MARAHANG kumatok si Jade sa pinto bago pinihit ang hawakan nito. Nang maisara niya ito ay napatingin siya sa lalaking nakayuko sa papel na nasa mesa na sa palagay niya ay ang kanyang resume.
“Good morning, sir,” bati niya habang mahinang isinara ang pintuan.
Umangat ito nang tingin sa kanya at laking gulat niya nang makilala kung sino ang kaharap; ang lalaking tumulong sa kanya kanina sa daan. Lumapad ang kanyang mga ngiti sa tuwa dahil mapapasalamatan na niya ito. Hindi kasi niya ito nagawang pasalamatan kanina dahil sa sobrang pagmamadali niya. Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi nagulat ang lalaki nang makita siya, marahil ay nakita na nito ang kanyang resume bago pa man siya pumasok sa silid.
“Please, take a seat, Miss Javier,” iminuwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa. Maingat siyang umupo habang ipinatong sa kandungan ang kanyang bag. Muling dumungaw ang lalaki sa kanyang resume kaya bahagya niyang nasulyapan ang malawak na kabuuan ng opisina. Napansin din niyang nakapagpalit na ito ng kasuotan. Kanina lang ay nakasuot ito ng leather jacket at maong pants. Samantalang ngayon ay nakasuot ito ng asul at puting long-sleeved, kitang-kita ang hubog ng malalapad nitong balikat. His necktie added an extra touch of sophistication to his already dapper appearance. Bahagyang naaamoy pa niya ang pabango nito dahil halos kalahating dipa lang ang layo nito sa kanya. The refreshing scent of sea breeze and blooming flowers, infused with the masculine richness of sandalwood, made him even more attractive. Kapansin-pansin din ang brown wavy hair nito na umaaabot hanggang sa kuwelyo ng poloshirt nito. Sa halos ilang segundo na nakayuko ang lalaki ay napagmasdan niya kung gaano ito kaguwapo. Umangat ito ng tingin sa kanya kaya muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa mukha nito dahilan para magkasalubong sila ng paningin.
“Kayo po pala ang mag-i-interview sa akin," nahihiyang sabi niya. Naalala niya ang ginawang pagtulong ng lalaki kanina, hindi lamang sa kanya kundi sa iba pang naroon.
“I hope that didn't cause you any trauma. Are you okay?” Ang tinutukoy nito ay ang nangyaring aksidente kanina. Mayroong himig ng pag-aalala sa tinig nito na tila humahaplos sa kanyang puso. Nakikita pa rin niya ang pag-aalala sa mga mata nito, katulad ng nakita niya kanina habang sinisikap nitong ilabas sila sa kotse na malapit nang mag-apoy.
“Ayos na po ako, sir. Salamat po, at pasensiya na po sa abala,” magalang na sabi niya.
“That’s okay, walang gusto sa mga nangyari.” Mark’s expression softened, his eyes crinkling at the corners as he smiled reassuringly. Hindi lang nito masabi na kagagawan iyon ng mga imortal na tanging gulo at manira lamang ang nais. Napatango-tango na lang si Jade sa pagsang-ayon. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila pagkuwa’y napabuntong hininga ito at muling tumingin sa kanya.
“Actually, Miss Javier, I've been reading your resume for a while now, and I don't have much else to ask you. However, based on your earlier story, it appears that I have already interviewed you,” seryosong sabi nito. Humigit siya ng malalim na hininga.
“What do you mean, sir?” tanong niya. Sa tono ng pananalita nito, tila wala na siyang pag-asa. Hindi pa man siya nai-interview, mukhang bagsak na siya.
“I know you need a job, and because of that, I will accept you, not because I am impressed by your abilities but because I want to help you.” Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ang narinig. Tama ba ang kanyang narinig? Tatanggapin siya dahil gusto siya nitong tulungan? Balewala na lang pala ang kanyang work experience? Alam niyang hindi malaking kompanya ang pinagtrabahuan niya dati pero kahit papaano ay marami din siyang natutunan.
“But, sir, you haven't interviewed me yet,” ang sabi niya.
