Share

CHAPTER 31 - Awakening

ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.

“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.

“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.

Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak.

“I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status