Share

5

Author: Bimaia
last update Last Updated: 2022-12-09 09:16:55

Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nabungaran ko agad si Clyde pagkamulat ko pa lang sa mga mata ko.

"Mahal? Ano ang nangyari?"

Hindi ko mapigilang magtanong habang iginagala ang aking paningin. Nasa loob na pala ako ng aking kuwarto, ngunit wala akong maalala kung papaano ako nakarating dito.

Nang mapako ang aking paningin sa dingding kung saan nakasabit ang wall clock ay halos manlaki ang aking mga mata nang makitang alas otso na pala ng gabi. Mabilis naman akong inalalayan ni Clyde ngunit nanatili pa rin akong tulala.

"Ayos ka lang ba, mahal? Bakit pala sa sofa ka natutulog kanina?”

Nangunot ang noo ko sa narinig bago napatingin sa kaniya. Siya namang unti-unting pagbabalik-tanaw ko sa mga nangyari sa mall.

Napalunok ako nang maalala na kamuntikan na naman akong mapahamak. Tinitigan ko na lamang si Clyde sa mata saka ito niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nito ngunit agad din naman itong gumanti ng yakap. Sa pagdampi ng mga braso niya sa akin ay naramdaman ko agad ang pag-iinit ng aking mga mata.

‘Bakit palagi na lang ganito? Kahit anong gawin ko upang maitago ang tunay kong hitsura ay kusa pa ring lumalapit ang kapahamakan?’

Sa bawat segundong nagdaraan ay mas lalong humahapdi ang aking mga mata ngunit pilit ko pa ring pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Ayaw kong malaman pa ni Clyde kung ano ang nangyari. Hangga't maaari ay nais kong itago ito sa kaniya dahil ayaw kong makadagdag pa sa mga isipin niya. Humugot na muna ako ng malalim na buntong-hininga bago kumalas.

"Bakit, mahal? Ayos ka lang ba? Pasensiya ka na at medyo late na akong nakauwi ngayon. Tinapos ko pa kasi ang design na ipapasa ko bukas ng umaga. Siya nga pala. Inilagay ko na muna sa iyong cabinet ang mga pinamili mo kanina."

Napatango na lamang ako bago inilihis ang paningin. Baka kasi mahalata niya ang pamumula ng aking mga mata. Sinulyapan ko na lamang ang kabinet na malapit sa akin.

"Sigurado ka ba na ayos ka lang? Kung gusto mo ay sasaglit na muna tayo sa hospital. Namumutla ka kasi."

"Ayos lang ako, mahal. Huwag kang mag-alala. Namimiss ko lang kasi sina nanay sa probinsiya." Pagdadahilan ko na lamang. Nakita kong gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa labi ni Clyde.

"Huwag kang mag-alala, mahal. Masasanay ka rin. Saka nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Siya nga pala, gutom ka na ba? Ipaghahanda kita."

Akmang aalis na sana si Clyde ngunit napahawak ako sa kaniyang braso. Umiling ako sabay ngiti sa kaniya. "Salamat, pero busog pa ako. Nais ko sanang maligo na muna nang makatulog ng maaga ngayon. Kailangan ko kasing paghandaan ang unang araw ko bukas sa trabaho."

Napatango na lamang si Clyde bago ako hinalikan sa pisngi. "Oh, siya sige. Ikaw na ang gumamit sa banyo rito sa taas. Sa baba na muna ako. May kailangan pa kasi akong tapusing mga dokumento. Matulog ka na rin pagkatapos mo at maaga pa tayo bukas. Sige na. Good night, mahal."

"Good night din, mahal," tugon ko sa kaniya habang pinagmamasdan siyang naglakad palabas.

Nang mapag-isa ay napabuntong-hininga na muna ako bago mabilis na kinuha ang mga gamit saka pumasok sa banyo.

Sa pagharap ko sa salamin ay kaagad kong tinanggal ang aking wig. Naghilamos na rin ako ng mukha upang matanggal ang mga pekeng freckles at maliliit na tagihawat na nagkalat rito. Tuluyan na ring nalusaw ang ginamit kong itim na pencil sa pagguhit sa aking kilay upang mas kumapal itong tingnan.

Matapos kong gawin ang mga ito ay saka ako matamang na napatitig sa aking repleksiyon.

Hindi ko inakala na mauulit muli ang mga kaganapan na nagbigay ng matinding takot sa akin. Kahit napakabata ko pa noon ay hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nang nalagay sa peligro ang aking buhay nang dahil lamang sa matinding pagnanasa ng halos lahat ng mga taong nakakasalamuha ko. Nang dahil sa akin ay napakaraming beses kaming nagpalipat-lipat ng bahay. Nag dahil rin sa mukhang ito ay hindi ko naranasang maging isang normal na bata. Disi-sais na ako nang muli kaming naglipat ng bahay. Sa edad na ito ko naranasan ang itinuturing kong pinakamatinding trauma na naganap sa aking buhay. Sa edad na ito ko rin nakilala si Clyde. Sa kaniya ako natutong magbalat kayo. Laking pasasalamat ko rito dahil epektibo naman. Akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang tahimik at masaya kong pamumuhay ngunit hindi ko inaasahang mangyayari pa rin ito sa akin sa kabila ng bago kong katauhan.

Napabalik na lamang ako sa huwisyo nang maramdaman ang pagtulo ng aking luha ngunit hinayaan ko lang ito. Muli akong napatitig sa salamin. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatulala sa aking repleksiyon. Ang mukha at katawang kinaiingitan at kinahuhumalingan ng lahat. Ngunit palaging kakambal ng panganib.

Napahinga na lamang ako nang malalim sa naisip. Maihahalintulad ko ang aking buhay sa phrase na nabasa ko noon sa lumang libro na nahiram ko sa library.

‘With supreme beauty comes with endless pains and sufferings.’

Nagpakawala pa muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng shower.

Matapos maligo at makapagbihis ay muli agad na akong humiga sa kama.

Mabigat ang aking pakiramdam. Bagsak na bagsak ang aking katawan. Hindi ko na rin makontrol pa ang unti-unting pagbagsak ng aking mga talukap hanggang sa tuluyang nanlabo na ang aking paningin.

oooOOooo

Kinabukasan, alas singko pa lang ang gising na ako. Alas siyete pa ang aking pasok ngunit naging putol-putol ang aking tulog kaya naman ay bumangon na lamang ako.

"Namamahay lang siguro ako."

Dumiretso agad ako sa banyo upang magsipilyo. Matapos magbihis ay agad na akong bumaba. Nais ko sanang lutuan ng umagahan ang aking nobyo. Ito lang kasi ang paraan na alam ko upang makabawi sa kaniya kahit papaano.

Dahil sa makabagong mga kagamitan sa kusina ay madali akong nakaluto. Simpleng umagahan lang naman ang aking nagawa ngunit tiyak kong matutuwa si Clyde dahil paborito niya ang lahat ng niluto ko.

"Mahal? Ang aga mo yata?"

Napatingin ako sa gawi ni Clyde nang marinig ang boses nito. Nakita ko itong nakagayak na. Mukhang kanina pa ito gising.

"Good morning, mahal. Tamang-tama ang baba mo. Halika. Kumain na muna tayo."

Nakangiti kong wika habang inilalagay sa mesa ang huling ulam. Lumapit naman ito at kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata.

"Wow, tosilog! Mapaparami yata ang kain ko ngayon. Salamat, mahal."

Napangiti ako nang hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ano pa ang hinihintay natin? Kain na tayo."

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad na naupo. Nang umagang iyon ay masaya naming pinagsaluhan ang aking luto.

oooOOooo

Nang makalabas na kami ni Clyde ay saglit akong natulala nang makita ang higanteng mansiyon sa kabilang bahagi ng bundok. Ngayon ko lamang ito napansin.

“Mahal. May mansiyon pala roon?” Hindi ko naiwasang itanong habang hindi mapagkit ang aking titig dito.

“Ah. Iyan ang mansiyon ng pinakamayamang pamilya sa buong siyudad ng Valence. Sila rin ang nagmamay-ari ng kumpanyang pinagtratrabahuhan natin.”