“Alright then, could you please tell me a little bit about yourself?” he said firmly in a deep voice, as if granting her request. Nakatitig ito sa kanya ng diretso, hudyat na makikinig ito ng maayos. Bagamat kinakabahan, kailangan niyang ngumiti at sagutin ng maayos ang mga tanong na ibabato nito sa kanya. Matagal na niyang pinaghandaan ang pagsagot sa mga posibleng tanong, at lahat ng ito ay may kasagutan siya. Nag-umpisa na siyang magsalita, ngunit sa bandang gitna ng kanyang pagpapakilala ay halos nauutal na siya, isang bagay na nagpapahina ng kanyang kumpiyansa sa sarili. Gayunpaman, nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pagsagot.
“I…I was responsible for greeting customers, handling transactions, and answering their questions about products. I also helped with inventory management and mer-merchandising...” napalunok siya’t sabay natigilan. She was so distracted by his charming silver-green eyes that seemed so intimidating, making her lose her train of thought.
“Pasensiya na po, sir, kinakabahan talaga ako,” hingi niyang paumanhin na hindi na naitago ang nararamdaman.
“I appreciate your honesty, but…” anitong dumungaw muli ito sa kanyang resume.
“Ano po ‘yon, sir?”
“Miss Javier, I'm sorry to say that you don't appear to meet the qualifications for the executive secretary position that I'm currently looking for,” diretsahang sabi nito. Bigla siyang nalungkot sa narinig. Hindi niya inaasahan na ganito ito ka-prangka. Inaamin niyang hindi naman talaga siya magaling pagdating sa mga interview. Hindi rin niya masyadong maipagmamalaki ang kanyang work experience dahil isang maliit na local company lang iyon. Sa kabilang banda mas mabuti nang sinabi agad nito na hindi siya tanggap para hindi na siya umasa pa.
“Ayos lang po, sir. Thank you,” sabi niyang ngumiti ng tipid.
“But as I mentioned earlier, I will accept you as my employee because I want to help you.”
“P-pero…akala ko po,” aniyang tila naguluhan sa narinig. Inulit niya sa kanyang isipan ang sinabi nitong “I will accept you”.
“Ibig niyo po bang sabihin, sir, tatanggapin niyo pa rin ako?” paniguradong tanong niya.
“Yes, Miss Javier. My secretary, Athena will be resigning soon, and I don’t have time to conduct interviews and screen potential candidates. Based on your resume you don’t have prior experience in this role, but I am confident that you possess the necessary skills and can adapt to the demands of the job to ensure a seamless transition. I will be counting on you, Miss Javier, and expect you to perform the tasks left by Athena with the same level of excellence and dedication,” ma-awtoridad na sabi nito.
“Salamat po, sir! Huwag po kayong mag-alala gagawin ko po lahat ng makakaya ko,” hindi na niya maitago ang excitement at kasiyahan sa kanyang mukha. Hindi pa rin siya makapaniwala na tanggap na siya. Malaki at kilalang kompanya ang Xavier Construction kaya naman kinakabahan siya dahil alam niyang malaking responsibilidad ang kaakibat nito. Habang nagpapaliwanag si Mark tungkol sa mga trabahong gagawin niya, hindi niya mapigilang ituon ang kanyang atensyon sa mga labi nitong mamula-mula habang nagsasalita kaysa sa mga sinasabi nito. Sa hitsura nito ay halatang may lahing dayuhan ito, ngunit magaling din itong magsalita ng Filipino. At pagkatapos nitong magpaliwanag ay sinabing niyang, “I will do my best, sir.”
“Oh, by the way—I hope you don't have a boyfriend,” sabi nitong lubos na ikinagulat niya.
“P-po?” namilog ang mga mata ni Jade.
“Do you have a boyfriend?” pag-uulit nito nang hindi agad nakasagot si Jade.
Mark’s eyes lingering on Jade's petite face and long hair. Madalas niya iyon itanong sa mga aplikante, pero iba ang ibig niyang sabihin sa ngayon. Para sa kanya ay personal na tanong iyon, at gusto niyang malaman agad ang kasagutan. Kunsabagay, karamihan sa mga babae kapag tinatanong niya ay alam na agad niya ang isasagot, at iyon ay ang salitang “wala”.
Kanina pa niya tinititigan si Jade at ang simpleng ganda nito ay nakakaakit sa kanya. Tila ba habang tumatagal itong pinagmamasdan ay mas lalong gumaganda. Hindi niya maiwasang ikumpara ito sa kanyang kaibigang si Felicity na may perpektong mukha ngunit wala namang dating sa kanya. Samantalang itong si Jade, ay tila binubuhay ang natutulog na kakaibang pintig ng kanyang puso. Lalo itong bumibilis. Sinaway niya ang kanyang isipan. He is not the type of man who easily gets attracted to women just like that. He reminded himself that pleasure and work should not be mixed in the company, those were his rules, and he did not want to break the rules that he had made himself.
“Wala po akong boyfriend, sir,” may pag-aalangang tugon ni Jade. Nakita ni Mark ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga kung kaya’t inisip niyang katulad ng iba, ay hindi rin ito nagsasabi ng totoo.
“Pero kung sakaling magkaroon man po ako ng boyfriend, sinisiguro ko po na hindi makakaapekto sa trabaho ko,” dugtong pa nito na mukhang nakahanap ng tamang palusot. Gusto mapangiti ni Mark in a sarcastic way pero hinayaan na lang niya at nagkunwaring nakumbinse.
“That's great to hear, Miss Javier. We are always looking for employees who are committed to their work and eager to learn and grow with the company. Based on what you've told me today, I think you could be a valuable addition to our team as a secretary. Congratulations!” anitong kinamayan ang dalaga. Nakangiting nag-abot ng kamay si Mark para sa handshake. Ramdam niya ang excitement at determination ni Jade kaya't masaya siya na tulungan ang dalaga.
Kahit sabihin pang hindi ito masyadong marunong sa trabaho o kahit hindi ito magpakitang gilas sa kanya, gusto niya pa rin itong tulungan sa pamamagitan ng trabahong ibibigay niya. Marami siyang tinutulungan na lingid sa kaalaman ng marami. Kung puwede lang na ampunin niya ang lahat ng mga palaboy sa kalsada ay ginawa na niya. Hindi niya maunawaan kung bakit tila may nagtutulak sa kanya na tanggapin na ito, sa kabila ng posibilidad na magkagusto rin ito sa kanya kagaya ng mga naunang naging secretary niya, bagay na ayaw niyang mangyari dahil ‘pag nagkataon ay maapektuhan ang trabaho nito.
Sa kuwento nito kanina habang nakasakay sa kanyang motorsiklo ay kailangan nitong maghanap ng trabaho dahil ito ang breadwinner ng pamilya. At that moment, he realized Jade's unwavering determination to do the job and that these types of people deserve his help.
PAKIRAMDAM ni Jade ay lumilipad siya sa sobrang saya, kaya hindi niya napansin na mas mahigpit ang kanyang hawak sa kamay ni Mark. Napansin niya ito nang bahagyang pisilin ni Mark ang kanyang palad, kaya't agad niyang binitiwan ang kamay nito mula sa kanyang pagkakahawak. Nakaramdam siya ng hiya dahil baka kung ano ang isipin nito sa kanya.
“Sorry po, sir, sobrang saya ko lang talaga. Thank you!” ang tanging sabi niya na walang mapagsidlan ang ngiti.
“You’re welcome, Miss Javier. Just do your best, and everything will be alright,” sabi nito kasunod ang mahinang pagtapik sa balikat niya. Naputol na ang kanilang pag-uusap nang may sinagot si Mark na tawag sa cellphone, at sinabing puntahan na lang niya si Athena sa labas para sa mga detalye kung kailan siya mag-uumpisa. Lumabas na siya ng opisina ni Mark na hindi alintana na kanina pa pala siya giniginaw dahil halos natuyo na sa katawan niya ang basang damit.
