Home / Romance / A Twisted Game of Fate / 1: Unang Pagkikita

Share

1: Unang Pagkikita

Author: Bimaia
last update Huling Na-update: 2022-12-02 17:42:47

"Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... "

"Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig sa Showbiz. Napabuntong-hininga na lamang ako bago humarap sa bintana. Mula sa pagkakaupo ay nakita ko ang madilim na kalangitan. Tanaw ko rin sa may di kalayuan ang panaka-nakang pagguhit ng matatalim na kidlat.

"Anong oras na ba at mukhang uulan pa yata? Wala pa naman akong dalang payong," sambit ko na lamang sa sarili. Hindi ko na rin napigilan ang paglukot ng aking mukha sa nakita. Inilabas ko na rin ang mumurahing telepono na bigay sa akin ni kuya at napangiti nang mabungaran ang isang mensahe mula sa aking nobyo.

"Mahal. Malapit ka na ba? Kapag nauna kang makarating sa terminal ng Lumena ay hintayin mo na lang ako roon. Medyo traffic kasi rito kaya hindi ko alam kung makakarating agad ako. Basta huwag kang aalis doon at hintayin mo lang ako."

Mas lalong lumuwang ang ngiti ko sa labi. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at agad na nag-reply.

"Oo, mahal. Sa tingin ko na ay malapit na rin ako." Matapos magpadala ng mensahe ay muli kong itinuon ang paningin sa labas.

Sakay ako ngayon ng lumang bus patungo sa siyudad ng Lumena. Ang tinaguriang The City of Sin. Sa anim na malalaking siyudad sa bansang Vamont ay ang Lumena City ang pinakamalaki, ngunit pinakadelikado. Bukod sa milyon-milyong mga residenteng naninirahan dito ay nandirito rin ang pamosong Underground Society na siyang pugad ng mga makapangyarihan at delikadong mga tao sa lipunan. Kung ako lang ang masusunod ay hinding-hindi ako tatapak sa lugar na ito, ngunit ito lamang kasi ang tanging daan patungo sa iba pang siyudad.

Muli akong napabuntong-hinga. Pilit na nilibang ang sarili upang kahit papaano ay mawala ang kaba na kanina pa bumabagabag sa akin.

"Sa wakas. Matapos ng isang taon ay makikita na ulit kita, mahal ko." Muling napunit ang isang matamis na ngiti sa aking labi. Bigla kasing sumingit sa alaala ko kung paano naging kami ni Clyde.

Pareho kaming galing sa mahirap na pamilya, ngunit sa awa ng Diyos ay nakapagtapos si Clyde sa kurso niyang Interior Design. Gaya ng iba pa naming mga ka-baryo ay lumuwas din ito sa siyudad upang makahanap ng mas magandang oportunidad. Hindi naman siya binigo ng tadhana, at nakapasok agad sa isang malaki at sikat na kumpanya. Ito rin ang gumawa ng paraan para magkaroon ako ng pagkakataon na mag-apply bilang Junior Designer sa kumpanyang pinagtratrabahuhan niya. Kahit na malayo ay hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong ito. Malaking tulong ito para sa aking pamilya. Isa pa ay makakasama ko na ulit ang aking nobyo.

"Oh, Lumena, Lumena, Lumena! May mga bababa ba rito?"

Napahinto lamang ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang malakas na sigaw ng kundoktor. Mabilis akong lumingon sa paligid at nakita na nandirito na pala kami.

Kahit kumakabog pa ang aking dibdib ay tumalima na ako sabay tayo.

"Kuya, ako po. Bababa po ako rito."

Nang tuluyang huminto ang sasakyan ay agad ko na ring hinablot ang aking kulay itim na traveling bag. Maliit lang ito kaya hindi na ako nahirapan pa. Nang masiguradong wala akong naiwang gamit ay naglakad na rin ako palabas.

Pagkaapak pa lang sa labas ay naramdaman ko na agad ang mainit na simoy ng hangin. Nanunuot ito sa suot kong damit. Unang bumungad sa akin ang maingay, at napakaraming tao na may kani-kaniyang ginagawa. Nagkalat din sa paligid ang mga nagtitinda ng iba't-ibang klase ng street foods.

Napawingi na lamang ako nang malanghap ang mabaho, at amoy ng mga nabubulok na basura na nagkalat sa kung saan-saan. Pati ang nangingitim na mga kanal ay hindi nakaligtas sa aking paningin.

Kahit dis-oras na ng gabi ay marami pa ring mga bata ang naglalaro sa lansangan.

Halos maliyo pa ako sa amoy ng tambutso na humahalo sa hangin. Agad na napahigpit ang kapit ko sa aking bag sabay takip sa ilong. Ilang saglit ko pang pinigilan ang paghinga para lamang hindi malanghap ang masakit sa ilong na amoy ng mga pinaghalo-halong dumi sa paligid pati na rin ang maiitim na usok na humahalo sa hangin.

Lumaki man ako sa probinsiya ay malayong mas malinis at mas sariwa ang malamig na hangin doon. Hindi na lang ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na luminga-linga sa paligid. Kailangan kong mahanap ang Terminal kung saan kami magkikita ni Clyde.

Napukaw lang aking atensiyon nang makita sa wakas ang aking hinahanap. Kahit may kalayuan ito mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang malaking senyo sa itaas ng isang mataas na gate.

Bahagyang nawala ang kaba sa aking dibdib nang makita ko ito. Napalilibutan ito ng malalaki, at matataas na mga gusali. Saglit pa akong napatulala. Nang makabawi ay nagsimula na akong naglakad. Hindi ko maiwasang mamangha habang iginagala ang aking paningin. Naninibago ako. Ibang-iba talaga ang siyudad sa mga probinsiya. Alas onse na ng gabi, ngunit marami pa ring tao sa kalsada. Pakiwari ko ay mas lalo pang umingay ang paligid.

oooOOooo

"Mahal, nasa harap na ako ng gate ng Terminal. Malapit ka na ba?" Nang makarating ay agad na rin akong nagpadala ng mensahe kay Clyde. Habang naghihintay ng reply ay muli ko na namang iginala ang paningin. Sa harapan ko ngayon ay ang malaking terminal ng mga Bus. Medyo disente ang lugar. Malinis ang paligid at may isang malaking grocery store pa sa tapat. Mayroon ding maliit na karinderya sa gilid kung saan ay maraming kumakain. Sa tingin ko ay rito ang tambayan at kainan ng mga drivers.

Habang iginagala ko ang paningin ay may nahagip ang aking mga mata. Sa pagitan ng grocery store at ng isang malaking building ay naaninag ko ang pigura ng isang tao na bigla na lamang bumulagta. Halos magdikit pa ang aking mga kilay sa kasisilip dahil sa dilim ng parteng iyon.

Napasulyap ako sa aking telepono. Hindi pa rin nagpapadala ng reply si Clyde. Mukhang matatagalan pa yata siya sa daan. Muli akong napalingon sa eskinita. Hindi pa rin gumagalaw ang pigura kaya naman ay hindi na ako nag-atubiling tumakbo patungo roon.

“Napaano kaya iyong tao na iyon?”

Ilang hakbang na lang at maaabutan ko na ito nang biglang mapahinto.

"Ano ito?" Sa labis na pagkagulat ay mabilis akong napaatras. Halos bumaligtad pa ang aking sikmura sa nakita, lalo na nang malanghap ang malansang dugo na humahalo sa hangin.

Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw sa may di kalayuan ay tanaw ko ang bangkay ng isang lalaki na nakabulagta sa sahig. Halos maligo na ito sa sariling dugo kaya naman ay mas lalong nanginig ang aking katawan.

Hindi ako makagalaw sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay napako ang aking katawan sa lupa.

"Ugh!"

Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ang mahina nitong ungol. Bahagyang nawala ang takot na nararamdaman ko nang mapagtantong buhay pa ito. Alam ko sa sarili ko na kailangan niya ng tulong, ngunit ako kasi ang tipo ng tao na takot na makakita ng dugo. Lalo na kapag marami ito.

'Ano ang gagawin ko? Hindi yata kakayanin ng kunsensiya ko kung hahayaan ko lang siyang mamatay rito.'

Napalingon ako sa pinanggalingan para sana ay makahingi ng saklolo, ngunit wala akong nakitang tao na nasa malapit. Napaismid na lamang ako sabay lingon muli sa lalaki.

"Bahala na!"

Mabilis akong lumapit. Nawala na rin sa aking isipan na maaaring masamang tao ang lalaking ito. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang pulsuhan ko ito.

'Medyo mahina na ang pulso niya. Nanlalamig na rin ang katawan niya. Dahil siguro sa dami ng dugong nawa.. Ah!’

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa sobrang gulat nang bigla na lamang gumalaw nang mabilis ang lalaki at hinawakan ang aking braso. Naramdaman ko pa ang higpit ng pagkakahawak nito, pati ang pagbaon ng mga kuko niya sa aking balat.

Kasunod nito ay ang isang malaking palad na bigla na lamang tumakip sa bibig ko. Halos mapaubo pa ako nang malanghap ang malansang amoy ng dugo.

"Mmft!" Pilit akong nagpumiglas, ngunit sadyang malakas talaga ang lalaki. Ramdam ko na ang pangingilid ang mga luha ko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naramdaman ko na lamang ang malakas na pagbagsak ko sa malamig at matigas na semento. Napaungol pa ako nang tumama ang likod ng ulo ko sa semento, ngunit bago pa ako makasigaw ay narinig ko ang isang napakalamig na boses ng lalaki.

"Are you one of them? Who sent you here? Answer me!"

Sa narinig na bulyaw ng lalaki ay tuluyang pumatak ang aking mga luha. Nagsimulang kumabog nang napakalakas ang aking dibdib. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Humagulgol na lamang ako sa pinaghalo-halong emosyon habang nakatitig sa lalaking nasa ibabaw ko na.

"What? Why the hell are crying, woman? Are you not one of them?"

Pagkasambit ng mga katagang ito ay unti-unting lumuwang ang pagkakasakal nito sa aking leeg. Agad na rin itong tumayo, ngunit hindi ko inasahan ang sumunod nitong ginawa.

Mabilis pa sa alas kuwatrong hinablot niya ako mula sa pagkakahiga sa semento at itinayo. Sa sobrang pagkabigla ay hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Ngayon ko lamang din naramdaman ang pagsakit ng buo kong katawan.

Napalunok pa ako bago mapatingin sa kabuuan ko. Bumakat ang kamay ng lalaki sa aking braso. Bukod pa roon ay nagdugo rin ang parte kung saan bumaon ang mga kuko nito. Nananakit din ang mga siko ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Pati ang aking ulo ay nagmistulang hinahampas nang paulit-ulit sa loob.

"Who are you? What are you doing here?"

Muli akong nanlamig nang marinig ang boses ng lalaki. Dahan-dahan ko siyang tinitigan at nakita na nasa harapan ko pa rin pala ito at titig na titig sa akin.

Hanggang balikat lang ako ng lalaki na mas lalong nagpakabog ng aking dibdib. Hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha nito. Bukod sa madilim ang paligid ay nababahiran din ito ng dugo.

"What? Cat got your tongue? Answer me!"

Napapikit ako nang mariin nang muling marinig ang sigaw nito. Bahagya pang nanigas ang aking katawan.

Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang paninikip ng aking dibdib. Parang may kung anong malaking bagay na nakadagan dito. Napasinghap ako ng malalim at sunod-sunod.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na hinahabol ang hininga. Unti-unting nanlalabo ang aking paningin.

"Hey! Whxt wn wit you? Was di ur ttle ys to k adtg of me? Ll me, how ch u you nt for the nig?"

Sa dahan-dahang pagkawala ng aking ulirat ay hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi ng lalaki. Napahawak ako sa aking dibdib habang habol-habol ang hininga. Marahan akong napaatras. Kailangan kong mahanap ang aking inhailer. Bago ko pa man madampot ang aking bag ay bumagsak na ako sa sahig. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari, ngunit bago pa ako lamunin ng dilim ay nakita ko pa ang mabilis na paglapit sa akin ng lalaki, pati na rin ang napakalamig nitong boses.

"Hey! What the hell is wrong with you, woman?"

Kaugnay na kabanata

  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

    Huling Na-update : 2022-12-04
  • A Twisted Game of Fate   4

    Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila."Likewise, Mr. Sandoval."Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?""Hindi/Yes."Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi."I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.” Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae. "I have to go. Marami pa kasi akong naiwang tra

    Huling Na-update : 2022-12-06
  • A Twisted Game of Fate   5

    Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nabungaran ko agad si Clyde pagkamulat ko pa lang sa mga mata ko."Mahal? Ano ang nangyari?"Hindi ko mapigilang magtanong habang iginagala ang aking paningin. Nasa loob na pala ako ng aking kuwarto, ngunit wala akong maalala kung papaano ako nakarating dito.Nang mapako ang aking paningin sa dingding kung saan nakasabit ang wall clock ay halos manlaki ang aking mga mata nang makitang alas otso na pala ng gabi. Mabilis naman akong inalalayan ni Clyde ngunit nanatili pa rin akong tulala."Ayos ka lang ba, mahal? Bakit pala sa sofa ka natutulog kanina?”Nangunot ang noo ko sa narinig bago napatingin sa kaniya. Siya namang unti-unting pagbabalik-tanaw ko sa mga nangyari sa mall.Napalunok ako nang maalala na kamuntikan na naman akong mapahamak. Tinitigan ko na lamang si Clyde sa mata saka ito niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nito ngunit agad din naman itong gumanti ng yakap. Sa pagdampi ng mga braso niya sa akin ay naramdaman

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • A Twisted Game of Fate   6

    "Can I have your attention, team!"Ang malakas na boses ni Mrs. Toledo ang nagpahinto sa lahat. Isa-isang napagawi ang mga tingin nila sa amin. Ang isa sa kanila ay nakita kong kumakain pa habang humahakbang palapit. "I would like you to meet Miss Solome, the newest addition to our team." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong bumaling ang tingin sa akin ni Mrs. Toledo kaya medyo napalingon na rin ako sa kaniya. "Iha, why don't you introduce yourself a little?" Bahagya akong napatango bago hinarap ang mga makakatrabaho ko. "A pleasant morning to all. You may call me Helen. It has always been my dream to become a designer one day, and a great thanks to R & D Corporation, I was given a chance to showcase my skills. I really do appreciate Mrs. Toledo for picking me, out of a hundred applicants that was why I am standing in front of you today. Nice to meet you all." Abot hanggang tainga ang aking ngiti sa mga sandaling ito upang maitago ang malakas na kabog ng aking dibdib. Naiilang na

    Huling Na-update : 2022-12-21
  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

    Huling Na-update : 2022-12-02

Pinakabagong kabanata

  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

DMCA.com Protection Status