Pagkatapos magpalit ni Alexa ng damit ay lumabas na siya ng fitting room. Tinulungan siya ng tauhan ng kanyang biyenan na sukatin ang eksaktong mga sukat ng kanyang katawan. Pagkatapos siya nitong sukatan ay agad siyang naglakad patungo sa sofa at umupo doon habang nakatingin sa kanyang cellphone.Sa fitting room kanina ay kumuha siya ng ilang litrato habang nakasuot siya ng damit pangkasal sa may salamin. Gusto niyang itago iyon blang souvenir at namili siya ng pinakamagandang shot niya doon. Ngunit nang tingnan niya ang mga ito ay pare-pareho naman itong magaganda kaya nagdadalawang isip siya na magbura.Samantala, nakatayo naman sa hindi kalayuan si Noah at nakita niya kung ano ang tinitingnan ni Alexa kaya mabilis siyang nagsalita nang may ngiti sa kanyang mga labi. “Kung gusto mo ay maaari kang kumuha ng maraming larawan habang nakasuot ka ng wedding gown.” sabi niya rito.Mabilis naman na nag-angat ng ulo si Annie at pagkatapos ay nilingon ito at gulat na napatingin rito. Magh
Nang makalapit si Noah sa kaniya ay agad nitong hinawakan ang kamay niya at may ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Nagniningning ang mga mata nito. “Napakaganda mo ngayon.” bulong nito sa kaniya.Nakatitig lang naman si Alexa rito at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Ikaw din naman napakagwapo mo.” sabi niya. Nag-thumbs up naman ito sa kaniya. Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay nagtawanan bago naglakad palayo habang magkahawak ang mga kamay.Mula sa kinauupuan ni Lily ay pinagmasdan niya ang mga ito habang magkahawak ang mga kamay. Sa totoo lang ay galit na galit siya ng mga oras na iyon at gusto niyang magwala. Mabilis nyang inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag at tinawagan niya ang ama ni NOah. “tito, narito sina Noah at Alexa para magphotoshoot, hindi lang basta photoshoot kundi wedding photoshoot. Bakit mo hinahayaang gawin nila ang bagay na ito? Hindi ba at maghihiwalay na sila pero bakit parang bago lang silang kasal?” sunod-sunod na t
Matapos lang nilang magpakuha pa ng ilan pang larawan ay sinabi niya sa photographer na okay na ang lahat at sapat na ang mga litratong nakuhanan nito. Paglabas niya ng studio ay tahimik siyang nagpunta sa dressing room upang magpalit muli ng damit at magtanggal ng kanyang make-up. Paglabas niya mula doon ay bigla na lamang siyang nilapitan ni Noah at tinanong. “Sino ang tumawag sayo kanina?” tanong nito sa kaniya.Agad naman siyang umiling rito. “Ah yun ba, wala lang iyon.” sabi niya rito.Hinawakan naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Sabihin mo sa akin ang totoo.” sabi nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin rito at pagkatapos ay nagkunwaring tiningnan ang relo niya.“Ano ka ba, wala nga. Kumain tayo, ililibre kita.” sabi niya na lamang rito.Napataas naman ang kilay ni Noah sa kaniya ng wala sa oras at pagkatapos ay hinaplos nito ang buhok niya. “Gusto mo akong yayaing upang kumain?” tanong nito.
Kinabukasan, Lunes. Napagkasunduan ni Alexa at ni Noah na gumawa ng appointment upang pumunta sa Civil Affairs Bureau. Nang bumaba siya sa kotse ay napatingala siya at nakita niya ang isang napaka-eleganteng cafe sa gilid ng kalsada. Tumigil siya sandali. Tatlong taon na ang lumipas noong una silang magkita ni Noah sa lugar na iyon.Naaalala pa niya na malamig nang mga panahong iyon at nakasuot ito ng itim cashmere coat na mas nagpagwapo pa lalo rito. Bagamat naka-wheelchair ito noon ay hindi maitatago na galing pa rin ito sa mayamang pamilya.May pares ito ng magagandang mga mata. Ngunit ang mga matang iyon ay nakakubli ang lamig at lungkot doon. Nang una niyang makita ang mga mata nito ay hindi niya maipaliwanag pero nalungkot talaga siya ng sobra dahil ang mga mata nito ay parang mga mata ni Nio.Labintatlong taon na ang nakakalipas nang makita niya ito sa huling pagkakataon sa may ospital kung saan ay nakasuot ito ng oxygen mask sa mukha nito at hindi ito makapgsalita. Tahimik niy
Ayon sa ina ni Alexa ay gusto nitong dalhin ang bangkay ng lola ni Alexa sa bahay nila at ilibing ito kasama ng kanyang lolo. Agad na lumabas si Noah sa loob ng silid upang tawagan ang isa sa kanyang mga tauhan at hiniling rito na asikasuhin nito ang lahat para sa libing at lamay ng lola ni Alexa. Makalipas nga lang ang isang oras ay nakahanap na ang mga tauhan ni Noah ng pag-crecrematan ng katawan nito.Ang ilan naman niyang mga tauhan ay pinapunta niya sa lumang bahay nila Alexa upang ayusin ang paglalamayan ng lola nito. Sa gabi ay sinabi ni Noah na mas mabuting magpahinga na muna si Alexa kung saan ay sumunod naman ito sa kaniya.Tinabihan niya si Alexa sa paghiga nito. Sa mga nakalipas na mga gabi ay hindi gaanong nakakatulog si Alexa dahil nga siya ang palaging nagbabantay sa kanyang lola tuwing gabi kaya halos wala na ring lakas ang katawan niya. Pagkahiga niya ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok.Samantala, maging si Noah ay hindi nakaramdam ng antok habang katabi niya si Al
Pagbalik ng dalawa sa bahay ay tanghali na at kumain lang sila sandali. Pagkatapos nilang kumain ay magkahalong pagod at antok ang naramdaman ni Alexa kaya dali-dali siyang pumasok sa kwarto at naghubad ng kanyang damit upang umidlip sana sandali. Nitong mga nakaraang araw nga kasi ay hindi siya nakapagpahinga ng maayos dahil sa sobrang lungkot niya. Sumunod din si Noah sa kaniya at pagkatapos ay hinubad nito ang suot nitong amerikana at inilagay ito sa upuan na nasa tabi ng kama at pagkatapos ay dali-daling tumabi sa kaniya.Mabilis siyang nagsalita upang pigilan ito. “Huwag ka dito sa tabi ko matulog. Tatlong araw na akong hindi naliligo kaya tiyak na mabaho na ako.” sabi niya rito kahit na alam niyang hindi naman talaga siya mabaho dahil naghuhugas at naglilinis pa rin naman siya ng kanyang katawan. Wala namang pakialam si Noah sa sinabi niya at pagkatapos ay mas lumapit pa sa kaniya upang amuyin ang kanyang ulo. “Hmm, medyo maasim-asim nga.” sabi nito sa kaniya. Dahil doon ay med
Wala siyang nagawa kundi ang sagutin na ang tawag nito. “Kailan ka ba uuwi?” tanong nito sa kaniya.“Ngayon pa lang ang libing ng lola ni Alexa at baka bukas na ako ng madaling araw makabalik.” walang emosyong sagot niya rito.Ilang sandali pa ay narinig niya rin naman kaagad ang tinig nito mula sa kabilang linya. “Bakit ba kailangan mo pang manatili diyan nang matagl? Halos ilang araw ka na ring pabalik-balik diyan.” sabi nito sa kaniya.Dali-dali naman siyang sumagot rito at hindi na inisip pa kung tama ba o hindi ang sagot niya. “Syempre ay namatay ang lola niya at sobrang lungkot niya kaya kailangan ko siyang alalayan.” sagot niya rito.“Bakit kailangan na ikaw pa ang umalalay sa kaniya? Wala ba siyang magulang? O mga kamag-anak?” tanong nitong muli sa kaniya.Napabuntung-hininga na lamang siya dahil sa dami nang tanong ng ama. “Napakalungkot din ngayon ng kanyang ina at halos hindi niya rin maalalayan si Alexa. Ang mga kamag-anak naman nila ay halos wala din namang pakialam sa ka
Natigilan si Alexa nang mga oras na iyon dahil sa ginawa ni Noah. hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lamang siyang hinalikan ni Noah. isa pa ay nasa kalsada sila kaya may mangilan-ngilan pa ring nagdadaan doon.Ang lugar na iyon ay medyo mga konbersatibo pa ang mga tao doon kaya nakakahiya naman kung makikita sila ng mga ito. Bukod pa doon ay kakalibing lang ng kanyang lola at hindi iyon ang tamang oras para sa ganuong bagay. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay upang itulak ito palayo. Gayunpaman, itataas pa lamang sana niya ang kanyang kamay nang hawakan bigla ni Noah ang kanyang mga kamay at dahil doon ay hindi siya makagalaw.Kumpara nga sa lakas nito ay walang-wala sa lakas niya at dahil doon ay hinayaan na lamang niyang halikan siya nito. Napakadiin ng pagkakahalik nito sa kaniya at hindi kasing banayad ng mga halik nito sa kaniya at pakiramdam niya ay tila ba ito nakikipagkumpitensiya sa uri ng halik nito.Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito kanina. Marahil