BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
"SA KATAPUSAN na kita babayaran ng buo." Napatingin sa inilapag niyang pera sa lamesa ang may edad ng kasera. "Mahiya ka naman! Mag-uuwi ka ng lalake sa pamamahay ko tapos gagawin mong installment ang renta?!" Tumaas ang kaliwang-kilay ni Aling Guada saka nameywang. "Kapag nagising 'yan, babayaran na din ako n'yan." Sinulyapan ni Agatha ang nahihimbing na lalake sa kama. Gwapo at mukhang mayaman ang costumer niya. Kaya niya lang naman iniuwi dahil hindi na nito kayang magmaneho pa dahil sa kalasingan. "O, siya! Mamaya ha! Kundi palalayasin na kita." Humakbang na ito palabas ng bahay. Sinundan ito ng tingin ni Agatha saka napailing, ilang beses na ba itong nagbanta na palalayasin siya pero nabubusalan niya ang bibig nito ng pera. Walker siya sa isang Club, escort service, sa madaling-salita "PROSTITUTE". Twenty-five lang si Agatha pero bihasa na sa kalakaran ng buhay-pariwara at pagbebenta ng aliw. "C-coffe please-" masarap sa pandinig ang baritonong tinig ng lalakeng iniuwi niya
NAPAPALATAK si Agatha, Prinsipe pa yata ang lalakeng kliyente. Nakakalula ang marangya at modernong mansyon na pinagdalhan sa kaniya nito na sa mga pelikula niya lang nakikita. Sinampal na naman siya ng kahirapan sa buhay."Makakaalis ka na," pagtataboy nito. Matapos siyang abutan ng tseke. Sumenyas ito sa mga naka-uniform na mga katulong na igiya siya palabas ng mansyon. "Teka-" Protesta niya, saan siya sasakay? At ano mamamasahe ba siya gamit ang tsekeng ibinayad nito? "Pagod ako, bayad ka na." Malamig at parang nandidiri na itong kausapin pa siya. "Ipahatid mo kaya ako, dami-dami mong car." Irap niya rito. Nakita niya sa malawak na garahe ang mga mamahaling sasakyan nito. "Hindi ako nagpapasakay ng basura sa sasakyan ko." Malumanay nitong pang-iinsulto. Tumalikod na ito. Gigil na sinundan ito ng tingin ni Agatha. Matapobre! Pero sanay na siya sa mga ganitong pang-iinsulto. Mabastos, pandirihan. "This way po," Magalang ang katulong nito, buti pa 'yung katulong. Aniya sa isip.
"K-KATULONG?! Tapos gan'yan ang ayos mo?" Pinasadahan ni Ligaya ng tingin mula ulo hanggang paa si Agatha. Talaga ba? Mamamasukan na katulong? Biglang nagdesisyon na aalis na sa Club para umiba ng landas. Naka knitted-dress na bodycon na may mahabang slit mula sa gitnang-hita. Nakahigh-heels pa ang lukaret na akala mo dadalo ng isang special event. Himalang maayos ang pagkakamake-up. Lumutang ang ganda ni Agatha. Walang makapagsasabing isa siyang prostitute sa ayos niya ngayon? "Nangangailangan si Mr. Tolentino ng maid mag-aapply ako." Parang pupunta lang sa palengke na saad nito, umupo at idinekwatro ang dalawang mahahabang binti."At sino naman 'yun?!" Irap nito. Iniisip nito na isa sa mga parokyano sa Club. "Yung gwapong nakitulog dito." Nakangiti niyang pagkukwento. Nanlaki ang mga mata ni Ligaya. "Si Pogi?!" Na-excite na itong napakagat-labi. "Yummy 'yun ah! Sige, mag-apply ka na, now na bakla!" Pagtataboy nito, sabay silang napahalakhak ni Agatha. "Pinayagan ka ba ni Madam M
"HINDI mo kayang bayaran 'yan, kaya 'wag mo ng hawakan baka mabasag mo pa." Kalmado pero may diing turan ni Mr. Tolentino. Napaawang ang bibig ni Agatha. Hindi naman kagandahan ang glass figurine na hindi niya pa maintindihan ang disenyo pero mamahalin? Talaga ba?"Sa Italya ko pa nabili 'yan." Nilampasan nito si Agatha. Nalanghap ni Agatha ang Men's perfume na gamit nito na tila lalong naging mas mabango dahil nasa katawan nito."Ayoko ng inuulit ang mga sinasabi ko." Nang malingunan nitong hawak pa ni Agatha ang figurine. Mabilis namang ibinalik ni Agatha sa estante, saka inirapan ang dekorasyon na para sa kaniya ay pangkaraniwang palamuti lang. "Milyon ang halaga niyan-" bulong ni Ashley na nakalapit na pala. "M-milyon?!" "Hampas-lupa ka kasi kaya di mo alam 'yun." Inirapan pa ni Ashley ang dalaga na akala mo hindi niya ito kapantay sa estado ng buhay. "Medyo makapal ka sa part na sa'yo pa galing ang salitang hampas-lupa 'no?" Ganting-irap ni Agatha. Lamang siya kung pagmumukh
PABUKAKANG nakaupo si Agatha, sinasadyang ipasilip ang perlas ng silangan. Tanaw niya buhat sa 'di kalayuan si Mr. Tolentino na papalapit sa kinaroroonan niya, nakakunot ang noo habang inis na tinitingnan siya. Mababang neckline na nakadungaw ang Mount Apo na halos ipagladlaran niya na sa paningin ng gwapong Boss. "Baka gusto mo ng maghubad, ganon din naman." Asik nito. Ang luwang ng ngiti ni Agatha. "Sige Sir," Akmang huhubarin niya na ang pang-itaas na suot. "Wala ka ba talagang delikadesa sa katawan?!" Galit na singhal nito. "Sir naman, sumusunod lang ako sa gusto n'yo." Paninisi niya rito. Ngumiwi ito saka naiiling na nilampasan ang dalaga. "So, pathetic!" "Sir Khev!" Tawag niya rito na lumingon naman. "What?!" "Kapag gusto n'yo itong makita ipatawag n'yo lang ako ha." Matamis na ngumiti si Agatha. "What the hell-" Napapantastikuhan talaga siya sa kalandian ng katulong. Malala pa sa pinaka-malala. "Sir?" "Hindi ako pumapatol sa mababang uri ng babae." Malamig ang mga
UMIIKOT ang mundo ni Khevin Tolentino sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga magulang. Lima silang magkakapatid at walang hilig sa negosyo ang apat niyang mga kapatid na may kani-kaniya ng buhay sa abroad at matagumpay na din sa larangan ng mga piniling propesyon at career. Naiwan sa kaniya ang pamamahala sa naglalakihang Hotels sa Baguio at ilang Travelling Agency na nasa iba't ibang panig ng bansa. "Kuya, uuwi lang ako kapag ikakasal ka na." Ani Scarlet sa kabilang-linya, fashion-designer sa New York ang bunso nilang kapatid. "Soon," naiinis niyang sagot. Palibhasa may asawa na ang dalawang sumunod sa kaniya at kapwa-may mga anak na. Sa edad niyang beinte-nuebe, ano nga ba ang inaasahan ng pamilya niya kundi lumagay na sa tahimik?"Magpropose ka na kasi kay Cassandra." Umikot ang eyeball nito saka itinaas ang hawak na kopita ng champaigne. "Ang aga mong mag-alak, Scarlet!" Sita ni Khevin, over-protective silang lahat sa nag-iisang Princesa ng mga Tolenti