“Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.
Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon.“Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calamansi. Mawawala rin ito,” pigil ang napipintong pag-ubo nito. “Atsaka sayang ang perang pambayad,” pagmamatigas pa rin ni Aling Lucing.“Nay, huwag matigas ang ulo.” Nainis nang turan ni April, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang hitsura ng dalaga. “Kayo na nga itong inaalala pero nagmamatigas pa rin.”“Simpleng ubo lang ito,” giit pa rin ni Aling Lucing. “Mamaya pupunta pa ako roon sa palengke para magpareserve ng recados para sa mga lutuin nating ulam para bukas.”“Ako na po ang bahala ng pumunta ng palengke at magsabi sa mga suki po natin,” presinta agad ni Yza na kanina pa siya nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-ina. Kilala niya naman ang mga suki ni Aling Lucing na pinagkukuhaan nito ng mga gulay at karne. Ilang beses na rin kasi siya isinama nito sa palengke sa tuwing mamimili ng mga kailanganin nila para rito sa karinderya.Parehas na nakatingin ang mag-inang Aling Lucing at April sa kanya. Tila ayaw maniwala o tamang sabihin walang tiwala sa kanya na magawa niyang pumunta ng palengke na mag-isa lang siya.“Sigurado ka, Yza? Ikaw lang mag-isa ang pupunta ng palengke?” Sunod-sunod na tanong ni April, na tila ayaw maniwala na pupunta siya ng palengke mag-isa.“Oo nga, bakit ba?” Patawa-tawa niyang sagot. “Atsaka kailangan n’yo ni Tiya Lucing na pumunta sa clinic, mamaya sarado na ‘yun.”“Naku, bata ka. Huwag na, ako na lang ang pupunta atsaka maya mapahamak ka pa. Maraming adik at loko-lokong mga tambay sa palengke.” Saad ni Aling Lucing.Lumapit siya sa Ginang atsaka hinawakan ito sa kamay. “Huwag po kayo mag-alala, mag-iingat po ako. Mas isipin po ninyo ang kalusugan mo, Tiya.” Aniyang nakangiti. “Matanda na po ako at alam ko rin protektahan ang sarili ko.”“Ako ang natatakot para sa ‘yong bata ka, sa itsura mong iyan. Naka-agaw pansin ka pa naman.”“Kasalanan ko po ba kung sadyang maganda itong ampon ninyo.”“‘Yan na nga ang kinatatakutan ko,mamaya napagtripan ka roon sa palengke.”“Tiya, hindi rin po ako tatagal sa palengke. Uuwi rin po ako kaagad.”“Sige, basta umuwi ka kaagad. Maaga kang aalis dito at huwag mo na lang tapusin ang mga gawain dito,” ani Aling Lucing na nag-aayos na ito ng sarili, upang pumunta ng clinic para mag-pa check-up.“Sige po,” aniya ipinagpatuloy ang ginagawa niyang paghuhugas ng mga plato. Malapit niya na rin iyon matapos hugasan ang mga plato.“Mag-ingat ka Yza, atsaka huwag kang magpagabi.” Hindi matapos-tapos habilin ni Aling Lucing.“Hintayin mo ako roon sa may tindahan ni Aling Sitang. Huwag kang umalis hangga’t hindi tayo magkasama na uuwi ng bahay. Marami pa naman loko-loko na mga tambay roon sa looban.” Mahabang litanya naman ni April. Ang tinutukoy nito ay ang maliit na eskinita papasok sa tinitirhan ng mag-ina. Naging tahanan niya na rin higit isang buwan na rin ang nakaraan.“Opo.” Nginitian niya ang kaibigan. “Umalis na kayo ni Tiya, mamaya hindi na ninyo naabutan na bukas ang clinic,” tiningnan niya ang orasan na nakasabit doon sa dingding. Quarter to six na.MAG-ISA tinapos ni Yza ang mga gawain sa karinderya bago siya umalis. Diretso na siya ng palengke. Unang pinuntahan niya upang magpareserve ay si Mang Cardo na nagtitinda ng mga karne. Pagkatapos ay Aling Merly naman ang pinuntahan niya para magpareserve rin ng mga gulay rito.Bukas ng madaling araw iyong kinukuha ni Aling Lucing, para sa lulutuin nitong mga ulam para sa buong maghapon.Pauwi na si Yza, sa halip na sumakay siya ng padyak. Patungo roon sa sakayan ng jeep na papunta roon sa lugar nila Aling Lucing. Mag lalakad na lamang siya ng sa ganoon ay makatipid siya. Malait lang naman ang sakayan ng jeep, dalawang kanto lang ang layo niyon mula rito sa palengke. Simula noong naglayas siya sa kanila at kinupkop siya ng mag-ina. Natuto na rin siya na pahalagahan