Share

Chapter 30

"HINDI ako pinatulog ni Allison sa kwarto namin at hindi rin ako ipinagluto ng asawa ko. At kasalanan mo yun Sandoval," turan ni Greyson, kumuha na ito ng sariling plato at kurbirtos. At saka inimbitahan na rin ang sarili nitong maupo sa dinning chair.

"Same here,galit din ang asawa ko dahil late na rin ako umuwi at kasalanan mo rin Sandoval," sabi naman ni Cm, sinimulan nitong lantakin ang bake mac cheese nasa plato nito.

Kanyang-kanya na rin kuha ng sariling plato sina Travis at Dax.

"Kaya pala dito kayo nangugulo," sabi naman ni Manuel, nag-iisang linya ang makapal nitong kilay.

"Manuel, bakit ano ang ginawa mo?" Nagtatakang tanong ni Yza, palipat-lipat ang tingin niya sa kay Manuel at sa mga kaibigan nito. Naguguluhan siya at walang naiintindihan sa mga sinasabi ni Manuel. Ang tanging naintindihan niya lang ay sinisisi ng mga ito si Manuel.

Tumikhim si Manuel bago nagsalita upang tanggalin ang tila bara sa lalamunan nito. Binigyan niya rin ng warning look ang mga kaibigan niya.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
Thank you Miss A, talagang inaabangan ko to Ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status