"K-KATULONG?! Tapos gan'yan ang ayos mo?" Pinasadahan ni Ligaya ng tingin mula ulo hanggang paa si Agatha. Talaga ba? Mamamasukan na katulong? Biglang nagdesisyon na aalis na sa Club para umiba ng landas. Naka knitted-dress na bodycon na may mahabang slit mula sa gitnang-hita. Nakahigh-heels pa ang lukaret na akala mo dadalo ng isang special event. Himalang maayos ang pagkakamake-up. Lumutang ang ganda ni Agatha. Walang makapagsasabing isa siyang prostitute sa ayos niya ngayon?
"Nangangailangan si Mr. Tolentino ng maid mag-aapply ako." Parang pupunta lang sa palengke na saad nito, umupo at idinekwatro ang dalawang mahahabang binti."At sino naman 'yun?!" Irap nito. Iniisip nito na isa sa mga parokyano sa Club."Yung gwapong nakitulog dito." Nakangiti niyang pagkukwento. Nanlaki ang mga mata ni Ligaya."Si Pogi?!" Na-excite na itong napakagat-labi. "Yummy 'yun ah! Sige, mag-apply ka na, now na bakla!" Pagtataboy nito, sabay silang napahalakhak ni Agatha."Pinayagan ka ba ni Madam Magda?" Tili nito."Pagod na ang bibig ko sa ka******* ng lato-latong kulubot Igyang! Gusto ko ng makapag-asawa ng CEO." Nag-aambisyon na itinaas nito ang kaliwang-kilay."Eh, 'yang k***** mo pagod na din kaya-"Natigilan si Agatha. Saka pilyang napangiti. Magiging puhunan niya para sa lalakeng pinupuntirya."Teka, p'ano mo nalaman ang pangalan?" Nagtatakang tanong ni Ligaya.Inilapag ni Agatha ang hawak na magazine na nakuha sa salon kung saan siya nagpa glow-up ng bongga. Nasa cover ng magazine ang Bachelor-CEO ng Tolentino Corporation. Nagmamay-ari lang naman ng naglalakihang Hotels sa Baguio City ang suplado at matapobreng naging costumer na ni hindi niya man lang nasilip ang tar*go. Kung dati'y tanggap niya ng mabubulok na siya sa Club, ngayon hindi na. Bumuo na siya ng pangarap, pangarap na mapangasawa ng isang mayamang negosyante."YOU'RE HIRED!" Ganon kabilis. Kasalukuyan na siyang nasa Mansyon ni Mr. Khevin Tolentino.Sumilay ang pinong-ngiti sa labi ni Agatha, palihim na nagbunyi ang kalooban."Magpalit ka na ng damit." Iniabot ng mayordoma ng Mansyon ang uniporme ng katulong."S-salamat po," Sinisikap niyang magmukhang mabait at mahinhin sa paningin ng kaharap. Umalis na ito sa harapan niya matapos ipaliwanag ang mga gagawin."Ikaw ang maglilinis ng pool pati hallway, marunong ka ba?" Tinig ng isang katulong, nilingon ito ni Agatha."Mukha bang hindi?" Tumaas ang kaliwang-kilay niya."Hindi," palaban nitong irap.M*****a spotted. Sa isip niya. Uso pala dito hindi lang sa Club. Umikot ang paningin niya sa malawak na kabuuan ng Mansyon. Anong oras kaya makikita si pogi?"Nasa out of town si Sir, pero ngayon ang uwi," Paliwanag nito nang makitang tila may hinahanap siya."Alam ko, pangalan mo nga?" Kakaibiganin niya na lang ang impakta na ito para makakuha ng impormasyon."Ashley." Sagot nito.Matapos makapagpalit ng damit, nagsimula ng maglinis si Agatha. Mas madali palang ch***** kaysa magvacuum, aniya habang tagaktak ng pawis. Ginagalingan niya dahil napansin niyang may CCTV monitor sa bawat sulok ng Mansyon.Gusto niya ng tumalon sa swimming pool para pawiin ang pagod pero sa tamang panahon, kapag aakitin niya na ang Mr. Tolentino na 'yun."Masipag naman ang bagong katulong-" opinyon ni Lydia, ang Mayordoma. Nakatanaw sa abala na si Agatha. Kausap ang ilang katulong."Ewan lang ho ha, pero may kakaiba sa babaeng 'yan.""Hindi uubra ang kalokohan niya kay Boss." Sagot ni Ashley."Masyadong maganda at mukhang may itinatago."Nagdududa nitong saad.Tumahimik ang lahat nang maramdaman ang presensya ng sasakyan ng CEO ng Tolentino Corporation.Palihim na napangiti si Agatha nang matanaw ang paparating na gwapong CEO. Napalunok ng tuyong-laway. Bakit ba napaka-gwapo at mukhang masarap ang lalakeng ito? Inihanda niya ang pinaka-matamis na ngiti.Ngunit nang dumaan ito sa tapat niya, tila hindi man lang siya nito napansin. Tulad ng dati, hindi umuubra ang karisma niya sa suplado at cold CEO na gusto niyang akitin."HINDI mo kayang bayaran 'yan, kaya 'wag mo ng hawakan baka mabasag mo pa." Kalmado pero may diing turan ni Mr. Tolentino. Napaawang ang bibig ni Agatha. Hindi naman kagandahan ang glass figurine na hindi niya pa maintindihan ang disenyo pero mamahalin? Talaga ba?"Sa Italya ko pa nabili 'yan." Nilampasan nito si Agatha. Nalanghap ni Agatha ang Men's perfume na gamit nito na tila lalong naging mas mabango dahil nasa katawan nito."Ayoko ng inuulit ang mga sinasabi ko." Nang malingunan nitong hawak pa ni Agatha ang figurine. Mabilis namang ibinalik ni Agatha sa estante, saka inirapan ang dekorasyon na para sa kaniya ay pangkaraniwang palamuti lang. "Milyon ang halaga niyan-" bulong ni Ashley na nakalapit na pala. "M-milyon?!" "Hampas-lupa ka kasi kaya di mo alam 'yun." Inirapan pa ni Ashley ang dalaga na akala mo hindi niya ito kapantay sa estado ng buhay. "Medyo makapal ka sa part na sa'yo pa galing ang salitang hampas-lupa 'no?" Ganting-irap ni Agatha. Lamang siya kung pagmumukh
PABUKAKANG nakaupo si Agatha, sinasadyang ipasilip ang perlas ng silangan. Tanaw niya buhat sa 'di kalayuan si Mr. Tolentino na papalapit sa kinaroroonan niya, nakakunot ang noo habang inis na tinitingnan siya. Mababang neckline na nakadungaw ang Mount Apo na halos ipagladlaran niya na sa paningin ng gwapong Boss. "Baka gusto mo ng maghubad, ganon din naman." Asik nito. Ang luwang ng ngiti ni Agatha. "Sige Sir," Akmang huhubarin niya na ang pang-itaas na suot. "Wala ka ba talagang delikadesa sa katawan?!" Galit na singhal nito. "Sir naman, sumusunod lang ako sa gusto n'yo." Paninisi niya rito. Ngumiwi ito saka naiiling na nilampasan ang dalaga. "So, pathetic!" "Sir Khev!" Tawag niya rito na lumingon naman. "What?!" "Kapag gusto n'yo itong makita ipatawag n'yo lang ako ha." Matamis na ngumiti si Agatha. "What the hell-" Napapantastikuhan talaga siya sa kalandian ng katulong. Malala pa sa pinaka-malala. "Sir?" "Hindi ako pumapatol sa mababang uri ng babae." Malamig ang mga
UMIIKOT ang mundo ni Khevin Tolentino sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga magulang. Lima silang magkakapatid at walang hilig sa negosyo ang apat niyang mga kapatid na may kani-kaniya ng buhay sa abroad at matagumpay na din sa larangan ng mga piniling propesyon at career. Naiwan sa kaniya ang pamamahala sa naglalakihang Hotels sa Baguio at ilang Travelling Agency na nasa iba't ibang panig ng bansa. "Kuya, uuwi lang ako kapag ikakasal ka na." Ani Scarlet sa kabilang-linya, fashion-designer sa New York ang bunso nilang kapatid. "Soon," naiinis niyang sagot. Palibhasa may asawa na ang dalawang sumunod sa kaniya at kapwa-may mga anak na. Sa edad niyang beinte-nuebe, ano nga ba ang inaasahan ng pamilya niya kundi lumagay na sa tahimik?"Magpropose ka na kasi kay Cassandra." Umikot ang eyeball nito saka itinaas ang hawak na kopita ng champaigne. "Ang aga mong mag-alak, Scarlet!" Sita ni Khevin, over-protective silang lahat sa nag-iisang Princesa ng mga Tolenti
"INADD mo sa facebook ang kapatid ko?" Naiiling na huminto sa pagkain si Khevin. Nakangiting tumango si Agatha. "Gusto mo Sir, pati ikaw?" Nagsalubong ang kilay ni Khevin at inis na tiningnan ang dalaga."Boss mo ako, at isa pa hindi ako gumagamit ng social media." asik ni Khevin rito. "Talaga Sir?! Eh, sino ito?" Ipinakita ni Agatha ang socmed account nito na "Tolentino Khevin". "Ini-stalk mo ba ako?" Tumango si Agatha."Add kita Sir, sige na please..." "Tigilan mo ako." Naiiling na tinapos na ni Khevin ang pagkain at tumayo para pumasok sa opisina. Nakadama ng panghihinayang si Agatha, tiyak maghapon na naman niya itong hindi makikita. Pero nakakailang hakbang pa lang ito, lumingon ito. "Magbihis ka, samahan mo ako sa opisina." Mariing utos nito na nagpaingos kay Ashley na papalapit sa kanila. Inirapan ito ni Agatha saka tinapunan ng ngiting tagumpay.Nakaupo siya sa tabi nito habang nasa loob ng sasakyan, tahimik lang naman ito at nakasuot ng shades kaya hindi alam ni Agatha
