Share

CHAPTER 50.2

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2025-02-13 04:59:23

Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw.

"Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan.

"Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?"

Umiling si Lyca bilang sagot.

"Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito.

Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito.

"Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda.

Mahigpit na tumu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 51.

    Pagkatapos lumabas at makita kung sino ang taong naghahanap kay Lyca ay bumalik na siya sa loob ng opisina. Muli siyang naupo sa office niya at inayos ang suot na salamin sa mata. Umiyak kasi siya kahapon, idagdag pa ang napuyat siya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata niya. "Hindi ako manghuhula kaya wala akong oras sa mga walang kwentang hula na yan, Dean. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na. Kung wala naman ay pwede ka nang umalis dahil busy ako,” masungit niyang sabi sa binata. Kahit pa sinabi sa kanya ni Dean na iba ito kumpara kay Andrei at huwag ikumpara ang mga iti ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayaw na niyang masaktan muli. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masasaktan kung hindi na siya magbibigay ng tunay na damdamin. Kaya, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman. "Ang sungit mo talaga sa akin, Lyca," wika ni Dean at saka nito tinanggal ang suot na salamin at lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibaba

    Last Updated : 2025-02-14
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 52.

    "Mr. Bautista." Banggit ng isang sekretarya nang makita nila si Dean. Kaya natigil ang kanilang pag-uusap at pagbubulong-bulungan. Ngumiti naman si Dean sa kanila saka ito nagtanong. “Nasa opisina ba si Mr. Sandoval? “Yes po, Sir. Nasa opisina po si Boss. May kailangan po ba kayo sa kanya?” anang isang sekretarya na sumagot. Ngumiti lang si Dean dito at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinungo na niya ang opisina ni Andrei. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito at hinihilot ang noo. Naptingin si Andrei sa pinto ng opisina niya nang bigla itong bumukas at nakita niyang si Dean ang pumasok. Saglit niyang tinitigan ang lalaki at ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Andrei sa lalaki. Nagtataka kung bakit ito nasa opisina niya. "Mr. Sandoval, balita ko magaling ka raw makipaglaban. Gusto mo bang subukan natin?” nanghahamon na sabi ni Dean kay Andrei. Ibinalik ni Andrei ang

    Last Updated : 2025-02-15
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 53.

    Sa sandaling ito, parang hindi na mahalaga pa kay Trixie kung sino ang may gawa niyon sa kanya. Basta isa lang ang alam niya ang ibato ang lahat ng sisi kay Lyca dahil sa aksidenteng natamo niya. Halatang may galit talaga siya kay Lyca. Alam niyang nasaktan si Lyca noong birthday party nga daddy nila, kaya iniisip niya na naghihiganti ito sa kanya. Wala rin naman kasi siyang ibang nakaalitan kamakailan, at ang tanging tao na nakaalitan niya ay si Lyca lang naman. Kaya kung hindi si Lyca ang may gawa nito sa kanya, sino naman kaya? Wala siyang ibang masisisi rito sa nangyari sa kanya kundi si Lyca lang at wala ng iba. Gusto lang niyang magsumbong kay Andrei at ipakita kung gaano kasama ang puso ni Lyca. “Sa tingin mo ba talaga ay si Lyca ang may gawa nito sa ‘yo?” malamig ang boses na tanong ni Andrei kay Trixie. Naramdaman ni Trixie ang lamig sa boses ni Andrei at parang kinurot nang pino ang puso niya nang mapagtanto na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya. “Hindi ba a

    Last Updated : 2025-02-16
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 54.

