NANG maiparada ni Mark ang kanyang motorsiklo, agad siyang bumaba. Mas gusto niya itong gamitin kapag nagmamadali siya kaysa sa kotse upang makaiwas sa trapik sa daan. Napatingin siya sa paligid nang mapansin na bigla na lang siya nasa loob na ng kanyang opisina. Matatagpuan ang kanyang opisina sa ika-25 palapag ng gusali, na pag-aari din ng kanilang pamilya. Karaniwan niyang ikinaiinis ang mga hindi pangkaraniwang pangyayari na tulad nito dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sakaling may magtanong.
Hinubad niya ang kanyang leather jacket, na nabasa ng malakas na ulan kanina. Mabuti na lang at hindi natuloy ang meeting niya ngayon kay Mr. Montifalco, ang may-ari ng pinakamalaking proyekto na gagawin nila ngayong taon. Kapag natuloy kasi, baka masira siya sa kausap dahil sa mga nangyari kanina sa daan na nakaabala sa kanya ng husto. Magpapalit na lamang siya ng kanyang polo.
Pinalagyan niya ng mini-closet ang kanyang malawak na opisina dahil minsan ay kinakailangan niyang magpalit ng damit lalo na kapag may mga meeting siyang pupuntahan. Halos hindi pa siya nakakapag-adjust sa tensiyon na nangyari kanina sa daan.
Ang babaeng tinulungan niya ay inangkas na rin niya sa kanyang motorsiklo, kahit na natuloy ang malakas na ulan. Hindi rin tumanggi ang babae dahil alam niyang walang masasakyan sa expressway na iyon. Basang-basa din ng ulan ang babae kanina, mabuti na lang at parehong sa Makati sila papunta.
Nakiusap ang babae na ibaba siya sa katabing mall malapit sa kanilang gusali, marahil ay bibili ito ng pamalit na damit. Naikuwento ng babae na kasalukuyan itong naghahanap ng trabaho at may pupuntahan pa itong interview. Hindi na rin siya nagtanong ng iba pang detalye maging ang pangalan nito dahil mukhang nagmamadali ang babae, isa pa may kausap pa siyang hinihintay ngayong araw.
Nang makapagpalit siya ng damit, saglit na umupo siya sa maliit na sofa sa sulok ng opisina at isinampay ang kanyang mga braso sa sandalan nito. Magpapahinga muna siya bago simulan ang pag-iisip sa mga solusyon sa problema sa kompanya. Mag-isa lang siya ngayon dahil kasalukuyang nagbabakasyon sa France ang kanyang mga magulang at matatagalan pa bago makabalik ang mga ito sa Pilipinas.
Saglit niyang iginala ang kanyang paningin sa bawat sulok ng kanyang opisina. Elegante at maayos ito kumpara noong panahon na madalas pa rito ang kanyang ama. Ipinabago niya ang disenyo para magkaroon ng buhay. Pakiramdam niya ay napaka-boring ng dating disenyo nito. Napili niya ang kulay na brown at puti para sa interior design at nilagyan niya ito ng ilang mamahaling kagamitan sa loob. Halos glass wall ang kabuuan nito, kaya nakikita ang mga naglalakihang gusali sa paligid kapag binuksan ang blinds nito. May ilang libro rin sa maliit na bookshelves na si Felicity naman ang nagdala. Hindi siya mahilig sa mga libro, pero dahil madalas tumatambay ang kanyang childhood friend na si Felicity sa opisina, ay nagkaroon siya ng mga libro. Pawang tungkol sa modeling, make-up at kung anu-ano pa na may kinalaman lamang sa mga babae. Madalas niyang biruin ang kababata na tagadala ng mga kalat sa kanyang opisina. Napakurap siya nang makilala kung sino ang nakatayo malapit sa glass wall habang nakatalikod sa kanya—si Uriel.
“Hey! Nandyan ka pala. Puwede mo bang ipaliwanag ang mga nangyari kanina? Bakit gano'n? Hanggang kailan ba ako manonood ng tila mala-aksyon ninyong palabas?” tanong niya.
