"Alam mo ba kung ano ang sinabi ni daddy noong panahong iyon?” tanong ni Trixie kay Lyca na may ngiti sa labi. “Simple lang naman ang sinabi ni Dad sa mommy mo, “Talagang malas,” anito at mahinang tumawa. “Sinabi rin ni daddy na ang una niyang asawa ay talagang walang alam. Sinabi ni dad na kung bakit nito napili na magpakamatay sa mismong kaarawan niya. Dapat daw sana ay namatay na lang ito sa ibang araw,” tatawa-tawang sabi pa ni Trixie. Alam ni Lyca na sinasadya ni Trixie na mas inisin siya sa sandaling ito. Naiintindihan niya ito, pero hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang galit na unti-unting namamahay sa dibdib niya. Tinitigan niya si Trixie, na may nakakalokong ngiti mga labi. Habang si Trixie naman ay may nakapaskil na mapanuksong ngiti. Hinubad nito ang suot na dress at biglang inihagis sa kanya. "Sa tingin mo ba magugustuhan ko ng damit ng isang taong patay na?" matalim na salitang binitawan ni Trixie. Kinuha ng babae ang isang bagong labas na mamahaling damit mula s
Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Lyca. “What he has done….” usal niya sa sarili. Ang mga alaala ng nakaraan ay nagsimulang bumalik sa isipan niya. Alaala ng nakaraang tatlong taon. "Andrei, my mother’s death anniversary is in three days. Maaari mo ba akong samahan na dalawin siya sa sementeryo at mag-alay ng dasal sa kanya at…” Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Lyca nang bigla itong putulin ni Andrei. "Kailangan kong umalis patungong ibang bansa para sa isang business meeting. Bumili ka na lang ng anumang kailangan mo,” aniya at iniabot kay Lyca ang kanyang black card at nagmamadaling umalis. Pansin niya ang pag kunot-noo ni Lyca, ngunit may maliit na ngiti pa rin sa sulok ng mga labi nito. Ang totoo palagi siyang niyaya ng dating asawa na pumunta sa sementeryo tuwing death anniversary ng mommy Helen nito. Pero palagi niya rin itong tinatanggihan. Palagi niyang idinadahilan sa dating asawa na may trabaho siya, may mga meeting na importante at may mga laka
Sa mga nakakakilala kay Lyca siya ay isang anak ng pamilya Lopez. Na nagtapos sa unibersidad sa lungsod, maituturing na isa siyang henyo na may perpektong marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng lahat ay siya ang utak sa likod nang mabilis na pag-usbong ng negosyo. Hindi alam ni Dean ang tunay na pagkakakilanlan ni Lyca noong una. Siguro kung nalaman niya lang sana nang mas maaga, mas binigyang-halaga niya ito. "Bakit Harmony Group ang pangalan sa kumpanya na iyon?" interesadong tanong ni Dean. “Harmony ay sumisimbolo sa pagkakaisa at pagkakasundo,” kalmang sagot ni Lyca sa binata. “At umaasa ako na sa pagkakaisa at pagkakasundo ay mas lalong uunlad ang kumpanya,” dagdag pa niya. Napatango-tango naman si Dean sa isinagot ni Lyca. Marahil hindi nito inaasahan na maiisip niya ang pangalang iyon para sa kumpanya. "Kaya naman pala, tila itinadhana talaga tayo para sa isa’t-isa. Dahil para sa akin gusto ko rin ng ganun ang pagkakaisa at pagkakasundo,” nakangiting sabi ni D
“You are too cruel, Andrei," hindi napigilang komento ni Paolo sa kaibigan nilang si Andrei. "Maaari mong iwan saglit ang trabaho mo para samahan si Lyca na dalawin ang mommy niya sa puntod nito, ay hindi mo magawa. Pero dumalo ka sa kaarawan ni Mr. Robert Lopez ngayon. Para mo na ring sinaksak ng kutsilyo ang puso niya sa ginawa mo,” pahayag ni Paolo. Halatang naiinis si Paolo sa kanya. Napatingin rin si Marco sa kanya at napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita. “Kung maghahangad ako, kamumuhian kita. Alam mo naman na niloko ng Robert na iyon si tita Helen di ba? Tapos nagkaroon pa siya ng anak sa labas na si Trixie, habang kasal pa siya kay tita. Hindi ko alam kung bakit namatay si Tita Helen at sa mismong kaarawan pa ng asawa niyang manloloko. Pero ikaw, hindi mo lang hiniwalayan si Lyca para sa kay Trixie na anak sa labas, kundi dumalo ka pa sa birthday celebration ni Robert. Hindi mo naisip na mismong anibersaryo ng pagkamatay iyon ng mommy ni Lyca,” galit na sabi ni Marco.
