Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2024-02-20 00:11:46

MAY NGITI nakapaskil sa mga labi ni Yza nang maalala ang magandang panaginip niya nang nagdaang gabi. Tila totoong-totoo nangyaring may umaangkin sa kanya.

Uminat siya ng katawan, habang nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng kanyang ulo, dala marahil ng hang over. Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot sa gitna ng kanyang mga hita ng tinuwid niya ang kanyang mga binti. Bigla ay tinambol ng kaba ang kanyang dibdib at napuno siya ng takot.

Nagmulat ng mga mata si Yza, nagimbal siya sa kanyang natuklasan ng sumalubong sa paningin niya ang hindi pamilyar na lugar. Wala siya sa sariling kuwarto niya. Nasa ibabaw siya ng queen size bed na hubo’t hubad.

Hindi isang panaginip ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi, kung di totoong may umangkin sa pagkababae niya. Ang palatandaan ay ang mansta na kulay pula nasa bed sheet.

Hilam ng luha ang kanyang mga mata, pinagsisihan niya ang ginawa niya ngunit huli na. Nangyari na ang hindi sana dapat. Mas lalong napaiyak siya, dala ng matinding takot.

Bumaba siya mula sa ibabaw ng kama at hinanap ang kanyang mga damit. Nakita niyon kaagad na nakapatong ng maayos doon sa ibabaw ng sofa. Dali-dali niya kinuha ang kanyang mga damit, atsaka sinuot ang mga iyon. Natatakot siya na baka masamang tao pa ang lalaking iyon at baka patayin pa siya.

Pagkatapos ay tumungo siya roon sa pinto. Dahan-dahan niya binuksan ang nakasarang dahon ng pinto. Sumilip siya roon sa labas mula sa maliit na giwang ng pinto. Wala siyang tao nakinita. Niluwagan niya ang pagbukas ng dahon ng pinto atsaka maingat na lumabas mula sa loob ng kuwarto.

Todo ingat ang ginawa ni Yza habang naglalakad, iniiwasan niya na makalikha ng ingay. Nakababa siya mula sa hagdan, napagkaalaman niya nasa bar pa rin siya at nasa second floor lang ng bar na ito ang kuwarto dinalhan sa kanya ng lalaking gumahasa sa kanya.

Pinawisan siya ng malapot at nakahinga ng maluwag nang makalabas na si Yza sa loob ng gusaling iyon. Lakad takbo ang ginawa niya upang makalayo sa lugar na iyon. Hanggang sa narating niya ang sakayan ng mga jeep. Sumakay siya ng jeep na wala sa sarili. Ang alam niya lang ay ligtas na siya dahil nakalayo na siya sa Dragon and bright bar. Higit sa lahat sa lalaking iyon.

Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang lalaking nakasiping niya. Hindi niya rin matandaan ang mukha niyon maliban lang sa isang palatandaan na tumatak sa kanyang isip.

Bago siya bumaba ng jeep ay na galit pa ang driver, dahil sa wala siyang maibigay na pambayad dito.

Kanina pa siya naglalakad ngunit hindi tiyak ang patutunguhan niya. Nanakit na rin ang kanyang mga binti at paa sa kakalakad. Idagdag pa ang pamimigat ng buong katawan niya, nahihilo na rin siya. Marahil dala pa rin ng hang-over at higit sa lahat hindi pa rin siya nakakain simula pa kagabi o uminom man lang ng tubig.

Nawala rin niya ang purse niya, naroon ang cellphone, ATM, Credit card ng Mommy niya at naroon din ang pera niya. Walang laman ang bulsa niya kahit ni singkong doling.

Nakaupo siya sa gilid ng pader na pwedeng makaupo sa semento. Nakamasid siya roon sa kalsada na nag-uunahan ang mga sasakyan sa pagtakbo.

