Nagkakayaan sina Yza, Allison, Nathalie at Xandy. Sundan ang mga lalaki roon sa basketball court. Para manood na rin ng laro ng ma ito. Alam kasi nila na naglalaro ng basketball sina Manuel. Ayaw rin sana ni Yza sumama kaso sadyang mapilit ang mga ito. Kaya sumama na lang siya para naman makalanghap siya ng hangin mula sa labas. Nasa bukana pa lang sila ng basketball court. Nakikita niya si Manuel na nakikipagsuntukan sa kay Dax. Lumipad ang tingin niya roon sa kinaroroonan nila Travis, Greyson at Cm. Pinapanood lamang ng mga ito sina Manuel at Dax na nagpapalitan ng suntok. Natuptop niya ang sariling bibig ng makita niya na tinamaan ng kamao ni Dax ang mukha ni Manuel na halos tumabingi sa suntok nito.Naiinis na pinukol niya ng tingin sina Greyson. Tila walang balak ang mga ito na awatin sina Manuel at Dax. Ayon sa nakikita niya mukhang natutuwa pa nga ang mga ito. Sa tingin niya ay hindi nagbibiruan sina Manuel at Dax na nagsusuntukan. "Anong nangyari sa dalawang 'yun?" tanong
Hanggang sa narating nila parehas ang bahay ni Manuel. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. 'Ni isa sa kanila ay walang balak basagin ang katahimikan iyon. Hindi rin siya nagtangka na magsalita. Mas gugustuhin niya na lang na mapanisan siya ng sariling laway kaysa makipag-usap kay Manuel. Kapwa nakiramdaman sila ni Manuel. Hindi pa rin nawala ang inis niya para sa kay Manuel. Hindi naman talaga siya galit dito. Bagkos sobrang nag-alala siya para kay Manuel. At naiinis siya dito dahil sa sinabi nito nagkatuwaan lang sila ni Dax. Doon siya naiinis dahil sa tingin niya hindi basta-bastang nagkatuwaan ang mga ito.Tumikhim si Manuel para tanggalin ang tila bara sa lalamunan nito."Si Manang Salod, nasaan?" tanong nito na palinga-linga sa paligid. Binuksan ni Yza ang tv para manood ng palabas doon para doon ibaling ang atensyon niya. Dahil ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ni Manuel."Umuwi na sa kanila, nagpaalam na uuwi ng maaga," baliwala niyang sagot. Hindi niya man
KINABUKASAN naunang gumising si Manuel. Tulog pa rin ang dalaga. Nakatalikod ito mula sa kanya at buong magdamag na hindi siya pinansin ni Yza. Ayaw rin nito magpayakap sa kanya. Paano ba naman may dalawang unan nakalagay sa pagitan nila. Bumangon siya at dumiritso na roon sa loob ng banyo upang maligo. Ramdam niya pa rin ang pananakit ng buong katawan niya. Epekto ng ginawa nilang sparing ni Dax. Tiningnan niya ang mukha niya sa harap ng salamin. Medyo pumutok ang ibabang labi niya at ang panga niya ay nagkulay violet. Hindi rin siya puwede um-absent sa opisina dahil may mga mahalagang papeles na kailangan niyang pirmahan para sa bagong real estate na ipapatayo. Atsaka darating ang mga materials sa raw din 'yun.Matapos ng ilang minuto ay natapos na rin siya maligo. Pagkatapos lumabas na rin siya ng banyo at nagbihis ng damit pang-opisina. Bumalik siya sa kama, nadatnan niya si Yza na natutulog pa rin ito at nakatalukbong ng kumot. Umikot siya sa kabilang bahagi ng kama. Tinan
Nasa parking lot na si Manuel, agad siya pumasok sa loob ng sasakyan niya. Binuhay niya ang makina at saka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho niya. Mabuti na lang walang traffic. Nakarating siya agad sa construction site. Nadaanan pa ng kotse niya ang sampung truck na nakahilira sa gilid ng kalsada. Kung hindi siya magkakamali ang laman ng mga delivery truck ay mga materials. Matapos niya maipark ng mabuti ang kotse niya. Bago bumaba mula sa loob ng sasakyan ay isinuot niya muna ang helmet niya. Atsaka umibis na siya ng sasakyan. Agad siya sinalubong ni Engineer Cortez ng makita siya nito. "Boss,"anito ng tuluyan ng nakalapit dito. Tinanguan niya si Eng. Cortez. Mas mataas pa rin ang position niya rito at empleydo ng Sandoval real estate si Eng. Cortez. Maliban sa isang mahusay na architect si Manuel ay siya rin ang vice president ng real estate na pagmamay-ari ng pamilya niya. At ang kanyang ama na si Don Hector Sandoval ay presidente naman ng dalawang kompanya. Ang Sand
NAGISING si Manuel sa sunod-sunod na mahinang katok doon sa labas ng dahon ng pinto nitong kwarto niya. Papungas-pungas siya bumangon mula sa pagkakadapa niya sa malambot na kama. Dali-dali niya sinuot ang sando at cargo shorts. Bahagya niya sinuklay ang sariling buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Atsaka hinakbang ang kanyang mga paa palapit doon sa pintuan para pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas. "Yes, manang?" tanong niya ng pagbuksan ng pinto ang may katandaang babae. Matagal na rin itong naninilbihan dito sa mansion na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. "Sir Manuel, pinapatawag ka ng Daddy mo. Sabay na raw kayo mag-almusal." ani Manang Merlie."Pakisabi sa kanya na susunod na lang ako.""Sige sir," ani Manang Merlie atsaka tumalikod na ito para bumalik doon sa kusina. Bumalik sa loob ng kwarto niya si Manuel, para maghilamos. Habang nagtotoothbrush siya ay naiisip niya si Yza. Kumusta na kaya ito at ano na ang ginagawa ng dalaga sa ganitong oras.Hind
NADATNAN niya ang secretary niya na busy ito sa harap ng screen monitor ng laptop computer nito.Tumikhim siya para kunin ang pansin nito. "Neza, naihanda mo na ba ang mga dokumento pinapagawa ko sa'yo?"Nag-angat ng mukha niya si Neza, inayos nito ang suot nitong makapal na salamin.Nagpaskil ito ng ngiti sa mga labi."Good morning, Sir. Ginagawa ko pa lang," sabay turo ni Neza sa screen monitor ng laptop computer."Pagkatapos mo gawin pakidala na lang sa office ko.""Copy, sir," ani Neza na muli binalik ang atensyon nito sa harapan ng laptop computer.Hinakbang naman ni Manuel ang kanyang mga paa patungo roon sa loob ng kanyang opisina. Nasa loob na siya ay agad naupo sa swivel chairs niya. Agad niya hinarap ang mga trabaho naghihintay sa kanya ng araw rin 'yun. Maya-maya ay tinitingnan iya ang oras sa suot niyang writch watch at sa cellphone niya nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya natutukso na tawagan si Yza ngunit sinupil niya ang kagustuhan iyon. Awtomatiko siya na
SAMANTALA tinanghali ng gising si Yza, late na rin siya nakatulog nang nagdaang gabi at nakatulugan niya na lamang ang paghihintay sa kay Manuel.Bumangon siya at awtomatikong napatingin sa tabi niya. Hindi nagalaw ang unan ni Manuel. Ibig sabihin lang hindi natulog dito sa loob ng kwarto si Manuel.Ginala niya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi niya nakikita si Manuel. Hindi ba umuwi si Manuel ng bahay? Dahan-dahan siya bumaba mula sa ibabaw ng kama at maingat na lumipat sa may wheelchairs niya. Pinagulong niya ang wheelchairs patungo roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya mula sa loob ng banyo. Dumiritso na rin siya lumabas ng silid. Nasa labas na siya ng kwarto. Palinga-linga siya sa kabuuan ng bahay. Nagbabasakali na makita niya si Manuel. "Kanina pa kita napapansin, sino ang hinahanap mo?" tanong ni Manang Salod ng lumapit dito."Manang, si Manuel umuwi po ba? Hindi yata siya natulog sa kwarto namin.""Hindi na
Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. "Maupo muna kayo Sir." Aniya nakatingin sa mukha ng lalaki. Malakas ang kutob niya na ang lalaking ito ay ang ama ni Manuel. Magkahawig ang dalawa. "You're Yzabelle Marie Calvajar, right?" Tanong nito nakatitig din sa kay Yza. Tumango si Yza, "opo.""I'm Manuel's father. Hector Sandoval," pakilala nito sa sarili, sabay lahad ng isang kamay.Malugod na tinanggap ni Yza ang pakipagkamay nito."Ikinagagalak kong makilala kayo, Sir. Pero kung si Manuel ang hinahanap mo, wala po si Manuel dito.""Alam ko. Hindi si Manuel ang sadya ko kung di ikaw, hija."Bigla siya kinabahan. Sabihin na kaya ng tatay ni Manuel na layuan niya na ang anak nito. May pagkasuplado at strikto rin ang itsura ng tatay ni Manuel. "Ako po?"sabay turo niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot nang mga sandaling iyon. Ito rin ang unang pagkakataon na nakilala niya ang ama ni Manuel, nagkataon naman na wala si Manuel dito. "Relax,
Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton
“NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel
“HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan
KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal
Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro
Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong
TULOG pa si nang pumasok si Manang Salod at kuhanin si Yuna sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.Si Celine na napadaan sa tapat ng guestroon na pansamantala inuukopa ni Don Hector. Papasok sana ito upang kumustahin ang matandang Sandoval nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Don Hector ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Sandoval. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inaakala iyon. Kumislap ang mga mata nitong maingat na umalis.Pasado alas-nueve na nang magising si Yza. Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya.Mabilis siya lumabas ng veranda at malalaki ang ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumaba ng hagdan.Kinakabahan nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok. Subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa kabilang silid at doon lumabas patungo sa si
“PA, totoo ba ito?” nanginginig ang boses na tanong ni Manuel. Taas baba ang adams apple nito habang nagsasalita. Tila ba pinipigilan nito ang anuman emosyon naramdaman nito.Ngumisi si Don Hector. "Yes, legal and with stamps.”Hindi na nakatiis si Yza na makinig lang sa pinag-uusapan ng mag-ama. Kinuha niya ang documento mula sa pagkakahawak ni Manuel.Ganun na lang paniningkit ng kanyang mga mata ng makita ang nakasulat sa hawak niyang papel. Marriage contract iyon at nakasaad doon na kasal sila ni Manuel. At may pirma rin ni Manuel.Ilang beses siya kukurap-kurap na baka namalik-mata lamang siya. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang nakasulat sa papel na hawak niya. Paanong nangyari na ang pangalan ni Manuel ang nakalagay sa marriage contract at hindi ang pangalan ni Hector. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nanginginig ang buong katawan niya. Sa samu't sari na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Tandang-tanda pa niya ang araw na ikinasal sila ni Hector. Dapat pangalan ni Hector ang
NADATNAN niya inaayos ng private nurse ang dextrose na nakakabit kay Don Hector. Sadyang matigas ang ulo ni Don Hector. Ayaw nito magpa confined sa hospital.Mas gustuhin daw nito na mmalagutan ng hininga sa sariling pamamahay nito.Hindi na lang siya nagpupumilit. Dahil alam niya rin na ang kagustuhan nito ang masusunod.“Kamusta siya?” tanong niya rito sa private nurse. Nakapikit ang mga mata ni Don Hector. “Kakatapos niya lang uminom ng mga gamot niya,” sabi naman ng nurse.“Hija,” anas ni Don Hector, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Kumusta ang pakiramdam mo Hector?” tanong ni Yza, naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan nito.“Im fine,” nagmulat ito ng mga mata. Biglang umaliwalas ang itsura nito ng makita siya.Hindi pa rin siya sanay. Naawa pa rin siya sa matandang Sandoval. Malaki ang binagsak ng katawan ni Don Hector, simula ng naging malubha na ang kalagayan nito.Nagpaskil siya ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto ko makita si Yuna,” sabi ni Don He