Nasa parking lot na si Manuel, agad siya pumasok sa loob ng sasakyan niya. Binuhay niya ang makina at saka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho niya. Mabuti na lang walang traffic. Nakarating siya agad sa construction site. Nadaanan pa ng kotse niya ang sampung truck na nakahilira sa gilid ng kalsada. Kung hindi siya magkakamali ang laman ng mga delivery truck ay mga materials. Matapos niya maipark ng mabuti ang kotse niya. Bago bumaba mula sa loob ng sasakyan ay isinuot niya muna ang helmet niya. Atsaka umibis na siya ng sasakyan. Agad siya sinalubong ni Engineer Cortez ng makita siya nito. "Boss,"anito ng tuluyan ng nakalapit dito. Tinanguan niya si Eng. Cortez. Mas mataas pa rin ang position niya rito at empleydo ng Sandoval real estate si Eng. Cortez. Maliban sa isang mahusay na architect si Manuel ay siya rin ang vice president ng real estate na pagmamay-ari ng pamilya niya. At ang kanyang ama na si Don Hector Sandoval ay presidente naman ng dalawang kompanya. Ang Sand
NAGISING si Manuel sa sunod-sunod na mahinang katok doon sa labas ng dahon ng pinto nitong kwarto niya. Papungas-pungas siya bumangon mula sa pagkakadapa niya sa malambot na kama. Dali-dali niya sinuot ang sando at cargo shorts. Bahagya niya sinuklay ang sariling buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Atsaka hinakbang ang kanyang mga paa palapit doon sa pintuan para pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas. "Yes, manang?" tanong niya ng pagbuksan ng pinto ang may katandaang babae. Matagal na rin itong naninilbihan dito sa mansion na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. "Sir Manuel, pinapatawag ka ng Daddy mo. Sabay na raw kayo mag-almusal." ani Manang Merlie."Pakisabi sa kanya na susunod na lang ako.""Sige sir," ani Manang Merlie atsaka tumalikod na ito para bumalik doon sa kusina. Bumalik sa loob ng kwarto niya si Manuel, para maghilamos. Habang nagtotoothbrush siya ay naiisip niya si Yza. Kumusta na kaya ito at ano na ang ginagawa ng dalaga sa ganitong oras.Hind
NADATNAN niya ang secretary niya na busy ito sa harap ng screen monitor ng laptop computer nito.Tumikhim siya para kunin ang pansin nito. "Neza, naihanda mo na ba ang mga dokumento pinapagawa ko sa'yo?"Nag-angat ng mukha niya si Neza, inayos nito ang suot nitong makapal na salamin.Nagpaskil ito ng ngiti sa mga labi."Good morning, Sir. Ginagawa ko pa lang," sabay turo ni Neza sa screen monitor ng laptop computer."Pagkatapos mo gawin pakidala na lang sa office ko.""Copy, sir," ani Neza na muli binalik ang atensyon nito sa harapan ng laptop computer.Hinakbang naman ni Manuel ang kanyang mga paa patungo roon sa loob ng kanyang opisina. Nasa loob na siya ay agad naupo sa swivel chairs niya. Agad niya hinarap ang mga trabaho naghihintay sa kanya ng araw rin 'yun. Maya-maya ay tinitingnan iya ang oras sa suot niyang writch watch at sa cellphone niya nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya natutukso na tawagan si Yza ngunit sinupil niya ang kagustuhan iyon. Awtomatiko siya na
SAMANTALA tinanghali ng gising si Yza, late na rin siya nakatulog nang nagdaang gabi at nakatulugan niya na lamang ang paghihintay sa kay Manuel.Bumangon siya at awtomatikong napatingin sa tabi niya. Hindi nagalaw ang unan ni Manuel. Ibig sabihin lang hindi natulog dito sa loob ng kwarto si Manuel.Ginala niya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi niya nakikita si Manuel. Hindi ba umuwi si Manuel ng bahay? Dahan-dahan siya bumaba mula sa ibabaw ng kama at maingat na lumipat sa may wheelchairs niya. Pinagulong niya ang wheelchairs patungo roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya mula sa loob ng banyo. Dumiritso na rin siya lumabas ng silid. Nasa labas na siya ng kwarto. Palinga-linga siya sa kabuuan ng bahay. Nagbabasakali na makita niya si Manuel. "Kanina pa kita napapansin, sino ang hinahanap mo?" tanong ni Manang Salod ng lumapit dito."Manang, si Manuel umuwi po ba? Hindi yata siya natulog sa kwarto namin.""Hindi na
Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. "Maupo muna kayo Sir." Aniya nakatingin sa mukha ng lalaki. Malakas ang kutob niya na ang lalaking ito ay ang ama ni Manuel. Magkahawig ang dalawa. "You're Yzabelle Marie Calvajar, right?" Tanong nito nakatitig din sa kay Yza. Tumango si Yza, "opo.""I'm Manuel's father. Hector Sandoval," pakilala nito sa sarili, sabay lahad ng isang kamay.Malugod na tinanggap ni Yza ang pakipagkamay nito."Ikinagagalak kong makilala kayo, Sir. Pero kung si Manuel ang hinahanap mo, wala po si Manuel dito.""Alam ko. Hindi si Manuel ang sadya ko kung di ikaw, hija."Bigla siya kinabahan. Sabihin na kaya ng tatay ni Manuel na layuan niya na ang anak nito. May pagkasuplado at strikto rin ang itsura ng tatay ni Manuel. "Ako po?"sabay turo niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot nang mga sandaling iyon. Ito rin ang unang pagkakataon na nakilala niya ang ama ni Manuel, nagkataon naman na wala si Manuel dito. "Relax,
HINDI ni Manuel pinansin ang kantiyawan ng mga kaibigan niya. Tuloy-tuloy ng dalaga na pumasok sa loob ng kanyang opisina. "Mag-uwian na kayo," sabi niya atsaka tinulak ang wheelchairs ni Yza na walang lingon likod sa mga kaibigan niyang loko-loko. "Manuel, okay lang ba na iniwan natin ang mga kaibigan mo doon?" Tanong ni Yza.He giggles. "Hayaan mo na ang mga tarantado 'yung, distorbo lang ang mga 'yun. Atsaka sweetheart gusto kita masulo."Hindi na rin muli nagsalita ang dalaga. Nasa loob na sila ng opisina niya ay agad niya sinara ang dahon ng pinto sabay locked ng seradura. Mahirap na. Gusto niyang masulo ang dalaga. Amoy pa lang nito ay nag-init na siya. Tila katulad ito sa droga na nakakaadik. Iniwan niya muna saglit si Yza. Para itago roon sa safety box ang folder na hawak niya. Napaka imortanting dokumentong nilalaman niyon. Pagkatapos ay hinubad niya ang suot na coat atsaka isinampay sa likod ng swivel hairs niya. Iginala ni Yza ang kanyang paningin sa loob ng office ni
NADATNAN niya na mahimbing natutulog si Yza na nakahiga sa may mahabang sofa. Iniwan niya ang dalaga kanina ng tawagan siya ni Neza sa intercom at sinabi nito na may urgent meeting siya. Kaya naman ay napilitan siya na iwan muna si Yza dito sa loob ng opisina niya. Hindi nito naramdaman na nakabalik na siya. Pinagod niya ito kanina. May sumupil na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi habang tinititigan niya ang dalaga na naging dahilan na naging magulo ang kanyang buhay. Tanging babaeng hindi siya magsasawa na angkinin ng paulit-ulit . Hinakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa may lamesa niya. Ipinatong niya roon ang hawak na folder. Atsaka kinuha ang coat niya na nakasampay sa likod ng swivel chairs niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa dalaga na tulog pa rin. Ipinatong niya ang coat sa katawan ni Yza upang sa ganoon ay hindi ito lamigin. Pinahinaan niya na rin ang temperature ng aircon dito sa loob ng office niya.Naupo siya sa may bandang paanan ng dalaga. Pinagmamasdan niya p
KASALUKUYANG nagpalit ng damit si Yza. Kakatapos niya lang mag quick shower. Si Manuel naman ay nakatayo sa may bukana ng pinto. Nakasandal ang likod nito sa may hamba ng pintuan, nakahalukipkip ito habang naka ekis naman ang dalawang mahahabang mga binti nito.Nakatitig lamang sa kanya si Manuel. Ilang beses niya rin ito nahuli na kakaiba ang mga titig nito sa kanya. Napapansin niya rin nitong mga nakaraan mga araw ay naging balisa ito. Tila ba may gusto itong sasabihin sa kanya. Ngunit madalas ay nauuwi sa paglalambing nito at napunta sa pag-iisa ng kanilang mga katawan. Tinaasan niya ito ng isang kilayat nagkunwari na nakasimangot. Simula ng nabuntis siya ay nagiging hobbit niya na at naging trade mark na rin niyang gawin."Huwag mo akong titigan ng ganyan," angil niya.Tumawa ng mahina si Manuel. "Napakaganda mo kasi sweetheart," anito hinakbang ang mga paa nito palapit sa kanya."Diyan ka na naman. Don't start Manuel. Alam ko na ang style mo na iyan.""Style, what?" painosen