Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. "Maupo muna kayo Sir." Aniya nakatingin sa mukha ng lalaki. Malakas ang kutob niya na ang lalaking ito ay ang ama ni Manuel. Magkahawig ang dalawa. "You're Yzabelle Marie Calvajar, right?" Tanong nito nakatitig din sa kay Yza. Tumango si Yza, "opo.""I'm Manuel's father. Hector Sandoval," pakilala nito sa sarili, sabay lahad ng isang kamay.Malugod na tinanggap ni Yza ang pakipagkamay nito."Ikinagagalak kong makilala kayo, Sir. Pero kung si Manuel ang hinahanap mo, wala po si Manuel dito.""Alam ko. Hindi si Manuel ang sadya ko kung di ikaw, hija."Bigla siya kinabahan. Sabihin na kaya ng tatay ni Manuel na layuan niya na ang anak nito. May pagkasuplado at strikto rin ang itsura ng tatay ni Manuel. "Ako po?"sabay turo niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot nang mga sandaling iyon. Ito rin ang unang pagkakataon na nakilala niya ang ama ni Manuel, nagkataon naman na wala si Manuel dito. "Relax,
HINDI ni Manuel pinansin ang kantiyawan ng mga kaibigan niya. Tuloy-tuloy ng dalaga na pumasok sa loob ng kanyang opisina. "Mag-uwian na kayo," sabi niya atsaka tinulak ang wheelchairs ni Yza na walang lingon likod sa mga kaibigan niyang loko-loko. "Manuel, okay lang ba na iniwan natin ang mga kaibigan mo doon?" Tanong ni Yza.He giggles. "Hayaan mo na ang mga tarantado 'yung, distorbo lang ang mga 'yun. Atsaka sweetheart gusto kita masulo."Hindi na rin muli nagsalita ang dalaga. Nasa loob na sila ng opisina niya ay agad niya sinara ang dahon ng pinto sabay locked ng seradura. Mahirap na. Gusto niyang masulo ang dalaga. Amoy pa lang nito ay nag-init na siya. Tila katulad ito sa droga na nakakaadik. Iniwan niya muna saglit si Yza. Para itago roon sa safety box ang folder na hawak niya. Napaka imortanting dokumentong nilalaman niyon. Pagkatapos ay hinubad niya ang suot na coat atsaka isinampay sa likod ng swivel hairs niya. Iginala ni Yza ang kanyang paningin sa loob ng office ni
NADATNAN niya na mahimbing natutulog si Yza na nakahiga sa may mahabang sofa. Iniwan niya ang dalaga kanina ng tawagan siya ni Neza sa intercom at sinabi nito na may urgent meeting siya. Kaya naman ay napilitan siya na iwan muna si Yza dito sa loob ng opisina niya. Hindi nito naramdaman na nakabalik na siya. Pinagod niya ito kanina. May sumupil na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi habang tinititigan niya ang dalaga na naging dahilan na naging magulo ang kanyang buhay. Tanging babaeng hindi siya magsasawa na angkinin ng paulit-ulit . Hinakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa may lamesa niya. Ipinatong niya roon ang hawak na folder. Atsaka kinuha ang coat niya na nakasampay sa likod ng swivel chairs niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa dalaga na tulog pa rin. Ipinatong niya ang coat sa katawan ni Yza upang sa ganoon ay hindi ito lamigin. Pinahinaan niya na rin ang temperature ng aircon dito sa loob ng office niya.Naupo siya sa may bandang paanan ng dalaga. Pinagmamasdan niya p
KASALUKUYANG nagpalit ng damit si Yza. Kakatapos niya lang mag quick shower. Si Manuel naman ay nakatayo sa may bukana ng pinto. Nakasandal ang likod nito sa may hamba ng pintuan, nakahalukipkip ito habang naka ekis naman ang dalawang mahahabang mga binti nito.Nakatitig lamang sa kanya si Manuel. Ilang beses niya rin ito nahuli na kakaiba ang mga titig nito sa kanya. Napapansin niya rin nitong mga nakaraan mga araw ay naging balisa ito. Tila ba may gusto itong sasabihin sa kanya. Ngunit madalas ay nauuwi sa paglalambing nito at napunta sa pag-iisa ng kanilang mga katawan. Tinaasan niya ito ng isang kilayat nagkunwari na nakasimangot. Simula ng nabuntis siya ay nagiging hobbit niya na at naging trade mark na rin niyang gawin."Huwag mo akong titigan ng ganyan," angil niya.Tumawa ng mahina si Manuel. "Napakaganda mo kasi sweetheart," anito hinakbang ang mga paa nito palapit sa kanya."Diyan ka na naman. Don't start Manuel. Alam ko na ang style mo na iyan.""Style, what?" painosen
PAGKATAPOS niya uminom ay bumalik na rin siya ng kwarto. Nasa may pintuan pa lamang siya ay narinig niya na umiiyak yata si Yza. Nadatnan niya si Yza na humihikbi. Ngunit nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ng dalaga. Inisang hakbang niya ang distansiya nasa pagitan nila ni Yza para makalapit siya rito. "Sweetheart," aniya sabay yugyog sa balikat nito. Ngunit patuloy itong humihikbi at may ilang butil ng luha na umalpas mula sa sulok ng mga mata ng dalaga.Muli sinubukan niyang gisingin si Yza. "Sweetheart,"niya na tinapik tapik ng mahina ang pisngi ng dalaga. "Manuel," sabi ni Yza ng magising ito. Sabay yakap nito sa kanya."Huwag mo akong iwan please," humihikbi pa nitong sabi.Gumanti ng yakap si Manuel sa dalaga. Bahagya a hinimas ang likod nito para iparamdam dito nanandito lang siya at hindi niya iwan ito. "Promise, nandito lang ako palagi sa tabi mo."Ilang sandali pa ang nakalipas sa gan'on posisyon. Bahagyang lumayo si Yza sa kanya."Amoy alak ka, uminom ka ba?" tanong
NAPASARAP ang tulog ni Yza at tinanghali na siya ng gising. Kapag nasa tabi niya si Manuel ay pakiramdam niya ay palaging ligtas siya.Nagising siya na wala si Manuel sa tabi niya. Malamang pumasok na ng opisina at hindi na lang siya ginising nito bago umalis. Nag-unat siya ng kanyang mga braso. Pagkatapos ay bumangon na rin siya. Ang gaan ng pakiramdam niya. Dumiritso na siya roon sa loob ng banyo. Gamit ang saklay niya kahit paano ay nakakalakad na siya gamit ang kanyang saklay. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng banyo at tumuloy ng lumabas mula sa silid tulugan. Nasa labas na siya ay agad sumalubong sa kanyang pang-amoy ang mabangong amoy ng ginisang spanish sardines. Bigla siya natakam at nakaramdam ng gutom. Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock na nakasabit sa may dingding. Alas nuebe na ng umaga at hindi pa rin siya nakakain ng almusal. Nasa bungad na pintuan si Yza ay nakikita niya ang bulto ng lalaki na nakatalikod mula sa kinaror
Tumayo si Manuel, tinanggal nito ang pagka botones ng polo na suot nito.Maang naman si Yza na nakatingin sa ginagawa ni Manuel. “Ano ang ginagawa mo?” “Hindi muna ako papasok ng opisina. I guess kailangan mo ng makakasama dito at hindi kita pwede iwan na mag-isa lang.” “Okay lang naman ako atsaka pabalik na rin si Manang Salod, mamayang hapon.” Nagpaalam kasi si Manang Salod na umuwi muna sa kanila at mamayang hapon pa ang balik nito. “Sweetheart…” nabitin ang sasabihin sana ni Manuel ng muling nagsalita si Yza.“Pumasok ka na. Di ba may importanteng meeting ka today?” “Mas mahalaga ka kaysa meeting ko, sweetheart,” sabi ni Manuel na may pagsuyo sa boses nito.Aw! Gusto niya kiligin. Kung kani-kanina lang ay nagsisinti siya. Ngayon naman gustong lumundag ng puso niya. “Don't worry, okay na ako. Sorry kung naging self pity na naman ako,” kagat labi sabi niya.“It's okay, mas mapanatag ang loob ko na kasama kita,” May pilyong ngiti sa mga labi ni Manuel. “Sumama ka na lang kaya s
“Good morning,Sir,” sabi ni Neza naka all smile. “Thank you pala sa free food yesterday,” anito na kasalukuyang inaayos ang mga folders nasa ibabaw ng lamesa nito. “Good morning,” aniya na huminto sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Dumating na ba sila?” tanong niya nakatingin doon sa naka saradong pinto ng conference room.“Ikaw na lang ang hinihintay nila,Sir,” tiningnan ni Neza ang suot nitong relong pambisig. “You're late almost ten minutes,Sir,” palatak sabi ni Neza. “Akala ko nga hindi ka na darating.”“Tell them, susunod na ako. May kukunin lang ako sa loob ng office ko,” aniya tinalikuran ang secretary niya. Tumuloy na siya roon sa loob ng kanyang opisina. Kinuha niya ang cellphone nakalagay sa bulsa ng suot niyang pantalon. Para tawagan muna si Yza bago pumasok doon sa conference room. Dahil alam niya na matatagalan ang meeting niya. Ngunit nakailang dial na siya sa telephone ay hindi pa rin sinasagot ni Yza ang tawag niya. Medyo kinakabahan na rin siya pero alam niya naman
Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton
“NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel
“HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan
KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal
Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro
Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong
TULOG pa si nang pumasok si Manang Salod at kuhanin si Yuna sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.Si Celine na napadaan sa tapat ng guestroon na pansamantala inuukopa ni Don Hector. Papasok sana ito upang kumustahin ang matandang Sandoval nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Don Hector ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Sandoval. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inaakala iyon. Kumislap ang mga mata nitong maingat na umalis.Pasado alas-nueve na nang magising si Yza. Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya.Mabilis siya lumabas ng veranda at malalaki ang ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumaba ng hagdan.Kinakabahan nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok. Subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa kabilang silid at doon lumabas patungo sa si
“PA, totoo ba ito?” nanginginig ang boses na tanong ni Manuel. Taas baba ang adams apple nito habang nagsasalita. Tila ba pinipigilan nito ang anuman emosyon naramdaman nito.Ngumisi si Don Hector. "Yes, legal and with stamps.”Hindi na nakatiis si Yza na makinig lang sa pinag-uusapan ng mag-ama. Kinuha niya ang documento mula sa pagkakahawak ni Manuel.Ganun na lang paniningkit ng kanyang mga mata ng makita ang nakasulat sa hawak niyang papel. Marriage contract iyon at nakasaad doon na kasal sila ni Manuel. At may pirma rin ni Manuel.Ilang beses siya kukurap-kurap na baka namalik-mata lamang siya. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang nakasulat sa papel na hawak niya. Paanong nangyari na ang pangalan ni Manuel ang nakalagay sa marriage contract at hindi ang pangalan ni Hector. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nanginginig ang buong katawan niya. Sa samu't sari na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Tandang-tanda pa niya ang araw na ikinasal sila ni Hector. Dapat pangalan ni Hector ang
NADATNAN niya inaayos ng private nurse ang dextrose na nakakabit kay Don Hector. Sadyang matigas ang ulo ni Don Hector. Ayaw nito magpa confined sa hospital.Mas gustuhin daw nito na mmalagutan ng hininga sa sariling pamamahay nito.Hindi na lang siya nagpupumilit. Dahil alam niya rin na ang kagustuhan nito ang masusunod.“Kamusta siya?” tanong niya rito sa private nurse. Nakapikit ang mga mata ni Don Hector. “Kakatapos niya lang uminom ng mga gamot niya,” sabi naman ng nurse.“Hija,” anas ni Don Hector, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Kumusta ang pakiramdam mo Hector?” tanong ni Yza, naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan nito.“Im fine,” nagmulat ito ng mga mata. Biglang umaliwalas ang itsura nito ng makita siya.Hindi pa rin siya sanay. Naawa pa rin siya sa matandang Sandoval. Malaki ang binagsak ng katawan ni Don Hector, simula ng naging malubha na ang kalagayan nito.Nagpaskil siya ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto ko makita si Yuna,” sabi ni Don He