Gagap ni Khevin ang kanang-palad ni Agatha, pagkalipas nang mahabang panahon heto siya haharapin ang mga taong bahagi ng buhay at kahapon niya. "A-agatha?" Bungad ni inay Rosa, naluluhang niyakap siya ng ina. Mas mahigpit na yakap ang iginanti ni Agatha sa ina. "Patawarin n'yo ako inay," garalgal ang tinig na saad ni Agatha. Tila pinipiga ang damdamin niya, nalusaw ang tatag niya bilang Mondragon. "Ako ang patawarin mo," nagpapahid ng luha na bumitiw na mula sa pagkakayakap ang inay ni Agatha, tiningnan sina Khevin at Alexis na nakangiti. "Maraming salamat sa'yo, Sir Khev. Sa lahat ng naitulong mo sa'min." Maliban sa pagpapaaral kay Alexis ay si Khevin din ang gumastos sa burol at pagpapalibing kay Mang Jose. At lahat ng iyon ay lihim na batid ni Agatha, sinasaksihan mula sa malayo. "Khevin na lang po," nakangiting sagot ng binata. "Nay, magiging manugang n'yo na si Kuya Khevin!" Eksayted na balita ni Alexis. Matapos magpropose ni Khevin kay Agatha ay kinausap agad nil
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat