“Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon. “Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calam
Huling Na-update : 2024-02-23 Magbasa pa