KASALUKUYANG nasa meeting si Mark at tila hindi na makapaghintay si Jade na matapos dahil kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Nagbilin naman ito na maaari na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang meeting. Tatawagan na lang daw siya nito sa cellphone kapag may kailangan. Ngayon ay isang linggo na siyang nasa opisina at sa kabutihang palad ay maayos naman ang lahat. Medyo nahihirapan pa siya at hindi pa ganoon kabihasa kagaya ni Athena kaya madalas ay marami pa rin siyang katanungan na kailangan niyang ikonsulta kay Mark. Aminado naman siyang tila pabigat siya kay Mark sa unang linggo pero sisikapin niyang makapag-adjust sa lalong madaling panahon. Halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa opisina ay kumain na sa labas dahil may bagong sahod, samantalang siya ay siguradong sa susunod pa na cut-off pa makakatanggap ng kanyang sahod. Nabuo agad sa kanyang isipan ang mga mumunting pangarap para sa kanyang pamilya. Kapag nakapag-ipon siya, plano niyang ayusin ang kanilang barong-baro
PAGKATAPOS nilang kumain sa cafeteria ay naglakad na sila pabalik sa kanilang opisina. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay ng elevator paakyat. Nang bumukas ito, napuno agad kaya hindi na sila nagpumilit na sumakay. Habang naghihintay ng susunod na lift, abala si Mark sa pagtawag sa kanyang cellphone. Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya. Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang
NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?” “Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya. “What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan. “Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful be
SINADYA talagang magpaiwan ni Jade sa ladies’ room para hindi niya makasabay ang kanyang mga katrabaho paglabas ng gusali. Ayaw niya kasing sumakay sa elevator dahil nagka-trauma siya nang ma-stuck dito, kaya mas pinili niyang bumaba sa hagdanan. Nahihiya kasi siyang pagtawanan ng mga kasama.Mag-isang bumaba ng hagdan si Jade, ngunit nasa ika-labinwalong palapag pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagod. Saglit siyang tumigil para magpunas ng pawis. Pagkatapos ay ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang ponytail na kinuha niya sa bulsa ng kanyang bag. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, ngunit nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan. Napatigil siya at pinakinggan ang taong pumasok. Naisip niyang baka janitor ng gusali. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningala ang isang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Hi, miss! Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.“Mas gusto ko lang dumaan dito kasya
INIHINTO ni Mark ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan may isang kariton na nakahimpil. Biglang bumangon ang isang bata na nakahiga roon na pupungas-pungas pa dahil tila galing ito sa tulog. Binuksan niya ang bintana ng kotse.“Bata!” tawag niya.Agad namang ngumiti ang bata at nagmadaling bumaba ito ng kariton. Nagmamadali habang nakangiti na lumapit ito sa kanya. “Ano po ‘yon, kuya?” tanong ng bata na sa tingin niya ay pitong taong gulang pa lamang. Nadaanan kasi niya ito kahapon na nagkakalkal ng mga basura, kaya naisipan niyang bigyan ito ng pagkain. “Heto, kumain ka muna,” sabay abot niya sa binili nilang pagkain kanina mula sa fastfood. Namilog ang mga mata ng bata sa tuwa. “Sa akin na po ito?” tanong ng bata. Tumango siya sabay ginulo ang buhok ng bata.“Oo, sa’yo na ‘yan. Bakit mag-isa ka lang? Na’san ang mga magulang mo?” tanong niya. Ngunit hindi sumagot ang bata sa halip ay yumuko lang at umiling. “Wala kang
NAGISING si Mark na may tinatawag na pangalan. Nasambit niya ang pasasalamat nang mapagtantong panaginip lang pala. Napakasama ng kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagtagumpay ang kaaway na kunin ang kanyang mga magulang. Sa isang eksena naman ng kanyang panaginip ay kasama niya si Jade at muli siyang nakipaglaban sa mga halimaw. Subalit hindi niya naprotektahan si Jade at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kanyang panaginip ay tila ba may malapit siyang kaugnayan sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang matinding kalungkutan nang mawala ito. Makailang beses niyang tinawag si Uriel upang humingi ng tulong subalit hindi ito dumating.Lumabas siya ng silid at tinungo ang minibar na malapit sa living room. Nagsalin siya ng alak sa baso. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip na pakiwari niya ay parang totoo. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso nang maubos niya. Gusto niyang makatulog nang mahimbing dahil halos isang oras pa lamang siya