Noon umaasa pa si Lyca na laging nasa tabi ni Andrei. Pero ngayon, ang pagiging konektado sa dating asawa ay nagdudulot lamang ng sakit sa puso niya. Tuwing nakikita niya kasi si Andrei, hindi niya mapigilang maalala ang nangyari ngayong araw. Ayaw niya… at hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng ito dahil sariwa pa sa puso at isip niya ang nangyari. Tao lang din naman siya marunong tumawa, malungkot, makaramdam at masaktan. Matapos siyang tratuhin nang ganoon ni Andrei, paano niya magagawa ang pagpanggap sa harapan nito na tila wala lang. "Marco, hindi ba ako pwedeng maging makasarili kahit minsan lang? tanong sa kausap sa phone bago siya mapait na ngumiti. Ramdan ni Lyca na natahimik si Marco nang marinig ang sinabi niya. Maaring isinaalang-alang din ng lalaki ang mga sinabi niya kaya natahimik ito. Hiwalay na sila ni Andrei, kaya bakit kailangan pa niyang yumuko sa lalaking nanakit sa damdamin niya? "Lyca, pwede kang maging makasarili kung gusto mo, pero si Drei, lasing siy
Lahat sila napalingon nang marinig nila ang boses ng matanda. Lahat sila inaasahan na darating ito, kabilang na si Lyca.Bahagyang kumunot ang noo niya, perk sa pagkakataong ito, kusa siyang umupo sa tabi ni Andrei. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki, na para silang magkasintahan na naglalambingan.Kung sinumang makakita sa eksenang ito ay iisipin na silang dalawa ay isang mapagmahal na mag-asawa sa isa’t-isa. Ngunit sino ang mag-aakala na lahat ng ito ay isang palabas lamang?Nang bumukas ang pinto ay tumambad sa paningin nila si Lolo Andres. Nagulat pa ito nang makita silang dalawa ni Andrei na nakaupo sa sofa habang magkahawak kamay. Mabilis na lumapit si Marco rito at binati ang matanda nang may ngiti."Lolo, bakit naman po nagpunta po talaga kayo rito? Sinabi ko naman na po sa inyo na huwag na kayong mag-alala kay Drei, dahil nandito naman po si Lyca. Siya na po ang bahala na mag-alaga kay Andarei,” magalang na sabi ni Marco sa matanda. “Kaunting away lang po nilang mag-asawa at
Si Trixie na ang kasintahan nito ngayon, kaya hindi tama na magpatuloy sila sa ginagawa. Dahil mali ito. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin nito kapag nagpatuloy pa sila sa maling ginagawa. Na isang halik lang nito bibigay agad siya. Kaya hindi na maaari. Humugot muna siya ng hininga at buong pwersa na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Nagawa naman niya ito, pero habol hininga siya pagkatapos at itinulak palayo ang lalaki. "Andrei, divorced na tayo! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!” bulyaw niya rito. Tila natauhan naman si Andrei at natigilan ito. Napako ang tingin nito sa mukha ni Lyca na para bang binabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit saglit si Lyca bago nagsalita. "Si Trixie na ang kasintahan mo. Si Trixie, Trixie, at hindi ako,” mariin niyang bigkas habang inulit-ulit sa pabsambit ang pangalan ni Trixie. Sa wakas, ay binitiwan siya ni Andrei. Marahil dahil malinaw nitong narinig ang sinabi niya, o marahil dahil napagtanto nito kung sino siya, na hindi
Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan. "Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?" Umiling si Lyca bilang sagot. "Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito. "Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda. Mahigpit na tumu
Mula sa bulwagan ay maririnig ang mababang tunog ng isang cello. Ang mga estudyante mula sa department of music ang nagtanghal sa entablado. “Malapit na siguro si Cristy,” ani Lyca kay Andrei, habang tinitingnan nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Cristy na sasamahan nga ito sa entablado para tumugtog ng piano. Bahagya namang tumango si Andrei at hindi masyadong binigyang-pansin ang pag-akyat ni Cristy sa stage. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag-alala dahil kayang-kaya naman iyon ni Cristy nang mag-isa. “Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Cristy,” sabi ni Lyca at muling tiningnan si Andrei bago sya tuluyang umalis. Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman Lyca at agad na napalingon ngunit ang nakita lang niya ay ang payat na likod ng babaeng naka backless na evening gown. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha nito at an