Para kay Mark, pangkaraniwan na lang sa kanya ang makipag-usap sa mga ganitong uri ng nilalang, lalo na kapag mag-isa siya. Lumingon si Uriel at humarap sa kanya. Sa pagkakataong ito, wala ang mga pakpak nito at pangkaraniwang tao ang anyo nito sa ngayon.
Uriel is wearing a sleek black suit, paired with crisp white shirt and black trousers. He looked absolutely stunning with his tall stature and striking features, he was the epitome of a debonair gentleman. His chiseled jawline and piercing gaze could make anyone weak in the knees. Kung babae nga lang siya ay baka hinimatay na siya sa kilig. Isinilid nito sa bulsa ang dalawang kamay at bahagyang lumapit pa sa kanya.
“Hanggang kailan? Hanggang sa wakas ng panahon ng mundo, hindi pa rin matatapos ang misyon ko.”
Naningkit ang mga mata niya at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib, “Puwede namang huwag niyo na lang ipakita sa akin. Kasi minsan natatakot din ako, kagaya na lamang kanina, 'yong babae na muntik nang maaksidente.” Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaba niya nang makita niya ang sinasakyang taxi kanina ng babae, idagdag pa ang dalawang tao na binawian ng buhay kanina doon mismo sa lugar.
“Minsan mas maganda na makita mo para may magawa ka. Kagaya kanina. Naintindihan ko kung bakit ako ang sinugo ni Ultharione na magbantay sa’yo.”
“Hold on, who is Ultharione? And what does he have to do with me?" he asked, his eyebrows furrowing in confusion as he leaned forward in his seat. Determinado siyang malaman kung paano at bakit ang kanyang pangalan ay konektado sa isang tao o imortal na hindi pa niya naririnig dati. Umaasa siyang makakakuha na ng kasagutan kay Uriel dahil madalas ay iniiwan lamang siya nito sa ere na maraming katanungan.
Hinihintay niya ang kasagutan ni Uriel. Dumako ang mga tingin nito sa kanyang dibdib sinundan niya iyon habang napapayuko siya. Nakita niya ang kapiraso ng gintong palaso na nakatarak doon. Tila isa itong 3D picture reflection dahil hindi niya ito mahawakan at tumatagos lamang ang kanyang mga kamay.
“Can you explain this?" itinuro niya ang gintong palaso.
“Ito ba ang dahilan kung bakit kakaiba ako sa lahat? Puwes ayoko na! Tanggalin mo na ‘to, please,” may himig ng pagkadismaya at pagsuko sa tinig na wika niya.
Blankong tingin lang ang ipinukol nito sa kanya pagkuwa’y nagsalita, “Sa tamang panahon ikaw mismo ang makatatanggal niyan.”
“When?” he asked, his voice tinged with frustration. “I can't wait any longer. I want to live a normal life. Hindi mo ba nakikita na mukha na akong nababaliw minsan?” mariing sabi niya saka marahas na isinuklay ang mga daliri sa buhok.
“Darating na, malapit na.” Uriel's voice was calm, yet also carried a strange sense of determination.
“Kailan nga ‘yon? Narinig ko na ‘yan sa’yo dati. Alam mo—” naputol siya sa pagsasalita nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. Napapalakas ba ang kanyang tinig at kinailangan siyang katukin? At sino naman ang mangangahas na katukin siya para pagsabihan? He is the boss. And he could probably defend himself even if he was going crazy inside his office. His authority was evident in the way he carried himself, and it seemed like he had an unbreakable sense of control over his subordinates. Muli siyang tumingin kay Uriel ngunit bigla na lang itong naglaho.
“Damn!” he muttered in frustration. Naudlot na naman kasi ang kanilang usapan, hindi tuloy nasagot ang kanyang mga katanungan.