Awang-awa siya para sa kanyang sarili. Ayaw niya na rin umuwi sa kanila, tiyak ipipilit na naman ng Daddy Franco niya na magpapakasal siya kung sinumang Pontio Pilato. Higit sa lahat mas magagalit ang Daddy niya kapag nalaman nito ang katangahan at kagagahan nangyari sa kanya.

“Ining, may hinihintay ka ba? Kanina pa kasi kita napapansin dito.” Anang ng boses babae.

Nag-angat ng tingin si Yza, nagpaskil siya ng alanganin ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang babaeng may edad na, nakatayo ito sa gilid niya.

“Wala po,” mahinang usal niya.

“Kung ganoon, bakit nandito ka? Mapapahamak ka kung magtatagal ka pa dito.”

“Wala naman po akong may mapupuntahan,” turan niya na yumoko ang kanyang ulo.

“Naku, bata ka, naglayas ka sa inyo.” Bulalas nitong sabi. “Tiyak hindi ka pa nakakain. Halina't papakainin kita,” yakag ng Ginang.

Muli nag-angat ng mukha si Yza, tiningnan ang Ginang na may mabining ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“Wala po akong pambayad, nawala kasi ‘yong purse ko.”

“Tara na, huwag kang mahiya.” May pang-unawa sambit ng Ginang.

“Wala po akong pera,” giit pa rin ni Yza. Hindi niya nakasanayan na may ibang tao nagmamagandang loob sa kanya na bigyan siya ng kailangan niya. Kadalasan kasi siya ang nagbibigay.

Lumaki si Yza sa marangyang pamumuhay, nasusunod ang mga gugustuhin niya. Spoiled siya sa kanyang mga magulang. Nagbago lamang ang lahat ng simula na sumakabilang-buhay ang kanyang Mommy.

“Mamaya na natin pag-uusapan ang pambayad mo. Ang mahalaga ngayon ay makakain ka muna at para kang nalalantang gulay.” Ani ng Ginang na nagpatiunang na itong lumakad.

Sumunod naman si Yza dito, huminto sila ng Ginang sa tapat ng maliit na karenderya. Lumingon ito sa kanya na may maluwag na ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“Pasok ka.” Naglakad ito papasok sa loob ng karenderya. “Maupo ka muna at ikukuha kita ng makain mo.” Tumalima na ang Ginang na hindi pa niya alam ang pangalan nito.

“Salamat po,” aniya nahihiya pa rin. naupo siya sa bakanteng upuan. Inikot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kainan. Maliit lamang ang lugar at may tatlong tao lang ang kumakain.

Nang bumalik na ang Ginang ay may dala na itong tray na may lamang mga pagkain. Nilapag nito sa ibabaw ng mesa nasa harap niya ang isang platong kanin, ginisang monggo na na may halong dahon ng talbos ng kamote at isang pirasong isda na di kalakihan.

“Kumain ka na muna,” anito nakangiti pa rin. “Siya nga pala ako si Aling Lucing at siya naman ang anak ko si April.” Tinuro nito ang dalagang nakaupo roon sa tapat ng may mga bote ng softdrinks. Kumaway ito sa kanya atsaka ningitian siya.

Gumanti rin si Yza ng ngiti sa anak ni Aling Lucing. Halos kasing edad niya lamang ito.

Sunod-sunod ang ginawang niyang pagsubo ng kanin at ulam. Ang dapat na almusal niya ay hapunan niya na. Kanina pa mahapdi ang sikmura niya dahil sa gutom. At ngayon lang siya nakakain. Takip silim na rin sa labas nitong karenderya.

Nang matapos na siya kumain, nagkusa na siyang iligpit ang mga pinagkainan niya.

“Saan ang kusina n’yo?” Tanong niya kay April ng lapitan niya ito upang magtanong.

“Pasok ka lang diyan sa may pintuan.” Sabay turo nito sa maliit na pinto na may kulay green na kurtina.

“Salamat.” aniya atsaka tumuloy na siya sa loob ng kusina. May mga plato hugasin na nakatambak kaya kusang-loob na rin niya hinugasan ang mga iyon. Kahit sa ganitong paraan ay makabawi siya sa magandang-loob ni Aling Lucing na pakainin siya.

Sarado na ang karinderya at silang tatlo na lamang ang naiwan. Nakaupo sila sa pabilog na maliit na lamesa.

Tumikhim si Aling Lucing bago ito nagsalita. “Yza, lumayas ka ba sa inyo?” Walang paligoy-ligoy na tanong nito.

Tanging tango lang ang naging sagot ni Yza rito. Pigil ang kanyang mga luha na nagbabanta sa sulok ng kanyang mga mata. Nang maalala ang mga nangyari sa kanya. Kanina pa na wala siya sa tamang pag-iisip. Dahil sa nangyari sa kanya at kung saan siya pupunta at magpalipas ng gabi at mga susunod na mga araw at gabi.

“Umuwi ka na sa inyo, Ineng. Tiyak nag-alala na sa ‘yo ang mga magulang mo, tiyak hinahanap ka na nila.”

“Hindi po nila ako hahanapin at wala na rin pakialam sa ‘kin ang Daddy.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi na kanina pa niya pilit pinipigilan.

“Maganda ka at maraming masamang loob diyan sa labas na pakalat-kalat at ako ang natatakot para sa’yo na tiyak mapapahamak ka. Kung gusto mo, sumama ka na lang muna sa ‘min ni April. Pwede ka sa ‘min hanggang gusto mo kaysa mapahamak ka pa.” Mahabang litanya ni Aling Lucing.

“Salamat po,” lalong ikinaiyak niya.

“Maliit lang ang bahay namin at nasa squatter pa. Huwag ka rin mag-expect nasa malambot na kama ka matutulog.” Sabad naman ni April na kanina pa itong nakikinig lang sa usapan nila ng ina nito. “Atsaka maraming ipis at daga sa ‘min.”

“April, huwag mo naman takutin itong si Yza.” Saway agad dito ni Aling Lucing sa anak nito.

“Walang problema sa ‘kin. Basta salamat po,” hindi matapos-tapos ang pasasalamat ni Yza sa mag-inang komopkop sa kanya.

HIGIT ISANG linggo na rin si Yza sa poder ng mag-inang Lucing at April. Mabait ang mag-ina at kapamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanya.

Kasalukuyang nasa labas ng karinderya si Yza. Kumakanta at inaaya ang mga tao na kakain sa karinderya.

“Pasok po kayo sa loob, masarap po ang aming nilutong pagkain. Tiyak kapag natikman ninyo ang luto ni Tiya Lucing ma-inlove po kayo sa kanya este sa food po.”

“Hoy, anong ginagawa mo r’yan?” Natatawang tanong ni April na saglit ito huminto sa ginagawa nito.

Ngumisi siya rito. “Ano pa ba, eh di nagtatawag ng customer.”

“Pansin ko lang, simula nang dumating ka rito. Mas maraming customer ang kumakain dito. Swerte ka sa ‘min, Yza.”

“Ano ka ba, mas maswerte ako kasi niligtas ninyo ako ni Tiya mula sa pagala-gala sa kalsada. Tiyak taong grasa na ako ngayon.”

“Kung nagkataon, ikaw lang ang taong grasa na maganda.” Nakangisi rin turan ni April.

“Naku po! Ang iba riyan bolera.” Natatawa na lang siya.

“To see is to believe raw. Teka tama ba ang English ko?” pakingkoy na tanong ni April.

“Iwan ko sa’yo puro ka kalokohan,” natatawa pa rin sambit ni Yza.

“Pero maiba ako, Yza. Napapansin ko lang ang isang ‘yan,” sabay nguso nito sa lalaki nakaupo sa pinakasulok nitong maliit na karinderya. “Parati na ‘yan pabalik-balik dito atsaka panay ang tingin sa’yo.”

