Lahat sila napalingon nang marinig nila ang boses ng matanda. Lahat sila inaasahan na darating ito, kabilang na si Lyca.Bahagyang kumunot ang noo niya, perk sa pagkakataong ito, kusa siyang umupo sa tabi ni Andrei. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki, na para silang magkasintahan na naglalambingan.Kung sinumang makakita sa eksenang ito ay iisipin na silang dalawa ay isang mapagmahal na mag-asawa sa isa’t-isa. Ngunit sino ang mag-aakala na lahat ng ito ay isang palabas lamang?Nang bumukas ang pinto ay tumambad sa paningin nila si Lolo Andres. Nagulat pa ito nang makita silang dalawa ni Andrei na nakaupo sa sofa habang magkahawak kamay. Mabilis na lumapit si Marco rito at binati ang matanda nang may ngiti."Lolo, bakit naman po nagpunta po talaga kayo rito? Sinabi ko naman na po sa inyo na huwag na kayong mag-alala kay Drei, dahil nandito naman po si Lyca. Siya na po ang bahala na mag-alaga kay Andarei,” magalang na sabi ni Marco sa matanda. “Kaunting away lang po nilang mag-asawa at
Si Trixie na ang kasintahan nito ngayon, kaya hindi tama na magpatuloy sila sa ginagawa. Dahil mali ito. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin nito kapag nagpatuloy pa sila sa maling ginagawa. Na isang halik lang nito bibigay agad siya. Kaya hindi na maaari. Humugot muna siya ng hininga at buong pwersa na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Nagawa naman niya ito, pero habol hininga siya pagkatapos at itinulak palayo ang lalaki. "Andrei, divorced na tayo! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!” bulyaw niya rito. Tila natauhan naman si Andrei at natigilan ito. Napako ang tingin nito sa mukha ni Lyca na para bang binabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit saglit si Lyca bago nagsalita. "Si Trixie na ang kasintahan mo. Si Trixie, Trixie, at hindi ako,” mariin niyang bigkas habang inulit-ulit sa pabsambit ang pangalan ni Trixie. Sa wakas, ay binitiwan siya ni Andrei. Marahil dahil malinaw nitong narinig ang sinabi niya, o marahil dahil napagtanto nito kung sino siya, na hindi
Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan. "Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?" Umiling si Lyca bilang sagot. "Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito. "Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda. Mahigpit na tumu
Pagkatapos lumabas at makita kung sino ang taong naghahanap kay Lyca ay bumalik na siya sa loob ng opisina. Muli siyang naupo sa office niya at inayos ang suot na salamin sa mata. Umiyak kasi siya kahapon, idagdag pa ang napuyat siya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata niya. "Hindi ako manghuhula kaya wala akong oras sa mga walang kwentang hula na yan, Dean. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na. Kung wala naman ay pwede ka nang umalis dahil busy ako,” masungit niyang sabi sa binata. Kahit pa sinabi sa kanya ni Dean na iba ito kumpara kay Andrei at huwag ikumpara ang mga iti ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayaw na niyang masaktan muli. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masasaktan kung hindi na siya magbibigay ng tunay na damdamin. Kaya, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman. "Ang sungit mo talaga sa akin, Lyca," wika ni Dean at saka nito tinanggal ang suot na salamin at lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibaba
"Mr. Bautista." Banggit ng isang sekretarya nang makita nila si Dean. Kaya natigil ang kanilang pag-uusap at pagbubulong-bulungan. Ngumiti naman si Dean sa kanila saka ito nagtanong. “Nasa opisina ba si Mr. Sandoval? “Yes po, Sir. Nasa opisina po si Boss. May kailangan po ba kayo sa kanya?” anang isang sekretarya na sumagot. Ngumiti lang si Dean dito at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinungo na niya ang opisina ni Andrei. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito at hinihilot ang noo. Naptingin si Andrei sa pinto ng opisina niya nang bigla itong bumukas at nakita niyang si Dean ang pumasok. Saglit niyang tinitigan ang lalaki at ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Andrei sa lalaki. Nagtataka kung bakit ito nasa opisina niya. "Mr. Sandoval, balita ko magaling ka raw makipaglaban. Gusto mo bang subukan natin?” nanghahamon na sabi ni Dean kay Andrei. Ibinalik ni Andrei ang