“Come in!” Tumingin siya pabalik sa pintuan at marahang bumukas ito at pumasok si Athena, ang kanyang secretary. Si Athena lang ang tumagal ng halos dalawang taon sa kanyang opisina. Karamihan sa mga nauna ay hindi nagtagal dahil nagkagusto sa kanya, isang bagay na ikinaiinis niya, lalo na sa oras ng trabaho. Kapag ganoon ang kanyang sekretarya, hindi na niya ito pinapalampas sa probationary period. Mark wasn't playing hard-to-get; he simply didn't want to mix business with pleasure. Sa palagay niya may tamang panahon at lugar para sa mga bagay na ‘yon. Kunsabagay hindi naman niya masisi ang mga kababaihan. Mark has a tall and imposing stature, standing confidently wherever he goes. His silver-green eyes seem to speak volumes, piercing through anyone who meets his gaze with an intensity that is both alluring and intimidating. His kissable lips possess a subtle curve that hints at a charming smile. Minsan nga kahit may mga asawa na ay kinikilig pa rin sa kanya, at hindi naman lingid sa kanya iyon.
“Sir, Mr. Cruz isn't here yet, but the applicant you'll be interviewing has arrived,” Athena informed him.
“Please send her in,” utos niya sa kanyang sekretarya, saka niya pinagtuunan ng pansin ang resume na inilapag sa kanyang mesa. Napakunot-noo siya at pilit na inaalala kung saan niya nakita ang babae na nasa litrato dahil tila pamilyar iyon sa kanya. Umayos siya ng pagkakasandal sa kanyang swivel chair. Napasinghap siya nang maalala kung saan niya nakita ang babae. Ito ‘yong babae na tinulungan niya kanina lang.
“What a coincidence,” bulong niya sa kanyang sarili. Napapangiti siya sa hindi malamang kadahilanan dahil tila ba excited siyang makaharap ang babae. Hindi na siya makapaghintay na makausap ito.
Sa labas ng opisina ni Mark ay naroon si Athena kausap si Jade. Tiningnan nito si Jade mula ulo hanggang paa, “Miss Javier, are you sure you're here for a job interview?”
“Of course, ma’am,” masiglang sagot niya sabay tango sa kaharap.
Napangiwi si Athena, “If I'm the one who will interview you, I have no problem. However, Mr. Xavier will be your boss, and you will be his executive secretary.” Naunawaan ni Jade ang ibig ipahiwatig ni Athena sa sinabi. Dapat ay presentable na humarap sa interview hindi kagaya ng itsura niya sa ngayon na tila basang sisiw na naghahanap ng masisilungan.
“Sorry, ma'am, but something came up on my way here,” paliwanag niya.
“I see,” sagot ni Athena, pero hindi pa rin lubos na kumbinsido. Ngunit napansin niya ang pag-aalala sa mukha nito marahil ay naawa sa kanya kaya pumayag na lang na ma-interview siya ngayong araw. Bago siya kumatok sa pintuan kung saan naroon ang opisina ni Mr. Xavier ay muli siyang tinawag ni Athena kaya napalingon siya.
“Good luck, Miss Javier!” sabi nito in a sincere tone kasunod ng matipid na ngiti.
“Thank you, ma’am,” ngumiti rin siya at pilit na kinakalma ang sarili sa nararamdamang kaba.