Sinundan niya ng tingin kung saan si April nakanguso. Napansin niya rin ang lalaking ito na pabalik-balik dito. Agaw pansin naman talaga ito, paano ba naman artistahin ang itsura nito. Nakalimutan niya lang ang pangalan ng artista na halos kahawig ng lalaki. Matangkad at built in ang pangangatawan na halatadong alaga sa pag gym, matangos ang ilong, naka-agaw pansin din ang makapal nitong kilay na animo’y sadyang iginuhit. Idagdag pa ang adams apple nito na gumagalaw sa tuwing kumakain o nagsasalita. Kulang ang salitang tall dark and handsome sa lalaking iyon. Ilang beses niya rin ito nakaharap sa tuwing kinukuha ang order at pagsilbihan ito.

Ilang beses niya rin nahuhuli ang lalaki na nakatingin sa kanya. Sa tuwing nahuhuli niya ay kaagad din ito umiiwas ng tingin. Binaliwala niya lamang at hindi binigyan pansin dahil sa suki naman nila ito.

“Pupusta ako, may gusto si Pogi sa’yo.” Nakangiting turan ni April.

“Sinong pogi?” Nakakunot-noo tanong niya. “Wala akong pera, pulubi ako.”

“Ikaw lang yata ang pulubing mayaman.”

Hindi na siya magtataka kung madalas ay agaw pansin siya. Palagi niya rin naririnig sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang na pang beauty pageant ang kagandahang taglay niya. Hinihikayat din siya ng ibang may potential sa modeling world na sumali siya. Subalit madalas ay pinagtatawanan niya lang ang mga ito. Ayaw rin kasi ng Daddy niya na sumali siya sa ganoon mga event. Dahilan nito ay nag-aaksaya lang siya ng panahon at mas magpursige siya na pamahalaan ang mga negosyo nila.

Matangkad siya, mala porselana ang kulay ng balat niya, lagpas balikat ang kulay light brown niyang buhok, matangos ang kanyang ilong at malagkit ang pilik mata niya na tila katulad sa pilik mata ng manika. sort off she's beauty and brain.

Madalas niya rin naririnig sa mga kamag-anak nila na kamukhang-kamukha niya ang Tita Franny niya ang kapatid ng kanyang Daddy Franco. Isang modelo ang Tita Franny niya at sumasali ito around the world sa paglalakad sa catwalk.

May bahagi sa puso’t isip niya na ayaw paniwalaan ang Daddy Franco niya na ampon lang siya ng mga magulang. Gayon magkamukha sila ng Daddy Franco niya. Bigla siya nalungkot ng maalala ang kanyang ama at ang huling tagpo sa kanilang pagitan.

“Sorry, hindi naman ‘yon ang ibig kung sabihin.” Hinging paumanhin ni April, marahil napansin nito ang lungkot sa hitsura niya.

Ngumiti siya upang pawiin ang lungkot na iyon. “Kunin ko muna ang order ng customer nating bagong dating.” Pag-iiba niya ng usapan.

“Sige. Kunin ko na rin ang ibang platong hugasin.”

Tumungo roon si Yza sa customer upang kunin ang order nitong pagkain. Pagkatapos niya makuha ang order nito ay kinuha niya rin agad ang mga pagkain at siniserve rito.

Pabalik na siya pagkatapos niya ibigay ang order ng customer ng dumaan siya sa gilid ng inuupuan stool ni Nono. Ayon kay April ay isang drug pushers itong si Nono at labas pasok na rin sa kulungan. Hinipuan siya sa puwet ni Nono. Pakiramdam ni Yza ay biglang kumulo ang dugo niya at umakyat iyon sa kanyang ulo. Galit na galit siya na humarap dito. Walang pasabi, ubod lakas niyang pinalo sa ulo si Nono, gamit ang ang hawak niyang tray.

Hindi man lang natinag si Nono, mula sa stool na inuupuan nito. Tumayo ito mula sa upuan, matalim ang tingin nitong ipinukol si Yza. Tila ay gusto siya nitong kainin ng buhay at buong-buo.

Biglang nakaramdam ng takot si Yza para sa kanyang sarili. Alam niya na hindi siya sasantuhin ni Nono, ang katulad nito na malademonyo ang pag-uugali. Nakatitiyak siya na hindi siya sasantohin ng lalaking ito. Naihakabang ni Yza ng isang hakbang ang kanyang mga paa ng paatras.

“Maarti ka lang. Pero gustong-gusto mo naman mahimas,” anito na hinablot sa isang braso si Yza.

“Bitawan mo ako!” pilit nagpupumiglas si Yza mula sa mahigpit nitong pagkahawak sa braso niya. Pakiramdam niya ay halos bumaon ang mahaba at maruming kuko nito sa kanyang balat.

“Alam mo bang? Mas gustong-gusto ko ang babaeng palaban lalo na kapag rinoromansa ko,” nakangisi nitong turan.

“Bastos!” akmang sasampalin niya si Nono ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay.

“Ano, papalag ka pa, hah?” galit nitong turan. Nilapit nito ang mukha sa mukha ni Yza.

Naamoy ni Yza ang mabahong hininga ni Nono na nakakasuka. Ngunit hindi siya nagpa sindak dito. Dinuraan niya ang mukha nito na lalong ikinagalit ni Nono. Sasakupin nito ang labi ng dalaga. Mabuti na lang napilig ni Yza ang mukha niya patagilid.

“Bitawan mo siya!” Matigas at galit na sambitla ni Manuel. Ubod lakas nitong hinawi si Nono mula sa paghawak nito sa kay Yza. Umigkas ang kamao ni Manuel, pinaulanan ng suntok sa mukha si Nono. Pumutok ang labi nito at nagdurugo ang sugat nito. Hindi pa nakuntento si Manuel ay hinawakan niya sa kuwelyo ang lalaking bastos atsaka pabalya tinulak palabas mula rito sa loob ng karinderya. Napasobsob pa ito sa simentadong daan.

Wala man lang ni isang naglakas loob na umawat para pigilan si Manuel.

“Huwag na huwag ka ng bumalik dito kung hindi, di lang ‘yan ang aabutin mo!” Galit na turan ni Manuel.

“Hindi pa tayo tapos!” balik pagbabanta ni Nono bago ito kumaripas ng takbo papalayo.

Nanghihina napaupo si Yza sa bakanteng upuan. Pakiramdam niya ay mabubuwal siya mula sa kinatatayuan niya kani-kanina lang.

Umangat ang mukha niya ng humarap si Manuel sa kanya. Madilim ang itsura nito ng nakatunghay sa kanya. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng lalaki. Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nito sa paraan ng tingin pinupokol sa kanya.

“Salamat sa tulong mo,” mahinang sambit niya na nanatiling nakayuko ang ulo niya.

“Next time, you must wear a decent clothes. Tingnan mo ‘yang sarili mo, para kang nagtatawag ng mambabastos sa’yo.” Anito na walang lingon likod na tumalikod at tuloy-tuloy ang paghakbang ng mga paa nito paalis.

“May pagka super hero rin pala si pogi, pero mukhang galit ang isang yun sa’yo.” Komento ni April. Tela baliwala lang kay April, ang gulo na nangyari kani-kanina lang. Kung sabagay lumaki si April sa magulong lugar kaya sanay na rin ito.

“Bastosin ba ang hitsura ko?” Tanong niya kay April.

Pinasadahan siya ng tingin ni April mula ulo hanggang paa. “Hindi naman, sadyang maganda at sexy ka lang gurl.” Nakangising saad pa nito.

“Anong problema ng lalaking iyon? Tinulungan nga niya ako pero nagagalit din sa ‘kin.” Aniya nakasunod ang tingin niya sa likod ni Manuel na naglalakad papalayo.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Raffy Ryan Cabangi
sinu kaya ang lalaking yon sana si manuel lang......... nakakalungkot na nakaka excite ang kwentong to.........
goodnovel comment avatar
Kitt Katt
Ahay kawawa nman complekado na buhay ni yza, sana maging mabait nman si manuel sa kanya at si manuel din cguro ung lalaking kasiping nya.
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
Thank you Miss A,subaybayan ko ang kwento nila Manuel at Yza
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 4

    NAKAPANGALUMBABA si Yza, habang nakatanaw roon sa labas nitong karinderya. Alas-diyes pa lang ng umaga kaya mangilan-ilan pa lang ang kanilang mga customer na kumakain.“Nagbibilang ka ba ng mga taong dumadaan o hinihintay mo si pogi?” pambubuska ni April na dumaan ito sa tabi niya.Kunwari sumimangot siya.“Nakapangalumbaba lang may hinintay agad?”Huminto si April sa paghakbang ng mga paa nito atsaka pumihit paharap sa kay Yza. May malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Talagang nang-aasar ito.“Pansin ko lang, ilang araw ng hindi naka dayo rito si pogi. Miss mo na siya ano?” Tudyo ni April.Tumayo si Yza mula sa stool na inuupuan niya. “Grabe talaga ‘yang instinct mo, April. Di ko alam na may pagka madam Auring ka na rin pala.” Natatawa niyang sambit, atsaka tinalikuran na ang kaibigan bago pa ito makahirit ng isasagot nito sa kanya.“Saan ka pupunta?”“Nakikita mo naman di ba? Sa kusina,” pang-aalaska niya rito.“Ang sabihin mo, talagang umiiwas ka lang na pag-usap

    Huling Na-update : 2024-02-22
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 5

    “Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon. “Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calam

    Huling Na-update : 2024-02-23
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 6

    “HELP!” May kalakasan ang boses ni Manuel ng huminto ang kotse minamaneho niya sa tapat ng entrance door ng hospital. Mabilis ang bawat kilos niya.Kaagad naman siya dinaluhan ng security guard na may wheelchair itong tinutulak. Mabilis ang kilos ng bawat isa upang ipasok sa loob ng Emergency room, si Yza na wala pa rin malay-tao. Papasok na rin sana sa loob ng ER si Manuel ng harangan siya ng nurse.“Sir, sorry pero hindi po kayo allowed doon sa loob.” Anang Nurse na nagmamadaling sinara ang dahon ng pinto.Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Walang nagawa si Manuel kung di ang maghintay na lamang dito sa labas ng pinto ng ER. Nakasandal siya sa dingding na nakahalukipkip habang nakatingala roon sa kisame, tila ba naroon ang kasagutan ng mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon.Naiinip na siya sa kahihintay sa Doctor ng umaasikaso sa kay Yza. Sobrang nag-alala na rin siya sa kalagayan ng dalaga.Panay ang buga niya ng hangin. Pabalik-ba

    Huling Na-update : 2024-02-24
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 7

    SA LOOB nang ilang araw nakalipas ay naging tahanan na rin ni Manuel ang hospital. Kasama si Yza sa private room nito.Sa katulad niyang six footer ay pinagkasya niya na lamang ang sarili sa di gaanong mahabang sofa. Kahit na palaging sumasakit ang buong katawan niya, dahil sa hindi siya maka higa ng maayos. No choice siya at bawal magreklamo.Naupo siya sa sofa. Bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Naihimas niya rin ang ibabang bahagi ng kanyang baba, ramdam niya rin ang stables niya roon.Lumipad ang tingin niya roon sa kama na inookopa ni Yza na mahimbing pa rin ang tulog nito. Sumingaw ang munting ngiti sa sulok ng kanyang mga labi ng marinig niya ang mahinang paghihilik ni Yza. Naiiling siya ng mapansin niya na nahulog ang kumot nito.Lumapit siya sa gilid ng kama. Inayos niya ang kumot sa katawan ni Yza. kumilos ito, nalihis ang damit pantulog na suot nito. Tumambad sa kanyang paningin ang makinis at maputing hita ng dalaga. Walan

    Huling Na-update : 2024-02-25
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 8

    MAY ilang butil ng luha ang umalpas mula sa sulok ng mga mata ni Yza. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi. Higit sa lahat naging pabigat na siya at nakakaabala sa ibang tao na may mabuting puso at nagmamalasakit sa kanya,sina Manuel,Tiya Lucing at April.Tiyak nag-alala na sina Aling Lucing at April sa kanya. Hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Simula ng admitted siya dito sa ospital ay hindi niya na rin nakausap sina Tiya Lucing at April.Naiihi siya. Kanina pa niya gustong pumunta ng cr. Ngunit mahirap para sa kanya ang kumilos na mag-isa. Kanina pa nakaalis si Manuel at ilang oras na rin ang nakalipas buhat umalis ito. Hanggang ngayon hindi pa rin nakabalik ang lalake. Wala rin nurse na pumunta rito sa kwarto niya. Sobrang nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Pakiramdam niya ay para na siyang imbalido.Bigla na lang siya napangiwi ng maramdaman niya ang pinaghalong kirot at sakit sa kanang binti niya. Pakiramdam niya ay pinagpawisan

    Huling Na-update : 2024-02-26
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 9

    NAGISING si Yza na magaan at maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Nawala rin ang naramdaman niyang magkahalong sakit at kirot sa kanang binti niya. Ngunit nahihirapan pa rin sa kanyang kalagayan. Nanatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Narinig niya rin ang mga taong nag-uusap sa mahinang boses ng mga ito.Minulat niya ang kanyang mga mata. Nakikita niya si Doctor Dax Sandoval,may hawak itong chart habang nakikipag-usap sa babaeng nurse.Dahan-dahang bumangon si Yza, maingat din ang bawat kilos niya upang sumandal sa headboard ng kama.“Miss Calvajar,tulungan na kita,” wika ng nurse na agad siya dinaluhan para tulungan na makasandal ang kanyang likod sa headboard ng kama. Nilagyan din nito ang likod niya ng unan.Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. “Thank you,” aniya sa nurse pagkatapos siya tulungan nito.“Gusto mo bang ipatong ang kanang binti mo sa unan para di na mangalay?” Nakangiti rin tanong ng nurse.“Yes,please.” Dahan-dahan pinatong ng nurse ang is

    Huling Na-update : 2024-02-27
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 10

    MULA SA OPISINA ni Attorney Sanchez. Dumiritso na si Manuel doon sa basement nitong building kung saan ang parking lot. Nasa tapat na siya ng kotse niya ay agad siya pumasok sa loob niyon. pinagana niya ang makina ng sasakyan. Pinaharorot na umalis sa IG Tower.Habang nasa byahe ay hindi pa rin niya maiwasan ang di mapapaisip sa pinag-usapan nila ni Attorney Sanchez. Walang foul play nangyari sa pagkamatay ni Franco Calvajar. Ayon sa report ng medico legal ay suicide ang nangyari. Ngunit hindi lingid sa kaalaman niya na may mga utang si Franco dahil sa nalulong ito sa sugal.Masakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip. “Ito na ba ang sinasabi mo, Franco?” mahinang usal niya sa kanyang sarili.Malaki ang utang na loob ni Manuel sa kay Franco Calvajar. Minsan nang niligtas ni Franco ang buhay niya. He meet car accident at nang mga oras na iyon ay si Franco Calvajar ang sumagip sa kanyang buhay, si Franco rin ang naging blood donor niya ng operahan siya at kailanganin niya

    Huling Na-update : 2024-02-28
  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 11

    KANINA pa si Manuel paikot-ikot sa loob ng hospital upang hanapin si Yza. Subalit ni anino ng dalaga ay hindi niya nakikita. Tinatambol na rin ng kaba ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi na rin niya maiwasan na di mag-isip ng masama. Kung may masamang nangyari kay Yza, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.‘Huwag naman sana,’ piping dasal niya.“Manuel, kanina pa kita napapansin. Sino hinahanap mo?” Tanong ni Nurse Jane, ng makasalubong niya dito sa corridor.“Hinahanap ko si Yza, wala kasi siya sa private ward niya ng dumating ako.” Palinga-linga siya sa paligid ng nagbabakasakali na makita niya ang dalagang hinahanap niya.“Nakita ko sila na magkasama ni Doc Sandoval.”Kunot ang noo niya napatingin dito kay Jane. “Si Dax?” naninigurado ng tanong niya. “Nasaan mo sila nakita, Jane?”“Oo, nandoon sila sa garden,”pinasadahan nito ng tingin ang relo pambisig na suot nito. “Maiwan na kita, Manuel. May pasyente pa kasi ako.”“Salamat,” aniya bago ito makaalis. “Pu

    Huling Na-update : 2024-02-29

Pinakabagong kabanata

  • A PERFECT MISTAKE    Final chapter

    Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 110

    “NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 109

    “HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 108

    KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 107

    Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 106

    Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 105

    TULOG pa si nang pumasok si Manang Salod at kuhanin si Yuna sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.Si Celine na napadaan sa tapat ng guestroon na pansamantala inuukopa ni Don Hector. Papasok sana ito upang kumustahin ang matandang Sandoval nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Don Hector ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Sandoval. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inaakala iyon. Kumislap ang mga mata nitong maingat na umalis.Pasado alas-nueve na nang magising si Yza. Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya.Mabilis siya lumabas ng veranda at malalaki ang ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumaba ng hagdan.Kinakabahan nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok. Subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa kabilang silid at doon lumabas patungo sa si

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 104

    “PA, totoo ba ito?” nanginginig ang boses na tanong ni Manuel. Taas baba ang adams apple nito habang nagsasalita. Tila ba pinipigilan nito ang anuman emosyon naramdaman nito.Ngumisi si Don Hector. "Yes, legal and with stamps.”Hindi na nakatiis si Yza na makinig lang sa pinag-uusapan ng mag-ama. Kinuha niya ang documento mula sa pagkakahawak ni Manuel.Ganun na lang paniningkit ng kanyang mga mata ng makita ang nakasulat sa hawak niyang papel. Marriage contract iyon at nakasaad doon na kasal sila ni Manuel. At may pirma rin ni Manuel.Ilang beses siya kukurap-kurap na baka namalik-mata lamang siya. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang nakasulat sa papel na hawak niya. Paanong nangyari na ang pangalan ni Manuel ang nakalagay sa marriage contract at hindi ang pangalan ni Hector. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nanginginig ang buong katawan niya. Sa samu't sari na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Tandang-tanda pa niya ang araw na ikinasal sila ni Hector. Dapat pangalan ni Hector ang

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 103

    NADATNAN niya inaayos ng private nurse ang dextrose na nakakabit kay Don Hector. Sadyang matigas ang ulo ni Don Hector. Ayaw nito magpa confined sa hospital.Mas gustuhin daw nito na mmalagutan ng hininga sa sariling pamamahay nito.Hindi na lang siya nagpupumilit. Dahil alam niya rin na ang kagustuhan nito ang masusunod.“Kamusta siya?” tanong niya rito sa private nurse. Nakapikit ang mga mata ni Don Hector. “Kakatapos niya lang uminom ng mga gamot niya,” sabi naman ng nurse.“Hija,” anas ni Don Hector, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Kumusta ang pakiramdam mo Hector?” tanong ni Yza, naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan nito.“Im fine,” nagmulat ito ng mga mata. Biglang umaliwalas ang itsura nito ng makita siya.Hindi pa rin siya sanay. Naawa pa rin siya sa matandang Sandoval. Malaki ang binagsak ng katawan ni Don Hector, simula ng naging malubha na ang kalagayan nito.Nagpaskil siya ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto ko makita si Yuna,” sabi ni Don He

DMCA.com Protection Status