ang mga maliliit na bagay. Napatunayan niya sa kanyang sarili na hindi madali ang kumita ng pera.Napabuntong-hininga na lanang siya ng malalim ng maalala niya ang buhay na nakagisnan niya.Ang Daddy Franco niya, kumusta na kaya? Hinahanap din kaya siya ng daddy niya? Simula ng lumayas siya ay wala na rin siyang balita tungkol sa Daddy Franco niya.Huminto si Yza sa pag hakbang ng kanyang mga paa ng maramdaman niya na animo’y may sumusunod sa kanya. Simula pa kanina na nararamdaman niya tila ay may sumusunod sa kanya. Subalit binaliwala niya lamang iyon at hindi a binigyan pansin. Lumingon siya roon sa bandang likuran niya. Mangilan-ilan ang mga taong naglalakad katulad niya na nanggaling din ng palengke.‘Guni-guni ko lang yata iyon.’ bulong niya sa kanyang sarili at pinagpatuloy ang paglalakad niya. Medyo mahaba-haba pa ang lakaran niya bago makarating doon sa sakayan ng jeep. Kailangan niyang magmamadali at pa-gabi niya. Tiyak naghihintay na si April sa kanya roon sa kanto kung saan sila magkikita. Higit sa lahat ayaw niya rin na mag-alala para sa kanya ang mag-inang Tiya Lucing at April.Napadaan si Yza sa bahagi ng kalsada na medyo may kadiliman. Na pondi yata ang ilaw ng poste sa parte ng kalsada. Nagkataon na walang ibang tao naglalakad o kasabayan siya.Biglang sumigaw si Yza at nag panic ng may biglang humawak sa braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng magaspang na palad sa malambot niyang balat sa braso. Tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang isang palad din nito.“Sabi ko na sa’yo may araw ka rin,” nakangisi turan ni Nono.Nanggilalas ang mga mata ni Yza ng mapansin ang nagmamay-ari ng mga magaspang at mabahong palad na nakatakip sa kanyang bibig. Lalong hindi siya makahinga ng maayos. Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi lang siya sigurado kung napansin ni Nono ang pagpilig niya, dahil sa medyo may kadiliman ang lugar. Wala rin siyang nakikita ng tao na dumadaan. Kapag inabot ka nga naman ng malas.Hinawakan ni Yza ang kamay nito nakatakip sa kanyang. Pilit niya tinatanggal ang pag takip ng palad nito sa kanyang bibig. Ngunit sadyang malakas ang unggoy na ‘to.“Tanggalin ko ang palad ko pero huwag na huwag kang sumigaw para humingi ng tulong. Kung di, siguraduhin ko na pakinabangan ka ng lupa.” Matigas na boses nitong sambit. Kinaladkad siya ni Nono, roon sa pinakamalapit na pader atsaka pinasandal siya. Naramdaman niya paglapat ng kanyang likod sa matigas na simentadong pader.Tumango si Yza, tanda ng pagsang-ayon niya rito. Natatakot siya ng sobra at tila binabayo ng malakas ang kanyang dibdib dala ng kaba at takot. Nalalanghap niya rin ang mabahong hininga ni Nono, amoy alak at nakakasuka ang amoy ng hininga nito.‘Mag-isip ka Yza. How to escape this bastard.’ Pilit niya pampalakas ng kanyang loob. Kailangan niya makatakas sa mga kamay ni Nono bago pa siya mapahamak dito. Hindi siya nagpupumiglas mula sa mahigpit nitong pagkahawak sa kanyang magkabilang braso. Paubaya siya sa ginawang pag haplos ni Nono sa kanang braso niya. Kinikilabutan siya, gusto niya sumigaw at humingi ng tulong. Subalit wala siyang nakikita ng tao na dumadaan.“Salamat,” aniya sa malambing na boses ng tinanggal nito ang palad na ka takip sa kanyang bibig.Ngising-ngisi naman si Nono. “Bibigay ka rin pala, Yza. Pinahirapan mo pa ako.” Anito na tila katulad sa asong ulol na naglalaway sa masarap na pagkain nasa harap nito.“Ikaw kasi palagi mo akong nabigla. Kaya ayan tuloy, akala mo ayaw ko na sa’yo.”Game pa rin siya kahit na nandidiri na siya at gustong masuka sa ginagawa ng paghalik-halik ni Nono sa kanyang pisngi. Ang dalawang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa magkabilaan braso niya, habang ang likod niya ay nakasayad pa rin sa matigas na pader.“Puwede ba, Nono. Bitawan mo muna ang braso ko. Masakit na kasi sa sobrang higpit ng pagkahawak mo.” Paglalambing pa rin niya. Binaling niya ang ang kanyang mukha ng akmang hinalikan siya ng onggoy na ‘to sa mga labi niya.