NADATNAN niya si Manuel sa kusina na pinapainit nito ang bakemac cheeze, na niluto niya nakaraan gabi. Ang dapat para sa hapunan ay agahan na nila kainin."Nasaan si Manang Salod?" Hindi niya kasi nakita ito."Hindi pa rin siya nakabalik?" Tanong niya ng nakakapit na siya ng tuluyan dito.Pumihit paharap sa kanya si Manuel. "Sana tinawag mo ako para maalalayan kita," anito sa halip na sagutin ang tinatanong niya.Kunwari sumimangot siya. "Huwag mo akong gawing imbalido. Kaya ko naman kumilos mag-isa.""Di ko naman sinabi na imbalido ka, sweetheart. Sa katunayan mas magaling ka sa ibang bagay," maluwang ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel.Kusang tumaas ang isang kilay niya. "Don't start, Manuel.""Ang ibig kong sabihin magaling ka rin mag-bake," painosente sabi ni Manuel na nakangisi at pinukol nito ng malagkit na tingin ang dalaga."Alam natin parehas na iba ang ibig mong sabihin," pakli niya sa iba pa nitong sasabihin. Lumapit siya sa tabi ng water dispenser para uminom ng t
"HINDI ako pinatulog ni Allison sa kwarto namin at hindi rin ako ipinagluto ng asawa ko. At kasalanan mo yun Sandoval," turan ni Greyson, kumuha na ito ng sariling plato at kurbirtos. At saka inimbitahan na rin ang sarili nitong maupo sa dinning chair."Same here,galit din ang asawa ko dahil late na rin ako umuwi at kasalanan mo rin Sandoval," sabi naman ni Cm, sinimulan nitong lantakin ang bake mac cheese nasa plato nito. Kanyang-kanya na rin kuha ng sariling plato sina Travis at Dax. "Kaya pala dito kayo nangugulo," sabi naman ni Manuel, nag-iisang linya ang makapal nitong kilay."Manuel, bakit ano ang ginawa mo?" Nagtatakang tanong ni Yza, palipat-lipat ang tingin niya sa kay Manuel at sa mga kaibigan nito. Naguguluhan siya at walang naiintindihan sa mga sinasabi ni Manuel. Ang tanging naintindihan niya lang ay sinisisi ng mga ito si Manuel.Tumikhim si Manuel bago nagsalita upang tanggalin ang tila bara sa lalamunan nito. Binigyan niya rin ng warning look ang mga kaibigan niya.
"HI, Im Allison, Greyson's wife," pakilala ng babaeng mahaba ang buhok at singkit ang mga mata nito. Lumapit ito sa kanya at nakipagbeso-beso. Malugod naman siya nakipagbeso-beso."Im Nathalie, asawa naman ako ni Cm," akilala naman ng babaeng hanggang balkat ang buhok nito. Katulad ni Allison, wala rin siya bukang bibig sa kagandahan ni Nathalie. Lumapit din ito sa kanya at nakipagbeso-beso."You most Yzabelle Marie Calvajar, right?" Nakangiti sabi ng babaeng humalik sa pisngi ni Manuel kanina. Nakaagaw pansin sa kanya ang magandang mata nito, tila ba pati ang mga mata nito ay nakangiti rin. Mukhang mabait naman ito at friendly. Mabigat lang talaga ang loob niya rito dahil sa hinalikan nito si Manuel. Ngunit hindi siya nagpahalata dito.Tumango siya, may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Yes, I am.""Finally, I will meet you,"sabi nito na lumapit sa kanya at niyakap siya nito. "Alam mo bang bukang bibig ka sa'kin ni Manuel..." Hindi nito nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita s
Kanyang-kanya sila kumuha ng pizza at kumain. Pagkatapos kumain ay kanyang-kanya naman grupo. Ang grupo ng mga kababaihan ay busy sa bridal magazines para sa wedding gown at theme wedding ni Xandy. Samantala ang grupo naman ng mga kalalakihan ay busy sa paglalaro ng online games. Mayamaya ay may sumisigaw ang mga ito at nagkakantiyawan ang isa't isa.Napapansin ni Manuel at ilang beses niya rin nahuli si Dax na nakatitig ito sa kay Yza.Lalaki rin siya. Alam niya rin ang uri ng mga tingin pinupukol nito para sa kay Yza. Mas lalong uminit ang ulo niya ng makita niya na nagkasalubong ang mga paningin nila Dax at Yza. At ningitian ni Dax ng ubod tamis si Yza na sinuklian naman iyon ni Yza ng mabining ngiti. Kuyom ang sariling kamao na pinukol niya ng masamang tingin si Dax ngunit baliwala lang dito.Nang sumapit ang tanghalian ay kumain na rin sila. Walang bukang bibig ang mga ito sa masarap na niluto ni Manang Salod na kare-kare."Im so full," sabi ni Greyson na hinimas-himas pa ang tiya
Nagkakayaan sina Yza, Allison, Nathalie at Xandy. Sundan ang mga lalaki roon sa basketball court. Para manood na rin ng laro ng ma ito. Alam kasi nila na naglalaro ng basketball sina Manuel. Ayaw rin sana ni Yza sumama kaso sadyang mapilit ang mga ito. Kaya sumama na lang siya para naman makalanghap siya ng hangin mula sa labas. Nasa bukana pa lang sila ng basketball court. Nakikita niya si Manuel na nakikipagsuntukan sa kay Dax. Lumipad ang tingin niya roon sa kinaroroonan nila Travis, Greyson at Cm. Pinapanood lamang ng mga ito sina Manuel at Dax na nagpapalitan ng suntok. Natuptop niya ang sariling bibig ng makita niya na tinamaan ng kamao ni Dax ang mukha ni Manuel na halos tumabingi sa suntok nito.Naiinis na pinukol niya ng tingin sina Greyson. Tila walang balak ang mga ito na awatin sina Manuel at Dax. Ayon sa nakikita niya mukhang natutuwa pa nga ang mga ito. Sa tingin niya ay hindi nagbibiruan sina Manuel at Dax na nagsusuntukan. "Anong nangyari sa dalawang 'yun?" tanong
Hanggang sa narating nila parehas ang bahay ni Manuel. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. 'Ni isa sa kanila ay walang balak basagin ang katahimikan iyon. Hindi rin siya nagtangka na magsalita. Mas gugustuhin niya na lang na mapanisan siya ng sariling laway kaysa makipag-usap kay Manuel. Kapwa nakiramdaman sila ni Manuel. Hindi pa rin nawala ang inis niya para sa kay Manuel. Hindi naman talaga siya galit dito. Bagkos sobrang nag-alala siya para kay Manuel. At naiinis siya dito dahil sa sinabi nito nagkatuwaan lang sila ni Dax. Doon siya naiinis dahil sa tingin niya hindi basta-bastang nagkatuwaan ang mga ito.Tumikhim si Manuel para tanggalin ang tila bara sa lalamunan nito."Si Manang Salod, nasaan?" tanong nito na palinga-linga sa paligid. Binuksan ni Yza ang tv para manood ng palabas doon para doon ibaling ang atensyon niya. Dahil ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ni Manuel."Umuwi na sa kanila, nagpaalam na uuwi ng maaga," baliwala niyang sagot. Hindi niya man
KINABUKASAN naunang gumising si Manuel. Tulog pa rin ang dalaga. Nakatalikod ito mula sa kanya at buong magdamag na hindi siya pinansin ni Yza. Ayaw rin nito magpayakap sa kanya. Paano ba naman may dalawang unan nakalagay sa pagitan nila. Bumangon siya at dumiritso na roon sa loob ng banyo upang maligo. Ramdam niya pa rin ang pananakit ng buong katawan niya. Epekto ng ginawa nilang sparing ni Dax. Tiningnan niya ang mukha niya sa harap ng salamin. Medyo pumutok ang ibabang labi niya at ang panga niya ay nagkulay violet. Hindi rin siya puwede um-absent sa opisina dahil may mga mahalagang papeles na kailangan niyang pirmahan para sa bagong real estate na ipapatayo. Atsaka darating ang mga materials sa raw din 'yun.Matapos ng ilang minuto ay natapos na rin siya maligo. Pagkatapos lumabas na rin siya ng banyo at nagbihis ng damit pang-opisina. Bumalik siya sa kama, nadatnan niya si Yza na natutulog pa rin ito at nakatalukbong ng kumot. Umikot siya sa kabilang bahagi ng kama. Tinan
Nasa parking lot na si Manuel, agad siya pumasok sa loob ng sasakyan niya. Binuhay niya ang makina at saka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho niya. Mabuti na lang walang traffic. Nakarating siya agad sa construction site. Nadaanan pa ng kotse niya ang sampung truck na nakahilira sa gilid ng kalsada. Kung hindi siya magkakamali ang laman ng mga delivery truck ay mga materials. Matapos niya maipark ng mabuti ang kotse niya. Bago bumaba mula sa loob ng sasakyan ay isinuot niya muna ang helmet niya. Atsaka umibis na siya ng sasakyan. Agad siya sinalubong ni Engineer Cortez ng makita siya nito. "Boss,"anito ng tuluyan ng nakalapit dito. Tinanguan niya si Eng. Cortez. Mas mataas pa rin ang position niya rito at empleydo ng Sandoval real estate si Eng. Cortez. Maliban sa isang mahusay na architect si Manuel ay siya rin ang vice president ng real estate na pagmamay-ari ng pamilya niya. At ang kanyang ama na si Don Hector Sandoval ay presidente naman ng dalawang kompanya. Ang Sand