Malakas ang hangin ng mga oras na iyon at napakaliwanag din ng sinag ng buwan. Mabagal silang naglakad na dalawa. Ang kanilang mga anino ay malinaw na magkapares ngunit mukhang napakalungkot. Pareho silang hindi nagsalita. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Alexa na walang tamang salita ang pwedeng lumabas sa bibig niya.Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Alexa ay dali-dali na siyang pumasok sa loob, samantala hinintay naman muna ni Noah na makapasok ng tuluyan sa loob si ALexa bago siya tumalikod at bumalik sa sasakyan.Pagkabalik ni Noah sa kotse niya ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang tauhan, nang sagutin nito ang kanyang tawag ay mabilis siyang nagsalita. “Huwag mo nang hanapin anhg dumurog sa kamay ni Lily.” sabi niya rito.“Sir may problema po ba?” bigla naman nitong tanong sa kaniya, marahil ay nagtataka ito kung bakit bigla niya na lamang itong pinatigil bigla.“Wala naman, basta huwag mo nang hanapin pa.” sabi niya at pagkatapos nun ay tul
Natatakot siya na baka magalit ito sa kaniya ngunit sa halip na magpaliwag rito at tumayo lamang siya doon at pagkatapos ay pinanuod si Noah na naglalakad patungo sa kaniya. Malamig ang gwapong mukha ni Noah at hindi niya mawari kung masaya ba ito o hindi.Nang makalapit ito sa harap nilang dalawa ni Lily. nakita niyang tinanguan nito ito at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong box at lumapit sa kaniya. Ilang sandali pa ay inabot nito ang kamay niya ay ininspeksiyon ito. Nang makita nitong namumula ang kanyang palad ay tinanong siya nito. “Masakit ba ang kamay mo?” tanong nito sa kaniya,Nang marinig niya ang tanong nito sa kaniya ay natigilan siya. Akala pa niya ay nag hallucinate na siya. Sa totoo lang ay si Lily ang first love nito at kababata, siya rin ang pakakasalan nito pagdating ng araw pero pinili pa rin siya nitong alalahanin. Medyo nalilito at nagmamadaling umiling si Alexa at pagkatapos ay pakiramdam niya ay tila ba may mali dahil sa sagot niya kaya ibinuka niya a
Totoo nga na sinampal niya si Lily kahapon pero medyo namaga lang naman ito ng kaunti at hindi ganun na tila ba binugbug na ito. Halatang may ibang ginawa na naman ito o kaya ay may nambugbug pang iba rito. Dali-dali niyang tinawagan si Vena at pagkatapos ay nagtanong rito.“Vena anong nangyari sa mukha ni Lily?” tanong niya kaagad pagkasagot na pagkasagot nito kanyang tawag.Napatawa naman si Vena dahil sa tanong niya at pagkatapos ay tumigil din naman agad pagkalipas ng ilang sandali. “Kagabi, nagpunta siya sa isang bar para uminom hanggang hatinggabi tapos nung pauwi na siya ay may bigla na lang humarang sa kotse na sinasakyan niya at pagkatapos ay hinila siya pababa at binugbug siya. May kasama naman siyang bodyguard niya pero walang nagawa ang mga ito. Nakakatawa siya.” sabi nito at muli na naman itong tumawa. Aliw na aliw talaga ito sa itsura ni Lily nang mga oras na iyon.Hinintay naman niyang tumigil ito sa pagtawa bago muling nagtanong. “Nagsumbong siya sa mga pulis?” tanong
Alam niya na hindi ganun kahaba ang pasensya nito. Ilang sandali pa ay mabilis na inakbayan siya ni Noah kahit na wala siyang pahintulot at sa harap pa talaga ni Betty. “Sabay na tayong kumain ng lunch.” sabi nito sa kaniya kung saan ay mabilis na lamang siyang tumango rito.Nang mga oras naman na iyon ay hindi nakapagsalita si Betty na nasa tabi niya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. “Alexa, kilala mo ba ang gwapong lalaking ito? Sino siya at bakit ka niya inaakbayan?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.“Ah oo, kilala ko siya.” asawa ko siya, ngunit hindi niya na nagawa pang isatinig ang huling mga salita niya. Malapit sila kapag magkalapit sila pero pag magkalayo silang dalawa ay para silang hindi magkakilala.Nang marinig naman ni Betty ang kanyang sagot ay bigla niyang naisip na baka magkamag-anak ang dalawa at akmang ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang masalita nang bigla na lamang yakapin ng lalaki si Alexa at pagkatapos ay umalis na sa harap niya. N
Mahirap isipin na ang emosyong ganun ay lilitaw sa mga mata nito. Sinasabi ng mga mata nito na kayang-kaya nitong patayin siya at talagang napagtanto ni Alexa ngayon kung gaano ito kadelikado. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ng mga oras na iyon ngunit tila ba walang kakayahan ang kanyang mga paa. Ni hindi niya ito maigalaw o ni kahit nga itaas man lang ito. Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Noah at nang mapansin niya na hindi sumusunod sa kaniya si Alexa ay tumigil siya at lumingon sa kanyang likuran. Agad niyang nakit na nakatayo pa rin doon si Alexa at nakatingin sa ama ni Lily.Dahil doon ay bigla na lamang siyang naglakad pabalik kay Alexa at doon niya nakita na napakaputla ng mukha nito. “Bakit hindi ka sumunod sa akin?” tanong niya rito at pagkatapos ay sinulyapan ang ama ni Lily at nakita niya kung paano niya tingnan ito.Biglang nagtagis ang mga bagang ni Noah nang makita niya ito at pagkatapos ay mabilis na hinawakan ang kamay ni Alexa at pagkatapos ay tumitig sa ama ni Li
Ang buong sampung palapag na gusali na mall ay pag-aari ng ina ni NOah. mabilis silang pumasok sa loob at pagkatapos ay sumakay silang dalawa ni Alexa ng elevator papunta sa opisina nito. Pagkapasok pa lang nila sa loob ng opisina nito ay agad na itong ngumiti sa kaniya. Agad itong tumayo mula sa kinauupuan nito at pagkatapos ay hinila siya nito kaagad at dinala sa harap ng computer nito. “Tingan mo Alexa, nagdisenyo ako ng tatlong set ng wedding gown, mamili ka kung ano ang pinakagusto mo.” sabi nito sa kaniya.Bahagya namang natigilan si Alexa at pagkatapos ay biglang sumakit ang puso niya na para bang tinutusok-tusok. Nilingon niya si Noah at pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanyang biyenan. “Ah, Tita hindi na po kailangan dahil malapit na po kaming maghiwalay ni Noah.” sabi niya rito.Natigilan naman ito at pagkatapos ay nalungkot ang mga mata. “Alam ko hija, pero gusto lang kitang bigyan ng wedding dress kahit na sino pa ang pakasalan mo in the future.” sagot naman nit
Pagkatapos magpalit ni Alexa ng damit ay lumabas na siya ng fitting room. Tinulungan siya ng tauhan ng kanyang biyenan na sukatin ang eksaktong mga sukat ng kanyang katawan. Pagkatapos siya nitong sukatan ay agad siyang naglakad patungo sa sofa at umupo doon habang nakatingin sa kanyang cellphone.Sa fitting room kanina ay kumuha siya ng ilang litrato habang nakasuot siya ng damit pangkasal sa may salamin. Gusto niyang itago iyon blang souvenir at namili siya ng pinakamagandang shot niya doon. Ngunit nang tingnan niya ang mga ito ay pare-pareho naman itong magaganda kaya nagdadalawang isip siya na magbura.Samantala, nakatayo naman sa hindi kalayuan si Noah at nakita niya kung ano ang tinitingnan ni Alexa kaya mabilis siyang nagsalita nang may ngiti sa kanyang mga labi. “Kung gusto mo ay maaari kang kumuha ng maraming larawan habang nakasuot ka ng wedding gown.” sabi niya rito.Mabilis naman na nag-angat ng ulo si Annie at pagkatapos ay nilingon ito at gulat na napatingin rito. Magh
Nang makalapit si Noah sa kaniya ay agad nitong hinawakan ang kamay niya at may ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Nagniningning ang mga mata nito. “Napakaganda mo ngayon.” bulong nito sa kaniya.Nakatitig lang naman si Alexa rito at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Ikaw din naman napakagwapo mo.” sabi niya. Nag-thumbs up naman ito sa kaniya. Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay nagtawanan bago naglakad palayo habang magkahawak ang mga kamay.Mula sa kinauupuan ni Lily ay pinagmasdan niya ang mga ito habang magkahawak ang mga kamay. Sa totoo lang ay galit na galit siya ng mga oras na iyon at gusto niyang magwala. Mabilis nyang inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag at tinawagan niya ang ama ni NOah. “tito, narito sina Noah at Alexa para magphotoshoot, hindi lang basta photoshoot kundi wedding photoshoot. Bakit mo hinahayaang gawin nila ang bagay na ito? Hindi ba at maghihiwalay na sila pero bakit parang bago lang silang kasal?” sunod-sunod na t
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya
PINIGILAN NAMAN NI ALEXA ang kanyang emosyon at nagtanong. “Bakit, hindi ba siya nakasuot ng safety helmet?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Nakasuot naman siya.” sagot nito.“Kamusta ang lagay niya?” tanong niya ulit.“Hindi ko pa alam sa ngayon at hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyon sa kaniya ay hindi pa malalaman.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla na lang nitong itinaas ang kamay at tiningnan ang relo nito. “Malapit nang makarating dito sina Daddy at kung okay lang sayo ay pwede bang kumain ka na lang munang mag-isa?” tanong nito sa kaniya.Kahit na hindi nito sabihin ay alam niya na natatakot ito na baka kung ano na naman ang sabihin ng ama nito sa kaniya kapag naabutan siya nito doon. Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita. “Pasensya ka na talaga, Alexa.” dagdag pa nito at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat.Tumango siya. “Sige.” sabi niya ngunit nang makita nito ang lun
MALAMIG NAMAN ANG mga mata ni Nico habang pinapanood ang dalawa sa harap niya na nagsusubuan ng pagkain. “Ganito niya ako kamahal. Talagang alagang-alaga niya ako.” biglang sabi ni Noah sa kaniya habang nakangiti ng abot hanggang tenga.Tumaas naman ang sulok ng kanyang mga labi at sinalubong ang kanyang mga mata. “Protektahan mo siyang maigi.” sabi niya rito.Hindi nagtagal ay tuluyan na nga ring natapos ang dinner na iyon. Nagpaalam na sila ni Noah kay Nico at pagkatapos ay sabay na silang dalawa na lumabas ng restaurant na iyon. Paglabas nila ay agad na napabuntung-hininga si Alexa. Kahit papano ay gumaan na rin ang pakiramdam nya hindi katulad kanina na napaka-intense ng atmosphere sa pagitan ng dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya.Panigurado na kung hindi niya isinama si Noah doon at nalaman nito ang tungkol sa dinner na iyon ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay sumakay na silang dalawa sa kotse. Nang maisara ang pinto ng kotse ay bigla na lan
KINABUKASAN ay bigla siyang nilapitan ni Alexa. “Mamayang gabi, libre ka ba? May dadaluhan kasi akong isang dinner party at gusto kong sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang kilay ni Noah at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Sino ba ang kasama mo sa dinner party na iyon?” tanong niya rito.“Si Nico Dela Vega.” mabilis na sagot nito.Bigla namang napatigil ng wala sa oras si Noah sa kanyang ginagawa at napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone kung saan ay halos madurog na ito sa kamay niya.Napansin naman kaagad ni Alexa ang galit sa mukha nito nang banggitin niya ang pangalan ni Nico at inaasahan na niyang magagalit ito kaya dali-dali siyang nagpaliwanag. “Ang painting kasi na ginawa ko ay binili niya at isinabit niya sa kanyang opisina kung saan ay binili naman kaagad ng isang customer nila sa halagang 13 milyon. Nagpadala siya sa akin ng karagdagang bayad at agad ko siyang tinawagan upang ibalik sa kaniya ang pera ngunit ayaw niyang tanggapin. Bil
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na