Matutulog na si Isabel nang tumunog ang cell phone niya na nakalagay sa may side table. Mabilis naman na kinuha niya 'yon para sagutin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya sa screen ng cell phone niya ang pangalan ni Mrs. Daisy. Napamura pa nga siya ng mahina pagkakita sa pangalan nito. She had no idea why she's calling to her. Nagda-dalawang isip pa nga siya kung sasagutin niya ang tawag nito. Huminga muna si Isabel nang napakalalim na buntong-hininga at saka kinuha ang cell phone niya. Nagdesisyon siyang sagutin ang tawag ni Mrs. Daisy para malaman niya kung bakit tumatawag ito sa kanya. Kung hindi niya sasagutin ang tawag nito ay hindi niya malalaman kung bakit tumatawag ito. Dahan-dahan na kinuha ni Isabel ang kanyang cell phone sa side table at pinindot ang answer button."Isabel?" dinig niyang wika ni Mrs. Daisy sa kanya. Kinakabahan siya. Matagal-tagal na niyang hindi naririnig ang boses nito ngunit ngayon na tumawag ito sa kanya ay muli niyang narinig 'yon."Yes po, Mrs
"Bro, I have a good news to tell..." sabi ni Daniel kay Callix sa kabilang linya. Tinawagan niya ito sumunod na araw habang nasa opisina ng kompanya niya ito. He wasn't busy kaya may oras siyang makipag-usap sa pinsan slash best friend niya na si Daniel."What kind of good news is that, bro?" tanong naman ni Callix sa kanyang pinsan."Mom called Isabel last night," sabi nito."Oh, really?" mabilis na tanong niya dito.Tumango naman si Daniel kahit hindi siya nakikita. "Yes, bro. Tinawagan na niya ito kagabi tapos sinabi niyang bumalik na ito sa publication nila," sagot ni Daniel sa kanya."Pumayag ba siya na bumalik muli sa trabahong mahal na mahal niya, huh? Ano'ng sinabi niya kay Tita Daisy?" tanong pa ni Callix kay Daniel na pinsan slash best friend niya."Oo, bro. Pumayag naman nga siya na bumalik. Sa tingin mo ba ay hindi siya papayag, huh? Hindi ni Isabel tatanggihan 'yon," sagot ni Daniel sa kanya. Napangiti siya matapos marinig mula sa pinsan slash best friend niya na pumayag
Sinabi na rin ni Angela ang totoong dahilan kay Callix kung bakit nakipaghiwalay si Isabel sa kanya. Lahat ay sinabi niya, wala na siyang itinira pa. "Kahit pala ayaw niyang gawin 'yon ay ginawa niya para lang magkaroon man lang siya ng katahimikan na kung hahayaan niya na makasama ako ay baka kung ano'ng mangyari sa kanya. I never knew that, Angela. Ngayon na alam ko na ang totoo ay naiintindihan ko na siya. Naiintindihan ko na siya kung bakit niya nagawa 'yon. Naaawa ako para sa kanya sa totoo lang. Gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit at mag-sorry. Mahal niya ako pero ginawa niya 'yon," malungkot na sabi ni Callix kay Angela matapos niyang malaman ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Isabel nang ganoon kadali na pinagtataka niya."Oo, Callix. Mahal ka niya pero kailangan niya na tapusin na ang relasyon n'yo para huwag hayaan ang sarili niya na bumigay sa problemang kinahaharap n'yo lalo na siya. Sa paghihiwalay n'yong dalawa ay nagawa naman niyang makalimo
Sa sinabing 'yon ni Mrs. Daisy sa kanya ay naisip niya muli na hindi talaga siya pinababayaan ni Callix. Ginagawa talaga nito ang lahat para sa kanya dahil sa mahal na mahal siya nito. Kung hindi siya mahal nito ay hindi gagawin 'yon para sa kanya. Bago muling magsalita si Isabel sa harap ni Mrs. Daisy ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga."Hindi pa rin po talaga nawala ang pagmamahal niya para sa akin kahit nagkahilaway na kaming dalawa. He's always there for me, Mrs. Daisy. Kung hindi na po talaga niya ako mahal ay hindi naman niya gagawin pa 'yon na tulungan ako na makabalik ngayon dito sa trabahong mahal na mahal ko," mahinang usal ni Isabel kay Mrs. Daisy."I know that, Isabel. Mahal ka pa rin ni Callix hanggang ngayon kaya niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Mahal mo pa rin ba siya kagaya niya, huh?" tanong ni Mrs. Daisy sa kanya. Nagda-dalawang isip pa si Isabel kung sasabihin niya ang totoo kay Mrs. Daisy kung mahal pa ba niya si Callix. Ilang segundo ang
"Alam ko na ang totoo, Angela. Si Callix ang dahilan kung bakit nakabalik ako sa trabaho kong 'to. Sinabi na ni Mrs. Daisy sa akin ang lahat. Ngayon ay alam ko na nga. Lahat ay ginagawa niya para sa akin, Angela. Mahal na mahal talaga niya ako. Hindi niya pinabayaan kahit 'yon ang ginawa ko sa kanya na nakipaghiwalay ako. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko na bumalik muli sa kanya. Gusto ko na magpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa akin kahit nagkahilaway man kaming dalawa. Iyon na lang ang hindi pa naaayos na gusto ko na ayusin, Angela," sagot ni Isabel kay Angela na kaibigan niya. Hindi naman na nagulat pa si Angela matapos malaman 'yon niya dahil alam na niya 'yon muli kay Callix. Oras na rin para sabihin niya ang totoo."Isabel, kung 'yon ang gusto mong gawin ay gawin mo na. Susuportahan kita sa gagawin mo na 'yon. Mahal n'yo naman kasi ang isa't isa hanggang ngayon, eh. May sasabihin rin pala ako sa 'yo," malumanay na sagot n
Maagang gumising si Isabel kinabukasan. Pupuntahan niya si Callix sa mansion nito para makausap muli ito. Marami siyang sasabihin dito. Kailangan niya na humingi rin ng sorry sa ginawa niyang pakikipaghiwalay dito. Maraming explanation ang kailangan niyang sabihin dito na maiintindihan naman na kaagad ni Callix lalo na alam na nito ang tungkol sa totoong dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay dito. Siya ang nagluto ng kanilang agahan na palagi naman niyang ginagawa tuwing umaga. Tamang-tama nang magising ang papa niya ay tapos na siyang magluto. Handa na ang agahan nilang dalawa. Sabay silang kumain na mag-ama. Bago sumapit ang alas siyete ng umaga ay nakaalis na siya sa bahay nila. Tahimik lang siya sa loob ng sinasakyan niyang taxi patungo sa mansion ni Callix. Hindi maiwasan na makaramdam siya ng kaba sa muling paghaharap nilang dalawa ni Callix. After thirty minutes ay nasa tapat na sila ng mansion ni Callix. Bumaba naman na si Isabel sa taxi na nasakyan niya pagkabayad niya. Mas
"Anak, kung hindi talaga kayong dalawa ni Callix ang para sa isa't isa ay hindi talaga mangyayari 'yon kahit gustuhin mo pa, eh. Huwag ka nang umiyak. Hindi pa naman katapusan ng lahat kung nagkabalikan nga silang dalawa ng ex-girlfriend niya. Hindi rin natin siya masisisi kung 'yon ang desisyon niya na makipagbalikan sa ex-girlfriend niya. Nandito naman kaming mga tunay na nagmamahal sa 'yo. Marami namang iba d'yan, eh. Kung hindi siya para sa 'yo sigurado ako na may mas better pa sa kanya," pang-aalong wika ni Herbert kay Isabel kinagabihan nang sabihin nito ang nasaksihan kaninang umaga. Ang inaasahan sanang masaya na pagkikitang muli nilang dalawa ni Callix ay hindi nangyari. "Kung alam ko lang po sana na ganito ang mangyayari ay noon ko pa dapat siya kinalimutan. Nakinig na lang po ako sa mga sinasabi n'yo. Sinusunod ko kasi ang kagustuhan ko na huwag siyang kalimutan dahil sa mahal na mahal ko po siya, papa. Nagsisisi na po ako sa hindi ko pagsunod sa mga sinasabi n'yo sa akin
Dinalaw muli ni Isabel ang puntod ng mahal niyang ina kinabukasan kasama ang papa niya dahil 'yon ang napag-usapan nilang dalawa. Mahigit tatlong oras sila doon. Nagdala naman silang dalawa ng pagkain para doon kumain kahit hindi undas. Wala naman silang dalawa na mag-ama ginawa doon kundi ang makipag-usap sa harap ng puntod ng mama niya. Nag-uusap rin silang mag-ama. Kahit papaano ay nalilibang ang isip ni Isabel. Hindi niya masyadong naiisip si Callix. Weekend naman kaya walang problema. Sumunod na araw ay niyaya siya ng papa niya na magsimba kaya pumayag naman siya. Pagkatapos nilang magsimba ay nanood silang dalawa ng sine at naglakad-lakad sa loob ng mall na napakatagal ng panahon na hindi nila nagagawa. Masaya naman si Isabel ng araw na 'yon kahit may kirot sa puso niya.Pinipilit na kalimutan ni Isabel si Callix ngunit hindi niya magawa-gawa 'yon. Nahihirapan siya na kalimutan ang lalaking mahal niya hanggang ngayon. Apat na araw na rin ang lumipas ngunit wala pa ring nangyaya