MARAHANG kumatok si Jade sa pinto bago pinihit ang hawakan nito. Nang maisara niya ito ay napatingin siya sa lalaking nakayuko sa papel na nasa mesa na sa palagay niya ay ang kanyang resume. “Good morning, sir,” bati niya habang mahinang isinara ang pintuan. Umangat ito nang tingin sa kanya at laking gulat niya nang makilala kung sino ang kaharap; ang lalaking tumulong sa kanya kanina sa daan. Lumapad ang kanyang mga ngiti sa tuwa dahil mapapasalamatan na niya ito. Hindi kasi niya ito nagawang pasalamatan kanina dahil sa sobrang pagmamadali niya. Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi nagulat ang lalaki nang makita siya, marahil ay nakita na nito ang kanyang resume bago pa man siya pumasok sa silid. “Please, take a seat, Miss Javier,” iminuwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa. Maingat siyang umupo habang ipinatong sa kandungan ang kanyang bag. Muling dumungaw ang lalaki sa kanyang resume kaya bahagya niyang nasulyapan ang malawak na kabuuan ng opisina. N
KASALUKUYANG nasa meeting si Mark at tila hindi na makapaghintay si Jade na matapos dahil kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Nagbilin naman ito na maaari na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang meeting. Tatawagan na lang daw siya nito sa cellphone kapag may kailangan. Ngayon ay isang linggo na siyang nasa opisina at sa kabutihang palad ay maayos naman ang lahat. Medyo nahihirapan pa siya at hindi pa ganoon kabihasa kagaya ni Athena kaya madalas ay marami pa rin siyang katanungan na kailangan niyang ikonsulta kay Mark. Aminado naman siyang tila pabigat siya kay Mark sa unang linggo pero sisikapin niyang makapag-adjust sa lalong madaling panahon. Halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa opisina ay kumain na sa labas dahil may bagong sahod, samantalang siya ay siguradong sa susunod pa na cut-off pa makakatanggap ng kanyang sahod. Nabuo agad sa kanyang isipan ang mga mumunting pangarap para sa kanyang pamilya. Kapag nakapag-ipon siya, plano niyang ayusin ang kanilang barong-baro
PAGKATAPOS nilang kumain sa cafeteria ay naglakad na sila pabalik sa kanilang opisina. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay ng elevator paakyat. Nang bumukas ito, napuno agad kaya hindi na sila nagpumilit na sumakay. Habang naghihintay ng susunod na lift, abala si Mark sa pagtawag sa kanyang cellphone. Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya. Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang
NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?” “Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya. “What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan. “Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful be
SINADYA talagang magpaiwan ni Jade sa ladies’ room para hindi niya makasabay ang kanyang mga katrabaho paglabas ng gusali. Ayaw niya kasing sumakay sa elevator dahil nagka-trauma siya nang ma-stuck dito, kaya mas pinili niyang bumaba sa hagdanan. Nahihiya kasi siyang pagtawanan ng mga kasama.Mag-isang bumaba ng hagdan si Jade, ngunit nasa ika-labinwalong palapag pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagod. Saglit siyang tumigil para magpunas ng pawis. Pagkatapos ay ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang ponytail na kinuha niya sa bulsa ng kanyang bag. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, ngunit nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan. Napatigil siya at pinakinggan ang taong pumasok. Naisip niyang baka janitor ng gusali. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningala ang isang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Hi, miss! Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.“Mas gusto ko lang dumaan dito kasya
INIHINTO ni Mark ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan may isang kariton na nakahimpil. Biglang bumangon ang isang bata na nakahiga roon na pupungas-pungas pa dahil tila galing ito sa tulog. Binuksan niya ang bintana ng kotse.“Bata!” tawag niya.Agad namang ngumiti ang bata at nagmadaling bumaba ito ng kariton. Nagmamadali habang nakangiti na lumapit ito sa kanya. “Ano po ‘yon, kuya?” tanong ng bata na sa tingin niya ay pitong taong gulang pa lamang. Nadaanan kasi niya ito kahapon na nagkakalkal ng mga basura, kaya naisipan niyang bigyan ito ng pagkain. “Heto, kumain ka muna,” sabay abot niya sa binili nilang pagkain kanina mula sa fastfood. Namilog ang mga mata ng bata sa tuwa. “Sa akin na po ito?” tanong ng bata. Tumango siya sabay ginulo ang buhok ng bata.“Oo, sa’yo na ‘yan. Bakit mag-isa ka lang? Na’san ang mga magulang mo?” tanong niya. Ngunit hindi sumagot ang bata sa halip ay yumuko lang at umiling. “Wala kang