HINDI magkandaugaga si Agatha sa dami ng pinabitbit na gamit ni Khevin. Gustong-gusto talaga siyang pahirapan ng binata, tila naaaliw pa itong pagmasdan ang katulong na halos madapa na. "Sir, tulungan ko na ho si Agatha." Boluntaryong saad ng driver. "Hayaan mo siya," sagot ni Khevin. Tumango na lang ang driver na hinintay na makapasok sa loob ng kotse ang dalaga. "Sir, bukas ulit isama mo ako ha!" Nakangiting saad ni Agatha nang makaupo na sa tabi ng amo. Naiiling na sinulyapan ni Khevin ang dalaga na parang natuwa pang nahirapan. "Sir?" Pangungulit ni Agatha. "Ayoko ng makulit Agatha," malamig na asik ni Khevin rito. Hindi na nga napapagod sa pangungulit, napakadaldal pa. Aniya sa isip. Pero natuwa siya ng konti na maayos na itong magdamit at hindi na mukhang kalapating mababa ang lipad. Kung hindi niya marahil alam ang pinagmulan nito, iisipin niyang disenteng hampas-lupa. "Sir-" untag ng dalaga. Inis na nilingon ito ni Khevin. "Ahm, pabale ng ten-thousand." Ani Agatha."Wh
MAS maayos ang OOTD ni Agatha nang magpaalam ito sa mayordoma ng mansyon para mag day-off, maging si Aling Lydia ay natuwa na hindi na revealing ang suot nito. "Kelan ang balik mo, Agatha?" Tinig na nagpalingon kay Agatha, saka napangiti ng maluwang. "Ay! Di pa ako nakakaalis Sir, miss mo na agad?" Ani Agatha saka pilyang nginitian ang amo. Bahagyang natigilan si Khevin, "Oo nga, bakit nga ba niya pinag-aaksayahan ng oras ang katulong?". Ngunit mabilis ding nakabawi. "Aling Lydia, kapag hindi nakabalik sa takdang-araw si Agatha sisantehin n'yo na." Mariing utos ni Khevin. Tumango lang ang mayordoma, lihim na napangiti. Dama niya na may kakaiba sa binatang-amo. "Sir Khev!" Tawag ni Agatha rito, ni hindi man lng ito lumingon. Umingos si Agatha, sinadya niya pa namang maging simple kahit iritable na siya sa suot niyang simpleng t-shirt at skinny-jeans. Hindi ito ang Agatha na "Apple of the eye" ng Club na pinipilahan ng mga lalakeng natatakam sa kaniyang alindog. Binago niya ang pana
"IPASOK mo na lang kaya ako sa Mansyon," ani Ligaya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng ayos ni Agatha. "Anong meron?" Itinaas ni Agatha ang binti at ipinatong sa upuan. "Bakla, mukha ka ng matinong babae alam mo ba 'yun!" tili nito. Naiiling na itinali ni Agatha ang may kulay na buhok."Kukunin kita kapag Misis Tolentino na ako." Saad ng dalaga saka naghitit-buga ng usok mula sa vape. "Hindi mo pa ba nasisilo ang puso ni pogi?" Natigilan si Agatha, aminadong hindi talaga umuubra ang kalandian niya sa binatang CEO. "Bumalik ka na lang kaya sa Club, mas malaki naman ang kinikita mo sa mga suki mo." ani Ligaya. Napabuntong-hininga si Agatha, kahit naman yata buong-buhay siyang chum*pa ng lato-latong kulubot hindi niya pa rin matatapos bayaran ang pagkakautang nila kay Madam Magda. Baon sa utang ang pamilya niya rito, sugarol kasi ang kuya Oliver niya at isinanla nito ang titulo ng lupa nila rito. Ang itay niya, matagal ng nakaupo sa wheelchair mula ng ma-stroke dahil sa
ABALA ang lahat sa mansyon, may bisita kaya mas dinoble pa ang pagsisipag ng mga katulong maliban kay Agatha na relax at nakangiti pa. Dapat mas maganda siya ngayon. Nag-ayos siya, nagpahid ng liptint at eyeshadow, blush-on na pangmalakasan. Kailangan niyang palutangin ang kakaibang ganda. "Agatha, nagmake-up ka ba?" Kumunot ang noo ni Aling Lydia nang iabot sa kaniya ang tray ng pagkain ng Boss. "Aling Lydia naman, wala ho ito hindi ho ako nag-ayos man lang," Aniya kahit halata naman dahil putok na putok ang blush-on. "Magbehave ka ha, baka mapahiya si Sir Khevin sa bisita niya," paalala nito saka napailing. Pilyang kinindatan ito ni Agatha. Kilala na siya ng mayordoma na likas ang kakulitan, masisisi niya ba ito? Eh, likas naman talaga siyang masama. Gusto niyang mapangiti sa sarili. Masama bang mangarap para sa kinabukasan ng pamilya? Kailangan niyang matuto ng kagandahang-asal kahit hindi siya sanay. Marahan siyang kumatok sa pinto ng library room ng Boss. Wala siyang narinig
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua