ANG luwang ng ngiti ni Alexis habang nag-iimpake, eksayted siyang makita ang ate Agatha niya na pupuntahan na nila sa Zambales. Isasama daw siya ni Khevin at kahit biglaan itong nag-aya ay natuwa naman silang mag-ina. "Ang dami kong itatanong kay ate,Sir Khev-" nilingon ni Alexis si Khevin na nakatayo sa pintuan ng silid. "Alexis, baka naman kung anu-ano pa ang itanong mo ha. . . Iba na ang mundo ng ate mo," Paalala ni Nanay Rosa. "Nay, itatanong ko lang kung anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang-taon? 'Yun lang." Sagot ni Alexis saka nagkibit-balikat. "Anak, baka nagtatampo sa'tin ang ate mo-" "Itanong mo na rin kung sino ang Daddy ni Kheanne?" Sabad ni Khevin. Kapwa napatingin ang mag-ina sa binata na natigilan. "Sino si Kheanne, Sir Khev?" Kunot-noong tanong ni Alexis. "Anak ni Agatha," "May anak na si Agatha?" Gulat na tanong ni Nanay Rosa. "May pamangkin na pala ako?!" Natutop ni Alexis ang bibig, natuwa ito sa nalaman. "Inay, may apo ka na!" Nanubig ang mga mata
"NOT FUNNY, Agatha!" Galit na mensahe ni Tristan na ikinangiti naman ni Agatha saka ini-off ang cellphone. Tinakasan niya ang kaniyang mga bodyguards sakay ng motorbike at nag-ikot sa hacienda. "Yehaaa!!" Tili ni Agatha, mas masarap pa rin palang maging malaya kaysa maging tagapagmana ng malawak na lupain na tila may gwardya-sibil na laging nasa gawing likuran at nakamasid. Pinaharurot niya ang minamaneho at tila malayang ibon na dinama ang paligid. Pansamantalang kinalimutan ang tunay niyang mundo. Napapagod na rin siya sa pagsunod-sunod ng kaniyang mga bodyguard, maging ang presensya ni Tristan nakakaumay na. Nakakapagod din pala na ikaw 'yung pinagsisilbihan, at tinatrato na tila isang disney princess Inihinto niya sa gitna ng burol ang minamaneho saka tinanaw ang luntiang paligid. Nasa pinakadulong bahagi na siya ng Villa Agatha. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang malawak na lupaing ipinamana ng ama. Huminga ng malalim si Agatha. Simpleng-buhay na lang pala ang pangarap niya
MAGHAPONG nagkulong sa silid si Agatha. Nakakapagod ang ilang araw niyang pangangabayo sa hacienda at gusto niyang ipahinga ang katawan. Ginugulo din ang isipan niya nang biglaang pagbisita ni Khevin sa Zambales na kasama si Alexis. "Disney Princess ka pero napakarami mong obligasyon, Agatha." Bungad ni Tristan nang puntahan siya nito sa kaniyang silid. Lalong gumuwapo ang kaniyang pinsan sa suot nitong Polo shirt na pinaresan ng thrifted-short, maliban sa pareho sila ng kulay ng mata ay wala na silang ibang pagkakapareho ni Tristan. "Gusto kong magpahinga," Ani Agatha na inirapan ang pinsan. "Kailangan ka ng Hacienda, ipinapaalala ko lang mahal na princesa na isa ka ring haciendera. Pwedeng magpahinga pero hindi habang-buhay nakahilata."Umingos si Agatha saka hinagilap ang vape at humipak. Gusto niya pang pumikit at matulog pa ng matulog. "Magbasa ka ng documents, Agatha. Magresearch ka." Kumunot ang noo ni Agatha saka inirapan si Tristan. "Ginawa ko na 'yan 'nung nasa ibang ba
TINAPUNAN ng pilit na ngiti saka tinaasan ng kaliwang-kilay ni Agatha ang kapatid na si Alexis. Kabaligtaran ng inaasahan niya hindi nito ipinilit na siya ang ate nitong si Agatha Buenamente. Bumati at ngumiti lang ang bunso niyang kapatid habang natutulalang nakatitig kay Tristan. Gusto niyang sabunutan ang kapatid, haharot pa yata. Mataman namang nakamasid lang si Khevin, pero dama pa rin ng heredera na nakikiramdam lang ito. "Ipinagmamalaki ko kasi kay Alexis ang Villa Agatha, ipagpaumanhin mong napasyal na naman ako saiyong hacienda. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang ganda ng lugar mo." Titig na titig sa mukha ni Agatha na saad ni Khevin. "Okey lang," sagot ni Agatha na bahagyang sinulyapan si Tristan na halatang naiirita na kay Alexis. Napakunot-noo si Agatha, nagpipigil na irapan ang bunsong kapatid. "Ngayon lang ba nakakita ng gwapo ang kapatid mo?" May diing bulong ni Tristan kay Agatha. Pinigilan ni Agatha ang sarili na hindi mapahagikgik, sa halip ay pasimpleng kini
