PABUKAKANG nakaupo si Agatha, sinasadyang ipasilip ang perlas ng silangan. Tanaw niya buhat sa 'di kalayuan si Mr. Tolentino na papalapit sa kinaroroonan niya, nakakunot ang noo habang inis na tinitingnan siya. Mababang neckline na nakadungaw ang Mount Apo na halos ipagladlaran niya na sa paningin ng gwapong Boss.
"Baka gusto mo ng maghubad, ganon din naman." Asik nito.Ang luwang ng ngiti ni Agatha."Sige Sir," Akmang huhubarin niya na ang pang-itaas na suot."Wala ka ba talagang delikadesa sa katawan?!" Galit na singhal nito."Sir naman, sumusunod lang ako sa gusto n'yo." Paninisi niya rito.Ngumiwi ito saka naiiling na nilampasan ang dalaga."So, pathetic!""Sir Khev!" Tawag niya rito na lumingon naman."What?!""Kapag gusto n'yo itong makita ipatawag n'yo lang ako ha." Matamis na ngumiti si Agatha."What the hell-" Napapantastikuhan talaga siya sa kalandian ng katulong. Malala pa sa pinaka-malala."Sir?""Hindi ako pumapatol sa mababang uri ng babae." Malamig ang mga tingin na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.Tila manhid naman si Agatha na tumawa pa. Lalo lang siyang natsa-challenge na makuha ang pagkalalake nito."Talaga ba Sir?" Pilya niyang paghahamon. Mabilis na naghubad ng damit. Itinira ang panloob. Napangiti siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa maalindog at makinis niyang kabuuan. Pero mabilis itong nakabawi na napailing."Hindi ako nagtityaga sa tira-tira ng ibang lalake! Hindi ang gaya mo." Tuluyan na itong umalis. "Magdamit ka na, nakakasuka!"Unang beses na tila nakadama ng pagkainsulto si Agatha. Isinusumpa niya sa sarili, magiging Misis Tolentino siya sa loob ng anim na buwan. Pagsisikapan niyang maakit ang masungit na Boss.MABILIS na rumehistro ang inis sa gwapong mukha ni Khev nang bumungad sa kaniya ang mukha ng nakangiting si Agatha. Napabilis ang pagkuskos ng tuwalya sa basang-buhok dahil kalalabas niya lang ng banyo at katatapos lang maligo."Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ni Khevin, araw-araw ba siyang bubwesitin ng malanding katulong na 'to?"Sir, breakfast in bed!"Naiiling na tinapunan ito ng masamang-tingin ni Khev."Wala akong iniutos na ganyan. Ilabas mo na 'yan magbibihis ako."Nanatiling nakatayo si Agatha habang hawak ang tray ng pagkain. Tila nahihipnotismong nakatitig sa binatang boss."Bingi ka ba?!" Nauubusan na ng pasensya na asik ni Khevin rito."H-hindi ako bingi Sir, nag i-enjoy lang." Pilyang nginitian ito ni Agatha habang tila natatakam na nakatitig sa katawan ng Boss."Ah! Ito ba?" Iritableng tinanggal nito ang maliit na piraso ng telang nakatakip sa pang-ibaba bahagi ng katawan nito. Baka sakaling tumigil na ito sa pagpapantasya na papatulan niya.Napalunok ng tuyong-laway si Agatha. Tama nga ang hinala niya, walang suot na panloob si Mr. Tolentino. Nakalantad na sa harapan niya ang pag-aari nito. Sakto ang sukat, maganda ang hugis. Tantiya niya ay six to seven inches kapag nagwala. Nakadama siya ng pagkasabik, "What if?" maghumindig? Sheettt! Tapos subo-subo niya. Heaven!"Happy?" Sarkastikong tanong ni Khevin."P-patikim Sir-" Kinindatan ito ni Agatha saka pilyang nginitian. "Tapos isagad natin.""In your dreams!"Ang lakas ng tawa ni Agatha nang tila manghilakbot ito saka napangiwi. Naaaliw siyang pagmasdan ito kapag naiinis na. Tila lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya. Lalo tuloy siyang na-excite na maging asawa ang Bachelor-CEO na may masarap na sukat."ANG GANDA!" Bulalas at napaawang pa ang bibig ni Agatha. Mabilis na umikot ang paningin sa kabuuan ng malaki at marangyang opisina ni Mr. Tolentino. Maayos at organisado. Tumingin-tingin