Home / Fantasy / ABLAZE WITH GOLD / CHAPTER 5 - The Elevator Mishap

Share

CHAPTER 5 - The Elevator Mishap

Author: Mia Ghibee
last update Last Updated: 2023-03-24 22:43:27

PAGKATAPOS nilang kumain sa cafeteria ay naglakad na sila pabalik sa kanilang opisina. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay ng elevator paakyat. Nang bumukas ito, napuno agad kaya hindi na sila nagpumilit na sumakay. Habang naghihintay ng susunod na lift, abala si Mark sa pagtawag sa kanyang cellphone.

Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya.

Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang babaeng hindi magkakagusto rito. Pero kagaya niya baka mataas din ang standard nito sa pagpili ng magiging girlfriend.

Mayroon pa siyang naiisip na lalaki, iyong sumagip sa kanya kanina sa cafeteria. Hindi lang siya gwapo, kundi mayroon din itong talentong hindi pangkaraniwan, parang may magic. Pumikit siya, inisip na lang na baka dating nagtatrabaho sa circus ang lalaking iyon dahil sa talentong ipinamalas nito.

Bumukas ang elevator at siya namang pagtapos ng pakikipag-usap ni Mark sa cellphone nito. Humakbang siya papasok sa elevator pero pinigilan siya ni Mark.

“Sir, bakit po?” tanong niya.

Napakamot lang sa ulo si Mark at sinabing, “Paunahin mo na sila.” Napaisip siya nang may pagtataka dahil tatlo lang naman silang sasakay kung sakali. Nagsara na ang lift at naiwan muli sila. Mayamaya pa ay bumukas ulit ang isang pintuan at minamadali naman siya nitong pumasok na sila sa loob. Nauna siyang pumasok at nakasunod naman sa kanyang likuran si Mark. Pumasok rin ang lalaking naghihintay na pahapyaw niyang nasulyapan kanina. Napatango si Mark sa lalaki kaya inisip niyang baka magkakilala ang mga ito.

Nang nasa kalagitnaan na sila ay bigla na lang namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.

“Anong pong nangyari?” takot na tanong ni Jade na niyakap ang sarili dahil wala siyang makita. Noon pa man ay takot na siya sa dilim at isa ito sa mga kahinaan niya.

“Don't worry, everything will be alright. Let's wait for someone to help us,” ani Mark na kinapa ang emergency button para humingi ng tulong.

“Sir, paano kung matagal silang mag-rescue? Ano po’ng gagawin natin?” natatarantang tanong niya. Nag-uunahan na agad sa kanyang isipan na baka hindi na sila makalabas ng buhay. Wala na ang kanyang mga pangarap. Paano na ang kanyang pamilya?

“Jade, relax. It won’t help if you panic,” anang lalaki na ilang beses nang pinipindot ang emergency button.

“Pero, sir, baka hindi na tayo makalabas dito,” takot na sabi niya.

“Jade, please, relax. Maupo ka na lang muna, okay?” anitong inalalayan siyang maupo sa sahig dahil nakikita na nito ang pagkataranta niya. Gamit ang flashlight ng cellphone ay hinanap ni Mark ang emergency phone malapit sa may pintuan.

“Hello, is anyone there? We're stuck in the elevator and need help!”

Isang boses ang sumagot sa intercom at nagkumpirma na tutulungan sila. Tila nabuhayan ng loob si Jade at nabawasan ang kanyang takot. Subalit nakalipas ang dalawampong-minuto ay wala pa rin ang mga rescue team. Kaya muling tumawag si Mark gamit ang telepono.

“Hello! How long will it take for them to arrive? We've been stuck in here for almost twenty minutes. Please, can you find a way to get us out of here soon?” may himig nang pagkadismaya sa tinig ni Mark. Sa kabila ng pagkukumbinsi nito sa kanya na huwag mag-panic, nararamdaman niya na tila hindi sila ligtas. Naririnig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"I apologize for the delay, sir. The rescue team is on their way. In the meantime, please try to stay calm and relax,” anang tinig sa intercom. Ngunit nakalipas na ang tatlumpung-minuto ay wala pa rin ang mga ito. Noon ay nararamdaman na ni Jade na tila umiinit na ang paligid, at dahil sa nerbiyos niya ay tila nahihirapan na siyang huminga. Kaya hindi na niya mapigilan ang mapaiyak. Ito ang unang pagkakataon na na-stuck siya sa elevator, masikip at wala siyang maaninag na kahit anong liwanag dahil patay ang ilaw. Mas nakakatakot ito kaysa maglakad sa dilim sa gabi.