DUMAAN muna si Jade sa ladies’ room upang mag-retouch. Nasa pintuan pa lamang siya ay dinig na dinig niya ang malakas na usapan ng mga kasamahan niya. “Naku, brokenhearted na naman ang mga nagkakagusto kay Mr. Xavier. Akalain ba naman nating isasama niya ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Apple habang kausap si Jessica. Tila mapapaatras siya sa kanyang kinatatayuan sa narinig, ngunit nang makita siya ng mga ito, agad siyang hinila papasok. “Andyan ka pala, girl. Alam mo bang kasama ni Sir ngayon ang kanyang girlfriend?” ani Jessica na tila naghihintay ng komento niya. Kinuha niya ang kanyang powder sa bag at nag-umpisang mag-retouch. “Ows, talaga?” “Kilala mo ba yon o kaya nabanggit man lang ba sa’yo ni Sir?” Hindi pa rin tumitigil sa pag-uusisa si Jessica, palagay niya ay nagseselos ito. Alam na ng lahat na malaki ang pagkagusto nito kay Mark. Sa katunayan, si Mark na lang siguro ang hindi nakakaalam kaya hindi pa ito natat
SINUNDAN ni Jade ng tingin ang kamay nitong kinuha ang isa sa mga naka-soft bind na monthly report na binigay niya kahapon. Agad siyang kinabahan kapag ganito ka-seryoso ang mukha ng lalaki, tiyak may problema. “Did you not even check it? My instructions were clear that you should have checked it before giving it to me, right Jade?” Bakas ang disappointment sa mukha nito. Ang alam niya ay makailang beses niyang tiningnan ang report bago inilagay sa mesa ni Mark. Subalit papaanong may mali pa rin?” Binuklat nito ang naka-softbind at ipinakita sa kanya. “Look at this! Nothing has changed. Are you kidding me? I expected a huge improvement this month, but this report is still a mess!” Napakurap-kurap siya nang mariing pinagdiinan nito ang mga daliri sa hawak na report. Ang alam niya ay pinalitan niya iyon. Pero bakit tila naiba ang nakalagay roon? Marami siyang nakikitang naka-highlight ng kulay orange na ibig sabihin ay mali, ang mga correction naman ay nakasula
ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
“Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h
HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi
NANLULUMO na umuwi si Jade sa penthouse. Hindi rin niya nakasabay si Mark, maaga kasi itong umalis kanina kasama ang mga magulang. Naunawaan naman niyang maraming problema na dapat asikasuhin ngayon nakabalik na ang mga magulang sa Pilipinas. Pero, bakit ganoon hindi niya maiwasang sumama ang loob? Ito ‘yong bagay na ayaw niya, ang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang emosyon. Ngayon lang niya napagtanto na kaya siguro ayaw ni Mark na nasa opisina siya dahil distracted din ito sa trabaho. Napasinghot siya, hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nalulungkot siyang magkakahiwalay sila ni Mark ng trabaho kahit na alam niyang malapit lang naman ito kung tutuusin. Isa pang nagpapabigat sa kanyang kalooban ay ang pagtrato sa kanya ng mga magulang ni Mark. Paano niya maaatim na makisama sa mga ganoong uri ng tao sakaling magkatuluyan sila ni Mark? Sumagi rin sa kanyang isipan na baka iyon ang dahilan kung bakit hindi siya ipinakikilala ng lalaki sa mga magulan
PAGDATING ni Mark sa opisina, agad niyang binuksan ang kanyang laptop. Saglit siyang nag-browse ng online news. Napansin niya ang headline ng balitang tungkol sa eroplanong sumabog. Agad niyang naalala ang kanyang pangitain. Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makita na ang eroplanong sumabog ay ang AF 257. Tandang-tanda niya dahil dito dapat nakasakay ang kanyang mga magulang kung hindi lamang niya naagapan na pauwiin ang mga ito nang mas maaga. Nakaramdam siya ng takot dahil kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang kanyang mga pangitain.Agad na dinampot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring ito, tumatawag ang kanyang mommy.“Hijo, hindi ko alam kung matatakot ako,” anang kanyang mommy.“Matatakot saan, mommy?” tanong niya.“I just saw the news about the plane crash. Tama ka, hijo, mas mabuti na hindi kami roon nakasakay. But, how did you know about it?” tila may pagtataka sa tinig ng kanyang mommy.“I don't know, mom, I just had a bad feeling about that flight.”“Pero hindi
Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik