Home / Fantasy / ABLAZE WITH GOLD / CHAPTER 1 - The First Encounter

Share

ABLAZE WITH GOLD
ABLAZE WITH GOLD
Author: Mia Ghibee

CHAPTER 1 - The First Encounter

Author: Mia Ghibee
last update Last Updated: 2023-03-24 22:42:56

HABANG nakasakay si Jade ng taxi, madalas na tumitingin siya sa kaniyang relong-pambisig upang masiguro na may ilang minuto pa bago siya mahuli sa interview. Ito ang pagkakataon na hindi niya puwedeng palampasin dahil kailangan na niyang makahanap agad ng trabaho. Nalulungkot siya habang iniisip ang kanyang tatay na nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa bukid upang matustusan ang kanyang pag-aaral noon. Kaya naman nagpursige ang kanyang tatay dahil sa ayaw nitong matulad siya sa naging kapalaran ng mga ito at kahit papaano ay makapagtapos siya ng kolehiyo. Biglang napaigtad si Jade at napatili nang may malakas na bumangga sa puwetan ng kanilang sasakyan. Napatakip siya ng ulo at kinapa ang kanyang katawan upang malaman kung buhay pa siya.

“Manong, ano'ng nangyari?” gulat na sambit niya habang nanginginig sa takot.

“May bumangga sa likuran natin, Ineng!” Pareho silang lumingon sa likuran na may isang sasakyan na nag-aapoy.

“Diyos ko po!” ang tanging nasabi niya.

Sa bandang gilid ng kanilang sasakyan, huminto ang isang motorsiklo at tiningnan sila ng isang lalaking nakasuot ng helmet. Tinanong niya kung ayos lang ba sila at alanganin napatango siya, ngunit halos malaglag ang bahagi ng kanyang puso sa sobrang takot.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang labanan ng mga supernatural na nilalang na nagaganap sa kanilang paligid. Nag-aaway ang dalawang kampo ng mga immortal beings: ang kampon ni Nikita at ang dalawang guardian stars na sina Uriel at Baraquel. Pare-pareho silang may pakpak at hawak na mga espadang nagliliyab.

Tanging si Mark lamang na bukas ang sixth sense ang nakakakita sa mga nangyayari sa paligid. Ang "sixth sense" ay kakayahang makadama ng mga bagay na higit sa limang pisikal na pandama ng paningin, pandinig, panlasa, paghipo, at pang-amoy, kabilang dito ang "psychic abilities" o kahit ang kakayahan nitong makapagkonekta sa spiritual realm. Nag-umpisa ito noong pitong taong gulang pa lamang siya. Tinamaan siya ng kung anong supernatural na bagay na hindi niya maipaliwanag. Mula noon ay nakakakita na siya ng mga pangyayari, bagay, o nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao.

Nakasakay si Mark sa kanyang motorsiklo habang nakasunod kanina sa isang taxi. Kanina pa niya napapansin na tila may mga nakasunod sa kanila na hindi nakikita ng karaniwang tao. Kabilang dito si Uriel na may bagong kasama rin.

Si Uriel ay madalas niyang nakikita at minsan ay nakakausap pa. Alam niyang mabait ito at hindi gagawa ng anumang kaguluhan maliban na lamang kung may mga masamang espiritu na nagbabanta. Ang lalaking nakasuot ng itim at may malalaking pakpak ay nakikita na rin niya dati subalit sa malayo lamang. Ngayon lang niya ito nakita sa malapitan. Nakakamangha ang kanilang mga pakpak, at ang hangin ay nagpapalibot sa kanya kapag kinakampay ng mga ito ang mga pakpak. Sa tingin niya ay kayang-kaya siyang liparin ng mga ito dahil sa lakas ng kanilang hangin. Bumaba siya mula sa kanyang motorsiklo upang katukin ang bintana ng taxi. Nagtataka siya kung bakit hindi makalabas ang babae sa pintuan, kahit na nakikita niyang binubuksan nito. Noon lamang niya napansin ang tila kadena na nakatali sa pintuan nito. Mabilis na hinugot niya ito. Hindi niya alam kung bakit may puwersang kanyang naramdaman na magalaw ang mga bagay na hindi nakikita ng karaniwang tao tuwing malapit siya kay Uriel.

Napatingin siya kay Uriel na noon ay halos dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, at tumango ito. Agad niyang binuksan ang passenger seat ng sasakyan upang ilabas ang babae at driver ng nasabing taxi.

“Miss, are you okay?” tanong niya nang mabuksan niya ang pinto. Alanganin na tumango ang babae na sa tingin niya ay nabigla at takot na takot.

Nang mga sandaling iyon ay biglang nagbigay ng puwersa ng apoy si Nikita upang sunugin ang kotse na papalapit. Sumabog din ito at tumilapon sa gitna ng kalsada. Nataranta si Mark at kailangan niyang tulungan ang mga naaksidente. Nagpatuloy ang labanan ng dalawang kampo ng mga imortal, habang si Uriel naman ay pinipigilan ang mga kalaban sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan sa hangin. Sa kabilang banda, si Baraquel naman ay tinawag ang puwersa ng tubig at nagpaulan ito ng malakas upang patayin ang apoy na nililikha ng kaaway.

Nakita ni Mark ang bawat emosyon ng mga karakter sa labanan. Nakita niya ang takot sa mga mata ni Jade nang biglang sumabog ang kotse na nasa likuran nito. Nakita niya rin ang pagsisikap ni Uriel na protektahan ang mga tao sa paligid at ang determinasyon ng kasama nito na labanan ang kalaban sa abot ng makakaya nito.

Ngunit sa kabila ng kanilang pagsisikap, nahihirapan ang mga ito sa pagpigil sa kalaban dahil mas marami itong kasama. Kinuha ng isang lalaking nakasuot ng itim ang kaluluwa ng dalawang taong nakasakay sa kotse na sumabog.

“Nikita! Lubayan mo sila!” sigaw ni Uriel. Noon ay nalaman niyang si Nikita pala ang pangalan ng imortal na iyon na nakasuot ng itim at may malalaking pakpak. Nakakatakot dahil mukhang napakalakas ng kapangyarihan nito kumpara sa dalawa.

Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Agad na kinuha ni Mark ang payong mula sa loob ng kanyang backpack at pinayungan niya ang babae patungo sa gilid ng kalsada. Naisip niya na kung makakita lang siguro ang babae ng mga nakikita niya, tiyak na hihimatayin ito sa takot. Mabuti na lang at siya lang ang nakakakita dahil kaya niyang kontrolin ang kanyang takot.

“It's alright,” ang nasambit niya upang maibsan ang takot ng babae. Kasunod din nila ang driver na lumabas na rin ng sasakyan, na napapaubo dahil sa usok sa paligid.

“Salamat,” ang tanging nasambit ni Jade. Hindi niya napansin na basa na siya sa lakas ng biglang pagbuhos ng ulan kahit may payong sila. Sa kasalukuyan, napatingin si Jade sa katabing lalaki at sandali niyang tinitigan ang mukha nito.

“Miss, dito ka lang ha,” anang lalaki. Napaanga siya nang ibigay sa kanya ang payong.

“Saan ka pupunta?” tanong niya na takot na takot pa rin. Subalit hindi siya nito pinansin at patakbo itong pumunta sa isang sasakyan na bumaliktad at binuksan ang pintuan. Tinatawag niya ang lalaki, ngunit tila hindi siya nito naririnig.

Tatlo ang sakay ng sasakyan at ang isa ay agad na inilabas ng lalaki. Duguan ito at may malay pa subalit ang dalawang iba pa ay tila wala nang buhay. Hindi alintana ng lalaki ang malakas na ulan na nagpatigil sa pag-aapoy ng sasakyan. Nagtaka siya dahil alam niyang tila imposibleng mapatay ng tubig ulan ang nag-aapoy na sasakyan.

“Mag-iingat ka,” paalala niya sa lalaki habang kinikilabutan sa nakikitang mga duguang katawan. Hindi na niya halos kayang tingnan ang mga ito.

Samantala, patuloy na lumalaban ang dalawang panig ng mga imortal. Ramdam ni Uriel ang kalungkutan sa kanyang puso dahil sa mga pagkakataon na kailangan nilang lumaban, marami ang nadadamay at hindi nila kayang sagipin ang lahat ng buhay ng mga na ito. Iwinasiwas ni Uriel ang kanyang espada upang magbigay ng proteksiyon kay Mark. Pinalibutan niya ito ng malakas na liwanag upang hindi maalapitan ni Nikita.

“Hindi natin sila kaya, marami sila!” sigaw ni Baraquel na paroot-parito ang paglipad para suportahan si Uriel at protektahan si Jade.

“Kailangan nating pigilan sila!” buong lakas na pinipigilan ni Uriel ang lakas na dala ng presensiya ni Nikita habang ginagamit ang kanyang mga pakpak bilang pananggalang laban sa apoy. Humalakhak ng malakas si Nikita at nagpakawala muli ito ng apoy upang puntiryahin si Mark, ngunit agad na tiningnan ito ni Mark at hinarap. Nakamamanghang bumalik kay Nikita ang apoy nang ito'y tumama sa dibdib ni Mark na may nakatarak na gintong palaso. Agad na sinundan ni Uriel gamit ang lakas ng kanyang espada. Tila nagsanib ang kapirasong gintong palaso sa dibdib ni Mark sa kapangyarihan ng kanyang espada. Lumikha ito ng napakalakas na hangin na may nakasisilaw na liwanag, dahilan upang maglaho si Nikita at ang mga kasama nito.

Unti-unti nang nauunawaan ni Uriel ang kapangyarihan ng gintong palaso kahit hindi ito hawak ng kanilang bathalang si Ultharione at kahit nasa katawan pa ito ng isang mortal. Noon lang niya naunawaan na sa tuwing makikipaglaban siya kay Nikita ay nasa loob nito si Arhiman, at nagiging isa ang mga ito kaya mas malakas ang kanilang puwersa.

“Tama ka, kailangan nating protektahan ang mga ordinaryong tao kahit hindi nakaatang sa atin,” ang sabi ni Baraquel, unti-unting itiniklop ang kanyang mga pakpak at sumayad sa lupa upang patigilin ang malakas na ulan.

            “Ang tungkulin natin ay hindi magpakita ng karahasan sa kapwa imortal, ngunit kung kinakailangan para protektahan ang mga ordinaryong tao na tulad ng karamihan, gagawin pa rin natin ang dapat,” tugon ni Uriel habang itiniklop ang kanyang mga palad at unti-unting naglalaho ang nagliliyab na espada.

Related chapters

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 2 - From Immortal Beauty to Mortal Charm

    NANG maiparada ni Mark ang kanyang motorsiklo, agad siyang bumaba. Mas gusto niya itong gamitin kapag nagmamadali siya kaysa sa kotse upang makaiwas sa trapik sa daan. Napatingin siya sa paligid nang mapansin na bigla na lang siya nasa loob na ng kanyang opisina. Matatagpuan ang kanyang opisina sa ika-25 palapag ng gusali, na pag-aari din ng kanilang pamilya. Karaniwan niyang ikinaiinis ang mga hindi pangkaraniwang pangyayari na tulad nito dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sakaling may magtanong. Hinubad niya ang kanyang leather jacket, na nabasa ng malakas na ulan kanina. Mabuti na lang at hindi natuloy ang meeting niya ngayon kay Mr. Montifalco, ang may-ari ng pinakamalaking proyekto na gagawin nila ngayong taon. Kapag natuloy kasi, baka masira siya sa kausap dahil sa mga nangyari kanina sa daan na nakaabala sa kanya ng husto. Magpapalit na lamang siy

    Last Updated : 2023-03-24
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 3 - First Impression

    MARAHANG kumatok si Jade sa pinto bago pinihit ang hawakan nito. Nang maisara niya ito ay napatingin siya sa lalaking nakayuko sa papel na nasa mesa na sa palagay niya ay ang kanyang resume. “Good morning, sir,” bati niya habang mahinang isinara ang pintuan. Umangat ito nang tingin sa kanya at laking gulat niya nang makilala kung sino ang kaharap; ang lalaking tumulong sa kanya kanina sa daan. Lumapad ang kanyang mga ngiti sa tuwa dahil mapapasalamatan na niya ito. Hindi kasi niya ito nagawang pasalamatan kanina dahil sa sobrang pagmamadali niya. Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi nagulat ang lalaki nang makita siya, marahil ay nakita na nito ang kanyang resume bago pa man siya pumasok sa silid. “Please, take a seat, Miss Javier,” iminuwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa. Maingat siyang umupo habang ipinatong sa kandungan ang kanyang bag. Muling dumungaw ang lalaki sa kanyang resume kaya bahagya niyang nasulyapan ang malawak na kabuuan ng opisina. N

    Last Updated : 2023-03-24
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 4 - Meeting Baraquel

    KASALUKUYANG nasa meeting si Mark at tila hindi na makapaghintay si Jade na matapos dahil kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Nagbilin naman ito na maaari na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang meeting. Tatawagan na lang daw siya nito sa cellphone kapag may kailangan. Ngayon ay isang linggo na siyang nasa opisina at sa kabutihang palad ay maayos naman ang lahat. Medyo nahihirapan pa siya at hindi pa ganoon kabihasa kagaya ni Athena kaya madalas ay marami pa rin siyang katanungan na kailangan niyang ikonsulta kay Mark. Aminado naman siyang tila pabigat siya kay Mark sa unang linggo pero sisikapin niyang makapag-adjust sa lalong madaling panahon. Halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa opisina ay kumain na sa labas dahil may bagong sahod, samantalang siya ay siguradong sa susunod pa na cut-off pa makakatanggap ng kanyang sahod. Nabuo agad sa kanyang isipan ang mga mumunting pangarap para sa kanyang pamilya. Kapag nakapag-ipon siya, plano niyang ayusin ang kanilang barong-baro

    Last Updated : 2023-03-24
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 5 - The Elevator Mishap

    PAGKATAPOS nilang kumain sa cafeteria ay naglakad na sila pabalik sa kanilang opisina. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay ng elevator paakyat. Nang bumukas ito, napuno agad kaya hindi na sila nagpumilit na sumakay. Habang naghihintay ng susunod na lift, abala si Mark sa pagtawag sa kanyang cellphone. Naiinip na, napatingin si Jade sa kanan at napansin ang isang lalaki. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya. Napakaguwapo kasi ng lalaki at sa tingin niya ay mas guwapo pa ito kaysa sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya dahil alam niyang hanggang tingin na lang siya at pangarap ang mga guwapong lalaki na nakapalibot sa kanya. Malapit na siyang lumampas sa kalendaryo ngunit wala pa rin kahit isang guwapo na nagpapakita ng interes sa kanya. Marami ang nanliligaw sa kanya, ngunit lahat ay hindi nakapasa sa kanyang pamantayan. Baka tama nga si Mark, masungit daw siya at pihikan. Pero pagdating kay Mark aminado naman siya sa sarili na manhid na lang ang

    Last Updated : 2023-03-24
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 6 - New Revelation

    NAPABUNTONG-HININGANG dinampot ni Mark ang telepono, “Jade, can you come here for a minute?” “Yes, sir,” tugon sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang telepono at muling napatingin kay Uriel. Nagtataka siya kung bakit kailangan pang ipatawag si Jade gayong wala naman ito kinalaman sa kanya. Subalit dahil sa kagustuhan niyang malaman ang sasabihin nito, sinunod na lang niya. “What important matter do you have to tell me about Jade?” tanong niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ang kinalaman nito sa mga katanungan mo,” seryosong tugon nito. ‘Ni minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa man lang. Seryoso ito palagi at kahit sa oras ng labanan ay hindi makikitaan ng anumang kapintasan ang mukha nito. Bigla tuloy naglaro sa kanyang isipan ang isang katanungan. “Wait, can I ask why I haven't seen any girl from your realm?” he asked mischievously. Sigurado siya kung may babae siyang makikita na kauri ni Uriel ay sobrang ganda rin nito. He frequently misidentifies them as beautiful be

    Last Updated : 2023-03-31
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 7 - Hidden Affection

    SINADYA talagang magpaiwan ni Jade sa ladies’ room para hindi niya makasabay ang kanyang mga katrabaho paglabas ng gusali. Ayaw niya kasing sumakay sa elevator dahil nagka-trauma siya nang ma-stuck dito, kaya mas pinili niyang bumaba sa hagdanan. Nahihiya kasi siyang pagtawanan ng mga kasama.Mag-isang bumaba ng hagdan si Jade, ngunit nasa ika-labinwalong palapag pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagod. Saglit siyang tumigil para magpunas ng pawis. Pagkatapos ay ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang ponytail na kinuha niya sa bulsa ng kanyang bag. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, ngunit nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan. Napatigil siya at pinakinggan ang taong pumasok. Naisip niyang baka janitor ng gusali. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningala ang isang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Hi, miss! Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.“Mas gusto ko lang dumaan dito kasya

    Last Updated : 2023-04-06
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 8 - The Protector's Heart

    INIHINTO ni Mark ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan may isang kariton na nakahimpil. Biglang bumangon ang isang bata na nakahiga roon na pupungas-pungas pa dahil tila galing ito sa tulog. Binuksan niya ang bintana ng kotse.“Bata!” tawag niya.Agad namang ngumiti ang bata at nagmadaling bumaba ito ng kariton. Nagmamadali habang nakangiti na lumapit ito sa kanya. “Ano po ‘yon, kuya?” tanong ng bata na sa tingin niya ay pitong taong gulang pa lamang. Nadaanan kasi niya ito kahapon na nagkakalkal ng mga basura, kaya naisipan niyang bigyan ito ng pagkain. “Heto, kumain ka muna,” sabay abot niya sa binili nilang pagkain kanina mula sa fastfood. Namilog ang mga mata ng bata sa tuwa. “Sa akin na po ito?” tanong ng bata. Tumango siya sabay ginulo ang buhok ng bata.“Oo, sa’yo na ‘yan. Bakit mag-isa ka lang? Na’san ang mga magulang mo?” tanong niya. Ngunit hindi sumagot ang bata sa halip ay yumuko lang at umiling. “Wala kang

    Last Updated : 2023-04-08
  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 9 - Cursed Gift

    NAGISING si Mark na may tinatawag na pangalan. Nasambit niya ang pasasalamat nang mapagtantong panaginip lang pala. Napakasama ng kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagtagumpay ang kaaway na kunin ang kanyang mga magulang. Sa isang eksena naman ng kanyang panaginip ay kasama niya si Jade at muli siyang nakipaglaban sa mga halimaw. Subalit hindi niya naprotektahan si Jade at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kanyang panaginip ay tila ba may malapit siyang kaugnayan sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang matinding kalungkutan nang mawala ito. Makailang beses niyang tinawag si Uriel upang humingi ng tulong subalit hindi ito dumating.Lumabas siya ng silid at tinungo ang minibar na malapit sa living room. Nagsalin siya ng alak sa baso. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng mga masasamang panaginip na pakiwari niya ay parang totoo. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso nang maubos niya. Gusto niyang makatulog nang mahimbing dahil halos isang oras pa lamang siya

    Last Updated : 2023-04-10

Latest chapter

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 31 - Awakening

    ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 30 - The Battle of Baraquel

    Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 29 - A heartbreak Unveiled

    Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 28 - The Proposal

    Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 27 - The Only Solution

    “Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 26 - JEALOUSY

    HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 25 - Apart

    NANLULUMO na umuwi si Jade sa penthouse. Hindi rin niya nakasabay si Mark, maaga kasi itong umalis kanina kasama ang mga magulang. Naunawaan naman niyang maraming problema na dapat asikasuhin ngayon nakabalik na ang mga magulang sa Pilipinas. Pero, bakit ganoon hindi niya maiwasang sumama ang loob? Ito ‘yong bagay na ayaw niya, ang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang emosyon. Ngayon lang niya napagtanto na kaya siguro ayaw ni Mark na nasa opisina siya dahil distracted din ito sa trabaho. Napasinghot siya, hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nalulungkot siyang magkakahiwalay sila ni Mark ng trabaho kahit na alam niyang malapit lang naman ito kung tutuusin. Isa pang nagpapabigat sa kanyang kalooban ay ang pagtrato sa kanya ng mga magulang ni Mark. Paano niya maaatim na makisama sa mga ganoong uri ng tao sakaling magkatuluyan sila ni Mark? Sumagi rin sa kanyang isipan na baka iyon ang dahilan kung bakit hindi siya ipinakikilala ng lalaki sa mga magulan

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 24 - Unexpected Encounter

    PAGDATING ni Mark sa opisina, agad niyang binuksan ang kanyang laptop. Saglit siyang nag-browse ng online news. Napansin niya ang headline ng balitang tungkol sa eroplanong sumabog. Agad niyang naalala ang kanyang pangitain. Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makita na ang eroplanong sumabog ay ang AF 257. Tandang-tanda niya dahil dito dapat nakasakay ang kanyang mga magulang kung hindi lamang niya naagapan na pauwiin ang mga ito nang mas maaga. Nakaramdam siya ng takot dahil kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang kanyang mga pangitain.Agad na dinampot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring ito, tumatawag ang kanyang mommy.“Hijo, hindi ko alam kung matatakot ako,” anang kanyang mommy.“Matatakot saan, mommy?” tanong niya.“I just saw the news about the plane crash. Tama ka, hijo, mas mabuti na hindi kami roon nakasakay. But, how did you know about it?” tila may pagtataka sa tinig ng kanyang mommy.“I don't know, mom, I just had a bad feeling about that flight.”“Pero hindi

  • ABLAZE WITH GOLD   CHAPTER 23 - Meeting Prince Zenon

    Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik

DMCA.com Protection Status