Share

Chapter 66

Isang oras matapos ang biyahe ni Isabel patungo sa kanilang bahay ay nakarating naman na siya ng ligtas at walang aberya sa maikling biyahe na 'yon. Pagkababa pa lang ng nasakyan niyang taxi ay natanaw na kaagad niya ang kanilang bahay. Naalala tuloy niya ang masasayang alala nila no'ng nabubuhay pa ang kanyang mahal na ina at kumpleto pa ang kanilang pamilya. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot nang maalala 'yon.

Nagsimula na siyang maglakad dala ang iilang gamit niya nasa bag niya. Hindi pa siya nakakalapit sa bahay nila ay napansin niya na parang ang tahimik. Medyo nagtataka siya at napatanong sa sarili niya kung may tao ba doon sa bahay nila.

Kumatok naman siya sa pinto ng bahay niya bago pumasok. Ayaw naman niya na basta-basta na lang siya papasok doon.

No'ng una ay walang bumubukas ng pinto sa kanya. Medyo nag-alala na siya na kung walang tao sa loob ay paano siya makakapasok. Wala naman siyang hawak na susi ng bahay niya dahil umalis na siya dito. Ayaw naman niya bumalik sa condo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status