“Huwag mong tangkain tumakas, patay ka kapag tumakas ka.” Pagbabanta pa rin nito.“Promise hindi,” maikling sagot niya. Nanatiling kampante at ang tapang-tapangan upang labanan ang sobrang takot na nararamdaman niya.“Mabuti na ‘yong nagkakaintindihan tayo.” Binitawan nito ang kaliwang braso niya.“Sabi ko naman sayohindi kita tatakasan.” Itinaas niya ang kanyang kamay, malapit sa mukha ni Nono. She’s tracing his nose line down to his lips nang sa ganoon tumigil ito sa paghalik sa pisngi niya.Apektado si Nono sa ginagawa niya. Mas lalong naging ngising asong ulol ang onggoy na ‘to. Nararamdaman niya na lumuwag ang isang kamay nito sa pagkakahawak din sa kanang braso niya. Subalit ikinulong naman siya sa mga braso na nakatalikod sa pader na nasa likuran niya.“Gusto ko ang ginagawa mo.”“Sabi ko naman sa’yo, mapag-usapan naman natin ito.” Pang-aakit ang boses sabi niya. Bumaba ang isang kamay niya sa harapan ng suot nitong pantalon. Pinondohan ng palad niya ang paputok nitong harapan. Sunod-sunod ang ginagawa ng paglingap nito.Nandidiri si Yza sa ginagawa niya ngunit ito lang ang tanging paraan na iniisip niya. Kaysa manlaban siya at tiyak lalong mawalan siya ng pag-asa na makatakas mula sa mga kamay ng halimaw na ‘to. It's a matter of life and death at kailangan niya sumugal alang-alang sa sariling kaligtasan niya sa ganitong pagkakataon.“Ahhh…Yza galingan mo pa,” anito sa medyo namamaos na ang boses. Hinawakan siya sa kaliwang balikat.Tumigil si Yza sa ginagawa. Kunwari ay tatanggalin niya sa pagbotones ang suot nitong pantalon. “Nono, tulungan mo naman ako ng buksan ang zipper ng pants mo.”“Sige, sige.” Nakangisi turan ni Nono. Yumuko si Nono upang tanggalin sa pagbotones ang suot nitong pantalon.Ito na ang pagkakataon hinihintay ni Yza. Ubod lakas niya tulak si Nono, dahilan nawalan ng balanse at natumba ito sa simentadong kalsada. Tumakbo ng mabilis si Yza, paalis sa lugar. Upang takasan si Nono na may masamang balak sa kanya.“Hindi ka makakatakas Yza! Makukuha rin kita!” Anito na tumatakbo rin na hinahabol ang dalaga.Papalapit ang boses ni Nono na naririnig niya, ibig sabihin malapit na siya nito aabutin. Hindi nagdadalawang-isip si Yza na tumawid sa kalsada. Huli na ng mapansin niya na may kotse paparating.Ang huling natatandaan niya bago siya nawalan ng malay ay malakas na sagitsit ng gulong ng sasakyan at ang sumunod ay tumama sa matigas na bagay ang malambot niyang katawan. And everything went black…BIGLANG naapakan ni Manuel ang silindro ng kotse minamaniho niya at nagprino ng makita niya ang babaeng tumatakbo habang pa patawid ng kalsada. Nahagip din ng mgamata niya ang isang lalaking humahabol dito.Ngunit huli na. Naabot pa rin ng unahan bahagi ng kotse niya ang katawan ng babae.Hindi nag-aksaya ng panahon si Manuel, dali-dali siya umibis mula sa loob ng sasakyan. Malaking hakbang ng kanyang mga paa upang daluhan ang babae. Madala niya sa hospital. Nawalan ito ng malay-tao. Nakatagilid ang katawan nito, kaya hindi niya pa nakikita ang itsura nito.Dahan-dahan inalalayan ni Manuel ang ulo ng babae. May sugat ito sa bandang noo at may dugo.“Yza…” Bulalas niya ng mapagsino ang dalaga. “God. Dadalhin kita sa hospital.” Binuhat niya ang dalaga na wala pa rin malay-tao.“Damn it!” pagmura niya sa magkahalong galit at takot para sa dalaga ng makita niya ang dugo na namalisbis sa binti ni Yza.Halos isang-hakbang niya lang ang distansya papunta sa kotse niya.Pinaupo niya si Yza sa passenger na katabi lang din ng driver set. Dahan-dahan niya bumababa ang back rest ng upuan sa ganoon kahit paano ay nakahiga si Yza. Pagkatapos niya ikabit ang seatbelt sa katawan ng dalaga. Kaagad siya umikot doon sa kabilang pinto ng driver set ng kotse.Halos paliparin ni Manuel ang kotse minamaneho niya. Papunta sa pinakamalapit na hospital. Napamura sa sarili si Manuel ng walang tigil ang pagbe bleeding ng dalaga na hindi pa rin nagkamalay-tao.