw niyang pangangabayo sa hacienda at gusto niyang ipahinga ang katawan. Ginugulo din ang isipan niya nang biglaang pagbisita ni Khevin sa Zambales na kasama si Alexis. "Disney Princess ka pero napakarami mong obligasyon, Agatha." Bungad ni Tristan nang puntahan siya nito sa kaniyang silid. Lalong gumuwapo ang kaniyang pinsan sa suot nitong Polo shirt na pinaresan ng thrifted-short, maliban sa pareho sila ng kulay ng mata ay wala na silang ibang pagkakapareho ni Tristan. "Gusto kong magpahinga," Ani Agatha na inirapan ang pinsan. "Kailangan ka ng Hacienda, ipinapaalala ko lang mahal na princesa na isa ka ring haciendera. Pwedeng magpahinga pero hindi habang-buhay nakahilata."Umingos si Agatha saka hinagilap ang vape at humipak. Gusto niya pang pumikit at matulog pa ng matulog. "Magbasa ka ng documents, Agatha. Magresearch ka." Kumunot ang noo ni Agatha saka inirapan si Tristan. "Ginawa ko na 'yan 'nung nasa ibang ba
TINAPUNAN ng pilit na ngiti saka tinaasan ng kaliwang-kilay ni Agatha ang kapatid na si Alexis. Kabaligtaran ng inaasahan niya hindi nito ipinilit na siya ang ate nitong si Agatha Buenamente. Bumati at ngumiti lang ang bunso niyang kapatid habang natutulalang nakatitig kay Tristan. Gusto niyang sabunutan ang kapatid, haharot pa yata. Mataman namang nakamasid lang si Khevin, pero dama pa rin ng heredera na nakikiramdam lang ito. "Ipinagmamalaki ko kasi kay Alexis ang Villa Agatha, ipagpaumanhin mong napasyal na naman ako saiyong hacienda. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang ganda ng lugar mo." Titig na titig sa mukha ni Agatha na saad ni Khevin. "Okey lang," sagot ni Agatha na bahagyang sinulyapan si Tristan na halatang naiirita na kay Alexis. Napakunot-noo si Agatha, nagpipigil na irapan ang bunsong kapatid. "Ngayon lang ba nakakita ng gwapo ang kapatid mo?" May diing bulong ni Tristan kay Agatha. Pinigilan ni Agatha ang sarili na hindi mapahagikgik, sa halip ay pasimpleng kini
"IMBITASYON?" Kumunot ang noo ni Agatha, saka tinanggap ang iniabot na sobre ng tauhan. "Mukhang ito na ang tamang pagkakataon, Agatha." saad ni Tristan. "Maging maingat ka lang."Tumango si Agatha saka tinanaw mula sa di kalayuan ang mga bisita. Nasa Mansyon pa rin sina Khevin at Alexis. "May posibilidad na may malaking bahagi sa buhay namin si Christoff," Nakatingin na sa mga larawang nakalatag sa lamesa si Agatha. Mga larawang kuha ng kaniyang private detective. "Malaki, maaaring anak din siya ng iyong papa." Opinyon ni Tristan. "At naghahabol siya sa mga ari-arian ng Mondragon?" "Posible-" Tumango si Tristan. "Ngunit sa pagkakakilala ko kay Uncle Seve hindi niya ipagkakait iyon sa kaniyang anak. Ngunit kung naipahanap ka niya, bakit hindi niya ipinahanap si Christoff?" "Tris, paano kung hindi niya pala alam o natuklasan man lang na may iba pa siyang anak maliban sa'kin?" Naguguluhang saad ni Agatha. "Imposible, matalino at maimpluwensya ang iyong papa Agatha. Kailangan mong
"Mommy!" Tinig ni Kheanne na nagpamulagat kay Agatha, awtomatikong napalingon sila ni Khevin sa bata na nagtataka kung bakit sila naghahalikan ng hindi nito nakikilalang ama. Napatakip ng palad sa bibig si Alexis, kinikilig na nagpipigil lang na hindi mapabungisngis. "A-anak kanina ka pa ba?" Pinamulahan ng mukha si Agatha na sinulyapan si Khevin. Gusto niyang lapirutin ang dimples ng ama ni Kheanne dahil sa hiya sa anak. "Bakit kinikiss mo ang mommy ko? Ikaw ba ang daddy ko?" inosenteng tanong nito. Napaawang ang bibig ni Agatha saka mabilis na umiling. "Kheanne!" Natatawang ginulo ni Khevin ang buhok ng hindi nakikilalang anak. "Gusto mo ba akong maging daddy?" "Ayeeehhh!" tudyo ni Alexis, pinandilatan ito ni Agatha saka binalingan ang yaya nito na dalhin na ang anak sa kwarto nito. "Mommy, pwede bang mamaya na po?" Magalang nitong pakiusap, sumilay ang dimples nito sa pisnge pati ang pagkakaroon ng biloy ay naman nito sa ama. "Kheanne-" "Agatha, hayaan mo na
MALAWAK NA BAKURAN, maaliwalas ang kapaligiran at napapalibutan ng nagtataasang Pine Tree ang semi-bungalow white house na pag-aari ni Christoff Tamayo. Ngunit kumpara sa mansyon sa Villa Agatha ay mas maliit pa rin itong maituturing. Napansin agad ni Agatha na mahilig sa orchids ang nakatira rito, tila orchidarium ang malawak na hardin na may iba't ibang variety ng hanging plants. Impressive ang kabuuan, nakakarelax ang ambiance ng bakuran nito. Umikot pa ang paningin ni Agatha, naghahanap ng mapagkukunan ng dagdag impormasyon at pagkakakilanlan sa tunay na pagkatao ng nagkumbida sa kaniya upang saluhan ito sa isang hapunan. Nagkalat ang ilang mga tauhan ni Christoff, tila hindi mabuti ang kapangahasan ni Agatha na paunlakan ito sa imbitasyon nito dahil mas pinili niyang pumuntang mag-isa ayon sa plano nila ni Tristan. Hindi kotse kundi si Apollo ang sinakyan ng heredera. Gustong matawa ni Agatha nang mapapalatak si Alexis kanina nang makita siya nito bago umalis ng Mansyon.
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua