TINAPUNAN ng pilit na ngiti saka tinaasan ng kaliwang-kilay ni Agatha ang kapatid na si Alexis. Kabaligtaran ng inaasahan niya hindi nito ipinilit na siya ang ate nitong si Agatha Buenamente. Bumati at ngumiti lang ang bunso niyang kapatid habang natutulalang nakatitig kay Tristan. Gusto niyang sabunutan ang kapatid, haharot pa yata. Mataman namang nakamasid lang si Khevin, pero dama pa rin ng heredera na nakikiramdam lang ito. "Ipinagmamalaki ko kasi kay Alexis ang Villa Agatha, ipagpaumanhin mong napasyal na naman ako saiyong hacienda. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang ganda ng lugar mo." Titig na titig sa mukha ni Agatha na saad ni Khevin. "Okey lang," sagot ni Agatha na bahagyang sinulyapan si Tristan na halatang naiirita na kay Alexis. Napakunot-noo si Agatha, nagpipigil na irapan ang bunsong kapatid. "Ngayon lang ba nakakita ng gwapo ang kapatid mo?" May diing bulong ni Tristan kay Agatha. Pinigilan ni Agatha ang sarili na hindi mapahagikgik, sa halip ay pasimpleng kini
"IMBITASYON?" Kumunot ang noo ni Agatha, saka tinanggap ang iniabot na sobre ng tauhan. "Mukhang ito na ang tamang pagkakataon, Agatha." saad ni Tristan. "Maging maingat ka lang."Tumango si Agatha saka tinanaw mula sa di kalayuan ang mga bisita. Nasa Mansyon pa rin sina Khevin at Alexis. "May posibilidad na may malaking bahagi sa buhay namin si Christoff," Nakatingin na sa mga larawang nakalatag sa lamesa si Agatha. Mga larawang kuha ng kaniyang private detective. "Malaki, maaaring anak din siya ng iyong papa." Opinyon ni Tristan. "At naghahabol siya sa mga ari-arian ng Mondragon?" "Posible-" Tumango si Tristan. "Ngunit sa pagkakakilala ko kay Uncle Seve hindi niya ipagkakait iyon sa kaniyang anak. Ngunit kung naipahanap ka niya, bakit hindi niya ipinahanap si Christoff?" "Tris, paano kung hindi niya pala alam o natuklasan man lang na may iba pa siyang anak maliban sa'kin?" Naguguluhang saad ni Agatha. "Imposible, matalino at maimpluwensya ang iyong papa Agatha. Kailangan mong
"Mommy!" Tinig ni Kheanne na nagpamulagat kay Agatha, awtomatikong napalingon sila ni Khevin sa bata na nagtataka kung bakit sila naghahalikan ng hindi nito nakikilalang ama. Napatakip ng palad sa bibig si Alexis, kinikilig na nagpipigil lang na hindi mapabungisngis. "A-anak kanina ka pa ba?" Pinamulahan ng mukha si Agatha na sinulyapan si Khevin. Gusto niyang lapirutin ang dimples ng ama ni Kheanne dahil sa hiya sa anak. "Bakit kinikiss mo ang mommy ko? Ikaw ba ang daddy ko?" inosenteng tanong nito. Napaawang ang bibig ni Agatha saka mabilis na umiling. "Kheanne!" Natatawang ginulo ni Khevin ang buhok ng hindi nakikilalang anak. "Gusto mo ba akong maging daddy?" "Ayeeehhh!" tudyo ni Alexis, pinandilatan ito ni Agatha saka binalingan ang yaya nito na dalhin na ang anak sa kwarto nito. "Mommy, pwede bang mamaya na po?" Magalang nitong pakiusap, sumilay ang dimples nito sa pisnge pati ang pagkakaroon ng biloy ay naman nito sa ama. "Kheanne-" "Agatha, hayaan mo na
MALAWAK NA BAKURAN, maaliwalas ang kapaligiran at napapalibutan ng nagtataasang Pine Tree ang semi-bungalow white house na pag-aari ni Christoff Tamayo. Ngunit kumpara sa mansyon sa Villa Agatha ay mas maliit pa rin itong maituturing. Napansin agad ni Agatha na mahilig sa orchids ang nakatira rito, tila orchidarium ang malawak na hardin na may iba't ibang variety ng hanging plants. Impressive ang kabuuan, nakakarelax ang ambiance ng bakuran nito. Umikot pa ang paningin ni Agatha, naghahanap ng mapagkukunan ng dagdag impormasyon at pagkakakilanlan sa tunay na pagkatao ng nagkumbida sa kaniya upang saluhan ito sa isang hapunan. Nagkalat ang ilang mga tauhan ni Christoff, tila hindi mabuti ang kapangahasan ni Agatha na paunlakan ito sa imbitasyon nito dahil mas pinili niyang pumuntang mag-isa ayon sa plano nila ni Tristan. Hindi kotse kundi si Apollo ang sinakyan ng heredera. Gustong matawa ni Agatha nang mapapalatak si Alexis kanina nang makita siya nito bago umalis ng Mansyon.
"GUSTO kong mapag-isa," bungad ni Agatha pagdating sa mansyon. "Agatha?" Ani Tristan na hindi pinansin ng heredera. Nanatili na lang itong nakamasid. Tahimik na tinungo niya ang silid ng ama. Mag-iimbestiga siya, hindi sapat ang mga impormasyon na nakakalap niya. Tila may kulang, tila isang puzzle na nawawala ang ilang bahagi. Humugot muna ng malalim na hangin si Agatha saka inumpisahang buksan ang naglalakihang drawer at cabinet na nasa silid ni Don Sylvestre. Mga lumang dokumento, papeles at iba pa. Saan siya magsisimula? Nahigit niya ang paghinga nang makita ang mga photo album ng pamilya. Isa-isa niyang binuklat, halos nakita niya na rin ang mga nasa larawan, ipinakita na ng ama noong nabubuhay pa ito. Humipak ng vape si Agatha, mas lumalala ang pagiging vaper user niya kapag malalim ang iniisip. Napatitig siya sa wall na napapalamutian ng iba't ibang painting. Abstract lover ang kaniyang papa, milyon ang halaga ng bawat painting na naroon na nabili pa sa ibang bansa.
"HINDI ka rin ba makatulog?" Tinig na nagpapitlag kay Agatha, hindi pala siya mag-isa. Nilingon niya si Khevin na komportableng nakaupo. Umiling si Agatha saka muling tinanaw ang malawak na bakuran ng mansyon. "Marami akong iniisip," saad ng heredera. Bakit ba pakiramdam niya ay nakakagaan sa pakiramdam ang presensya nito? Tumayo na ito at nilapitan siya mula sa pagkakatayo. Nahigit ni Agatha ang paghinga, langhap niya na ang mabangong katawan ni Khevin. Parang gusto niyang humilig sa balikat nito. "Agatha, seryoso ako gusto kitang maging girlfriend." Iniharap na siya nito. "Bakit?" "Bakit? Agatha, gusto kita gustong-gusto kita." sinsero nitong saad. Sarkastikong ngumiti si Agatha saka iniwas ang paningin. "Dahil may pera ako, mayaman, maimpluwensya?" Natigilan si Khevin, nagtagis ang bagang. "Dahil kaya kong tapatan at higitan ang kayamanan mo?"Nagsalubong ang kilay ni Khevin. "Dahil ang gaya ko, pandisplay sa alta-sosyedad na kinabibilangan mo?" "Hindi!" may diing sagot n
"MAY ngiti sa labi na lumabas ng silid si Agatha, hinayaan niya na munang makapagpahinga si Khevin. Mahimbing pa itong natutulog at nakabuo na siya ng isang desisyon ipapakilala niya na ito kay Kheanne. "Good morning!" bungad ni Tristan. "Good morning!" ganting bati ni Agatha sa pinsan. Kapansin-pansin ang kakaiba niyang sigla. Ikaw ba naman ang madiligan, pilya niyang biro sa sarili. "Good talaga ang morning, Agatha." ani Tristan. Nagtatanong ang mga mata ng heredera na itinaas ang kaliwang-kilay. "Mukhang malapit na tayo sa kasagutan ng iyong mga tanong," Napaawang ang bibig ni Agatha saka napangiti, ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon. "May isang taong nakakaalam ng misteryo ng pagkatao ni Crisanta Tamayo." saad ni Tristan. Sa wakas! Ani ng isip ni Agatha.Humigop lang ng mainit na tsokolate si Agatha saka naghanda na upang umalis. Pupuntahan nila ni Tristan ang taong nahanap ng private investigator na nakakaalam ng pagkatao ng ina ni Christoff.BINABAGTAS ng La
"Wala man lang clue?!" inis na bulalas ni Agatha na nilingon ang pinsan. Umuwi lang sila kanina sa mansyon upang kumain at pagkatapos ay tinungo na ang kabilang-bahagi ng hacienda. "Ano ba kasing clue ang hinahanap mo Agatha, wala ka sa Treasure Hunting Journey," naiiling na sagot ni Tristan. Malawak na lupain na may organisadong pataniman ng lansones at sinigwelas. Nagtatayugang puno ng mahogany na nakahanay sa bakod ng hacienda na pinaka-boundary nito sa karatig na farm. Ang pagitan ng farm ni Christoff Tamayo at ng hacienda ng Mondragon. "Wala nga, pero hindi mo ba naiisip na baka may ibinaon na kahit anong valuable items ang Lola Esmeralda sa bahagi na 'to kaya interesado si Christoff?" ani Agatha na kumindat sa pinsan. "Kaka-movie marathon mo 'yan, Agatha. Nasa reyalidad ka." naiiling na sagot ni Tristan. Pinagsalikop ni Agatha ang mga braso na tinanaw ang malawak na lupain. "Maglakad-lakad pa tayo sa banda roon!" utos ni Tristan sa mga bodyguard ng heredera."Anong special