“Sir, nahihirapan na po ako huminga,” aniyang hindi na napigil ang pag-iyak. Agad namang nilapitan siya ni Mark.

“Oh my God!” umupo ito sa bandang harapan niya.

“Please try not to panic. Take a deep breath in, and slowly exhale,” anitong binuksan ang flashlight ng cellphone at pinapagaya siya. Nakikita niya ang tagaktak na pawis nito sa noo at ang mga mata nitong bakas ng pag-aalala. Sumunod siya sa pinapagaya sa kanya nito pero hindi niya mapigil ang mapaluha sa takot.

“Don’t cry, okay?” pagkukumbinse nito sa kanya. Hindi niya alam pero tila ibang Mark ang kasama niya, hindi ito ang ma-awtoridad na boss na palagi niyang kausap. Kahit papaano ay nakatulong sa kanya ang pagiging malakas na loob nito. Naaninag din niya sa pamamagitan ng liwanag ng cellphone ang lalaking kasabay nila. Tahimik lang itong nakatayo sa isang sulok ng elevator, ni hindi ito nagsasalita. Tiningala ito Mark.

“Uriel, we need your help to get out of here. Please find a way,” ang sabi ni Mark sa lalaki na tila nagmamakaawa. Napalinga ito sa kanila at mayamaya ay may pinindot ito sa elevator buttons. Nabuhayan sila ng loob nang biglang nabuhay ang ilaw at umandar nang muli ang elevator. Napabulalas siya ng pagpapasalamat.

“Told you, we can get out of here,” sabi nitong napangiti sa kanya pagkuwa’y napatingin sa lalaking kasama nila. Nagtaka siya kung bakit kailangan magpasalamat ni Mark sa lalaking kasama nila na wala naman itong ginawa, ‘ni hindi nga ito nagsasalita.

Nang bumukas ang elevator sa twenty-fifth floor ay naghihintay na sa kanila ang maintenance personnel at medical team.

“Pasensiya na po kung medyo natagalan ang pagdating namin,” sabi ng isa sa mga maintenance personnel. Napailing na lang si Mark na hindi maitago ang pagkainis dahil sa pagkaantala ng mga ito.

“Please check on her, she's having difficulty breathing,” sabi ni Mark sa medical team. Parang gusto niyang patuloy lang itong nakahawak sa mga braso niya, at magkunwaring masama pa ang pakiramdam. Agad namang nilapitan siya ng medical team.

“Kamusta po kayo, ma’am? Ano pong nararamdaman niyo sa ngayon?" tanong ng isang paramedic.

“Medyo mainit at mahirap huminga nang kaunti, pero okay na na po ako sa ngayon. Natakot lang kasi ako,” sagot niya.

“Are you sure, okay ka na?” tanong ni Mark na hindi pa rin umaalis sa tabi niya.

“Yes, sir, okay na po ako,” tugon niya.

Samantala, agad namang sinuri ng mga tauhan sa maintenance ang naging problema ng elevator. Diretso lang si Mark papasok ng opisina habang nakasunod sila kasama ang ilang medical staff. Hinanap ng kanyang mga mata ang lalaking kasabay nila kanina, ngunit hindi na niya ito makita. Sinuri pa rin siya ng mga medical staff dahil iyon ang sinabi ni Mark sa kanila. Lihim siyang nakaramdam ng saya dahil sa labis na pag-aalala sa kanya ng lalaki. Gusto niyang mangarap na sana personal na nag-aalala talaga ito sa kanya, hindi bilang empleyado kundi bilang siya. Sinaway niya ang naisip, dahil alam niyang likas lang talaga itong mabait kahit istrikto. At ang ginagawa nito sa kanya ay gagawin din nito sa iba nang walang malisya. Pagkatapos siyang masuri ay pinagpahinga muna siya. Nang makaalis ang mga paramedics, lumapit si Jessica na kasama niya sa trabaho at ang iba pa upang kumustahin siya.

