Pinukol niya ng matalim na tingin si Mr Wong. "I know your dirty tricks, assholes. I also know you've been playing dirty games with Franco Calvajar."Ngumisi si Mr Wong tila baliwala lang dito ang galit niya. "Gusto ko ang anak ni Franco Calvajar na maging bayad sa utang niya. Wala na si Franco Calvajar, so he's daughter ang magbabayad ng utang ng ama niya." Talagang hindi na makapagpigil si Manuel. Walang babala na lumapit siya kay Mr Wong atsaka pinilipit ang leeg nito."B-bitawan mo ako," ani Mr Wong tila nahihirapan sa paghinga nito.Pilit na kumawala mula sa mahigpit na mga kamay ni Manuel na nakahawak sa leeg nito.Ngunit hindi nakinig dito si Manuel. Wala siyang pakialam kung makahinga man ito o hindi. Talagang sinubukan nito ang pasensiya niya."Listen, Mr Wong!Hands off from Yzabelle Marie Calvajar dahl kung hindi ako ang makakalaban mo."Mahina ngunit mariin sabi niya at talagang pinagdiinan pa niya ang huling salita."H-hind ako makahinga, let me go..."Nagpupumiglas pa rin s
HINDI namalayan ni Yza, nakaidlip na pala siya sa paghihintay sa pagdating ni Manuel. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi si Manuel. Nag-alala na rin siya para sa lalake. Simula nakasama niya si Manuel ay ito ang unang pagkakataon na hating gabi na pero hindi pa rin nakauwi.Lumipad ang tingin niya sa orasan na nskasabit doon sa dingding. Quarter to one in the morning, ibig sabihin madaling araw na pero wala pa rin si Manuel. Talagang nag-alala na siya para kay Manuel at hindi na rin siya mapakali. Pinagulong niya ang wheelchairs, lumapit siya sa tabi ng telepono para tawagan ang cellphone nito. Ngunit nakailang beses niya ng subukan tawagan ang cellphone ni Manuel ay machine operator lang nagsasalita. Sadyang switch off nito ang cellphone kaya hindi niya matawagan ito. Tila ayaw magpadistorbo sa kung saan man ito at kung ano ang ginagawa nito."Ibang babae kayang kasama si Manuel?" Aniya sa sarili. Naghihimagsik ang kanyang kalooban sa isipin iyon. Mas lalong naiinis
NAKAALIS na ang mga kaibigan ni Manuel. Dali-dali naman siya lumapit sa pinto para pudluck ang seraduura. At saka binalikan si Manuel. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid nito. Pumasok siya sa kwarto para kumuha ng maliit ni bimpo. Nang nakakuha na siya ay pumunta naman siya ng kusina para kumuha ng palanggana. Naglagay na rin siya ng maligamgam na tubig sa may palanggana para gamitin niyang pamunas sa kay Manuel.Bumalik si Yza ng sala na dala niya ang bimpo at palangga na may maligamgam na tubig.Mahimbing pa rin ang tulog ni Manuel. Namumula ang mukha ng lalaki, malamang dala ng kalasingan nito."Ano ba ang problema, Manuel at nagpakalasing ka?"Piping tanong niya habang sinimulan niya ng punasan ito gamit ang basang bimpo.Sinubukan niyang hubarin ang suot nitong polo long sleeve. Mabuti na lang hindi tshirts ang suot nito kung nagkataon ay talagang mahihirapan siyang hubarin ang damit nito. Pagkatapos niya hubarin ang damit ni Manue
NAGISING si Yza sa mumunting halik sa mukha niya. Pilit siya nagmulat ng kanyang mga mata. Nabungaran niya si Manuel na nakatunghay sa kanya na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito."Good morning, sweetheart," sabi nito na pinalambing pa ang boses. Kinintilan ng halik ang labi ng dalaga.Sumimangot siya. Masama pa rin ang loob niya. Hindi pa rin siya nakapag-move on. Sa hindi nito pag-uwi ng maaga at hindi niya nakasalo ito sa hapunan. Sa halip ay hating-gabi na ito umuwi at kailangan pa na ihatid ito ng mga kaibigan dahil sa sobrang kalasingan nito. Kung alam lang niya na gan'on ang mangyayari ay hindi na sana siya nagluto. Nasayang lang ang effort niya."Anong,good sa morning?" nag-iwas siya ng mukha dito at pasimple binaba ang damit niyang nakalihis. Alam niyang apektado si Manuel sa nakikita nito. Dahil panay ang taas baba ng adams apple nito.Nagtalokbong siya ng kumot. Naramdaman niya ang isang kamay ni Manuel na pinapasadahan nito ang balat niya sa may hita niya
NADATNAN niya si Manuel sa kusina na pinapainit nito ang bakemac cheeze, na niluto niya nakaraan gabi. Ang dapat para sa hapunan ay agahan na nila kainin."Nasaan si Manang Salod?" Hindi niya kasi nakita ito."Hindi pa rin siya nakabalik?" Tanong niya ng nakakapit na siya ng tuluyan dito.Pumihit paharap sa kanya si Manuel. "Sana tinawag mo ako para maalalayan kita," anito sa halip na sagutin ang tinatanong niya.Kunwari sumimangot siya. "Huwag mo akong gawing imbalido. Kaya ko naman kumilos mag-isa.""Di ko naman sinabi na imbalido ka, sweetheart. Sa katunayan mas magaling ka sa ibang bagay," maluwang ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel.Kusang tumaas ang isang kilay niya. "Don't start, Manuel.""Ang ibig kong sabihin magaling ka rin mag-bake," painosente sabi ni Manuel na nakangisi at pinukol nito ng malagkit na tingin ang dalaga."Alam natin parehas na iba ang ibig mong sabihin," pakli niya sa iba pa nitong sasabihin. Lumapit siya sa tabi ng water dispenser para uminom ng t
"HINDI ako pinatulog ni Allison sa kwarto namin at hindi rin ako ipinagluto ng asawa ko. At kasalanan mo yun Sandoval," turan ni Greyson, kumuha na ito ng sariling plato at kurbirtos. At saka inimbitahan na rin ang sarili nitong maupo sa dinning chair."Same here,galit din ang asawa ko dahil late na rin ako umuwi at kasalanan mo rin Sandoval," sabi naman ni Cm, sinimulan nitong lantakin ang bake mac cheese nasa plato nito. Kanyang-kanya na rin kuha ng sariling plato sina Travis at Dax. "Kaya pala dito kayo nangugulo," sabi naman ni Manuel, nag-iisang linya ang makapal nitong kilay."Manuel, bakit ano ang ginawa mo?" Nagtatakang tanong ni Yza, palipat-lipat ang tingin niya sa kay Manuel at sa mga kaibigan nito. Naguguluhan siya at walang naiintindihan sa mga sinasabi ni Manuel. Ang tanging naintindihan niya lang ay sinisisi ng mga ito si Manuel.Tumikhim si Manuel bago nagsalita upang tanggalin ang tila bara sa lalamunan nito. Binigyan niya rin ng warning look ang mga kaibigan niya.
"HI, Im Allison, Greyson's wife," pakilala ng babaeng mahaba ang buhok at singkit ang mga mata nito. Lumapit ito sa kanya at nakipagbeso-beso. Malugod naman siya nakipagbeso-beso."Im Nathalie, asawa naman ako ni Cm," akilala naman ng babaeng hanggang balkat ang buhok nito. Katulad ni Allison, wala rin siya bukang bibig sa kagandahan ni Nathalie. Lumapit din ito sa kanya at nakipagbeso-beso."You most Yzabelle Marie Calvajar, right?" Nakangiti sabi ng babaeng humalik sa pisngi ni Manuel kanina. Nakaagaw pansin sa kanya ang magandang mata nito, tila ba pati ang mga mata nito ay nakangiti rin. Mukhang mabait naman ito at friendly. Mabigat lang talaga ang loob niya rito dahil sa hinalikan nito si Manuel. Ngunit hindi siya nagpahalata dito.Tumango siya, may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Yes, I am.""Finally, I will meet you,"sabi nito na lumapit sa kanya at niyakap siya nito. "Alam mo bang bukang bibig ka sa'kin ni Manuel..." Hindi nito nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita s
Kanyang-kanya sila kumuha ng pizza at kumain. Pagkatapos kumain ay kanyang-kanya naman grupo. Ang grupo ng mga kababaihan ay busy sa bridal magazines para sa wedding gown at theme wedding ni Xandy. Samantala ang grupo naman ng mga kalalakihan ay busy sa paglalaro ng online games. Mayamaya ay may sumisigaw ang mga ito at nagkakantiyawan ang isa't isa.Napapansin ni Manuel at ilang beses niya rin nahuli si Dax na nakatitig ito sa kay Yza.Lalaki rin siya. Alam niya rin ang uri ng mga tingin pinupukol nito para sa kay Yza. Mas lalong uminit ang ulo niya ng makita niya na nagkasalubong ang mga paningin nila Dax at Yza. At ningitian ni Dax ng ubod tamis si Yza na sinuklian naman iyon ni Yza ng mabining ngiti. Kuyom ang sariling kamao na pinukol niya ng masamang tingin si Dax ngunit baliwala lang dito.Nang sumapit ang tanghalian ay kumain na rin sila. Walang bukang bibig ang mga ito sa masarap na niluto ni Manang Salod na kare-kare."Im so full," sabi ni Greyson na hinimas-himas pa ang tiya