Napatango na lamang ako sa narinig. Kung ganoon ay kapitbahay lang pala namin ang mga amo namin.

"Mahal, ready ka na ba sa unang araw mo? Gusto mo ako na mismo ang magbriefing sa iyo mamaya sa mga dapat mong gawin?"

Napukaw lamang ang aking attensiyon sa tanong na ito ni Clyde. Muli akong napatingin sa kaniya at ngumiti bago sumagot.

"Nako. Huwag na, mahal. Kaya ko na ito. Saka, alam mo naman na ang tatas ng mga standards nila. Ayaw kong madamay ka pa kung sakaling maliitin ako ng mga magiging katrabaho ko. Gusto kong ipakita na may maibubuga rin ang isang high school graduate lang na kagaya ko."

Nakita ko pa ang automatikong paglukot ng mukha ni Clyde sa narinig kaya nginitian ko siya ng matamis at walang pag-aalinlangan.

"Huwag kang mag-alala, mahal. Sisiw lang ito sa akin. Magtiwala ka lang."

Bigla itong napahinto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.

"O, sige. Pero sabihin mo lang sa akin kapag may nang-alipusta o nanglait sa iyo at susugod kaagad ako."

"Sige, mahal. Salamat sa pagtitiwala. Tara na. Baka malate pa tayo."

“Hintayin mo na ako rito. Kukunin ko lang ang kotse.” Akmang tatango na sana ako nang bigla na lamang dumaan ang isang magarbong sasakyan. Napakatulin ng takbo nito na naging dahilan upang sumama paitaas ang bulaklakin kong palda na lagpas hanggang tuhod. Mabilis ko naman itong nahawakan ngunit hindi ko inaasahang dumikit sa puti kong blouse ang mga alikabok na kasamang inilipad ng hangin.

"Mahal! Ayos ka lang? Hoy! Bumalik ka rito! Tarantado ka."

Akmang hahabulin pa sana ni Clyde ang humaharurot na sasakyan ngunit napigilan ko ito.

"Clyde. Huwag na. Hayaan mo na. Tulungan mo na lang akong magpagpag," mahinahon kong sabi.

Nang lumingin ai Clyde ay kitang-kita ko ang pag-aalala nito sa mukha.

"Hayaan mo na. Siguro nagmamadali lang talaga ang driver kaya ganoon na lamang kabilis ang pagmamaneho niya."

"Kahit gaano man kaimportante ang kaniyang lakad. Hindi dapat siya nagpapatakbo ng ganoon katulin lalo na rito. Delikado lalo pa at pababa ang daan. Paano kung magkaproblema ang kaniyang preno? Di nangdamay pa siya ng ibang tao kung sakali."

Kita ko ang inis sa mukha ni Clyde habang pinapagpagan ang mahaba kong manggas. Mabuti na lamang at natanggal ang mga ito ngunit may medyo nangitim agad ang puti kong blouse.

Inalalayan na lamang ako ni Clyde pabalik sa loob ng gate. Doon ay nag-ayos na muli ako ng sarili. Itinali ko na rin ang aking buhok upang masiguradong hindi matanggal ang aking wig.

“Dito mo na lamang ako hintayin para mas ligtas.”

Napatango na lamang ako bilang tugon bago tumalima si Clyde para kunin ang sasakyan.

Nang huminto ang kotse sa tabi ko ay agad na rin akong sumakay.

"May ibibigay nga pala ako sa iyo, mahal."

Nagtatakang napatingin ako kay Clyde na ngayon ay may kinakapa na sa kaniyang bag. Mayamaya pa ay iniabot niya sa akin ang isang maliit na botilya ng perfume.

"Mamaya ko pa sana ibibigay ngunit baka makalimutan ko. Pagpasensiyahan mo na. Iyan lang ang nakayanan ng budget ko sa ngayon. Nagpadala kasi ako ng pangbili ng gamot para kay papa."

Nang abutin ko ang maliit na bote ay agad ko itong sinubukan. Napapikit pa ako nang malanghap ang mabangong amoy na humalo sa hangin.

“Ang bango naman nito.” Napangiti ako nang maluwang saka siya niyakap nang mahigpit.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, mahal. Pero maraming salamat pa rin. Pasensiya na at wala akong maibibigay. Babawi na lang ako pag nakuha ko na ang una kong sahod."

Napatango lamang ito bilang tugon.

"Hmm. Ang bango talaga. Salamat dito, mahal."

Nang itinago ko ito sa aking maliit na handbag ay hindi sinasadyang napatingin ako sa relo ni Clyde.

"Clyde, bilisan na natin. Malalate na tayo!"

Sa aking sigaw ay nataranta si Clyde. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata bago dali-daling pinaandar ang kotse. Mabuti na lamang at hindi masyadong matarik ang daan pababa.

oooOOooo

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kumpanyang papasukan ko. Sadyang napakalaki talaga nito at halatang hindi basta-basta ang mga materyales na ginamit para sa pundasyon.

Hanggang ngayon ay nagmimistula pa rin akong nasa isang napakagandang panaginip. Hindi pa rin ako makapaniwala na balang araw ay makakatapak ako rito bilang trabahador.

Bumalik lang ako sa huwisyo nang maramdamang pinisil ni Clyde ang kamay ko. Agad ko siyang nilingon saka napangiti.

Wala na ring umimik sa amin habang binabagtas ng kotse ang kahabaan ng daan.

oooOOooo

Nakatayo na kami ngayon sa harapan ng building. Kagaya ng ginawa ko kahapon ay halos mabali na naman ang leeg ko sa kakatingala ngunit hindi ko talaga makita-kita ang dulo. Kusa na ring pumipikit ang mga mata ko sa tindi ng sikat ng araw.

"Let's go?"

Napalingon ako kay Clyde at nakita ang nakalahad niyang kamay.

“Hmm.” Abot tainga ang aking ngiti bago kami magkahawak-kamay na pumasok. Kinamusta pa ng guard si Clyde bago ito napatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Magandang umaga po." Nakangiti kong bati sa guard ngunit isang tipid na tango lamang ang tugon niya sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin bago nagtuloy sa paglalakad. Gaya kahapon ay hindi ko maiwasang mapansin ang masasamang tingin na ipinupukol sa akin ng bawat taong madaanan namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang.

"Mahal, ganito ba talaga ang mga tao rito? Kahapon ko pa kasi napapansin na masasama ang tingin nila sa akin," pabulong kong tanong habang umiiwas pa rin sa mga mapanghusgang tingin nila.

"Huwag mo na silang intindihin, mahal. Ganiyan talaga sila kapag may bagong mukha rito sa kumpanya. Gawin mo na lang ng mabuti ang trabaho mo upang wala silang masabi sa iyo."

Napatango na lamang sa narinig. Para akong nabuhayan ng panibagong tatag ng loob sa sinabi sa akin ni Clyde.

"Salamat sa tiwala at supporta, Clyde."

Gaya ng napag-usapan, inihatid lamang ako ni Clyde sa department ko bago umalis.

Dinala ako ni Mrs. Toledo sa isang maluwang na silid. Medyo nagkakagulo na ang mga tao rito. Tumatakbo pa ang ilan habang may hawak na mga tela. Mayroon ding tutok na tutok sa computer habang gumuguhit ng mga bagong disenyo. Ang iba naman ay abalang-abala sa pag-me measure ng tela.

Sa malakas na palakpak ni Miss Toledo ay halos sabay-sabay silang napatingin sa amin.

Related chapters

  • A Twisted Game of Fate   6

    "Can I have your attention, team!"Ang malakas na boses ni Mrs. Toledo ang nagpahinto sa lahat. Isa-isang napagawi ang mga tingin nila sa amin. Ang isa sa kanila ay nakita kong kumakain pa habang humahakbang palapit. "I would like you to meet Miss Solome, the newest addition to our team." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong bumaling ang tingin sa akin ni Mrs. Toledo kaya medyo napalingon na rin ako sa kaniya. "Iha, why don't you introduce yourself a little?" Bahagya akong napatango bago hinarap ang mga makakatrabaho ko. "A pleasant morning to all. You may call me Helen. It has always been my dream to become a designer one day, and a great thanks to R & D Corporation, I was given a chance to showcase my skills. I really do appreciate Mrs. Toledo for picking me, out of a hundred applicants that was why I am standing in front of you today. Nice to meet you all." Abot hanggang tainga ang aking ngiti sa mga sandaling ito upang maitago ang malakas na kabog ng aking dibdib. Naiilang na

    Last Updated : 2022-12-21
  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

    Last Updated : 2022-12-02
  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

    Last Updated : 2022-12-02
  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

    Last Updated : 2022-12-03
  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

    Last Updated : 2022-12-04
  • A Twisted Game of Fate   4

    Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila."Likewise, Mr. Sandoval."Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?""Hindi/Yes."Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi."I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.” Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae. "I have to go. Marami pa kasi akong naiwang tra

    Last Updated : 2022-12-06

Latest chapter

  • A Twisted Game of Fate   6

    "Can I have your attention, team!"Ang malakas na boses ni Mrs. Toledo ang nagpahinto sa lahat. Isa-isang napagawi ang mga tingin nila sa amin. Ang isa sa kanila ay nakita kong kumakain pa habang humahakbang palapit. "I would like you to meet Miss Solome, the newest addition to our team." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong bumaling ang tingin sa akin ni Mrs. Toledo kaya medyo napalingon na rin ako sa kaniya. "Iha, why don't you introduce yourself a little?" Bahagya akong napatango bago hinarap ang mga makakatrabaho ko. "A pleasant morning to all. You may call me Helen. It has always been my dream to become a designer one day, and a great thanks to R & D Corporation, I was given a chance to showcase my skills. I really do appreciate Mrs. Toledo for picking me, out of a hundred applicants that was why I am standing in front of you today. Nice to meet you all." Abot hanggang tainga ang aking ngiti sa mga sandaling ito upang maitago ang malakas na kabog ng aking dibdib. Naiilang na

  • A Twisted Game of Fate   5

    Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nabungaran ko agad si Clyde pagkamulat ko pa lang sa mga mata ko."Mahal? Ano ang nangyari?"Hindi ko mapigilang magtanong habang iginagala ang aking paningin. Nasa loob na pala ako ng aking kuwarto, ngunit wala akong maalala kung papaano ako nakarating dito.Nang mapako ang aking paningin sa dingding kung saan nakasabit ang wall clock ay halos manlaki ang aking mga mata nang makitang alas otso na pala ng gabi. Mabilis naman akong inalalayan ni Clyde ngunit nanatili pa rin akong tulala."Ayos ka lang ba, mahal? Bakit pala sa sofa ka natutulog kanina?”Nangunot ang noo ko sa narinig bago napatingin sa kaniya. Siya namang unti-unting pagbabalik-tanaw ko sa mga nangyari sa mall.Napalunok ako nang maalala na kamuntikan na naman akong mapahamak. Tinitigan ko na lamang si Clyde sa mata saka ito niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nito ngunit agad din naman itong gumanti ng yakap. Sa pagdampi ng mga braso niya sa akin ay naramdaman

  • A Twisted Game of Fate   4

    Nakita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Clyde, ngunit agad din namang bumalik sa normal. ‘Baka guni-guni ko lamang iyon?’"It is nice to meet you, Miss Alvaro.”Inilahad ni Clyde ang kaniyang kamay. Nahalata ko pa ang pag-aalinlangan ni Bella ngunit agad din naman nitong inabot ang palad at nagkamay sila."Likewise, Mr. Sandoval."Sa ganitong tagpo ay nagtaka na talaga ako. "Magkakilala kayo ni Miss Bella, mahal?""Hindi/Yes."Automatikong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Bella bago ako hinarap ng may ngiti sa labi."I mean, yes, Helen. Who does not know Mr. Sandoval in our company? He’s one of the most talented Interior Designer who already had a lot of successful projects in the past year.” Magsasalita na sana ako nang mapansin ang masamang titig na ipinupukol ni Clyde kay Bella. Bago pa man ako makapagtanong ay biglang tumayo ang kaharap kong babae. "I have to go. Marami pa kasi akong naiwang tra

  • A Twisted Game of Fate   3: New Friend?

    Mag-aala otso na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Dala ng matinding pagod ay napagpasyahan namin ni Clyde na magpahinga na agad. Pagkatapos maligo ay humiga na ako.Habang nasa kama ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin ang mga kaganapan kanina. Hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil sa isang insidenteng nangyari noon sa akin.Nang hindi pa rin ako makakuha ng antok ay tumayo ako sa kama saka naupo sa aking study table. Naglagay na rin ako ng isang salamin sa aking harap. Unang bumungad sa akin ang asul kong mga mata na mas lalong tumitingkad sa tuwing nasisilawan ng araw o ano mang klase ng liwanag. Nang tanggalin ko sa pagkakapuyod ng aking buhok ay nagmistula itong nakikipagsayawan sa bawat hampas ng malamig na hangin galing sa nakabukas kong bintana. Hinayaan ko na lamang ito. Isa pa ay hindi ko naman ito kailangan pang suklayin dahil kahit anong gawin ko ay sadyang napakalambot at napakadulas talaga nito.Napatitig na lam

  • A Twisted Game of Fate   2: Valence City

    Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ang kamay na masuyong humahaplos sa akong buhok. "Hmm." Napaungol pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ng isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan. "Helen, mahal?" "Clyde?" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig, ngunit agad ding pumikit nang tumama sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. "Ako nga ito, mahal. Oh dahan-dahan lang. Huwag mong puwersahin ang katawan mo." Sa sinabi nito ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang maamong mukha agad ng aking nobyo ang una kong nabungaran. "Clyde? Ikaw ba talaga iyan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng mga oras na ito. Nanginginig man ang aking katawan ay hinaplos ko ang mukha niya. Nang mapagtanto na hindi ito isang panaginip ay agad na napunit ang isang maluwang na ngiti sa aling mga labi. "Ikaw nga!" Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang

  • A Twisted Game of Fate   1: Unang Pagkikita

    "Earlier this day, October 13, at exactly six in the morning, Dante Puzzi, a local fisherman and resident of Kassel, Lumena City, found 17 corpses floating in the river of Bexterre Stream. According to the reports, all of the bodies were found with their heads missing. Although there were no credible evidence, Authorities were confident that it was the work of the ruthless and notorious, R. The mysterious man who was believed to be the ruler of the underground world. As of now, investigations were still on going, while the bodies were sent to the hospital for autopsy. On the other hand, on Valence City news, Celine Ricaforte, the first born daughter of Millionaire and businessman, Rudolf Ricaforte, announced her engagement with Red Ismael Alvaro, the heir the the Trillion Dollar Conglomerate group. Although the other party did not... ""Hayst. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Araw-araw na lang may kaguluhan." Hindi ko na tinapos na pakinggan ang balita. Hindi naman ako mahilig s

  • A Twisted Game of Fate   Prologue

    "Urg!"Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko habang dahan-dahang nagmumulat ng mga mata. Wala pa rin ako sa huwisyo nang mapahawak sa aking ulo na noon ay tila ba minamartilyo sa sakit. Hindi ko rin masyadong maigalaw ang aking katawan. Wari ko ay nadagdagan ng sampung kilo ang aking timbang. Ganoon pa man ay pinilit ko pa ring maupo.Nang mahismasmasan ay agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakurap pa ako ng ilang beses nang mamataan ang higanteng telebisyon sa dingding. ‘Bumili ba si Clyde nang hindi sinasabi sa akin?’Napailing na lamang ako sa naisip. Balak kong ipabalik na lamang sa aking nobyo ang tv na iyan sa kung saan man niya ito nabili. Panigurado kasi na nagkakahalaga ito ng malaki. Mas magandang ipunin na lamang niya ang pera, tutal naman ay hindi namin kailangan ng ganito kalaking tv. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.Muli kong iginala ang paningin. Nangunot pa ang aking noo nang mahagip ng aking mga mata ang malaking piano na malapit

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status