pa siya sa mga naggagandahang babasaging plaque na nasa malaking estante na naroon. Nasa tabi ng malaking sliding-door ang lamesa ng secretary nito na kanina pa nagtataka kung bakit naroon ang maid ng Boss nito?"A-anong ginagawa niyan rito?" Nagsalubong ang kilay ni Khevin."Sir, kasama ni Mang Emil eh. May mga dalang pagkain." Tukoy ng sekretarya sa personal driver nito."Sa susunod tawagan mo muna ako. Huwag basta nagpapapasok ng kung sinu-sino sa opisina ko." May diin ang tono nito, inis na sinulyapan si Agatha na manghang-mangha sa nakikita. Napailing si Khevin, ngayon lang siya nakakita ng ganito katanga na babae. Naghubad pa ito ng sapatos at iniwan sa labas ng opisina."Hi Sir Khev!" Tuwang-tuwa ito nang malingunan siya."Bumalik ka na sa Mansyon." Utos niya rito. Lalo niyang nakikita ang katangahan nito nang isa-isang pindutin at haplusin ang mga cute na figurine sa sulok ng silid."Sir, i-promote mo naman ako oh!" Eksayted nitong bulalas."I-promote?!""Gawin mo na lang akong secretary."Naiinis na tinitigan siya ni Khev, sa lahat naman ng malandi itong katulong niya ang may pinaka-makapal ang pagmumukha."Anong alam mo sa pagiging secretary? Baka hindi ka nga marunong magbasa." Asik niya rito na umupo na sa swivel chair."Sir, nakapag-aral ako. Nagvocational ako, secretarial." Mayabang na nagtaas pa ng kabilang-kilay si Agatha. Totoo naman 'yun. Working student siya."Ayoko ng bobo sa opisina ko.""Hindi ako bobo Sir. Sige, sanayin mo na lang ako sa buhay opisina, saka mo ako pakasalan." Seryosong saad ni Agatha. Nakita niya na lalong nairita ang gwapo nitong mukha. Naaaliw talaga siya kapag nakikita niyang kumukulo ang dugo nito. Lalong nagiging yummy Pafa sa paningin niya."Mang Emil!" Baling nito sa driver na kapapasok lang. "Iuwi mo na 'to sa Mansyon. Sa susunod si Aling Lydia na ang isama mo rito."Tumango naman ang driver at mabilis na iginiya si Agatha palabas ng opisina hanggang makarating sa lobby ng building. Gustong magdabog ni Agatha pero baka naman ipapulis na siya ng Boss niya dahil halatang nagtitimpi na lang ito at malapit ng bumuga ng asupre dahil sa inis."Ayaw ni Sir ng makulit, Agatha." Paliwanag ng driver habang nasa sasakyan."Kahit maganda?""High profile ang nilalandi mo. Hindi ka papatulan." Saad nito saka itinuon ang atensyon sa minamaneho."Wala ba siyang girlfriend?" Curious niyang tanong."Ang alam ko, meron supermodel sa New York, maganda, mayaman, edukada."Nakadama ng inggit ang dalaga, basura pala talaga siya kung ikukumpara sa katangian na gusto ng lalakeng pinapangarap na mapangasawa. Pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Hindi ang gaya niya ang basta sumusuko sa laban. Pinipiliahan siya sa Bar at laging star of the night. Babaguhin niya ang mundo niya sa tulong ni Mr. Tolentino.UMIIKOT ang mundo ni Khevin Tolentino sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga magulang. Lima silang magkakapatid at walang hilig sa negosyo ang apat niyang mga kapatid na may kani-kaniya ng buhay sa abroad at matagumpay na din sa larangan ng mga piniling propesyon at career. Naiwan sa kaniya ang pamamahala sa naglalakihang Hotels sa Baguio at ilang Travelling Agency na nasa iba't ibang panig ng bansa. "Kuya, uuwi lang ako kapag ikakasal ka na." Ani Scarlet sa kabilang-linya, fashion-designer sa New York ang bunso nilang kapatid. "Soon," naiinis niyang sagot. Palibhasa may asawa na ang dalawang sumunod sa kaniya at kapwa-may mga anak na. Sa edad niyang beinte-nuebe, ano nga ba ang inaasahan ng pamilya niya kundi lumagay na sa tahimik?"Magpropose ka na kasi kay Cassandra." Umikot ang eyeball nito saka itinaas ang hawak na kopita ng champaigne. "Ang aga mong mag-alak, Scarlet!" Sita ni Khevin, over-protective silang lahat sa nag-iisang Princesa ng mga Tolenti