NAGISING si Mark na may tinatawag na pangalan. Nasambit niya ang pasasalamat nang mapagtantong panaginip lang pala. Napakasama ng kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagtagumpay ang kaaway na kunin ang kanyang mga magulang. Sa isang eksena naman ng kanyang panaginip ay kasama niya si Jade at muli siyang nakipaglaban sa mga halimaw. Subalit hindi niya naprotektahan si Jade at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kanyang panaginip ay tila ba may malapit siyang kaugnayan sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang matinding kalungkutan nang mawala ito. Makailang beses niyang tinawag si Uriel upang humingi ng tulong subalit hindi ito dumating.Lumabas siya ng silid at tinungo ang minibar na malapit sa living room. Nagsalin siya ng alak sa baso. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip na pakiwari niya ay parang totoo. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso nang maubos niya. Gusto niyang makatulog nang mahimbing dahil halos isang oras pa lamang siya
DUMAAN muna si Jade sa ladies’ room upang mag-retouch. Nasa pintuan pa lamang siya ay dinig na dinig niya ang malakas na usapan ng mga kasamahan niya. “Naku, brokenhearted na naman ang mga nagkakagusto kay Mr. Xavier. Akalain ba naman nating isasama niya ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Apple habang kausap si Jessica. Tila mapapaatras siya sa kanyang kinatatayuan sa narinig, ngunit nang makita siya ng mga ito, agad siyang hinila papasok. “Andyan ka pala, girl. Alam mo bang kasama ni Sir ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Jessica na tila naghihintay ng komento niya. Kinuha niya ang kanyang powder sa bag at nag-umpisang mag-retouch. “Ows, talaga?” “Kilala mo ba yon o kaya nabanggit man lang ba sa’yo ni Sir?” Hindi pa rin tumitigil sa pag-uusisa si Jessica, palagay niya ay nagseselos ito. Alam na ng lahat na malaki ang pagkagusto nito kay Mark. Sa katunayan, si Mark na lang siguro ang hindi nakakaalam kaya hindi pa ito natat
ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
“Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h
HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi
NANLULUMO na umuwi si Jade sa penthouse. Hindi rin niya nakasabay si Mark, maaga kasi itong umalis kanina kasama ang mga magulang. Naunawaan naman niyang maraming problema na dapat asikasuhin ngayon nakabalik na ang mga magulang sa Pilipinas. Pero, bakit ganoon hindi niya maiwasang sumama ang loob? Ito ‘yong bagay na ayaw niya, ang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang emosyon. Ngayon lang niya napagtanto na kaya siguro ayaw ni Mark na nasa opisina siya dahil distracted din ito sa trabaho. Napasinghot siya, hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nalulungkot siyang magkakahiwalay sila ni Mark ng trabaho kahit na alam niyang malapit lang naman ito kung tutuusin. Isa pang nagpapabigat sa kanyang kalooban ay ang pagtrato sa kanya ng mga magulang ni Mark. Paano niya maaatim na makisama sa mga ganoong uri ng tao sakaling magkatuluyan sila ni Mark? Sumagi rin sa kanyang isipan na baka iyon ang dahilan kung bakit hindi siya ipinakikilala ng lalaki sa mga magulan
PAGDATING ni Mark sa opisina, agad niyang binuksan ang kanyang laptop. Saglit siyang nag-browse ng online news. Napansin niya ang headline ng balitang tungkol sa eroplanong sumabog. Agad niyang naalala ang kanyang pangitain. Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makita na ang eroplanong sumabog ay ang AF 257. Tandang-tanda niya dahil dito dapat nakasakay ang kanyang mga magulang kung hindi lamang niya naagapan na pauwiin ang mga ito nang mas maaga. Nakaramdam siya ng takot dahil kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang kanyang mga pangitain.Agad na dinampot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring ito, tumatawag ang kanyang mommy.“Hijo, hindi ko alam kung matatakot ako,” anang kanyang mommy.“Matatakot saan, mommy?” tanong niya.“I just saw the news about the plane crash. Tama ka, hijo, mas mabuti na hindi kami roon nakasakay. But, how did you know about it?” tila may pagtataka sa tinig ng kanyang mommy.“I don't know, mom, I just had a bad feeling about that flight.”“Pero hindi
Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik