Habang nakatitig si Max sa babaeng naza harap niya ay may kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o kung saan ito. Ang pakiramdam na iyon ay parehong pamilyar at estranghero sa kanya. At habang abala ang mga tao sa paroo’t parito sa paligid nila ay nanatili namang magkahinang ang kanilang mga tingin. ******* MARAHIL napansin naman ni Principal Emily na nakatuon lamang ang mga mata ni Lyca kay Max kung kaya ay may ginawa ito. Tinawag nito ang direktor upang lapitan si Max at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito sa kanya. "Lyca, ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Max Garcia, siya ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang estudyanteng nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansa na maging top science student ngayong taon," may himig pagmamalaking sabi ni Principal Emily kay Lyca. Ramdam naman ni Lyca ang labis na paghanga ni Principal Emily kay Max at tila ba na
Tiningnan ni Max si Lyca bago niya kinuha ang business card na inabot sa kanya at saka sya nagpasalamat. Pansin niyang tahimik lang na nakatayo si Lyca sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad lang ang ihip ng hangin at ang mga dahon ay nagliliparan at ang iba naman ay naglalaglagan rito. Ang mahabang itim na buhok nito ay linilipad ng hangin at dumadapo sa mga balikat nito. Paminsan-minsan naman ay natatakpan ng hibla ng mahabang buhok ang mga mata nitong may malamig na titig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng labi. Habang ang malambing nitong mga mata ay nakatuon sa kanya. "Kung may mga tanong ka pa ay huwag kang mag-atubiling tawagan ako," sabi ni Lyca kay Max bago ito tuluyang tumalikod at umalis. Napayuko ng ulo si Max at tiningnan ang hawak niyang business card na iniabot sa kanya ni Lyca kanina. “Lyca Lopez, Project Manager of Sandoval Company,” basa ni Max sa nakasulat sa card. Napakagandang pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan
Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Kasalukuyan na sina Lyca at Andrei na lang ang naiwang magkasama. Bahagyang ipinikit ni Lyca ang kanyang mga mata at tila bang wala talaga siyang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at saka nagmaneho palayo sa lugar. Ito ang bagong sasakyan ni Andrei ngayon, isang itim na Rangè roveŕ ang ipinalit nito sa Cayenne na ibinigay niya noon sa dating asawa. Tahimik lang naman ang buong biyahe. Wala ni isa man lang sa kanila ang nagsasalita habang, binabagtas nila ang daan papunta sa mansion ng pamilya Sandoval. “Lyca, anong meron sa inyo ng estudyanteng iyon?” kapagkuway basag ni Andrei sa katahimikang bumabalot sa kanila. Kahit di nito banggitin ang pangalan ng estudyanteng sinasabi nito ay alam niyang si Max ang tinutukoy ng lalaki. Nagkunwari siyang bingi at walang pakialam sa sinasabi ng lalaki sa tabi niya. Pero hindi ito tumigil at muling nagtanong sa kanya. “Ano ang relasyon mo
"Mukhang malakas at malusog lang tignan si Lolo, pero mahina na ang puso niya,” wika ni Lyca. "Napakatalino ni Lolo, kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon natin sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating ma-stress siya, atakihin sa puso at maospital? dagdag pa niya. Hindi naman nakapagsalita si Andrei sa mga sinabi niya. "Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang tiisin na lang ang sakit kaysa masaktan ang taong alam kong nagmamahal sa akin,” sabi pa niya at saka sya huminga nang malalim. Pagkasabi noon ay tumawa ng mapakla si Lyca at tumingin sa lalaki. "Hindi ba at ginagawa mo ngayon ay sinasaktan mo rin si Trixie dahil dito?" aniya. Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Andrei. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabalik sa mansion ay parang sinasaktan nito si Trixie dahil hindi man lang ma
Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Lyca sa puso niya na si Andrei ay si Andrei at hindi na niya ito asawa ngayon. Pansin ni Lyca ang pagtaas ng kilay ni Dean at pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Samantala hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang madilim na anyo ng mukha ni Andrei habang nakikinig sa mga sinasabi niya kay Dean sa kabilang linya. Simula nang naghiwalay sila ni Andrei ay naging bahagi na lang ng nakaraan nila ang isa’t-isa. "Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," wika ni Dean na halata na ang saya sa boses. "Mr. Sandoval, siguro naman narinig mo ang mga sinabi ni Lyca di ba? Ang nangyari sa inyo ni Lyca ay bahagi na lang ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? Sana'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” sabi ni Dean na halatang nilakasan talaga ang pagkakasabi para marinig ni Andrei. Nanatili namang malamig ang ekspresyon ng mukha ni Andrei, saka ito napatingin sa kanya. Hindi niya kayang salubungin ngayon ang .malamig na
Galit na galit talaga si Lyca sa dugo ng pamilya Lopez na nanalaytay sa ugat niya. Kinasusuklaman niya sina Robert at Trixie, parehong mga walang hiya qng dalawa, ngunit sa huli, hindi niya maikakaila na may taglay pa rin siyang dugo ng pamilya Lopez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo sa kanyang katawan ay handa niyang gawin iyon mapalitan lamang ang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat. Mas pipiliin pa niyang gawin iyon kaysa mandiri sa dugong nananalaytay sa kanya. Para kay Lyca ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Lopez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Lopez. Kaya kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan niya sa kanila ay kailangan niyang maging matigas kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya tanga. Hindi niya sasaktan ang sarili niya para lang maputol ang ugnayan niya sa mga ito. Para sa kanya ay hindi karapat-dapat ang pamilya Lopez na maging dahilan para saktan niya
"Tama ka. Hindi ito madaling ipaliwanag nang malinaw sa telepono. May oras ka ba bukas? Paano kaya kung magkita tayo at pag-uspan ito ng mas maayos?” ani Lyca sa kausap. "Sige dahil ikaw na mismo nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Gabriel kay Lyca. Lihim na napangiti si Lyca at sinilip ang suot niyang relo sa kamay. "Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Sandoval?" pag-aaya pa ni Lyca sa kanyang kausap. Binanggit na ito ni Lyca para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Sandoval, at para ipauna rito kung paano dapat isaalang-alang ang presyo sa negosasyon nila. "Walang problema darating ako. Inaasahan ko ang pagkikita natin, Miss Lyca," pag sang ayon ni Gabriel. Hindi maaaring maging pabaya ang isang tao na namamahala ng isang malaking kumpanya. Nararapat lang na sapat ang talinong meron ka sa pagpapatakbo nito. Si Lyca ang alas ng mga Sandoval. Kaya isang malaking pagkakamali kung mamaliitin siya sa ganitong pagkakataon. Matag
Pansin ni Lyca ang mariing pagtitig ni Gabriel sa mukha niya. Seryoso na tila ba may inaalala mula sa nakaraan. "Alam mo ba sa totoo lang nakita na kita noong bata ka pa," anito at naka cross ang mga braso sa dibdib. "Hawak-hawak ka ni Robert noon sa mga bisig niya, sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa 'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," ani Gabriel na hindi na ata nakatiis at nagtanong na. Tila ba ramdam naman ni Lyca na para bang iniinsulto siya ng kaharap. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Madrigal, ang tunay na pagkatao ni Robert. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Ang ama ko ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin lang ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Lyca sa lalaki. Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya at hindi ata nito akalain na ganun na lang siya kung magsalita. "Talaga pala na ibang-iba ka na ngayon," na
SA KABILANG banda naman ay naroon si Trixie na nanatiling tahimik lang. Nakatungo ang ulo niya at mukhang may malalim na iniisip. Para bang ang bawat kilos nina Lyca at Dean ay isa lamang biro pero para sa kanya ay hindi. Para sa kanya ay isang seryosong bagay ang pakikipag-ugnayan sa isang katulad ni Dean. Ngunit tila yata ginagawa lamang nila itong katawa-tawa at siya ang nagmumukhang laruan ngayon. Ang puwesto sa tabi ni Andrei ay palaging nakalaan lamang sa chief secretary. Ngunit ngayong araw ay parang nagbago ang lahat. Sa mata ni Trixie ang lahat ay parang isang eksenang sinadya upang iparamdam sa kanya na hindi siya karapat-dapat sa posisyong iyon. Kung naroon si Geo, halos hindi kailanman nagtatagpo ang oras ng pagdalo nito sa meeting at ni Joshua. Kaya't kadalasan ay si Lyca lamang at isa sa kanila ang nauupo sa tabi ni Andrei. Tila ba ipinapakita nito sa lahat na sila ang tunay na pinagkakatiwalaan at pinakamalapit kay Andrei. Ngunit ngayon, malinaw na si Lyca ay it
Matapos ang ilang araw na pananatili ni Dean sa ibang bansa upang alamin ang tungkol sa isang proyekto sa wakas ay nakabalik na ito ng bansa. Ngayon ay magkakaroon ng meeting tungkol sa usaping proyekto. Kaya rito nila malalaman kung ano ang tama at dapat gawing pagpapasya. Dalawang posibilidad lamang ang pwedeng pagpipilian, maaring ito ay tagumpay o kabiguan. Para sa iba, isa lamang itong ordinarying meeting. Ngunit para kay Trixie ito ay napakahalaga dahil ito ang magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ng babae. Ibinaba ni Lyca ang mga dokumentong hawak niya at handa na sanang umalis nang biglang hawakan ni Trixie ang kamay niya nang mahigpit. Saglit na natigilan si Lyca at napatingin sa kamay niyang hawak ng babae, saka siya nagtaas ng tingin para titigan ito sa mukha. “Ano ang problema mo?” tanong ni Lyca kay Trixie, saka niya winakli ang kamay na hawak ni Trixie. “Hinihintay mo na magkamali ako, tama?” ani Trixie at napangisi ng mapakla. “Sinasabi ko sa iyo ngayon
"Sinabi mo na ito sa akin kanina,” kalmadong sagot ni Andrei. “I won’t do anything to your people. I can guarantee that,” dagdag pa ni Andrei. Pagkatapos sabihin iyon ay pansin ni Lyca na tumahimik ang dating asawa. Kita niya na itinaas nito ang hawak na baso at muling uminom, ngunit napagtanto ata nito na naubos na ang iniinom na alak, kaya napapalunok ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang paggalaw ng adams apple nito na kay ganda sa paningin niya. Iniabot ng lalaki ang basong wala ng laman sa isang dumadaang waiter. Binaling ni Lyca ang tingin kay Nikki sa tabi niya at akmang may sasabihin sana siya sa dalaga nang biglang mahagip ng paningin niya si Beatrice na pumasok sa loob ng bulwagan. Kitang-kita mismo ng dalawang mata niya na bigla itong nawalan ng balanse sa paglalakad at mukhang na-sprain pa ata ang paa nito. "Ah!" malakas na sigaw ni Beatrice ang umalingawngaw sa bulwagan. May hawak pang baso ang babae na may lamang red wine. Mabilis na bumuhos sa katawan nit
"Hindi lang binasa ni Manager Lyca ang mga notes ko, kundi hiniram pa niya ang mga ito. Binigyan din niya ako ng kanyang business card, at binigyan pa niga ako ng pagkakataong mag-internship. Nakita niyo naman iyon kahit anlayo-layo niyo kanina, hindi ba?" paliwanag ni Nikki kina Beatrice at sa mga kasama pa nito. Kaya mas lalong nagpapasalamat si Nikki kay Lyca dahil doon. Alam ni Nikki na naisip na ni Lyca ang kung ano ang maaaring kaharapin niya pagbalik. Kaya inunahan na nitong tulungan siya. Kung hindi, mas mahirap pa sana ang sitwasyong haharapin niya ngayon. Natawa naman si Beatrice sa sinabi niya. "Sinabi mo na mismo. Sa tingin mo ba talaga hindi namin napansin na papunta ka agad kay President Andrei? Eh, sa sobrang pagmamadali mo nga kanina, muntik mo nang matumba si Manager Lyca, dahil nabangga mo siya," nakangising patutsada pa ni Beatrice. Napapikit ng mga mata si Nikki at nakaramdam siya ng pagsisisi sa nangyari kanina. Akmang bubuka sana ang bibig biya, pero bago p
Tinitigan lang ni Andrei si Lyca. Tahimik lang din siyang tiningnan ni Lyca at pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon. She is very outstanding, at alam niya ito noon pa man. Pero matapos nilang makasal na dalawa ay patuloy itong nagsumikap upang patunayan ang sarili. Naging abala ito palagi sa iba’t ibang proyekto. Nagkakausap lang sila madalas sa trabaho… at sa kama. Alam niyang marunong tumugtog ng piyano si Lyca, pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang tumugtog. Suot ni Lyca ang isang nag-aapoy na pulang evening gown, at napakaliwanag nitong tingnan. Sa katunayan ay wala nang ibang nasa paningin ngayon ni Andrei, dahil ang tanging nakikita na lang niya ay si Lyca at ni hindi na niya napansin na naroon din naman ang pinsan niya na si Cristy. Mahahaba at magaganda ang mga daliri nitong mala kandila, at sa bilis ng kanyang pagtugtog ng piyano, lumilikha siya ng napakagandang musika. She’s really, very beautiful. Sa hindi kalayuan sa entablado, maraming punong loc
"Hinahangaan at mahal ka niya, kaya normal lang na maging masungit siya sa akin. Nadampian lang niya ako nang dumaan siya na nagmamadali. Nagsabi lang naman siya ng ilang katotohanang salita, at binura ang mga nagawa ko para lang makalapit sa iyo. Wala siyang anumang epekto sa akin,” sabi pa ni Lyca kay Andrei. Pinagtatanggol niya si Nikki rito. "She’s just a young school girl. How can she insult me? "Pero ikaw yata ang sumosobra kanina," dagdag pa ni Lyca. Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Lyca kay Andrei. Halatang hindi siya nasisiyahan sa lalaking nasa harapan niya. Malamig din siyang tiningnan ng lalaki, na para bang binibigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang dahilan. Nakuha agad iyon ni Lyca kaya naman muli siyang nagsalita. "Alam mong pinapanood siya ng lahat. Naghihintay silang makita siyang tumakbo palayo matapos mong hiyain, at hindi mo nga sila binigo dahil pinagtawanan mo pa siya gamit ang malamig mo na pananalita. Baka hindi mo iniintindi ang mga bagay
Nang marinig ni Nikki ang mga sinabi ni Andrei, ay biglang namutla ang kanyang mukha, nanginig ang kanyang mga labi, at hindi siya nakapagsalita agad. Paano niya magagawang sabihin na kasalanan iyon ng propesor? Labis na hinahangaan ng propesor sina Andrei at Lyca, at ito rin ang mentor ni Lyca. Lagi pa nitong ibinibida at sinasabi na sina Andrei at Lyca ang pinakamagagaling, pinakamatalino, at pinakamatapang na negosyanteng naturuan nito sa larangan ng financial. Labis na pinahahalagahan ng propesor nila si Lyca. Kung malalaman nito na binabaluktot niya ang katotohanan at sinasabi ang lahat ng ito para lamang mapasaya si Andrei, tiyak na magagalit ito sa kanya. Kaya naman hindi na nakapagsalita si Nikki at mas pinili na manahimik na lang. Pakiramdam niya lahat ng kanyang naiisip na plano ay nalantad habang may matatalim na tinging ipinupukol sa kanya. Kaya naman natakot siya at nag-panic. Lalo na at lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Alam na alam niya na mula nang lumapit s
Mula sa bulwagan ay maririnig ang mababang tunog ng isang cello. Ang mga estudyante mula sa department of music ang nagtanghal sa entablado. “Malapit na siguro si Cristy,” ani Lyca kay Andrei, habang tinitingnan nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Cristy na sasamahan nga ito sa entablado para tumugtog ng piano. Bahagya namang tumango si Andrei at hindi masyadong binigyang-pansin ang pag-akyat ni Cristy sa stage. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag-alala dahil kayang-kaya naman iyon ni Cristy nang mag-isa. “Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Cristy,” sabi ni Lyca at muling tiningnan si Andrei bago sya tuluyang umalis. Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman Lyca at agad na napalingon ngunit ang nakita lang niya ay ang payat na likod ng babaeng naka backless na evening gown. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha nito at an
Tahimik na ibinaba ni Lyca ang hawak niyang baso at saka nya dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Andrei. Sa gabing iyon ay suot ni Andrei ang isang dark blue na suit. Suot din sa kanyang pulso ang isang relo na may halagang sampung milyon, at isang tie clip na gawa sa platinum iris. Iniangat niya ang tingin mula sa kurbata nitong suot, nakita niya ang isang gwapo mukha na may perpektong hugis. Dark blue ito ang paboritong kulay ni Andrei. Napatingin naman si Lyca sa suot niyang red dress at hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. The combination of red and blue makes many people think they are a couple. But sadly, they are divorced. Matapos ang kanilang divorced ay mas naging mapangahas ay kaakit-akit si Lyca. Isang anyo na hindi kailanman nakita ni Andrei noon. Na para bang ngayon ay naging ibang tao na ito ngayon. Sandaling napapikit ng mga mata si Andrei at muling nagmulat. Napatingin naman din si Lyca ka Andrei at nagsalubong ang mga mata nila. T