Tahimik na ibinaba ni Lyca ang hawak niyang baso at saka nya dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Andrei. Sa gabing iyon ay suot ni Andrei ang isang dark blue na suit. Suot din sa kanyang pulso ang isang relo na may halagang sampung milyon, at isang tie clip na gawa sa platinum iris. Iniangat niya ang tingin mula sa kurbata nitong suot, nakita niya ang isang gwapo mukha na may perpektong hugis. Dark blue ito ang paboritong kulay ni Andrei. Napatingin naman si Lyca sa suot niyang red dress at hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. The combination of red and blue makes many people think they are a couple. But sadly, they are divorced. Matapos ang kanilang divorced ay mas naging mapangahas ay kaakit-akit si Lyca. Isang anyo na hindi kailanman nakita ni Andrei noon. Na para bang ngayon ay naging ibang tao na ito ngayon. Sandaling napapikit ng mga mata si Andrei at muling nagmulat. Napatingin naman din si Lyca ka Andrei at nagsalubong ang mga mata nila. T
Malinaw na narinig ni Dean ang sinabi ni Lyca kay bahagyang napa-arko ang mga nito kasabay ng isang matamis na ngiti. "Hindi ko madalas na marinig ang mga salita na yan mula sa 'yo," sabi ni Dean kay Lyca. "Huwag kang mag-alala dahil hindi lang ako babalik nang ligtas, kundi magdadala pa ako ng mga espesyal na pasalubong para sa ’yo," dagdag pa ni Dean, saka sya tuluyang umalis. Bakit nga ba napasama si Dean dito? Maari naman na direktang tanggihan ni Dean ang pakikipagtulungan kay Jade, ngunit pinili pa rin nito na pumunta muna sa kumpanya ni Andrei. Nang iminungkahi ni Andrei na pumunta siya sa ibang bansa para sa inspeksyon ay ni hindi nga man lang siya tumanggi. Hindi naman sila ganoon kalapit ni Andrei sa isa’-isa, kaya bakit tila napakadali para kay Andrei na kumbinsihin si Dean? Malinaw na nakita iyon ni Joshua. Pumunta si Dean sa kompanya ni Andrei hindi lang para sa trabaho kundi para sa isang personal na pakay. Pati ang pagpunta niya sa ibang bansa ay hindi lamang i
“Ibig mo bang sabihin sa akin ngayon Trixie na hindi ko pinaghihiwalay ang public at private life ko?” tanong ni Andrei kay Trixie habang seryoso syang nakatingin dito. “Pero sabagay tama ka nga Trix. Hindi ko nga pinaghihiwalay ang public at private life ko,” dagdag pa ni Andrei. Natigilan naman si Trixie dahil sa sinabi ni Andrei, hindi sya makapaniwala rito kaya naman muling sumiklab ang galit sa dibdib niya. "Kung talagang magiging patas talaga ako Trix, dapat ay si Lyca ngayon ang nararapat sa posisyon mo at hindi ikaw. At kung tiitingnan naman ang kakayahan mo ay hindi ka karapat dapat na mapasama sa pamilya Sandoval,” seryoso pa na sabi ni Andrei kay Trixie. Alam naman talaga ni Andrei ang lahat ng ito. Ngunit kahit pa ganon ay binigyan pa rin nga nya ng pagkakataon si Trixie at hinayaang si Lyca ang mapunta sa project department. Ngunit ngayon ay si Trixie mismo ay nagsasabi na hindi niya kayang paghiwalayin ang pampubliko at pribadong mga bagay na talaga namang nakakataw
Dinig na dinig naman ni Trixie ang mapanuyang boses ni Joshua, kaya naman agad siyang namutla. Pilit na kinakalma ang sarili habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong-puno ng pang-uuyam. "Ang personal mong emosyon at sariling mong pananaw at haka-haka ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang matino. Kung mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipapaliwanag sa iba?" sabat ni Dean na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Andrei. Ang kanyang singkit na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong kaseryosohan. "Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” mariing sagot ni Trixie na bawat salita nya ay punong-puno ng determinasyon, habang nagkikiskisan ang mga ngipin. Ngunit hindi basta-basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera! Napataas naman ang kilay ni Joshua habang seryosong nakati