"INADD mo sa facebook ang kapatid ko?" Naiiling na huminto sa pagkain si Khevin. Nakangiting tumango si Agatha. "Gusto mo Sir, pati ikaw?" Nagsalubong ang kilay ni Khevin at inis na tiningnan ang dalaga."Boss mo ako, at isa pa hindi ako gumagamit ng social media." asik ni Khevin rito. "Talaga Sir?! Eh, sino ito?" Ipinakita ni Agatha ang socmed account nito na "Tolentino Khevin". "Ini-stalk mo ba ako?" Tumango si Agatha."Add kita Sir, sige na please..." "Tigilan mo ako." Naiiling na tinapos na ni Khevin ang pagkain at tumayo para pumasok sa opisina. Nakadama ng panghihinayang si Agatha, tiyak maghapon na naman niya itong hindi makikita. Pero nakakailang hakbang pa lang ito, lumingon ito. "Magbihis ka, samahan mo ako sa opisina." Mariing utos nito na nagpaingos kay Ashley na papalapit sa kanila. Inirapan ito ni Agatha saka tinapunan ng ngiting tagumpay.Nakaupo siya sa tabi nito habang nasa loob ng sasakyan, tahimik lang naman ito at nakasuot ng shades kaya hindi alam ni Agatha
HINDI magkandaugaga si Agatha sa dami ng pinabitbit na gamit ni Khevin. Gustong-gusto talaga siyang pahirapan ng binata, tila naaaliw pa itong pagmasdan ang katulong na halos madapa na. "Sir, tulungan ko na ho si Agatha." Boluntaryong saad ng driver. "Hayaan mo siya," sagot ni Khevin. Tumango na lang ang driver na hinintay na makapasok sa loob ng kotse ang dalaga. "Sir, bukas ulit isama mo ako ha!" Nakangiting saad ni Agatha nang makaupo na sa tabi ng amo. Naiiling na sinulyapan ni Khevin ang dalaga na parang natuwa pang nahirapan. "Sir?" Pangungulit ni Agatha. "Ayoko ng makulit Agatha," malamig na asik ni Khevin rito. Hindi na nga napapagod sa pangungulit, napakadaldal pa. Aniya sa isip. Pero natuwa siya ng konti na maayos na itong magdamit at hindi na mukhang kalapating mababa ang lipad. Kung hindi niya marahil alam ang pinagmulan nito, iisipin niyang disenteng hampas-lupa. "Sir-" untag ng dalaga. Inis na nilingon ito ni Khevin. "Ahm, pabale ng ten-thousand." Ani Agatha."Wh
MAS maayos ang OOTD ni Agatha nang magpaalam ito sa mayordoma ng mansyon para mag day-off, maging si Aling Lydia ay natuwa na hindi na revealing ang suot nito. "Kelan ang balik mo, Agatha?" Tinig na nagpalingon kay Agatha, saka napangiti ng maluwang. "Ay! Di pa ako nakakaalis Sir, miss mo na agad?" Ani Agatha saka pilyang nginitian ang amo. Bahagyang natigilan si Khevin, "Oo nga, bakit nga ba niya pinag-aaksayahan ng oras ang katulong?". Ngunit mabilis ding nakabawi. "Aling Lydia, kapag hindi nakabalik sa takdang-araw si Agatha sisantehin n'yo na." Mariing utos ni Khevin. Tumango lang ang mayordoma, lihim na napangiti. Dama niya na may kakaiba sa binatang-amo. "Sir Khev!" Tawag ni Agatha rito, ni hindi man lng ito lumingon. Umingos si Agatha, sinadya niya pa namang maging simple kahit iritable na siya sa suot niyang simpleng t-shirt at skinny-jeans. Hindi ito ang Agatha na "Apple of the eye" ng Club na pinipilahan ng mga lalakeng natatakam sa kaniyang alindog. Binago niya ang pana