Ang ilan ay may bahid ng pagkainggit sa mukha dahil sa lahat daw ng makakasama niya sa elevator ay si Mark pa na pinapangarap ng karamihan. Para sa kanya kahit sino pa ang kasama niya ay hindi na niya gugustuhin pang ma-stuck sa elevator.

“Ang suwerte mo naman, Jade, sana kami na lang ni Mr. Xavier ang na-stuck sa elevator,” kininilig na sekretong bulong sa kanya ni Jessica nang makaalis ang ilang empleyado sa tabi nila. Natawa na lang siya dahil halatang-halata niyang may gusto ito kay Mark. Si Jessica ay ang head ng IT Department at pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga empleyado dahil palakaibigan ito, kung kaya’t nakagaanan agad niya ng loob.

“Hindi lang naman si Sir ang kasama ko sa elevator, tatlo kami,” tugon niya habang umiinom ng tubig sa kanyang tumbler.

“Sino?” curious na tanong nito.

“Hindi ko kilala, basta narinig kong tinawag siya ni Sir na Uriel. Tila nagulat si Jessica.

“Wow! Talaga? Si uriel? Ang suwerte mo talaga, girl! Sana ako na lang talaga ang na-stuck sa elevator, biruin mo dalawang guwapo ang kasama mo,” anitong tila naghihinayang.

“Pambihira ka rin, ano? Tingnan mo nga itsura ko, mukha ba akong nag-enjoy?” pabulong na sabi niya.

 “Well, puwedeng tinatago mo lang pero deep inside kinikilig ka,” natatawang sabi nito na kiniliti pa siya sa tagiliran dahilan para bahagya siyang matawa sa kapilyahan nito. Napailing na lamang siya.

“Pero alam mo, hindi ko talaga malaman kung ano ang kuneksiyon ng lalaking ‘yon kay boss. Madalas ‘yon dito dati pa, pagkakaalam ko hindi naman siya kamag-anak ni Sir.”

“Hay, Jessica pati ba naman ‘yan napansin mo pa. Paano mo naman nalaman na hindi sila magkamag-anak, eh, pareho nga silang guwapo ‘di ba?” aniyang hininaan ang salitang guwapo at napatingin sa paligid. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido, bahagya kasing sumasakit.

 “Basta iba ang napapansin ko sa lalaking ‘yon, para bang napakamisteryoso niya,” ani Jessica. Napapaisip na napatingala siya Jessica na nakatayo sa kanyang harapan. Noon din ay naisip niyang maaring tama si Jessica ganoon din kasi ang napansin niya sa lalaking iyon kahit unang kita lang niya rito. ‘Ni hindi man lang niya kinakitaan ng pagkataranta ang lalaki kanina nang masira ang elevator, bigla rin itong nawala. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay ayaw na niyang isipin ang mga bagay na makakadagdag ng gulo sa isip niya. Napabuntong-hininga na lang siya sa mga kasamahan niya dahil imbes na mag-alala sa kanya ay kinainggitan pa siya dahil sa nakasama lang niya si Mark.

“Naku ‘wag naman sana mangyari sa’yo, Jessica. Kapag naranasan mong ma-stuck sa elevator hindi ka na kikiligin, tiyak matatakot ka kahit si Sir pa kasama mo,” aniyang seryoso para matauhan si Jessica sa pinagsasabi nito. Hindi biro ang naramdaman niyang takot kanina. Akala niya talaga ay katapusan na niya. Muli siyang uminom, pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa init sa loob ng elevator. Parang ayaw na tuloy niyang sumakay pa sa elevator.

Natigil ang kanilang pag-uusap ni Jessica nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Mark at lumabas ito. Nakapameywang itong tiningnan ang mga nagkukumpulan na mga empleyado kaya agad na nagsibalikan sa kanya-kanyang mesa ang mga ito. Nagbilin ito na huwag munang iistorbohin dahil magpapahinga.

