SA HALIP na puntahan si Cassandra upang komprontahin ay sa Mansyon ni Agatha sa Forbes Park dumiretso si Khevin. Inalam niya mula kay Tristan kung saan ito nakatira. Ngayon niya lang aaminin sa sarili na namiss niya ito ng sobra kahit pa naiinis siya sa pagpapanggap nitong hindi siya kilala."Agatha, tandaan mo tiyak na alam na ni Khevin na ikaw si Agatha Buenamente." Paalala ni Tristan. "Rule #2, bawal ang marupok."Tumango lang si Agatha, alam niyang darating ang pagkakataon na malalaman din naman ni Khevin ang katotohanan. Matapos ayusin ang sarili ay nakahanda na siyang harapin ito, ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para tuluyan na siyang magpakilala rito. Higit sa sarili, mas mahalaga ang kapakanan ni Kheanne. "Magandang gabi, Miss Agatha!" Pagbati nito, saka tiningnan ang mga bodyguard ng heredera. Naintindihan naman agad ni Agatha na gusto nitong magkasarilinan sila. Pinaalis niya ang kaniyang mga bodyguard saka makahulugang sinulyapan ang pinsan na hinayaan na rin silang
"NAMIMISS ko ang anak ko Tristan," Nilingon ni Agatha ang pinsan na ginising niya lang mula sa mahimbing na pagkakatulog para sabihing uuwi sila ng Villa Agatha. "Wala namang problema, pero ala-una talaga ng madaling-araw, Agatha?" Naiiling na ipinikit ni Tristan ang mga mata, inaantok pa siya. "Ako naman ang magmamaneho hindi ikaw," ani Agatha na nginitian ang pinsan. "Matulog ka na lang gigisingin na lang kita kapag nasa Zambales na tayo." Masunurin naman ito na inayos pa ang pagkakasandal ng likod. Nasa gawing unahan nila ang kotse na minamaneho ng mga bodyguard ni Agatha. Mas gugustuhin niya kasi na dalawa lang sila ni Tristan ang magkasama sa iisang sasakyan. Naglalakbay na ang diwa ni Agatha habang nagmamaneho. Iniisip niya pa rin ang namagitan sa kanila ng ama ng anak, ang pag-alok ni Khevin na gawin siyang girlfriend. Talaga ba? Iba pala talaga ang nagagawa ng pera. Kung dati ay isinusuka siya nito, bakit tila nag-iba na ang ihip ng hangin? Napangiti sa sarili si
SAKAY ni Apollo na nilibot ni Agatha ang Hacienda, binisita ang mga magsasaka at tiniyak na maayos ang lahat. "Magandang araw po, Señorita!" Bati nina Mang Temyong. Nginitian niya ang kapatas saka bumaba sa kabayo. Nag-uumpisa ng mananghalian sa kubo ang mga ito. Nasa di kalayuan ang kaniyang mga bodyguard na mas naging alerto pa pagkatapos ng nangyaring pamamaril sa kanila. "Kumusta po ang lahat?" Tanong ni Agatha, inilibot ang tingin sa mga masisipag na tauhan. Nagkatinginan ang mga ito. Kumunot ang noo ng heredera nang mapansing tila atubili ang mga ito at may nais sabihin."May nangyari ba?" "Señorita, isang grupo ng mga kalalakihan ang nag-aalok ng malaking halaga upang ibenta namin ang mga lupaing ipinamana sa amin ni Don Sylvestre." Sagot ni Mang Caloy. Natigilan si Agatha, "Bibilhin?! Sino ho?" Napatingin si Agatha sa pinsan. "Taga Maynila daw ho sila, nagmamay-ari ng karatig na lupain." si Mang Temyong ang sumagot."Ibibenta n'yo ba?" Bagamat alam na ni Agatha na hindi '
ANG luwang ng ngiti ni Alexis habang nag-iimpake, eksayted siyang makita ang ate Agatha niya na pupuntahan na nila sa Zambales. Isasama daw siya ni Khevin at kahit biglaan itong nag-aya ay natuwa naman silang mag-ina. "Ang dami kong itatanong kay ate,Sir Khev-" nilingon ni Alexis si Khevin na nakatayo sa pintuan ng silid. "Alexis, baka naman kung anu-ano pa ang itanong mo ha. . . Iba na ang mundo ng ate mo," Paalala ni Nanay Rosa. "Nay, itatanong ko lang kung anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang-taon? 'Yun lang." Sagot ni Alexis saka nagkibit-balikat. "Anak, baka nagtatampo sa'tin ang ate mo-" "Itanong mo na rin kung sino ang Daddy ni Kheanne?" Sabad ni Khevin. Kapwa napatingin ang mag-ina sa binata na natigilan. "Sino si Kheanne, Sir Khev?" Kunot-noong tanong ni Alexis. "Anak ni Agatha," "May anak na si Agatha?" Gulat na tanong ni Nanay Rosa. "May pamangkin na pala ako?!" Natutop ni Alexis ang bibig, natuwa ito sa nalaman. "Inay, may apo ka na!" Nanubig ang mga mata
"NOT FUNNY, Agatha!" Galit na mensahe ni Tristan na ikinangiti naman ni Agatha saka ini-off ang cellphone. Tinakasan niya ang kaniyang mga bodyguards sakay ng motorbike at nag-ikot sa hacienda. "Yehaaa!!" Tili ni Agatha, mas masarap pa rin palang maging malaya kaysa maging tagapagmana ng malawak na lupain na tila may gwardya-sibil na laging nasa gawing likuran at nakamasid. Pinaharurot niya ang minamaneho at tila malayang ibon na dinama ang paligid. Pansamantalang kinalimutan ang tunay niyang mundo. Napapagod na rin siya sa pagsunod-sunod ng kaniyang mga bodyguard, maging ang presensya ni Tristan nakakaumay na. Nakakapagod din pala na ikaw 'yung pinagsisilbihan, at tinatrato na tila isang disney princess Inihinto niya sa gitna ng burol ang minamaneho saka tinanaw ang luntiang paligid. Nasa pinakadulong bahagi na siya ng Villa Agatha. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang malawak na lupaing ipinamana ng ama. Huminga ng malalim si Agatha. Simpleng-buhay na lang pala ang pangarap niya
MAGHAPONG nagkulong sa silid si Agatha. Nakakapagod ang ilang araw niyang pangangabayo sa hacienda at gusto niyang ipahinga ang katawan. Ginugulo din ang isipan niya nang biglaang pagbisita ni Khevin sa Zambales na kasama si Alexis. "Disney Princess ka pero napakarami mong obligasyon, Agatha." Bungad ni Tristan nang puntahan siya nito sa kaniyang silid. Lalong gumuwapo ang kaniyang pinsan sa suot nitong Polo shirt na pinaresan ng thrifted-short, maliban sa pareho sila ng kulay ng mata ay wala na silang ibang pagkakapareho ni Tristan. "Gusto kong magpahinga," Ani Agatha na inirapan ang pinsan. "Kailangan ka ng Hacienda, ipinapaalala ko lang mahal na princesa na isa ka ring haciendera. Pwedeng magpahinga pero hindi habang-buhay nakahilata."Umingos si Agatha saka hinagilap ang vape at humipak. Gusto niya pang pumikit at matulog pa ng matulog. "Magbasa ka ng documents, Agatha. Magresearch ka." Kumunot ang noo ni Agatha saka inirapan si Tristan. "Ginawa ko na 'yan 'nung nasa ibang ba
TINAPUNAN ng pilit na ngiti saka tinaasan ng kaliwang-kilay ni Agatha ang kapatid na si Alexis. Kabaligtaran ng inaasahan niya hindi nito ipinilit na siya ang ate nitong si Agatha Buenamente. Bumati at ngumiti lang ang bunso niyang kapatid habang natutulalang nakatitig kay Tristan. Gusto niyang sabunutan ang kapatid, haharot pa yata. Mataman namang nakamasid lang si Khevin, pero dama pa rin ng heredera na nakikiramdam lang ito. "Ipinagmamalaki ko kasi kay Alexis ang Villa Agatha, ipagpaumanhin mong napasyal na naman ako saiyong hacienda. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang ganda ng lugar mo." Titig na titig sa mukha ni Agatha na saad ni Khevin. "Okey lang," sagot ni Agatha na bahagyang sinulyapan si Tristan na halatang naiirita na kay Alexis. Napakunot-noo si Agatha, nagpipigil na irapan ang bunsong kapatid. "Ngayon lang ba nakakita ng gwapo ang kapatid mo?" May diing bulong ni Tristan kay Agatha. Pinigilan ni Agatha ang sarili na hindi mapahagikgik, sa halip ay pasimpleng kini
"IMBITASYON?" Kumunot ang noo ni Agatha, saka tinanggap ang iniabot na sobre ng tauhan. "Mukhang ito na ang tamang pagkakataon, Agatha." saad ni Tristan. "Maging maingat ka lang."Tumango si Agatha saka tinanaw mula sa di kalayuan ang mga bisita. Nasa Mansyon pa rin sina Khevin at Alexis. "May posibilidad na may malaking bahagi sa buhay namin si Christoff," Nakatingin na sa mga larawang nakalatag sa lamesa si Agatha. Mga larawang kuha ng kaniyang private detective. "Malaki, maaaring anak din siya ng iyong papa." Opinyon ni Tristan. "At naghahabol siya sa mga ari-arian ng Mondragon?" "Posible-" Tumango si Tristan. "Ngunit sa pagkakakilala ko kay Uncle Seve hindi niya ipagkakait iyon sa kaniyang anak. Ngunit kung naipahanap ka niya, bakit hindi niya ipinahanap si Christoff?" "Tris, paano kung hindi niya pala alam o natuklasan man lang na may iba pa siyang anak maliban sa'kin?" Naguguluhang saad ni Agatha. "Imposible, matalino at maimpluwensya ang iyong papa Agatha. Kailangan mong