"IPASOK mo na lang kaya ako sa Mansyon," ani Ligaya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng ayos ni Agatha. "Anong meron?" Itinaas ni Agatha ang binti at ipinatong sa upuan. "Bakla, mukha ka ng matinong babae alam mo ba 'yun!" tili nito. Naiiling na itinali ni Agatha ang may kulay na buhok."Kukunin kita kapag Misis Tolentino na ako." Saad ng dalaga saka naghitit-buga ng usok mula sa vape. "Hindi mo pa ba nasisilo ang puso ni pogi?" Natigilan si Agatha, aminadong hindi talaga umuubra ang kalandian niya sa binatang CEO. "Bumalik ka na lang kaya sa Club, mas malaki naman ang kinikita mo sa mga suki mo." ani Ligaya. Napabuntong-hininga si Agatha, kahit naman yata buong-buhay siyang chum*pa ng lato-latong kulubot hindi niya pa rin matatapos bayaran ang pagkakautang nila kay Madam Magda. Baon sa utang ang pamilya niya rito, sugarol kasi ang kuya Oliver niya at isinanla nito ang titulo ng lupa nila rito. Ang itay niya, matagal ng nakaupo sa wheelchair mula ng ma-stroke dahil sa
ABALA ang lahat sa mansyon, may bisita kaya mas dinoble pa ang pagsisipag ng mga katulong maliban kay Agatha na relax at nakangiti pa. Dapat mas maganda siya ngayon. Nag-ayos siya, nagpahid ng liptint at eyeshadow, blush-on na pangmalakasan. Kailangan niyang palutangin ang kakaibang ganda. "Agatha, nagmake-up ka ba?" Kumunot ang noo ni Aling Lydia nang iabot sa kaniya ang tray ng pagkain ng Boss. "Aling Lydia naman, wala ho ito hindi ho ako nag-ayos man lang," Aniya kahit halata naman dahil putok na putok ang blush-on. "Magbehave ka ha, baka mapahiya si Sir Khevin sa bisita niya," paalala nito saka napailing. Pilyang kinindatan ito ni Agatha. Kilala na siya ng mayordoma na likas ang kakulitan, masisisi niya ba ito? Eh, likas naman talaga siyang masama. Gusto niyang mapangiti sa sarili. Masama bang mangarap para sa kinabukasan ng pamilya? Kailangan niyang matuto ng kagandahang-asal kahit hindi siya sanay. Marahan siyang kumatok sa pinto ng library room ng Boss. Wala siyang narinig
"AGATHA!" may diin na saad ni Khevin, umupo na kasi ang dalaga sa upuang nasa harap ng dalawang kaibigan. Komportable na tila katropa lang. "No, it's alright Khev. Mas gusto pa nga namin na mas makilala siya." sagot ni Exodus na halatang natipuhan agad si Agatha. Nginitian ni Agatha si Khevin. "Sir naman, gusto ko naman s'yempre makilala ang mga friends mo." "What?!" Naiiling na humugot ng malalim na hangin si Khevin. Napangiti ang dalawa niyang kaibigan. Naiinis siya sa malalagkit na tingin at sulyap ng mga ito kay Agatha, na tila gustong-gusto naman ng katulong niya. Parang gusto niyang hilain si Agatha palayo at yugyugin ng matauhan, ang landi kasi. "Alam mo Sir Atom, kung hindi mo naitatanong-" natigilan si Agatha nang mapansing parang bubuga na ng asupre ang amo niya. "Sir Khev, nagseselos ka ba?" prangkang tanong ni Agatha, napahalakhak sina Atom at Exodus dahil sa tinuran ng dalaga napatingin kay Khevin at naaliw sa nakikitang pagkayamot nito sa dalaga. "Agatha, please
"HINDI nagkakasakit ang isang Agatha Buenamente." Saad ni Agatha sa sarili bago tuluyang nawalan ng malay. Mahihimatay na lang dahil sa panghihina at mataas na lagnat, pero mas mataas pa rin sa pangarap niya ang pride niya. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya ngunit binabalewala niya.Natatarantang inalalayan siya ng mga kapwa-katulong na maihiga sa folding-bed na naroon. Inaapoy ng lagnat si Agatha at paos na ito dahil sa malalang ubo. Mabilis nilang tinawag si Aling Lydia. "Dadalhin natin siya sa ospital."Sa gitna ng pagdedeliryo ay tumanggi ang dalaga, ayaw niya magpa-injection at ayaw niya ng lasa ng ano mang gamot. "Agatha, ayaw ni Sir Khevin ng matigas ang ulo." ani Aling Lydia habang nilalagyan ng bimpo ang noo niya. Balot na balot ng kumot ang dalaga. Si Sir Khevin ang kailangan ko hindi gamot-" anas ni Agatha sa gitna ng pagdedeliryo. Nailing na napangiti ang ilang kasambahay. Hindi lingid sa lahat na pinagpapantasyahan nito ang Boss nila. "Mamamatay na ambisyosa pa
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua