Nalaman ni Mr. Dominik Ramos na ex-boyfriend ni Isabel na babaeng natitipuhan niya si Callix Montero na isa sa mga mortal enemy niya. Alam niya na mahal pa rin niya ito. Nalaman rin niya na mahal pa rin ito ni Callix kaya naisipan niya na gantihan ito matapos na ipahiya siya sa publiko. Sinampahan rin siya nito ng kaso ngunit dahil sa malakas ang kapit niya ay na-dismissed ang kasong 'yon laban sa kanya. Muli niyang naramdaman ang galit na naramdaman niya years ago kaya naisip niya na gantihan si Callix sa pamamagitan ng babaeng mahal nito. Gusto niyang gantihan si Callix sa ibang paraan. Hindi man niya magantihan ito kagaya ng ginawa nitong pagpapahiya sa kanya sa publiko ay sa ibang bagay na sa tingin niya ay mas lalong masasaktan ito ay doon niya titirahin ito. He'll use Isabel. Hindi naman niya totoong mahal ito. Palabas lang ang lahat sa kanya kunwari ay gusto niya ito kahit hindi naman talaga. Napaniwala naman niya ito.Isang hapon ay pinatawag niya si Isabel sa opisina niya. Kaa
Nalaman kaagad ni Angela ang nangyaring 'yon mula kay Isabel dahil sinabi nito kaagad niya. Sinabi rin ni Isabel 'yon sa papa niya na si Herbert na nag-alala para sa kanya. Sinabihan naman niya ito na wala naman na itong kailangan na problemahin pa. Naiparating na niya 'yon sa mga police at nagsampa na rin siya ng kaso laban kay Mr. Dominik Ramos sa ginawa nitong 'yon sa kanya. Hindi naman niya pinabayaan si Amy dahil kung hindi dito ay baka may nangyari nang masama sa kanya. Kasama niya ito palagi kapag inasikaso nila 'yung tungkol sa kasong sinampa nila laban sa dating boss nila. Marami nang lumabas na nagsampa rin ng kaso laban kay Mr. Dominik Ramos na mga babaeng biktima ng kasamaan nito. Siguro ay nasa mahigit sampung mga babae ang nagsampa ng kaso laban sa kanya. Inaksiyunan naman kaagad ito ng korte. Hindi nila alam na may kinalaman si Callix sa papadali sa proseso na makulong ito. May mga abogado siya na nagtatrabaho nito. Walang alam doon si Isabel. Nalaman rin 'yon ni Mrs.
Matutulog na si Isabel nang tumunog ang cell phone niya na nakalagay sa may side table. Mabilis naman na kinuha niya 'yon para sagutin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya sa screen ng cell phone niya ang pangalan ni Mrs. Daisy. Napamura pa nga siya ng mahina pagkakita sa pangalan nito. She had no idea why she's calling to her. Nagda-dalawang isip pa nga siya kung sasagutin niya ang tawag nito. Huminga muna si Isabel nang napakalalim na buntong-hininga at saka kinuha ang cell phone niya. Nagdesisyon siyang sagutin ang tawag ni Mrs. Daisy para malaman niya kung bakit tumatawag ito sa kanya. Kung hindi niya sasagutin ang tawag nito ay hindi niya malalaman kung bakit tumatawag ito. Dahan-dahan na kinuha ni Isabel ang kanyang cell phone sa side table at pinindot ang answer button."Isabel?" dinig niyang wika ni Mrs. Daisy sa kanya. Kinakabahan siya. Matagal-tagal na niyang hindi naririnig ang boses nito ngunit ngayon na tumawag ito sa kanya ay muli niyang narinig 'yon."Yes po, Mrs
"Bro, I have a good news to tell..." sabi ni Daniel kay Callix sa kabilang linya. Tinawagan niya ito sumunod na araw habang nasa opisina ng kompanya niya ito. He wasn't busy kaya may oras siyang makipag-usap sa pinsan slash best friend niya na si Daniel."What kind of good news is that, bro?" tanong naman ni Callix sa kanyang pinsan."Mom called Isabel last night," sabi nito."Oh, really?" mabilis na tanong niya dito.Tumango naman si Daniel kahit hindi siya nakikita. "Yes, bro. Tinawagan na niya ito kagabi tapos sinabi niyang bumalik na ito sa publication nila," sagot ni Daniel sa kanya."Pumayag ba siya na bumalik muli sa trabahong mahal na mahal niya, huh? Ano'ng sinabi niya kay Tita Daisy?" tanong pa ni Callix kay Daniel na pinsan slash best friend niya."Oo, bro. Pumayag naman nga siya na bumalik. Sa tingin mo ba ay hindi siya papayag, huh? Hindi ni Isabel tatanggihan 'yon," sagot ni Daniel sa kanya. Napangiti siya matapos marinig mula sa pinsan slash best friend niya na pumayag
Sinabi na rin ni Angela ang totoong dahilan kay Callix kung bakit nakipaghiwalay si Isabel sa kanya. Lahat ay sinabi niya, wala na siyang itinira pa. "Kahit pala ayaw niyang gawin 'yon ay ginawa niya para lang magkaroon man lang siya ng katahimikan na kung hahayaan niya na makasama ako ay baka kung ano'ng mangyari sa kanya. I never knew that, Angela. Ngayon na alam ko na ang totoo ay naiintindihan ko na siya. Naiintindihan ko na siya kung bakit niya nagawa 'yon. Naaawa ako para sa kanya sa totoo lang. Gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit at mag-sorry. Mahal niya ako pero ginawa niya 'yon," malungkot na sabi ni Callix kay Angela matapos niyang malaman ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Isabel nang ganoon kadali na pinagtataka niya."Oo, Callix. Mahal ka niya pero kailangan niya na tapusin na ang relasyon n'yo para huwag hayaan ang sarili niya na bumigay sa problemang kinahaharap n'yo lalo na siya. Sa paghihiwalay n'yong dalawa ay nagawa naman niyang makalimo
Sa sinabing 'yon ni Mrs. Daisy sa kanya ay naisip niya muli na hindi talaga siya pinababayaan ni Callix. Ginagawa talaga nito ang lahat para sa kanya dahil sa mahal na mahal siya nito. Kung hindi siya mahal nito ay hindi gagawin 'yon para sa kanya. Bago muling magsalita si Isabel sa harap ni Mrs. Daisy ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga."Hindi pa rin po talaga nawala ang pagmamahal niya para sa akin kahit nagkahilaway na kaming dalawa. He's always there for me, Mrs. Daisy. Kung hindi na po talaga niya ako mahal ay hindi naman niya gagawin pa 'yon na tulungan ako na makabalik ngayon dito sa trabahong mahal na mahal ko," mahinang usal ni Isabel kay Mrs. Daisy."I know that, Isabel. Mahal ka pa rin ni Callix hanggang ngayon kaya niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Mahal mo pa rin ba siya kagaya niya, huh?" tanong ni Mrs. Daisy sa kanya. Nagda-dalawang isip pa si Isabel kung sasabihin niya ang totoo kay Mrs. Daisy kung mahal pa ba niya si Callix. Ilang segundo ang
"Alam ko na ang totoo, Angela. Si Callix ang dahilan kung bakit nakabalik ako sa trabaho kong 'to. Sinabi na ni Mrs. Daisy sa akin ang lahat. Ngayon ay alam ko na nga. Lahat ay ginagawa niya para sa akin, Angela. Mahal na mahal talaga niya ako. Hindi niya pinabayaan kahit 'yon ang ginawa ko sa kanya na nakipaghiwalay ako. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko na bumalik muli sa kanya. Gusto ko na magpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa akin kahit nagkahilaway man kaming dalawa. Iyon na lang ang hindi pa naaayos na gusto ko na ayusin, Angela," sagot ni Isabel kay Angela na kaibigan niya. Hindi naman na nagulat pa si Angela matapos malaman 'yon niya dahil alam na niya 'yon muli kay Callix. Oras na rin para sabihin niya ang totoo."Isabel, kung 'yon ang gusto mong gawin ay gawin mo na. Susuportahan kita sa gagawin mo na 'yon. Mahal n'yo naman kasi ang isa't isa hanggang ngayon, eh. May sasabihin rin pala ako sa 'yo," malumanay na sagot n
Maagang gumising si Isabel kinabukasan. Pupuntahan niya si Callix sa mansion nito para makausap muli ito. Marami siyang sasabihin dito. Kailangan niya na humingi rin ng sorry sa ginawa niyang pakikipaghiwalay dito. Maraming explanation ang kailangan niyang sabihin dito na maiintindihan naman na kaagad ni Callix lalo na alam na nito ang tungkol sa totoong dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay dito. Siya ang nagluto ng kanilang agahan na palagi naman niyang ginagawa tuwing umaga. Tamang-tama nang magising ang papa niya ay tapos na siyang magluto. Handa na ang agahan nilang dalawa. Sabay silang kumain na mag-ama. Bago sumapit ang alas siyete ng umaga ay nakaalis na siya sa bahay nila. Tahimik lang siya sa loob ng sinasakyan niyang taxi patungo sa mansion ni Callix. Hindi maiwasan na makaramdam siya ng kaba sa muling paghaharap nilang dalawa ni Callix. After thirty minutes ay nasa tapat na sila ng mansion ni Callix. Bumaba naman na si Isabel sa taxi na nasakyan niya pagkabayad niya. Mas