            ISINARADO ni Mark ang kanyang opisina at nagbilin kay Jade na huwag muna siyang istorbohin. Gusto niya kasing makausap si Uriel dahil marami siyang dapat itanong dito. Tila mababaliw na siya sa kaiisip sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi siya pinapatahimik ng kanyang sixth sense, dahilan para hindi siya makapag-concentrate ng maayos sa trabaho. Palagi niyang nakikita ang mga nilalang na hindi naman dapat. Kanina bago sila sumakay ng elevator ay nakita niya ang lalaking minsan ay naka-engkuwentro nila ni Uriel sa kalsada. Marami itong kasama kung kaya’t malakas ang kanyang kutob na may mangyayari na namang hindi maganda, at hindi nga siya nagkamali. Hindi mapakali na palakad-lakad siya habang nakapameywang.

“Uriel, we need to talk. Where are you?”  tawag niya. Naghintay siya ng ilang minuto ngunit walang Uriel na nagpakita. Pagod na ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair at saglit na pumikit.

“Ano’ng kailangan mo, sa akin?” sabi ng isang tinig dahilan para mapadilat siya. Nakita niyang nakatayo sa kanyang harapan si Uriel sa anyong tao nito.

“There you are, mabuti naman at nagpakita ka. Bakit ‘antagal bago kay may ginawa kanina?” tanong niya kay Uriel na tila nanunumbat.

Mia Ghibee

Sana po abangan niyo ang mga susunod pa na Chapters, salamat!

| Like

Related chapters

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 6 - New Revelation

    NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?” “Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya. “What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan. “Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful be

    Last Updated : 2023-03-31
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 7 - Hidden Affection

    SINADYA talagang magpaiwan ni Jade sa ladies’ room para hindi niya makasabay ang kanyang mga katrabaho paglabas ng gusali. Ayaw niya kasing sumakay sa elevator dahil nagka-trauma siya nang ma-stuck dito, kaya mas pinili niyang bumaba sa hagdanan. Nahihiya kasi siyang pagtawanan ng mga kasama.Mag-isang bumaba ng hagdan si Jade, ngunit nasa ika-labinwalong palapag pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagod. Saglit siyang tumigil para magpunas ng pawis. Pagkatapos ay ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang ponytail na kinuha niya sa bulsa ng kanyang bag. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, ngunit nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan. Napatigil siya at pinakinggan ang taong pumasok. Naisip niyang baka janitor ng gusali. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningala ang isang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Hi, miss! Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.“Mas gusto ko lang dumaan dito kasya

    Last Updated : 2023-04-06
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 8 - The Protector's Heart

    INIHINTO ni Mark ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan may isang kariton na nakahimpil. Biglang bumangon ang isang bata na nakahiga roon na pupungas-pungas pa dahil tila galing ito sa tulog. Binuksan niya ang bintana ng kotse.“Bata!” tawag niya.Agad namang ngumiti ang bata at nagmadaling bumaba ito ng kariton. Nagmamadali habang nakangiti na lumapit ito sa kanya. “Ano po ‘yon, kuya?” tanong ng bata na sa tingin niya ay pitong taong gulang pa lamang. Nadaanan kasi niya ito kahapon na nagkakalkal ng mga basura, kaya naisipan niyang bigyan ito ng pagkain. “Heto, kumain ka muna,” sabay abot niya sa binili nilang pagkain kanina mula sa fastfood. Namilog ang mga mata ng bata sa tuwa. “Sa akin na po ito?” tanong ng bata. Tumango siya sabay ginulo ang buhok ng bata.“Oo, sa’yo na ‘yan. Bakit mag-isa ka lang? Na’san ang mga magulang mo?” tanong niya. Ngunit hindi sumagot ang bata sa halip ay yumuko lang at umiling. “Wala kang

    Last Updated : 2023-04-08
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 9 - Cursed Gift

