Share

2: Valence City

Author: Bimaia
last update Last Updated: 2022-12-03 09:26:50

Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok.

"Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan.

"Helen, mahal?"

"Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag.

"Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo."

Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran.

"Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya.

Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lalo na nang bumalik sa alaala ko ang mga naganap nang nagdaang gabi. Mga kaganapang muntik ko nang ikapahamak. Biglang kumabog nang napakabilis ang aking dibdib. Naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagtulo ng masasaganang butil ng tubig mula sa aking mga mata.

"Shh. Tahan na, mahal. Nandito na ako. Ligtas ka na."

Imbes na tumahan ay mas lalo lamang akong napahagulgol. Dala siguro ng matinding takot na naramdaman ko para sa aking buhay.

oooOOooo

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak, ngunit nahimasmasan ako nang hindi ko na halos maimulat ang mga mata ko dahil pagang-paga na ito.

"Ayos ka na ba?"

Napasinghot pa ako ng isang beses bago tumingala kay Clyde. Unang umagaw sa attensiyon ko ang kulay tsokolate niyang mga mata na mas lalong nagpaamo sa kaniyang mukha. Ang matangos nitong ilong. Labing kasing-kulay ng pahinog na mansanas. Pati ang mabangong amoy ng gel na inilagay niya sa buhok na bahagyang nakataas. Para sa akin ay bumagay ito sa hugis ng kaniyang mukha na mas lalong nagpadagdag ng gentleman vibe sa kaniya.

"Ayos na ako, mahal. Salamat," saad ko bago lumuwang ang pagkakayakap ko rito.

"Nasaan na pala tayo?" Mabilis kong iginala ang aking paningin.

Nasa isang maluwang na kuwarto ako ngayon, ngunit wala akong idea kung saan ito.

"Nandirito tayo sa Eden Medical Hospital ng Lumena, mahal. Dinala kita rito nang matagpuan kitang walang malay sa eskinita malapit sa Terminal ng Bus. Ano ba talaga ang nangyari at bakit may mga galos ka sa braso? Sigurado ka ba na maayos ka na talaga? Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa iyo. Kung nagkataon ay hindi ko alam papaano ko ito sasabihin sa pamilya mo."

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig.

"Nasa hospital tayo ngayon?" Mabilis pa sa alas kwartong napatingin ako sa nobyo ko. Saglit akong natameme. Nagsusumigaw ang aking utak na sabihin sa kaniya ang buong pangyayari, ngunit bigla na lamang umurong ang aking dila, lalo na nang makita ang nagsasalubong niyang mga kilay.

"Tandaan mo. Wala na tayo sa probinsiya, Helen. Paano na lang kung hindi ako nakarating ng mas maaga? Baka hindi lang ito ang inabot mo kung nagkataon."

Natigilan ako sa biglaang pagpapalit ng kaniyang tono. Ramdam ko rin ang diin sa bawat katagang binitiwan nito. Ito pa lamang ang unang beses na halos pagtaasan ako ng boses ni Clyde. Napayuko na lamang ako ng ulo. Kung susumahin ay nasa mali rin ako. Nang dahil sa kagustuhan kong tumulong sa kapwa ay napahamak pa ako. Ni hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ni Clyde, pati na rin ng aking pamilya kapag may nangyari ngang masama sa akin.

Biglang nanlambot ang buo kong natawan. Pakiwari ko ay pinag-iwanan ako ng lakas. Tila ba nakalutang ako sa hangin ng mga sandaling iyon. Sunod ay naramdaman ko ang muling pagtutubig ng aking mga mata. Ngunit bago pa man tuluyang bumagsak ang nagbabadyang butil ng tubig ay pasimple kong pinunasan ang aking mukha.

Bumalik lamang ako sa realidad nang maramdaman ang malalaking palad na masuyong pumisil sa aking pisngi.

"Pasensiya ka na, mahal. Nadala lang ako ng emosyon ko. Basta mangako ka na lamang sa akin na hindi na mauulit pa ang ganito."

