Share

4

Author: Bimaia
last update Last Updated: 2022-12-06 09:36:38

Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’

"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”

Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila.

"Likewise, Mr. Sandoval."

Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?"

"Hindi/Yes."

Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi.

"I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.”

Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae.

"I have to go. Marami pa kasi akong naiwang trabaho na dapat gawin. It was nice meeting you again, Helen. You too, Mr. Sandoval."

Napatayo na rin ako bigla sa narinig.

"Ganoon ba, Miss Bella. Sige. Sigurado namang magkikita pa ulit tayo?”

Isang tipid na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin. Bago umalis ay sinulyapan pa niya si Clyde bago naglakad palabas ng cafeteria.

"Mahal. Susundan ko muna si Miss Alvaro. May mga itatanong lang kasi ako sa kaniya,” litanya ni Clyde. Kita ko sa mga mata at mukha nito ang pagkabalisa na ipinagtaka ko.

"Huh? Ganoon ba? Ah, eh, sige.”

May sasabihin pa sana ako ngunit mabilis nang tumalikod si Clyde at halos patakbong lumabas. Naiwan naman ako na natulala sa inasal ng aking nobyo. Parang may isang parte ng utak ko na nagsasabing may mali sa galawan ng dalawa. Ngunit agad ko rin naman iyong iwinaksi. Malaki ang tiwala ko sa aking nobyo at kaya alam kong hindi niya magagawa sa akin ang aking mga naiisip. Hindi naman ako bulag sa mga nangyayari sa paligid ko. Pilit ko na lang iwinaksi ang kung ano mang nabubuong teorya sa aking isipan. Napaupo na lamang ulit ako bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sakto namang bumalik na ulit si Clyde.

"Mahal. Pasensiya na medyo natagalan ako."

Napatingin ako sa kaniya. Humalik pa ito sa aking pisngi bago maupo sa tabi ko.

“Ano pala ang…” Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang mapatingin ito sa akin.

“Huh? May sinasabi ka ba, mahal?”

“Ah, eh, wala. Wala naman. Huwag mo nang isipin iyon.” Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila ni miss Bella, ngunit hindi ko na lamang itinuloy. Baka magmukha lang akong marites pag nagkataon. Hihintayin ko na lamang na ito na mismo ang magsabi sa akin ng kusa.

"Kamusta pala ang interview mo? Hindi ka ba nahirapan sa mga tanong? Sinungitan ka ba ni Mrs. Toledo?"

Nabaling ang pansin ko sa sunod-sunod nitong tanong. Saglit na nawala sa aking alaala ang mga kaganapan kanina. "Oo, mahal. Halos dumugo na nga ang ilong ko sa kasasalita ng english. Mabuti na lang at hindi ako nabulol. Siya nga pala, mahal, nakuha ko ang position bilang Junior Designer."

"That's great, mahal! Congratulations. Pero teka. Ano pa raw ang kailangan mong gawin? Kailangan mo pa ba na mag undertake ng courses? Or trainings?"

Tumango ako. "Oo, eh. Kailangan ko raw muna na pumasok sa isang buwang course at training na sinasabi ni Mrs. Toledo. Kailangan ko rin na magpasa ng mga desings ko for evaluation, ngunit kapag naman daw nagustuhan nila ay baka dalawang linggo lang ang magiging training ko."

"Ganoon ba. Kailan mo raw dapat ipasa ang mga designs mo?"

"ASAP na raw. Ngunit magsisimula na ang training ko bukas. Bale sa umaga lang naman kaya free ako ng hapon. Baka nga magsimula na ako upang makarami. May mga naiisip naman na akong bagong styles kaya gusto ko nang simulan mamaya pagkauwi," mahaba kong litanya. Hinigop ko na rin ang aking cappuccino na nagsisimula nang lumamig.

"May mga gagamitin ka na ba sa pagdedesign mo? Kung hindi ay sasamahan kitang mamili mamaya sa mall. Pero alas singko pa ang labas ko kaya okay lang ba kung mga ganoong oras na tayo makabili?"

Napangiti naman ako sa tinuran ni Clyde. "Ako na lang ang pupunta, mahal. Tutal ay may nakita naman akong malapit rito na mall. Maglalakad na lang ako para tipid sa pamasahe. Isa pa ay paniguradong pagod ka pagkatapos ng trabaho mamaya."

Nakitang uungol pa sana ito ngunit inunahan ko na. "Huwag kang mag-alala, mahal. Kaya ko na ito. Saka isa pa, kailangan ko ring masanay rito sa siyudad. Alam ko namang hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama kita lalo na kapag magkaiba tayo ng oras sa trabaho. Hindi naman puwedeng umasa ako sa iyo..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang pinisil ni Clyde ang pisngi ko. Napa-aray pa ako sa biglaang hapdi na tumama sa sistema ko. “Oo na. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Oh, siya mahal. Babalik na ako sa trabaho. Tumakas lang kasi ako. Didiretso ka na ba sa mall pagkatapos mo rito?"

"Oo. Gusto ko rin kasing makauwi ng maaga para mapaghanda kita ng pagkain para mamayang gabi."

"O sige, mahal. Basta ingat ka ha. Diretso agad sa bahay pagkatapos mong mamili. Ito, idagdag mo sa pang bili mo ng mga gamit mo."

Nakita kong may dinukot si Clyde sa bulsa nito. Nang iabot niya ito sa akin ay nanlalaki ang mga mata ko.

"5 thousand? Naku, huwag na. Ang laki naman niyan. Saka may pera pa naman ako rito. Bigay nina nanay. Pagkakasyahin ko na..."

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang inilagay mismo ni Clyde ang pera sa bag ko. "Kunin mo na ito. Bumili ka na rin ng mga gusto mo o di kaya ay mag-snack na muna roon. Mauna na ako ha. Ingat ka."

Bago pa man ako makapalag ay hinalikan na ako sa pisngi saka mabilis na naglakad palayo. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na ito makita.

Napapailing na lamang ako bago damputin ang bag saka lumabas na ng cafeteria.

oooOOooo

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa mall. Nakabili na rin ako ng mga kakailanganin ko. Tama nga si Clyde. Kinulang ang aking pera. Mabuti na lang at hindi na ako nagpakipot kanina dahil kung hindi ay kulang-kulang ang mga gamit na nabili ko ngayon.

Muli kong iginala ang aking paningin. Nasa third floor ako ngayon kung saan ang mga palaruan. Napakaraming tao sa paligid. Kaniya-kaniya sila ng ginagawa. Mayroon din namang nanonood lamang.

"Yes! I won for the fifth time! Akin na ang mga napanalunan ko!"

"Napakadaya mo naman kasi! Ako dapat ang panalo sa round na ito eh!"

Napako ang aking paningin sa apat na lalaki. Nakaupo ang mga ito sa motorbike habang malalakas na naghahalakhakan. Napalilibutan din sila ng maraming mga kababaihan na tila ba ay nahuhumaling sa kanila.

Napailing na lamang ako sabay lakad palayo. Hindi kasi ako sanay sa malakas na ingay. Masakit sa tainga.

Habang naglalakad ay naagaw ng aking pansin ang malaking senyo ng Bubbly shop. Nasa dulo ito ng pasilyo at talaga namang pinipilahan.

"Bubbly?" bulong ko sa hangin. Napaisip pa kung ano ang mayroon sa shop na iyon.

Dala ng kuryusidad ay natagpuan ko ang sarili na naglalakad na patungo roon. Hindi naman ako nabigo nang makita kung ano ang kanilang binebenta. Sa aking harapan ay nakita ko ang menu nila na nakapaskil sa isang board sa harapan ng pinto.

Isa pala itong milk tea shop. Bahagya akong napalunok nang mapako ang tingin sa Avocado Shake nila. Dinapuan din ako ng uhaw kaya naman ay mabilis kong inilabas ang aking pitaka at nagbilang. Mayroon pa akong 439 pesos dito.

‘Ayos na siguro ito. May matitira pa naman akong pamasahe mamaya.’

Muli akong napangiti bago walang pag-aalinlangang sumali sa pila.

oooOOooo

Kasalukuyan akong naghahanap ngayon ng mauupuan. Napilitan akong bumili ng grande dahil naubusan na raw ng maliliit na size. Ayos lang din naman dahil paborito ko talaga ang avocado flavour. Nang makahanap ng puwesto ay mabilis kong nilantakan ang aking hawak. Sa unang higop pa lang ay halos maubos ko na ito sa sarap.

“Grabe! Ganito pala ang lasa ng Milk Tea.”

Habang masaya kong ninanamnam ang aking nabili ay napansin ko ang isang grupo ng kalalakihan na parating. Lima sila at puro may mga tatoo sa braso. May hawak din ang mga itong bag kaya alam kong mga estudiyante pa lang ang mga ito. Maangas ang datingan nila lalo na ng kanilang pormahan. Kulay itim ang lahat ng kanilang suot na damit. Halata ring mga maykaya sa buhay dahil mayroon pang mga alahas at mamahaling telepono ang mga ito.

Para lang akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makitang napatingin sa akin ang isa sa kanila bago sinenyasan ang iba pa niyang mga kasama. Bigla na lamang kumabog ang aking dibdib nang napatingin silang lahat sa akin at sabay-sabay na ngumisi ng malademonyo. Hindi ko napansin na natulala pala ako habang titig na titig sa mga ito. Mabilis kong binawi ang paningin ngunit mas lalo akong pinagpawisan ng malapot nang makita sa gilid ng aking mga mata na naglalakad na ang mga ito patungo sa kinauupuan ko.

Napalunok ako ng laway bago dinampot ang mga pinamili ko. Sa pagmamadali ay nahulog ang isang case ng mga colored pencils kaya naman ay mabilis akong yumupo upang damputin ito ngunit may dumampot na rito bago ko pa man mahawakan.

"Sa iyo ba ito, miss?"

Halos lumukso ang puso ko palabas nang marinig ang napakalamig na boses ng isang lalaki. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ang limang lalaki na nakatayo na sa harapan ko.

Napatayo akong bigla. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang pinalibutan nila ako.

"Sa totoo lang, miss. Hindi kita type pero alam ko na kanina ka pa nakatitig sa amin. So why don't you join us for the night to fulfill your fantasies?"

Kinilabutan ako sa sinabi ng lalaking may nunal malapit sa tainga. Lalo na nang marinig ang hagalpakan ng mga kasama nito. Pinasadahan din ako ng tingin ng chinitong lalaki mula ulo hanggang paa.

"Pare, huwag mo sanang kalilimutan. Itinatapon man ang ulo ng hipon, napakasarap naman ng katawan."

"Siya ngang tunay. Isa pa, marami akong alam na positions, este luto sa hipon kaya paniguradong mabubusog ang mga alaga natin."

Muling humagalpak ng tawa ang mga lalaki. Nanlalaki naman ang mga mata ko. May hinuha na ako sa gustong gawin ng mga ito. Kailangan kong makaalis dito dahil kung hindi ay baka ako na ang maging laman ng balita bukas sa diyaryo at telebisyon.

Nakakita ako nang pagkakataon nang makitang palapit sa amin ang isang matabang ale na may bitbit pa ng mga pinamili nito.

Magsasalita na sana ako nang may umakbay sa akin. Nanlalamig pa ang buo kong katawan nang maramdaman ang isang kamay na pumulupot sa aking baywang.

"Subukan mong gumawa ng eksena rito at sisiguraduhin kong paglalamayan ka at nang matabang iyan bukas ng inyong pamilya."

"Ayos ka lang ba, iha? Pansin ko na balisa ka. May ginawa ba ang mga lalaking ito sa iyo?"

Tugon ng ale pagkalapit sa amin. Gusto ko sanang tumango at humingi ng tulong ngunit parang bola na bumabalik sa aking isipan ang sinabi ng lalaking may nunal.

"Wala po. Ayos lang po ako. Medyo..."

"Boss, iuwi mo na nga iyang girlfriend mo. Lambingin mo rin pagkauwi ninyo upang humupa ang tampo niya sa iyo."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita iyong lalaking may pulang buhok.

"Mabuti pa nga. Ale, iuuwi ko na itong girlfriend ko at kailangan na niyang uminom ng gamot. Mauuna na kami."

Hindi pa man nakakasagot ang ale ay hinila na ako paalis ng lalaking may nunal sa mukha.

Tumulo na lamang ang aking mga luha nang pasimpleng umakbay ito sa akin bago hinipuan ang aking dibdib. Nais kong tumakbo o magsisigaw ngunit naging mahigpit ang paghawak ng lalaking may nunal sa aking baywang. Ramdam ko pa ang bahagyang pagbaon ng mga kuko nito sa aking balat.

oooOOooo

Nanginginig na ako sa takot ngayon habang pababa kami sa garage. Tuluyan na rin akong nawalan ng pag-asa dahil walang katao-tao sa paligid maliban sa mga sasakyan. Nauna na rin ang dalawa sa kanila upang makuha ang mga sasakyan.

Ilang saglit pa ay paika-ikang tumakbo palapit sa amin ang isa sa tatlo. May mga pasa na ito sa mukha habang hawak-hawak ang tiyan.

"Anong nangyari? Nasaan na sina Jepoy at Mark? Ang sasakyan?"

Sunod-sunod na singhal ng lalaking nakahawak pa rin sa aking baywang.

"Boss. Masamang balita. Nakasalubong namin si Alvaro habang naglalakad patungo sa kotse. Sinasabi na ibalik na sa kaniya ang babaeng iyan. Napuruhan sina Mark at Jepoy. Mabuti na lang at nakatakas pa ako."

"Putangina! Tarantado talaga iyang si Alvaro! Pakialamero!"

Mas lalo akong nahintakutan nang makita ang nanlilisik na mga mata ng lalaki.

"Boss. Sa likod mo, boss!"

Bago pa man ako makalingon ay may tumalsik sa akin na malapot at pulang na likido. Dito na ako tuluyang inatake ng hika ngunit bago pa ako malamon ng kadiliman ay narinig ko pa ang malalakas na hiyaw ng lalaki.

Naramdaman ko rin ang isang braso na nag-angat sa akin mula sa malamig na semento bago tuluyang magdilim ang aking paningin.

Related chapters

  • A Twisted Game of Fate   5

    Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nabungaran ko agad si Clyde pagkamulat ko pa lang sa mga mata ko."Mahal? Ano ang nangyari?"Hindi ko mapigilang magtanong habang iginagala ang aking paningin. Nasa loob na pala ako ng aking kuwarto, ngunit wala akong maalala kung papaano ako nakarating dito.Nang mapako ang aking paningin sa dingding kung saan nakasabit ang wall clock ay halos manlaki ang aking mga mata nang makitang alas otso na pala ng gabi. Mabilis naman akong inalalayan ni Clyde ngunit nanatili pa rin akong tulala."Ayos ka lang ba, mahal? Bakit pala sa sofa ka natutulog kanina?”Nangunot ang noo ko sa narinig bago napatingin sa kaniya. Siya namang unti-unting pagbabalik-tanaw ko sa mga nangyari sa mall.Napalunok ako nang maalala na kamuntikan na naman akong mapahamak. Tinitigan ko na lamang si Clyde sa mata saka ito niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nito ngunit agad din naman itong gumanti ng yakap. Sa pagdampi ng mga braso niya sa akin ay naramdaman

    Last Updated : 2022-12-09
  • A Twisted Game of Fate   6

    "Can I have your attention, team!"Ang malakas na boses ni Mrs. Toledo ang nagpahinto sa lahat. Isa-isang napagawi ang mga tingin nila sa amin. Ang isa sa kanila ay nakita kong kumakain pa habang humahakbang palapit. "I would like you to meet Miss Solome, the newest addition to our team." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong bumaling ang tingin sa akin ni Mrs. Toledo kaya medyo napalingon na rin ako sa kaniya. "Iha, why don't you introduce yourself a little?" Bahagya akong napatango bago hinarap ang mga makakatrabaho ko. "A pleasant morning to all. You may call me Helen. It has always been my dream to become a designer one day, and a great thanks to R & D Corporation, I was given a chance to showcase my skills. I really do appreciate Mrs. Toledo for picking me, out of a hundred applicants that was why I am standing in front of you today. Nice to meet you all." Abot hanggang tainga ang aking ngiti sa mga sandaling ito upang maitago ang malakas na kabog ng aking dibdib. Naiilang na

    Last Updated : 2022-12-21
  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

    Last Updated : 2022-12-02
  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

    Last Updated : 2022-12-02
  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

    Last Updated : 2022-12-03
  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

    Last Updated : 2022-12-04

Latest chapter

  • A Twisted Game of Fate   4

    Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila."Likewise, Mr. Sandoval."Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?""Hindi/Yes."Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi."I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.” Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae. "I have to go. Marami pa kasi akong naiwang tra

  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

DMCA.com Protection Status