"IMBITASYON?" Kumunot ang noo ni Agatha, saka tinanggap ang iniabot na sobre ng tauhan. "Mukhang ito na ang tamang pagkakataon, Agatha." saad ni Tristan. "Maging maingat ka lang."Tumango si Agatha saka tinanaw mula sa di kalayuan ang mga bisita. Nasa Mansyon pa rin sina Khevin at Alexis. "May posibilidad na may malaking bahagi sa buhay namin si Christoff," Nakatingin na sa mga larawang nakalatag sa lamesa si Agatha. Mga larawang kuha ng kaniyang private detective. "Malaki, maaaring anak din siya ng iyong papa." Opinyon ni Tristan. "At naghahabol siya sa mga ari-arian ng Mondragon?" "Posible-" Tumango si Tristan. "Ngunit sa pagkakakilala ko kay Uncle Seve hindi niya ipagkakait iyon sa kaniyang anak. Ngunit kung naipahanap ka niya, bakit hindi niya ipinahanap si Christoff?" "Tris, paano kung hindi niya pala alam o natuklasan man lang na may iba pa siyang anak maliban sa'kin?" Naguguluhang saad ni Agatha. "Imposible, matalino at maimpluwensya ang iyong papa Agatha. Kailangan mong
"Mommy!" Tinig ni Kheanne na nagpamulagat kay Agatha, awtomatikong napalingon sila ni Khevin sa bata na nagtataka kung bakit sila naghahalikan ng hindi nito nakikilalang ama. Napatakip ng palad sa bibig si Alexis, kinikilig na nagpipigil lang na hindi mapabungisngis. "A-anak kanina ka pa ba?" Pinamulahan ng mukha si Agatha na sinulyapan si Khevin. Gusto niyang lapirutin ang dimples ng ama ni Kheanne dahil sa hiya sa anak. "Bakit kinikiss mo ang mommy ko? Ikaw ba ang daddy ko?" inosenteng tanong nito. Napaawang ang bibig ni Agatha saka mabilis na umiling. "Kheanne!" Natatawang ginulo ni Khevin ang buhok ng hindi nakikilalang anak. "Gusto mo ba akong maging daddy?" "Ayeeehhh!" tudyo ni Alexis, pinandilatan ito ni Agatha saka binalingan ang yaya nito na dalhin na ang anak sa kwarto nito. "Mommy, pwede bang mamaya na po?" Magalang nitong pakiusap, sumilay ang dimples nito sa pisnge pati ang pagkakaroon ng biloy ay naman nito sa ama. "Kheanne-" "Agatha, hayaan mo na
MALAWAK NA BAKURAN, maaliwalas ang kapaligiran at napapalibutan ng nagtataasang Pine Tree ang semi-bungalow white house na pag-aari ni Christoff Tamayo. Ngunit kumpara sa mansyon sa Villa Agatha ay mas maliit pa rin itong maituturing. Napansin agad ni Agatha na mahilig sa orchids ang nakatira rito, tila orchidarium ang malawak na hardin na may iba't ibang variety ng hanging plants. Impressive ang kabuuan, nakakarelax ang ambiance ng bakuran nito. Umikot pa ang paningin ni Agatha, naghahanap ng mapagkukunan ng dagdag impormasyon at pagkakakilanlan sa tunay na pagkatao ng nagkumbida sa kaniya upang saluhan ito sa isang hapunan. Nagkalat ang ilang mga tauhan ni Christoff, tila hindi mabuti ang kapangahasan ni Agatha na paunlakan ito sa imbitasyon nito dahil mas pinili niyang pumuntang mag-isa ayon sa plano nila ni Tristan. Hindi kotse kundi si Apollo ang sinakyan ng heredera. Gustong matawa ni Agatha nang mapapalatak si Alexis kanina nang makita siya nito bago umalis ng Mansyon.
"GUSTO kong mapag-isa," bungad ni Agatha pagdating sa mansyon. "Agatha?" Ani Tristan na hindi pinansin ng heredera. Nanatili na lang itong nakamasid. Tahimik na tinungo niya ang silid ng ama. Mag-iimbestiga siya, hindi sapat ang mga impormasyon na nakakalap niya. Tila may kulang, tila isang puzzle na nawawala ang ilang bahagi. Humugot muna ng malalim na hangin si Agatha saka inumpisahang buksan ang naglalakihang drawer at cabinet na nasa silid ni Don Sylvestre. Mga lumang dokumento, papeles at iba pa. Saan siya magsisimula? Nahigit niya ang paghinga nang makita ang mga photo album ng pamilya. Isa-isa niyang binuklat, halos nakita niya na rin ang mga nasa larawan, ipinakita na ng ama noong nabubuhay pa ito. Humipak ng vape si Agatha, mas lumalala ang pagiging vaper user niya kapag malalim ang iniisip. Napatitig siya sa wall na napapalamutian ng iba't ibang painting. Abstract lover ang kaniyang papa, milyon ang halaga ng bawat painting na naroon na nabili pa sa ibang bansa.