Kahit masama pa rin ang loob ay tuluyang sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking labi. Muli akong napayakap sa kaniya.

"Salamat, Clyde."

"Siya nga pala. Sabi ng Duktor, bukas na bukas din ay maaari ka nang makalabas dito. Pinapalitan ko na rin ang inhailer mo at medyo luma na iyon.”

Napatango na lamang ako sa narinig.

“Magpahinga ka na muna, mahal. Bukas ay mahaba pa ang lalakbayin natin patungo sa siyudad ng Valence. Lalabas lang ako saglit upang bumili ng makakain natin,” saad ni Clyde bago ako tinulungang mahiga sa kama.

“Ano pala ang gusto mong kainin?”

“Kahit ano, mahal. Basta huwag mong kalilimutan ang kanin,” biro ko rito.

Napatawa naman ito nang bahagya bago tumuyang lumabas ng kuwarto.

Naiwan naman ako na hindi mapakali. Hindi pa rin kasi mawala-wala sa isip ko ang mga nakakatakot na eksena kagabi.

“Kalamayin mo ang loob mo, Helen. Napakalaki ng mundo. Siguradong hinding-hindi na muling magkru-krus ang inyong landas. Isipin mo na lamang na isa iyong masamang bangungot.” Agad akong nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga bago pumikit. Pilit na iniisip kung anong pagkain ang bibilhin ni Clyde para sa akin.

oooOOooo

“Kung ang Lumena City ang tinaguriang, The City of Sin, ang siyudad ng Valence naman ang tinaguriang, The Paradise City. Ang lungga ng pinakamayayamang tao sa lipunan. Bukod sa mga Nobilities, Aristocrats at mga Bilyonaryo, ay nandirito rin ang pamosong Empire de Vamont. Ang Empiro na pinamumunuan ni Emperador Einri Octavius de Vamont. Isa pang dahilan ay ang pinakamalaking minahan ng mga diamante, ginto, bihirang mga bato, at hiyas…”

Kulang na lamang ay mapunit na ang aking bunganga sa pagkakangiti habang paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang unang linya ng magazine na nabasa ko kaninang umaga. Isa itong magazine na tumatalakay sa kasaysayan ng Paradise City.

Rinig ko rin ang malakas na tambol ng aking dibdib. Walang pagsidlan ang aking nararamdamang kasiyahan sa mga oras na ito. Kahit kailan kasi ay hindi sumagi sa isip ko na makararating ako sa lugar na ito. Sa tulong ni Clyde ay nawala sa aking isipan ko ang bangungot na napagdaanan nang nagdaang gabi.

"Helen, huwag mong masyadong ilabas ang ulo mo sa bintana ng sasakyan at delikado."

Biglang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Clyde. Narinig ko naman ang sinabi niya, ngunit abala ako sa pagtanaw sa paligid.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa taxi habang pataas ng bundok. Ngayon ko lang din napagtanto na halos nakalabas na pala ang kalahati ng katawan ko sa bintana. Hindi ko na lamang ito pinansin saka napatingin sa ibaba na punong-puno ng naglalakihang mga puno. Ang kanilang mga dahon ay nagmimistulang mga batong hiyas ng esmeralda na kumikinang sa ilalim ng sinag ng araw. Nakita ko rin ang iba't-ibang uri ng mga ibon na nagsisidapuan sa malalagong sanga ng mga ito.

Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng mayayabong na punong-kahoy. Naramdaman ko na lamang na parang may kung anong bagay na kumurot sa aking dibdib habang patuloy na pinagmamasdan ang magandang tanawin. Ngayon lamang din sumampal sa akin ang masakit na katotohanan tungkol sa napakalaking agwat ng pamumuhay naming mga mahihirap sa mga mayayaman.

"Mahal. Nandirito na tayo."

Bigla akong napakurap sa narinig. Hindi ko na namalayang huminto ang sasakyan dahil masyado akong nawili sa panonood sa paligid.

Nang mailabas na namin ang mga bagahe ay saka naman ako napatulala nang makita ang kabuuan ng bahay na tutuluyan namin ni Clyde. Dalawang palapag ito na may mababa, at kulay puting gate.

"Halika na, mahal."

Wala sa sariling sumunod ako sa kaniya. Pagkapasok sa gate ay bumungad agad sa akin ang munting hardin sa gilid ng bahay. Punong-puno ito ng mga makukulay na bulaklak na sa mga libro ko lamang nakikita noon. Pati ang puno ng mansanas na nasa gilid ng gate ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Napalunok pa ako nang makita ang malalaki, at mapupulang bunga nito.

Iniwas ko na lamang ang paningin saka naglakad paloob ng bahay. Umagaw agad ng aking pansin ang malaking chandelier sa itaas ng bilugang mesa. Napalilibutan ito ng mga makikinang na ilaw.

Inilibot ko ang paningin. Sa unang palapag ay ang munting kusina, sala at hapag-kainan. Napansin ko rin ang maliit na banyo na malapit sa kusina.

"Oh, mahal. Ano pa ang tinatayo-tayo

mo riyan? Para kang tanga. Halika na at nang makita mo na ang iyong magiging kuwarto."

Natatawang sambit ni Clyde na nagpabalik sa aking huwisyo. Sinimangutan ko pa siya ng bahagya.

"Panira ka naman ng moments, mahal. Kita mo namang nag-eemote ako rito. Halika na nga!" Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Hindi ko na ulit siya nilingon at dire-diretsong tumaas sa ikalawang palapag ng bahay.

Doon ay nakita ko ang dalawang kuwarto na pinagigitnaan ang banyo.

Inakay na ako ni Clyde patungo sa kanang bahagi ng kuwarto.

"Ito na ang magiging kuwarto mo magmula ngayon. Ah, siya nga pala, mahal. Lalabas na muna ulit ako upang bumili ng hapunan natin. Dito ka na muna sa bahay para makapagpahinga.”

Napatango na lamang ako. "Pasensiya ka na. Gusto ko sanang sumama, kaso medyo nananakit na naman ang katawan ko. Isa pa, nanlalagkit na kasi ako eh. Siguro magpapahinga na muna ako ng paa bago maligo. Ako na lang ang maghahain mamaya pagbalik mo."

"Oh, sige. Magpahinga ka na muna habang nasa labas ako. Alis na ako."

Pagkasabi nito ni Clyde ay agad na rin siyang tumalikod. "Ingat ka sa daan," pahabol ko pa habang inihahatid siya ng tingin.

Nang tuluyan na itong makababa ng hagdan ay saka ko pa lamang binuksan ang pinto ng aking kuwarto.

Bumungad agad sa akin ang isang maluwang na espasyo. Inikot ko ang paningin. Mayroon na itong mga built-in cabinets na halatang bagong gawa. Isang shelf na punong-puno ng mga libro at magazines. Study table na katabi ng king size bed. Ang huli ay ang bintana palabas sa balkonahe.

Napanganga na lamang ako sa nasasaksihan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Humakbang ako palapit sa kama, at naupo. Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig nang maramdaman ang malambot na kutson. Malayong-malayo ito sa papag na hinihigaan ko sa bahay.

Nagpakawala na muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagtanggal ng sapatos. Pumili na rin ako ng masusuot. Isang bulaklaking palda na lagpas ng kaunti sa tuhod, at isang maluwang na t-shirt na may burda rin ng bulaklak ang napili ko. Matapos magpalit ay sinubukan kong gumalaw-galaw ngunit sadyang nananakit talaga ang mga galos ko sa katawan. Nahiga na lamang ako sa kama.

“Mamaya na lang ako maliligo.” Dahil siguro sa pagod sa biyahe ay agad na bumigat ang aking mga talukap. Sinubukan ko itong labanan, ngunit mas malakas ang hatak ng karimlan.

oooOOooo

Kinabukasan, alas siyete pa lang ay nakagayak na kami ni Clyde. Suot ko ang paborito kong pantalon na pinaresan ng isang puting t-shirt na may disenyo ng mga bulaklak. Gaya ng napag-usapan, papunta kami ngayon ni Clyde sa mall upang bumili ng mga bago kong kagamitan. Hindi pa nga sana ako papayag, ngunit nagpumilit si Clyde. Hindi raw basta-basta ang kumpanya na papasukan ko kaya dapat daw na disente, at presentable ang ayos ko para sa interview na magaganap bukas. Hinding-hindi ko rin makalilimutan ang naging reaksiyon ni Clyde nang tumanggi ako. Sa huli ay naisip ko na lamang na baka mapahiya si Clyde sa kaniyang amo, kaya kahit nanghihinayang sa mga magagastos namin ay pumayag na lamang ako.

"Ready ka na, mahal?"

Napukaw lamang ang aking attensiyon sa narinig. Napalingon ako sa pintuan at nakita si Clyde na kalalabas lang. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang makita ito. Mas lalo itong naging makisig at gumuwapo sa paningin ko.

Sa kanang kamay ay hawak nito ang isang denim jacket na kulay itim. Nakalislis pa ang mahabang manggas ng kaniyang puting polo. Nakatuck-in din ang damit sa kulay itim na pantalon, at sapatos na pang-mayaman ang datingan. Nakataas ang buhok at may suot pang sunglasses.

"Nakanganga ka, miss. Sayang ang laway na tumutulo."

Wari ko ay nabuhusan ako ng pagkalamig-lamig na tubig sa aking kinatatayuan. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko, at ganoon na lamang ang pag-iinit ng aking mukha nang maramdaman sa aking palad ang tubig na hindi ko alam ay tumutulo na pala sa aking bunganga.

Mabilis na lamang akong tumalikod at patakbong tinungo ang sasakyan na ipinahiram daw ng kaniyang kaibigan.

Rinig ko pa ang nakalolokong tawa ni Clyde, ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Sa buong biyahe ay tahimik lang ako. Nakatutok ang aking paningin sa bawat tanawin na aming nadadaanan. Hindi ko kasi alam kung papaano ko haharapin si Clyde matapos ng nakahihiyang eksena kanina. Kulang na lamang ay bumuka ang lupa, at lunukin ako ng buo. Mabuti na lang at nakaunawa si Clyde kaya hindi na nangulit pa.

Makalipas ng tatlumpung minuto ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Hindi mapagkit ang aking paningin habang sinusuyod ang kabuuan ng napakalaking mall. Halos lumuwa pa ang aking mga mata sa kadahilanang hindi ko makita ang dulo ng building. Hindi rin mabilang ang mga mamahaling sasakyan na naka-park sa napakaluwang na parking ground.

"Let's go?" aya ni Clyde.

Napangiti naman ako bago inabot ang braso niya. Magkahawak-kamay naming nilakad ang malayong distansiya ng parking ground sa entrance ng mall.

Muli kong inilibot ang paningin ko.

Ngayon lamang ako nakatapak sa ganito kalaking building. Maraming tao ang naglalabas pasok sa mall, at marami ring tambay ang paligid. Napapalingon din ang halos lahat ng mga tao sa akin na labis kong ikinailang.

"Mahal, may mali ba sa suot ko? May dumi ba ako sa mukha? Bakit napalilingon sila sa akin?"

"Love, don't worry. Wala kang dumi sa mukha. Huwag mo na lang pagtuunan ng pansin ang mga iyan. Ganiyan talaga kapag nakakakita sila mga magagandang tanawin. Tara na sa loob?"

Napangiti na lang ako ng maluwang sa sinabi ni Clyde bago tumango. "Tara na." Bahagyang bumabalik ang self confidence ko sa tuwing kasama ko siya.

Nang gumanti ito ng isang matamis na ngiti ay hawak kamay na kaming pumasok sa mall.

oooOOooo

Maghahapon pa lang ay halos wala na akong lakas para maglakad pa. Pakiwari ko ay kalahati pa lamang ng mall ang nalibot namin. Kumain rin kami ng Pasta Carbonara at Lasagna sa isang popular na Italian Restaurant. Nanood ng mga movies at namili ng mga bagong damit. Kahit papaano ay nag-enjoy ako kasama si Clyde, ngunit talagang hindi maikakaila na mahina ang katawan ko. Bukod sa labis na pangangati ng aking mga binti dala ng pagod ay medyo nahirapan din akong huminga.

“Ayos ka lang ba? Halika. Magpahinga na muna tayo roon.”

Hindi na ako sumagot pa. Inalalayan na lamang ako ni Clyde hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang coffee shop.

"Hintayin mo na lang ako rito, mahal. Ako na ang bahalang mag-order para sa atin."

Napatango naman ako bago pumuwesto sa dulong mesa. Sapo ko pa ang aking dibdib habang ang isang kamay naman ay pasimpleng kinakamot ang aking binti.

Nang maglakad na paloob si Clyde ay saka lang ako napasandal sa upuan. Sunod-sunod akong huminga ng malalim. Alam kong pinagtitinginan pa rin ako ng mga taong nagdaraan, ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Upang malibang at mailihis na rin ang attensiyon sa iniinda ko ngayon ay inilibot ko na lamang ang paningin sa paligid at pinagmasdan ang mga tao.

Sa harapan ng coffee shop na ito ay ang Greenwich. Marami ang nakapila sa loob at halos mapuno naman ang kanilang puwesto ng mga taong kumakain. Mayroon ding maliit na foodstand sa tapat nito kung saan ay may free tasting ng kanilang mga bagong produkto na ilalabas.

Hindi rin naman magpapahuli ang milk tea store. Hindi gaanong kalakihan ang puwesto, ngunit sobrang haba ng pila. Napangiti na lamang ako nang mapait. Nakikita ko lang ang litrato ng naturang Milk Tea shop sa mga diyaryo na nababasa ko noon, ngunit nasa harapan ko na ito ngayon.

"Sayang. Kung may extra cash lang sana ako rito," bulong ko sa hangin. Matagal ko nang gustong tikman ito, ngunit dahil nagtitipid kami ay nagtitiyaga na lamang ako sa tubig at gatas.

Isa rin pala sa napansin ko sa paligid ay ang mga taong halos masubsob na sa mga telepono nila. Nakaupo sa tapat ko ay isang mag nobyo na tutok na tutok sa kanilang mga telepono, imbes na kumain. May iba naman na pinipicturan pa, habang ang iba ay abala sa pagseselfie habang hawak ang mga pagkain.

‘Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Inuuna pa ang pagpapacute kaysa kumain.’

"Hi, miss. Are you alone?"

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ng isang lalaki. Bumungad sa harapan ko ang tatlong lalaki na mukhang mga estudiyante pa lamang dahil sa suot na mga uniporme. Napaturo naman ako sarili habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Yes. I am talking to you, miss. Wow! You look pretty!"

"Uhm, salamat?" Kahit nahihiya ay pilit ko pa ring ngumiti bago palihim na napatingin sa loob ng shop. Umaasa na bumalik na si Clyde para makaalis na ako rito, ngunit ni anino niya ay hindi ko naaninag.

"Don't be afraid, miss. Wala naman kaming masamang intensiyon. We just want to know you. I am Anthony, by the way. What's yours?"

Bago pa man ako makasagot ay nabigla ako nang may humaplos sa aking buhok. Ramdam kong inamoy-amoy pa niya ito kaya naman ay mabilis akong napatayo.

"Ah, uhm. Kailangan ko nang umalis. Hinihintay na ako ng nobyo ko." Akmang lalakad na sana ako palayo nang hinarangan nila ang daan ko. Sinubukan kong humingi ng tulong, ngunit kita kong dinadaan-daanan lang ako ng mga tao. Tila ba normal na lamang sa kanila ang ganitong mga sitwasyon. Ni isa ay walang nagtangkang tumulong.

"Miss pretty. Where are you going? Gusto mo bang maglaro na muna?"

Unti-unti akong umatras. Halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba sa mga sandaling ito.

‘Nasaan ka na ba, Clyde? Bakit ang tagal mo?’

"Miss, matatanggihan mo ba ang mga mukhang..."

Kasabay ng biglaang paghinto ng lalaki sa pagsasalita ay ang pagbangga ko sa isang pader. Ramdam ko rin ang mga kamay na humawak sa mga balikat ko.

"Alvaro!"

Nagulat ako sa sigaw noong Anthony. Halata rin ang panginginig ng katawan nito habang titig na titig sa kung sino man ang nasa likod ko.

Sinubukan kong tumingala, ngunit sadyang matangkad talaga ang lalaki kaya hindi ko masyadong nakikita ang hitsura nito.

"Hindi lahat ng araw ay aayon sa iyo, Alvaro! May araw ka rin sa amin!"

Nagtataka man sa inasal ng mga ito, itinikom ko na lamang ang aking bibig . Halos patakbo na kasi silang umalis. Nang mawala na ang mga ito sa paningin ko ay saka pa lamang ako napalingon upang magpasalamat sa lalaki, ngunit nangunot ang aking noo nang wala na rin ito.

"Ha? Nasaan na iyon? Ang bilis naman niya."

Related chapters

  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

    Last Updated : 2022-12-04
  • A Twisted Game of Fate   4

    Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila."Likewise, Mr. Sandoval."Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?""Hindi/Yes."Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi."I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.” Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae. "I have to go. Marami pa kasi akong naiwang tra

    Last Updated : 2022-12-06
  • A Twisted Game of Fate   5

    Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nabungaran ko agad si Clyde pagkamulat ko pa lang sa mga mata ko."Mahal? Ano ang nangyari?"Hindi ko mapigilang magtanong habang iginagala ang aking paningin. Nasa loob na pala ako ng aking kuwarto, ngunit wala akong maalala kung papaano ako nakarating dito.Nang mapako ang aking paningin sa dingding kung saan nakasabit ang wall clock ay halos manlaki ang aking mga mata nang makitang alas otso na pala ng gabi. Mabilis naman akong inalalayan ni Clyde ngunit nanatili pa rin akong tulala."Ayos ka lang ba, mahal? Bakit pala sa sofa ka natutulog kanina?”Nangunot ang noo ko sa narinig bago napatingin sa kaniya. Siya namang unti-unting pagbabalik-tanaw ko sa mga nangyari sa mall.Napalunok ako nang maalala na kamuntikan na naman akong mapahamak. Tinitigan ko na lamang si Clyde sa mata saka ito niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nito ngunit agad din naman itong gumanti ng yakap. Sa pagdampi ng mga braso niya sa akin ay naramdaman

    Last Updated : 2022-12-09
  • A Twisted Game of Fate   6

    "Can I have your attention, team!"Ang malakas na boses ni Mrs. Toledo ang nagpahinto sa lahat. Isa-isang napagawi ang mga tingin nila sa amin. Ang isa sa kanila ay nakita kong kumakain pa habang humahakbang palapit. "I would like you to meet Miss Solome, the newest addition to our team." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong bumaling ang tingin sa akin ni Mrs. Toledo kaya medyo napalingon na rin ako sa kaniya. "Iha, why don't you introduce yourself a little?" Bahagya akong napatango bago hinarap ang mga makakatrabaho ko. "A pleasant morning to all. You may call me Helen. It has always been my dream to become a designer one day, and a great thanks to R & D Corporation, I was given a chance to showcase my skills. I really do appreciate Mrs. Toledo for picking me, out of a hundred applicants that was why I am standing in front of you today. Nice to meet you all." Abot hanggang tainga ang aking ngiti sa mga sandaling ito upang maitago ang malakas na kabog ng aking dibdib. Naiilang na

    Last Updated : 2022-12-21
  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

    Last Updated : 2022-12-02
  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

    Last Updated : 2022-12-02

Latest chapter

  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status