    Bukod kay Dean, ay wala nang ibang maisip si Lyca na gagawa nito kay Trixie. Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Kyrei. At lahit pa nasa bansa na ito, ay hindi naman ito gaganti sa ganitong paraan. About naman kay Chris, hindi nito papansinin ang isang maliit na tao na tulad ni Trixie. Wala ring alam sina Chris at si Kyrei nasa ibang bansa pa kaya wala silang ideya sa ginawa ni Trixie kay Lyca. Bukod kina Andrei at Dean, ang tanging nakakaalam ng katotohanan ay si Trixie. Pinoprotektahan ni Andrei si Trixie nang sobra, kaya malabo na siya ang nanakit sa babae. Pero hindi niya ginawa ang alinman sa mga ito, kaya ang tanging maaaring gumalaw laban kay Trixie ay si Dean. At kung ikukumpara sa ginawa ni Trixie sa kanya, mas malupit pa ito. ******* SAMANTALA, nakabalik na si Dean sa Bautista Group of Company. Nanlaki pa ang mata ng sekretarya nang makita ang pasa sa mukha niya pero hindi naman naglakas-loob na magtanong. Maingat nitong dinala ang kahon ng gamot sa op

    Last Updated : 2025-02-18
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 55.

    CHAPTER 55 “Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Rigor kay David, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Isa siyang guro kaya alam niya ang kaakibat na bigat ng ganitong klaseng sitwasyon. Ngumiti naman si David sa ama niya at saka umiling dito. “Pa, ilang taon ka nang guro diba? Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang diyan. ‘Yong mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga ‘yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni David sa Papa niya. Subalit tila natabunan ang kanyang konsensya nang malaking halaga na ang nabanggit ng anak niya. Umakbay pa sa kanya si David na parang magkaibigan lang sila habang nag-uusap. “Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Max.” Nagpaplano ang dalawa sa sala, pero hindi man lang nila naisip na hinaan ang mga boses nila. ******** HATINGGABI na at kararating lang

    Last Updated : 2025-02-19
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 56.

    Habang nakatitig si Max sa babaeng naza harap niya ay may kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o kung saan ito. Ang pakiramdam na iyon ay parehong pamilyar at estranghero sa kanya. At habang abala ang mga tao sa paroo’t parito sa paligid nila ay nanatili namang magkahinang ang kanilang mga tingin. ******* MARAHIL napansin naman ni Principal Emily na nakatuon lamang ang mga mata ni Lyca kay Max kung kaya ay may ginawa ito. Tinawag nito ang direktor upang lapitan si Max at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito sa kanya. "Lyca, ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Max Garcia, siya ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang estudyanteng nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansa na maging top science student ngayong taon," may himig pagmamalaking sabi ni Principal Emily kay Lyca. Ramdam naman ni Lyca ang labis na paghanga ni Principal Emily kay Max at tila ba na

    Last Updated : 2025-02-20
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 57.

    Tiningnan ni Max si Lyca bago niya kinuha ang business card na inabot sa kanya at saka sya nagpasalamat. Pansin niyang tahimik lang na nakatayo si Lyca sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad lang ang ihip ng hangin at ang mga dahon ay nagliliparan at ang iba naman ay naglalaglagan rito. Ang mahabang itim na buhok nito ay linilipad ng hangin at dumadapo sa mga balikat nito. Paminsan-minsan naman ay natatakpan ng hibla ng mahabang buhok ang mga mata nitong may malamig na titig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng labi. Habang ang malambing nitong mga mata ay nakatuon sa kanya. "Kung may mga tanong ka pa ay huwag kang mag-atubiling tawagan ako," sabi ni Lyca kay Max bago ito tuluyang tumalikod at umalis. Napayuko ng ulo si Max at tiningnan ang hawak niyang business card na iniabot sa kanya ni Lyca kanina. “Lyca Lopez, Project Manager of Sandoval Company,” basa ni Max sa nakasulat sa card. Napakagandang pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan

    Last Updated : 2025-02-21
  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 58.

    Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Kasalukuyan na sina Lyca at Andrei na lang ang naiwang magkasama. Bahagyang ipinikit ni Lyca ang kanyang mga mata at tila bang wala talaga siyang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at saka nagmaneho palayo sa lugar. Ito ang bagong sasakyan ni Andrei ngayon, isang itim na Rangè roveŕ ang ipinalit nito sa Cayenne na ibinigay niya noon sa dating asawa. Tahimik lang naman ang buong biyahe. Wala ni isa man lang sa kanila ang nagsasalita habang, binabagtas nila ang daan papunta sa mansion ng pamilya Sandoval. “Lyca, anong meron sa inyo ng estudyanteng iyon?” kapagkuway basag ni Andrei sa katahimikang bumabalot sa kanila. Kahit di nito banggitin ang pangalan ng estudyanteng sinasabi nito ay alam niyang si Max ang tinutukoy ng lalaki. Nagkunwari siyang bingi at walang pakialam sa sinasabi ng lalaki sa tabi niya. Pero hindi ito tumigil at muling nagtanong sa kanya. “Ano ang relasyon mo

    Last Updated : 2025-02-23

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 78.1

    Maraming alak ng nainom si Dean pero hindi pa ito lasing. Ang mga mata niyang namumungay na tila lasing dapat ay naging matalas na para bang may nakatagong talim sa likod ng kanyang tingin. At sinumang makakakita ng kanyang mapanlinlang na ngiti ay siguradong matatakot.Ang lasing na researcher ay bigla namang natauhan at napaatras na lamang at mabilis na kumaway ng kanyang mga kamay. "H-huwag na tayong mag-inuman siguro ay t-tama na iyon. Mr. Bautista, nagkamali lamang ako ng sinabi,” kandautal na sabi ng lalaking kanina ay walang modo sa harapan ni Lyca, pero ngayon ay mukhang nahimasmasan.Sa sobrang kahihiyan ay mabilis siyang bumalik sa kanyang upuan at agad na tumahimik at hindi na naglakas loob pa na magsalita.Ibinaba naman ni Dean ang bote ng alak at saka siya tumingin kay Lyca. Habang nanatili naman ang kalmado na ekspresyon ng mukha ni Lyca."Dean, hindi ka naman talaga lasing hindi ba? Nagkukunwari ka lang?" tanong ni Lyca at halos matawa na lamang siya sa inis.Naalala

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 77.2

    Napatigil si Lyca dahil sa sinabi ni Dean, saka niya sinundan nang tingin kung saan nakatutok ang mga mata ni Dean. Doon nga niya nakita si Andrei na nakatingin din sa kanila ni Dean kaya napilitan siyang ngumiti. Tahimik lang naman silang tiningnan ni Andrei at saka nito ibinaling sa iba ang tingin. Simula kasi ng maghiwalay sila ng lalaki at piliin nito si Trixie ay parang totoo ngang wala nang koneksyon sa pagitan nilang dalawa tulad ng sinabi noon ni Lyca. Wala na siyang karapatan na makialam pa sa buhay nito. ********* Pagkatapos naman ng pulong na iyon ay isinama ni Dean si Lyca sa isang dinner. Sa loob ng pribadong silid ng isang restaurant na iyon ay masayang nag uusap-usap at nag iinuman ang mga kasamahan mula sa institusyon. At hindi nga nagtagal ay naging malapit si Lyca sa kanila dahil sa kanyang kaalaman sa coding Kapag dumadalo siya sa mga handaan ng mga mayayaman ay kaya niyang maging simple pero elegante tignan. Ngunit tanging nakakaramdam lang siya ng tunay

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 77.1

    "Ang maliit na bansang sinasabi mo ay dating bahagi ng kalapit na bansa, pero ngayon ay humiwalay na. Bakit sa tingin mo ay madalas itong nasasangkot sa digmaan, ngunit walang naglalakas-loob na makialam? Dahil iyon ay usaping panloob nila. Kahit gusto nating sakupin ang maliit na bansang iyon ay hindi na natin iyon trabaho pa,” klarong paliwanag ni Lyca kay Trixie. "Isa pa ang lakas naman ng loob mong gumawa ng ganito. Gusto mo ba talagang ilagay si Francis sa peligro?" dagdag pa ni Lyca. Bigla namang namutla ang mukha ni Trixie dahil sa mga sinabi ni Lyca. Ang mga nakatataas na mga empleyado ng Bautista ay nakatingin kay Trixie na parang isa siyang hangal. Ramdam ni Trixie ang matinding pagkapahiya. Nanatili na lamang talaga sya na tahimik habang nakakuyom ang kanyang mga kamao sa galit. Dahil hindi nga talaga maaaring pirmahan ang kontrata na iyon. Hindi na rin naman nagtagal pa at natapos na rin kaagad ang meeting. Ang mga nakatataas sa Sandoval company ay halatang nakakaramd

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 76.2

    SA KABILANG banda naman ay naroon si Trixie na nanatiling tahimik lang. Nakatungo ang ulo niya at mukhang may malalim na iniisip. Para bang ang bawat kilos nina Lyca at Dean ay isa lamang biro pero para sa kanya ay hindi. Para sa kanya ay isang seryosong bagay ang pakikipag-ugnayan sa isang katulad ni Dean. Ngunit tila yata ginagawa lamang nila itong katawa-tawa at siya ang nagmumukhang laruan ngayon. Ang puwesto sa tabi ni Andrei ay palaging nakalaan lamang sa chief secretary. Ngunit ngayong araw ay parang nagbago ang lahat. Sa mata ni Trixie ang lahat ay parang isang eksenang sinadya upang iparamdam sa kanya na hindi siya karapat-dapat sa posisyong iyon. Kung naroon si Geo, halos hindi kailanman nagtatagpo ang oras ng pagdalo nito sa meeting at ni Joshua. Kaya't kadalasan ay si Lyca lamang at isa sa kanila ang nauupo sa tabi ni Andrei. Tila ba ipinapakita nito sa lahat na sila ang tunay na pinagkakatiwalaan at pinakamalapit kay Andrei. Ngunit ngayon, malinaw na si Lyca ay it

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 76.1

    Matapos ang ilang araw na pananatili ni Dean sa ibang bansa upang alamin ang tungkol sa isang proyekto sa wakas ay nakabalik na ito ng bansa. Ngayon ay magkakaroon ng meeting tungkol sa usaping proyekto. Kaya rito nila malalaman kung ano ang tama at dapat gawing pagpapasya. Dalawang posibilidad lamang ang pwedeng pagpipilian, maaring ito ay tagumpay o kabiguan. Para sa iba, isa lamang itong ordinarying meeting. Ngunit para kay Trixie ito ay napakahalaga dahil ito ang magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ng babae. Ibinaba ni Lyca ang mga dokumentong hawak niya at handa na sanang umalis nang biglang hawakan ni Trixie ang kamay niya nang mahigpit. Saglit na natigilan si Lyca at napatingin sa kamay niyang hawak ng babae, saka siya nagtaas ng tingin para titigan ito sa mukha. “Ano ang problema mo?” tanong ni Lyca kay Trixie, saka niya winakli ang kamay na hawak ni Trixie. “Hinihintay mo na magkamali ako, tama?” ani Trixie at napangisi ng mapakla. “Sinasabi ko sa iyo ngayon

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 75.

    "Sinabi mo na ito sa akin kanina,” kalmadong sagot ni Andrei. “I won’t do anything to your people. I can guarantee that,” dagdag pa ni Andrei. Pagkatapos sabihin iyon ay pansin ni Lyca na tumahimik ang dating asawa. Kita niya na itinaas nito ang hawak na baso at muling uminom, ngunit napagtanto ata nito na naubos na ang iniinom na alak, kaya napapalunok ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang paggalaw ng adams apple nito na kay ganda sa paningin niya. Iniabot ng lalaki ang basong wala ng laman sa isang dumadaang waiter. Binaling ni Lyca ang tingin kay Nikki sa tabi niya at akmang may sasabihin sana siya sa dalaga nang biglang mahagip ng paningin niya si Beatrice na pumasok sa loob ng bulwagan. Kitang-kita mismo ng dalawang mata niya na bigla itong nawalan ng balanse sa paglalakad at mukhang na-sprain pa ata ang paa nito. "Ah!" malakas na sigaw ni Beatrice ang umalingawngaw sa bulwagan. May hawak pang baso ang babae na may lamang red wine. Mabilis na bumuhos sa katawan nit

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 74.

    "Hindi lang binasa ni Manager Lyca ang mga notes ko, kundi hiniram pa niya ang mga ito. Binigyan din niya ako ng kanyang business card, at binigyan pa niga ako ng pagkakataong mag-internship. Nakita niyo naman iyon kahit anlayo-layo niyo kanina, hindi ba?" paliwanag ni Nikki kina Beatrice at sa mga kasama pa nito. Kaya mas lalong nagpapasalamat si Nikki kay Lyca dahil doon. Alam ni Nikki na naisip na ni Lyca ang kung ano ang maaaring kaharapin niya pagbalik. Kaya inunahan na nitong tulungan siya. Kung hindi, mas mahirap pa sana ang sitwasyong haharapin niya ngayon. Natawa naman si Beatrice sa sinabi niya. "Sinabi mo na mismo. Sa tingin mo ba talaga hindi namin napansin na papunta ka agad kay President Andrei? Eh, sa sobrang pagmamadali mo nga kanina, muntik mo nang matumba si Manager Lyca, dahil nabangga mo siya," nakangising patutsada pa ni Beatrice. Napapikit ng mga mata si Nikki at nakaramdam siya ng pagsisisi sa nangyari kanina. Akmang bubuka sana ang bibig biya, pero bago p

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 73.

    Tinitigan lang ni Andrei si Lyca. Tahimik lang din siyang tiningnan ni Lyca at pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon. She is very outstanding, at alam niya ito noon pa man. Pero matapos nilang makasal na dalawa ay patuloy itong nagsumikap upang patunayan ang sarili. Naging abala ito palagi sa iba’t ibang proyekto. Nagkakausap lang sila madalas sa trabaho… at sa kama. Alam niyang marunong tumugtog ng piyano si Lyca, pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang tumugtog. Suot ni Lyca ang isang nag-aapoy na pulang evening gown, at napakaliwanag nitong tingnan. Sa katunayan ay wala nang ibang nasa paningin ngayon ni Andrei, dahil ang tanging nakikita na lang niya ay si Lyca at ni hindi na niya napansin na naroon din naman ang pinsan niya na si Cristy. Mahahaba at magaganda ang mga daliri nitong mala kandila, at sa bilis ng kanyang pagtugtog ng piyano, lumilikha siya ng napakagandang musika. She’s really, very beautiful. Sa hindi kalayuan sa entablado, maraming punong loc

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 72.

    "Hinahangaan at mahal ka niya, kaya normal lang na maging masungit siya sa akin. Nadampian lang niya ako nang dumaan siya na nagmamadali. Nagsabi lang naman siya ng ilang katotohanang salita, at binura ang mga nagawa ko para lang makalapit sa iyo. Wala siyang anumang epekto sa akin,” sabi pa ni Lyca kay Andrei. Pinagtatanggol niya si Nikki rito. "She’s just a young school girl. How can she insult me? "Pero ikaw yata ang sumosobra kanina," dagdag pa ni Lyca. Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Lyca kay Andrei. Halatang hindi siya nasisiyahan sa lalaking nasa harapan niya. Malamig din siyang tiningnan ng lalaki, na para bang binibigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang dahilan. Nakuha agad iyon ni Lyca kaya naman muli siyang nagsalita. "Alam mong pinapanood siya ng lahat. Naghihintay silang makita siyang tumakbo palayo matapos mong hiyain, at hindi mo nga sila binigo dahil pinagtawanan mo pa siya gamit ang malamig mo na pananalita. Baka hindi mo iniintindi ang mga bagay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status