    NAGISING si Mark na may tinatawag na pangalan. Nasambit niya ang pasasalamat nang mapagtantong panaginip lang pala. Napakasama ng kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagtagumpay ang kaaway na kunin ang kanyang mga magulang. Sa isang eksena naman ng kanyang panaginip ay kasama niya si Jade at muli siyang nakipaglaban sa mga halimaw. Subalit hindi niya naprotektahan si Jade at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kanyang panaginip ay tila ba may malapit siyang kaugnayan sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang matinding kalungkutan nang mawala ito. Makailang beses niyang tinawag si Uriel upang humingi ng tulong subalit hindi ito dumating.Lumabas siya ng silid at tinungo ang minibar na malapit sa living room. Nagsalin siya ng alak sa baso. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip na pakiwari niya ay parang totoo. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso nang maubos niya. Gusto niyang makatulog nang mahimbing dahil halos isang oras pa lamang siya

    Last Updated : 2023-04-10
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 10 - In Denial Love

    DUMAAN muna si Jade sa ladies’ room upang mag-retouch. Nasa pintuan pa lamang siya ay dinig na dinig niya ang malakas na usapan ng mga kasamahan niya. “Naku, brokenhearted na naman ang mga nagkakagusto kay Mr. Xavier. Akalain ba naman nating isasama niya ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Apple habang kausap si Jessica. Tila mapapaatras siya sa kanyang kinatatayuan sa narinig, ngunit nang makita siya ng mga ito, agad siyang hinila papasok. “Andyan ka pala, girl. Alam mo bang kasama ni Sir ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Jessica na tila naghihintay ng komento niya. Kinuha niya ang kanyang powder sa bag at nag-umpisang mag-retouch. “Ows, talaga?” “Kilala mo ba yon o kaya nabanggit man lang ba sa’yo ni Sir?” Hindi pa rin tumitigil sa pag-uusisa si Jessica, palagay niya ay nagseselos ito. Alam na ng lahat na malaki ang pagkagusto nito kay Mark. Sa katunayan, si Mark na lang siguro ang hindi nakakaalam kaya hindi pa ito natat

    Last Updated : 2023-04-13
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 11 - The Awkward Moment

    SINUNDAN ni Jade ng tingin ang kamay nitong kinuha ang isa sa mga naka-soft bind na monthly report na binigay niya kahapon. Agad siyang kinabahan kapag ganito ka-seryoso ang mukha ng lalaki, tiyak may problema. “Did you not even check it? My instructions were clear that you should have checked it before giving it to me, right Jade?” Bakas ang disappointment sa mukha nito. Ang alam niya ay makailang beses niyang tiningnan ang report bago inilagay sa mesa ni Mark. Subalit papaanong may mali pa rin?” Binuklat nito ang naka-softbind at ipinakita sa kanya. “Look at this! Nothing has changed. Are you kidding me? I expected a huge improvement this month, but this report is still a mess!” Napakurap-kurap siya nang mariing pinagdiinan nito ang mga daliri sa hawak na report. Ang alam niya ay pinalitan niya iyon. Pero bakit tila naiba ang nakalagay roon? Marami siyang nakikitang naka-highlight ng kulay orange na ibig sabihin ay mali, ang mga correction naman ay nakasula

    Last Updated : 2023-04-14
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 12 - Misunderstood Intentions

    NANG dumating si Mark sa kanyang penthouse ay nadatnan niya si Uriel. Kinabahan siya. Sa tuwing makikita kasi niya si Uriel, may mahalaga itong sasabihin o kaya naman may paparating na panganib. Ilang araw ding hindi ito nagpakita sa kanya mula noong pinagtabuyan niya nito.“What’s up?” kaswal na tanong niya. Nakaunat ang mga paa nito habang nakaupo sa lounge chair. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa nitong magpakita sa iba’t-ibang anyo; minsan may pakpak minsan wala, minsan naman ay tila isang ordinaryong empleyado lang. At ngayon naman ay kaswal itong nakasuot ng poloshirt at maong pants. Subalit hindi nag-iiba ang mukha nito, kaya kilalang-kilala niya ito.“Sorry for what happened last time,” aniya nang maalala ang ginawa niya kay Uriel. Napalinga ito sa kanya.“You should control your temper, Mark,” sabi nito.“What?” kunot-noo na tanong niya. Kailan pa nagkaroon ng permiso ang nilalang na ito para pakialaman ang kanyang pag-uugali? Ang naisip niya. Kinuha nito ang isang

    Last Updated : 2023-04-15
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 13 - Silent Adoration

    Sumunod naman si Jade kay Mark. Ramdam pa rin niya ang panghihina, marahil ay gutom na gutom na talaga siya. Paglabas niya ng kuwarto, namangha siya nang makita niya ang malawak na living room. Ngayon lang siya nakatuntong sa ganito kagandang bahay: mabango, malawak, at mamahalin ang mga kagamitan. Bahagya siyang nagulat nang mapagtanto na may ibang tao pala sa living room. Nakatingin ang mga ito sa kanya at napangiti, na tila inaabangan talagang magising siya. “Gising na siya,” narinig niyang sabi ng isang babae. “How are you feeling, Jade?” anang isang magandang babae na sa tantya niya ay nasa forties. Unang tingin pa lang ay hindi na maikakailang doktor ito dahil sa suot nitong doctor’s coat. Napalingon si Mark sa kanya at bumalik dahil tumigil siya sa paglalakad. “By the way, sweetheart, this is Dr. Alegro, and her assistants. I immediately called them when you felt unwell earlier,” ani Mark. Si Dr. Alegro ay kakilala ng pamilya Xavier na nagmamay-ari din

    Last Updated : 2023-04-17

Latest chapter

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 31 - Awakening

    ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 30 - The Battle of Baraquel

    Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 29 - A heartbreak Unveiled

    Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 28 - The Proposal

    Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 27 - The Only Solution

    “Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 26 - JEALOUSY

    HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 25 - Apart

    NANLULUMO na umuwi si Jade sa penthouse. Hindi rin niya nakasabay si Mark, maaga kasi itong umalis kanina kasama ang mga magulang. Naunawaan naman niyang maraming problema na dapat asikasuhin ngayon nakabalik na ang mga magulang sa Pilipinas. Pero, bakit ganoon hindi niya maiwasang sumama ang loob? Ito ‘yong bagay na ayaw niya, ang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang emosyon. Ngayon lang niya napagtanto na kaya siguro ayaw ni Mark na nasa opisina siya dahil distracted din ito sa trabaho. Napasinghot siya, hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nalulungkot siyang magkakahiwalay sila ni Mark ng trabaho kahit na alam niyang malapit lang naman ito kung tutuusin. Isa pang nagpapabigat sa kanyang kalooban ay ang pagtrato sa kanya ng mga magulang ni Mark. Paano niya maaatim na makisama sa mga ganoong uri ng tao sakaling magkatuluyan sila ni Mark? Sumagi rin sa kanyang isipan na baka iyon ang dahilan kung bakit hindi siya ipinakikilala ng lalaki sa mga magulan

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 24 - Unexpected Encounter

    PAGDATING ni Mark sa opisina, agad niyang binuksan ang kanyang laptop. Saglit siyang nag-browse ng online news. Napansin niya ang headline ng balitang tungkol sa eroplanong sumabog. Agad niyang naalala ang kanyang pangitain. Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makita na ang eroplanong sumabog ay ang AF 257. Tandang-tanda niya dahil dito dapat nakasakay ang kanyang mga magulang kung hindi lamang niya naagapan na pauwiin ang mga ito nang mas maaga. Nakaramdam siya ng takot dahil kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang kanyang mga pangitain.Agad na dinampot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring ito, tumatawag ang kanyang mommy.“Hijo, hindi ko alam kung matatakot ako,” anang kanyang mommy.“Matatakot saan, mommy?” tanong niya.“I just saw the news about the plane crash. Tama ka, hijo, mas mabuti na hindi kami roon nakasakay. But, how did you know about it?” tila may pagtataka sa tinig ng kanyang mommy.“I don't know, mom, I just had a bad feeling about that flight.”“Pero hindi

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 23 - Meeting Prince Zenon

    Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik

DMCA.com Protection Status