Sa sandaling ito, parang hindi na mahalaga pa kay Trixie kung sino ang may gawa niyon sa kanya. Basta isa lang ang alam niya ang ibato ang lahat ng sisi kay Lyca dahil sa aksidenteng natamo niya. Halatang may galit talaga siya kay Lyca. Alam niyang nasaktan si Lyca noong birthday party nga daddy nila, kaya iniisip niya na naghihiganti ito sa kanya. Wala rin naman kasi siyang ibang nakaalitan kamakailan, at ang tanging tao na nakaalitan niya ay si Lyca lang naman. Kaya kung hindi si Lyca ang may gawa nito sa kanya, sino naman kaya? Wala siyang ibang masisisi rito sa nangyari sa kanya kundi si Lyca lang at wala ng iba. Gusto lang niyang magsumbong kay Andrei at ipakita kung gaano kasama ang puso ni Lyca. “Sa tingin mo ba talaga ay si Lyca ang may gawa nito sa ‘yo?” malamig ang boses na tanong ni Andrei kay Trixie. Naramdaman ni Trixie ang lamig sa boses ni Andrei at parang kinurot nang pino ang puso niya nang mapagtanto na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya. “Hindi ba a
Bukod kay Dean, ay wala nang ibang maisip si Lyca na gagawa nito kay Trixie. Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Kyrei. At lahit pa nasa bansa na ito, ay hindi naman ito gaganti sa ganitong paraan. About naman kay Chris, hindi nito papansinin ang isang maliit na tao na tulad ni Trixie. Wala ring alam sina Chris at si Kyrei nasa ibang bansa pa kaya wala silang ideya sa ginawa ni Trixie kay Lyca. Bukod kina Andrei at Dean, ang tanging nakakaalam ng katotohanan ay si Trixie. Pinoprotektahan ni Andrei si Trixie nang sobra, kaya malabo na siya ang nanakit sa babae. Pero hindi niya ginawa ang alinman sa mga ito, kaya ang tanging maaaring gumalaw laban kay Trixie ay si Dean. At kung ikukumpara sa ginawa ni Trixie sa kanya, mas malupit pa ito. ******* SAMANTALA, nakabalik na si Dean sa Bautista Group of Company. Nanlaki pa ang mata ng sekretarya nang makita ang pasa sa mukha niya pero hindi naman naglakas-loob na magtanong. Maingat nitong dinala ang kahon ng gamot sa op
CHAPTER 55 “Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Rigor kay David, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Isa siyang guro kaya alam niya ang kaakibat na bigat ng ganitong klaseng sitwasyon. Ngumiti naman si David sa ama niya at saka umiling dito. “Pa, ilang taon ka nang guro diba? Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang diyan. ‘Yong mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga ‘yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni David sa Papa niya. Subalit tila natabunan ang kanyang konsensya nang malaking halaga na ang nabanggit ng anak niya. Umakbay pa sa kanya si David na parang magkaibigan lang sila habang nag-uusap. “Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Max.” Nagpaplano ang dalawa sa sala, pero hindi man lang nila naisip na hinaan ang mga boses nila. ******** HATINGGABI na at kararating lang
Nang dahil sa ginawa na iyon ni Dean ay naging senyales iyon ng isang laban sa pagitan ng dalawang lalaki. Itinaas naman ni Lyca ang kanyang malamlam na tingin. Walang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang tahimik niyang pagtitig kay Andrei ay parang patalim na tumatarak sa katahimikan. Sa dahan-dahang pag-angat ng sulok ng labi ni Lyca ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw. Ngiti na animo’y nagbibigay ng babala. Tila naunawaan naman ni Dean ang pahiwatig na iyon ni Lyca. Kaya sinadya niyang ipulupot ang braso niya sa baywang ni Lyca. Bahagya namang naramdaman ni Dean na tila nanigas ang katawan ni Lyca kaya nanatili siyang nakahawak dito at hindi bumitaw. “Kung bumagsak man ang langit ay ako ang sasalo para sa 'yo,” bulong ni Dean kay Lyca. “Hindi kita kailangan sa ngayon,” malamig ang tono na sagot ni Lyca kay Dean habang hindi nya inaalis ang mga mata nya kay Andrei. “Kahit na bumagsak pa ang langit ay kaya ko pa ring tumayong mag isa,” dagdag pa nya. Sa mga
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago muling nagsalita ni Dean. "Napagdaanan na natin ang mga bagay na ito noong bata pa tayo. Ayaw mong lumaki ang anak mo sa isang pamilyang walang ama o sa isang sirang pamilya, hindi ba? Hindi mo na kailangang alalahanin ang mga bagay na ‘yan kapag kasama mo ako. Dahil sa magkatulad ang ating naging karanasan hanggang sa lumaki tayo kaya alam kong lubos natin siyang mauunawaan. Kapag sumama ka sa akin ay magiging mabuting asawa ako sa ’yo at magiging mabuting ama ako sa iyong anak. Pangako ko ‘yan sa ’yo,” madamdaming wika ni Dean. Hindi maikakaila na marunong magplano at maglaro ng emosyon si Dean. Ang mga sinabi niya ay eksaktong tumutugma sa mga bagay na matagal nang iniisip ni Lyca Naalala bigla ni Lyca ang sinabi ni Dr. Paolo sa kanya na hindi niya maaaring ipalaglag ang bata dahil maaari itong magdulot ng habambuhay na pagkabaog nya. Dahil sa sinabi nito ay pansamantala niyang itinuturing na siya at ang bata ay
"Kailangan ko ng isang maganda at perpektong asawa. At ikaw, kailangan mo ng isang 'kasintahan' na magagamit mo, hindi ba? Kung nagawa mong pakasalan si Andrei noon ay kaya mo rin siguro akong pakasalan,” sabi ni Dean kay Lyca, ang boses nga niya ay banayad lamang ngunit tila ba nang-aakit. "Pag-isipan mo itong mabuti Lyca. Gumawa ka ng desisyon na sa tingin mo ay tama. Tandaan mo na maibibigay ko sa 'yo ang lahat ng emosyonal na halagang kailangan mo. Ako ang magiging kasintahang magpapasaya sa ‘yo,” pagpapatuloy pa ni Dean. Matalino talaga si Dean. Ni hindi nito binanggit kung gaano siya nito kamahal o kung gaano siya nito kagusto. Sa halip ay sinabi lamang nito na siya ang magiging kasintahan na kayang punan ang kakulangan sa buhay. Pero sa huli ay hindi pa rin niya matakasan ang katotohanan na ito ay isang transaksyon lamang. Napa kurap-kurap naman ng kanyang mata si Lyca at hindi siya nakasagot kaagad dito. Sa halip ay iniwas niya ang tingin rito at itinuon ang kanyang paning
Alam naman ni Lyca na ang puso niya ay matagal nang patay. Akala niya ay rasyonal siya. Pero kapag ang isang taong rasyonal ay umibig, hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang damdamin. Inialay niya ang lahat ng kanyang pagmamahal noon kay Andrei. At kahit hindi na niya ito mahal ngayon ay tila naubos na rin ang kakayahan niyang magmahal ng iba. Masasabi niya na isang mabuting tao talaga si Dean at maaasahan pa. Kung tungkol sa kasunduan sa negosyo lang ang kanilang pag-uusapan ay kaya niyang pumayag pa roon. Pero kung ito ay tungkol na sa pag-ibig, ni minsan ay hindi pa iyon sumagi sa isipan ni Lyca. "Huwag kang mag-alala Thea. Alam ko naman ang ginagawa ko," sabi ni Lyca. ************ Pagdating ni Lyca sa opisina nya sa kumpanya ni Andrei ay ramdam na ramdam naman nya ang kakaibang tingin sa kanya ng mga empleyado na naroon. Pero imbes na panghuhusga ang tingin nila kay Lyca ay nangibabaw pa rin ang pag respeto at paggalang nila rito. Alam naman nila ang katotohanan na ang l
KINABUKASAN, ang isang blog post na isinulat ni Trixie kagabi ay biglang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms. Sa loob lamang ng ilang oras ay mabilis itong kumalat at nagdulot ng matinding diskusyon. Agad na may nag upload ng litrato nina Dean at Lyca na tila nagpapakita ng kanilang pagiging malapit. Sa larawan ay makikita na magkaharap sila habang nakangiti. Bakas sa mga mata ni Dean ang puno nang paghanga kay Lyca. Ang larawang ito ay tila sumusuporta sa mga sinabi ni Trixie sa kanyang blog post. Ang mga intriga sa loob ng malalaking kumpanya at ang drama ng pamilya sa laban sa mana ay nagpa usbong ng interes ng publiko. Sa isang gabi ang blog post na iyon ay umabot na sa trending topics. Marami ang mga nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa blog post na iyon ni Trixie na ngayon ay pinagkakaguluhan at nasa trending search list na. “Grabe! Dean has always been pretending to be a losser and a playboy. After he took over the Bautista company, I thought he was
Ang holography ay matagal nang pinag-aaralan ni Arthur. Ngunit sa katunayan, noong nabubuhay pa ang ina ni Lyca na si Helen ay pinag-aaralan na ng ina nito ang bagay na ito. Noong araw na iyon ay walang may nakakaalam na kung bakit may ganung mga datos si Helen. Subalit nang matapos naman na mapasakamay ni Arthur ang mga datos, ay hindi agad niya napag-aralan ang mga detalyadong bahagi nito. Patuloy lang niyang binabantayan ang lahat ng research institute na nag-aaral about sa holography, kabilang na roon ang proyekto ni Lyca. Kung nakagawa si Helen ng isang advanced na datos ilang taon bago pa man, posible rin kayang may ganung kakayahan si Lyca? At mukhang tama nga at totoo ito base sa nangyayari ngayon. Kaya naman nang malaman ni Arthur na may koneksyon si Lyca kay Dean ay agad na bumalik ng bansa si Arthur. Alam niyang isa rin si Dean sa mga tahimik na nag-aaral ng holography. Kung si Lyca ay malapit kay Dean, hindi malayong mapalapit din ito sa teknolohiyang ito. Ngay
"B-bakit mo ako gustong makita? A-Ano’ng kailangan mo sa akin?" kinakabahan na tanong ni Greg kay Arthur. "W-Wala talaga akong ginawang masama! Kung pumunta ka rito para kay Lyca, sinasabi ko na wala akong masamang intensyon sa kanya. Ang totoo, maganda lang talaga siya kaya naisipan kong kuhanan siya ng video. Alam ko ang pagkatao niya at hindi ko siya kayang galawin," paliwanag pa ni Greg na labis-labis ang kabang nararamdama.. Nagpapanic na talaga si Greg at iniisip niya na pumunta si Arthur doon upang maghiganti para kay Lyca. "Relax. Wala akong balak na pag-usapan si Lyca," sagot ni Arthur kay Greg. "Kung ganon, bakit mo ako hinahanap?" tanong pa ni Greg at sa pagkakataon na iyon ay medyo nabawasan na ang ka ba na nararamdaman niya dahil sa sinabi nito, pero hindi pa rin talaga sya kampante rito. "Narinig kong dati kang konektado kay Dean at ang research institute mo ay may ginagawang pag-aaral tungkol sa holography,” sagot ni Arthur kay Greg. Nagulat namna si Greg sa
Walang nagawa na pinanood na lamang ni Trixie ang papalayong sasakyan lulan sina Lyca at Dean. Naikuyom niya nang mahigpit ang mga kamao habang nangingitngit sa galit. Hindi naman na nagtagal pa roon si Trixie at umuwi na rin siya sa kanilang bahay. Agad na siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagkulong. Naupo siya sa harap ng kanyang laptop at mabilis na sinimulang magsulat, isang blog post ang binuo niya. Ang pawang mga salita niya roon ay puno ng hinanakit at sakit. Ang nilalaman ng post ay tungkol sa lihim na ugnayan nina Lyca at Dean. Ayon dito ay nagtutulungan ang dalawa upang makuha ni Dean ang kayamanan ng pamilya Bautista. Idinagdag pa niya na sinira umano ni Dean ang isang mahalagang kasunduan bilang paghihiganti para kay Lyca. Pagkatapos niyang i-post ito sa internet ay napangisi na lamang talaga si Trixie. "Tingnan natin bukas," aniya sa sarili. "Wawasakin ng blog post na ito sina Lyca at Dean!" dagdag pa ni Trixie habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. **
Kitang-kita sa nakaharap na surveillance camera ang malamig na ngiti ni Lyca habang nakatingin siya rito. Kahit pa nakangiti si Lyca ay ramdam niya pa rin ang sa kanyang mga ngiti labis na pangungutya niya sa mga ito. Ang lahat ng nanonood ng live broadcast sa sandaling iyon ay biglang kinabahan at desperado nh sinubukang lumabas sa site ng live broadcast. Ngunit hindi na nga nila ito magawa. Para bang biglang nasira ang mga keyboard ng kanilang phone na para bang may kumokontrol dito para hindi sila makalabas sa naturang site. Ang mga lalaki kasi na nanonood sa live broadcast na iyon ay madalas na talaga na manood ng mga ganoong live broadcast na may kalaswaan. At dahil sa takot nila dahil hindi sila makaalis sa naturang site ang iba sa kanila ay binasag ang kanilang mga phone at ang iba naman ay inihagis sa tubig ang kanilang phone sa pag aakala na makakatakas na sila roon. Ang hindi nila alam ay naipadala na ni Lyca ang kanilang mga address sa mga pulis. Hindi naman nagtagal ay