Maingat na inilapag ni Lyca ang mga dokumento sa harap ni Joshua, saka nya binuksan ang pahina kung saan naroon ang problema at itinuro nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata. “Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito and this inconspicuous note is the only trap,” wika ni Lyca kay Josh. Hindi napigilan ni Joshua ang matawa. "Nakita mo na, akala siguro ng ating punong sekretarya ay isang malaking pagkakataon at gusto niyang samantalahin natin ito,” ani Josh kay Lyca. Napakunot naman ang noo ni Lyca dahil sa naging sagot ni Joshua sa kanya. "Anong klaseng biro na naman itong ginagawa niya? Was this cooperation case proposed by Trixie? Baliw ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Lyca kay Joshua. Tahimik lang si Josh at hindi na nagbigay ng opinyon. "Talagang matibay ang loob ni Secretary Trixie, kahit pa na hindi pa siya nakakabawi mula sa aksidenteng natamo niya. Matapos maaksidente sa sasakyan, tumanggi siyang magpahinga sa bahay at pinilit niyang pumaso
Natigilan si Gab dahil sa sinabi ni Lyca. Tahimik na yumuko ng ulo si Lyca at hinalo ang kape sa tasa niya. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Gabriel. Napansin iyon ni Lyca kaya pasimple niya pang mas itinaas ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo. “Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan ng tunay na pamilya,” mahinahong sabi ni Lyca kay Gab. “Hangga’t may tunay na pagmamahal, maaaring maging pamilya ang kahit sino, kahit walang duging nag-uugnay. Ngunit kung walang pagmamahal, kahit pa na magkadugo ay maaaring lamunin ang isa’t-isa. Hanggang sa wala nang matira na kahit bakas man lang,” wika ni Lyca. Pinaglaruan ni Lyca ang vent ng air conditioner. Hindi niya alintana ang malamig na hangin. Sa halip na ginawin ay nagbigay pa ito ng komportable ginhawa sa kanya. "Mr. Madrigal, matagal ka na sa industriyang ito. Hindi mo pa ba lubos na nauunawaan ang ganitong bagay? Ilang mayayamang negosyante ang iniwan
Pansin ni Lyca ang mariing pagtitig ni Gabriel sa mukha niya. Seryoso na tila ba may inaalala mula sa nakaraan. "Alam mo ba sa totoo lang nakita na kita noong bata ka pa," anito at naka cross ang mga braso sa dibdib. "Hawak-hawak ka ni Robert noon sa mga bisig niya, sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa 'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," ani Gabriel na hindi na ata nakatiis at nagtanong na. Tila ba ramdam naman ni Lyca na para bang iniinsulto siya ng kaharap. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Madrigal, ang tunay na pagkatao ni Robert. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Ang ama ko ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin lang ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Lyca sa lalaki. Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya at hindi ata nito akalain na ganun na lang siya kung magsalita. "Talaga pala na ibang-iba ka na ngayon," na
"Tama ka. Hindi ito madaling ipaliwanag nang malinaw sa telepono. May oras ka ba bukas? Paano kaya kung magkita tayo at pag-uspan ito ng mas maayos?” ani Lyca sa kausap. "Sige dahil ikaw na mismo nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Gabriel kay Lyca. Lihim na napangiti si Lyca at sinilip ang suot niyang relo sa kamay. "Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Sandoval?" pag-aaya pa ni Lyca sa kanyang kausap. Binanggit na ito ni Lyca para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Sandoval, at para ipauna rito kung paano dapat isaalang-alang ang presyo sa negosasyon nila. "Walang problema darating ako. Inaasahan ko ang pagkikita natin, Miss Lyca," pag sang ayon ni Gabriel. Hindi maaaring maging pabaya ang isang tao na namamahala ng isang malaking kumpanya. Nararapat lang na sapat ang talinong meron ka sa pagpapatakbo nito. Si Lyca ang alas ng mga Sandoval. Kaya isang malaking pagkakamali kung mamaliitin siya sa ganitong pagkakataon. Matag