“Yza, woke up please.” Tinapik-tapik niya ang pisngi ng dalaga. Gamit ang isang palad niya.“HELP!” May kalakasan ang boses ni Manuel ng huminto ang kotse minamaneho niya sa tapat ng entrance door ng hospital. Mabilis ang bawat kilos niya.Kaagad naman siya dinaluhan ng security guard na may wheelchair itong tinutulak. Mabilis ang kilos ng bawat isa upang ipasok sa loob ng Emergency room, si Yza na wala pa rin malay-tao. Papasok na rin sana sa loob ng ER si Manuel ng harangan siya ng nurse.“Sir, sorry pero hindi po kayo allowed doon sa loob.” Anang Nurse na nagmamadaling sinara ang dahon ng pinto.Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Walang nagawa si Manuel kung di ang maghintay na lamang dito sa labas ng pinto ng ER. Nakasandal siya sa dingding na nakahalukipkip habang nakatingala roon sa kisame, tila ba naroon ang kasagutan ng mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon.Naiinip na siya sa kahihintay sa Doctor ng umaasikaso sa kay Yza. Sobrang nag-alala na rin siya sa kalagayan ng dalaga.Panay ang buga niya ng hangin. Pabalik-ba
SA LOOB nang ilang araw nakalipas ay naging tahanan na rin ni Manuel ang hospital. Kasama si Yza sa private room nito.Sa katulad niyang six footer ay pinagkasya niya na lamang ang sarili sa di gaanong mahabang sofa. Kahit na palaging sumasakit ang buong katawan niya, dahil sa hindi siya maka higa ng maayos. No choice siya at bawal magreklamo.Naupo siya sa sofa. Bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Naihimas niya rin ang ibabang bahagi ng kanyang baba, ramdam niya rin ang stables niya roon.Lumipad ang tingin niya roon sa kama na inookopa ni Yza na mahimbing pa rin ang tulog nito. Sumingaw ang munting ngiti sa sulok ng kanyang mga labi ng marinig niya ang mahinang paghihilik ni Yza. Naiiling siya ng mapansin niya na nahulog ang kumot nito.Lumapit siya sa gilid ng kama. Inayos niya ang kumot sa katawan ni Yza. kumilos ito, nalihis ang damit pantulog na suot nito. Tumambad sa kanyang paningin ang makinis at maputing hita ng dalaga. Walan
MAY ilang butil ng luha ang umalpas mula sa sulok ng mga mata ni Yza. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi. Higit sa lahat naging pabigat na siya at nakakaabala sa ibang tao na may mabuting puso at nagmamalasakit sa kanya,sina Manuel,Tiya Lucing at April.Tiyak nag-alala na sina Aling Lucing at April sa kanya. Hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Simula ng admitted siya dito sa ospital ay hindi niya na rin nakausap sina Tiya Lucing at April.Naiihi siya. Kanina pa niya gustong pumunta ng cr. Ngunit mahirap para sa kanya ang kumilos na mag-isa. Kanina pa nakaalis si Manuel at ilang oras na rin ang nakalipas buhat umalis ito. Hanggang ngayon hindi pa rin nakabalik ang lalake. Wala rin nurse na pumunta rito sa kwarto niya. Sobrang nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Pakiramdam niya ay para na siyang imbalido.Bigla na lang siya napangiwi ng maramdaman niya ang pinaghalong kirot at sakit sa kanang binti niya. Pakiramdam niya ay pinagpawisan
NAGISING si Yza na magaan at maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Nawala rin ang naramdaman niyang magkahalong sakit at kirot sa kanang binti niya. Ngunit nahihirapan pa rin sa kanyang kalagayan. Nanatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Narinig niya rin ang mga taong nag-uusap sa mahinang boses ng mga ito.Minulat niya ang kanyang mga mata. Nakikita niya si Doctor Dax Sandoval,may hawak itong chart habang nakikipag-usap sa babaeng nurse.Dahan-dahang bumangon si Yza, maingat din ang bawat kilos niya upang sumandal sa headboard ng kama.“Miss Calvajar,tulungan na kita,” wika ng nurse na agad siya dinaluhan para tulungan na makasandal ang kanyang likod sa headboard ng kama. Nilagyan din nito ang likod niya ng unan.Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. “Thank you,” aniya sa nurse pagkatapos siya tulungan nito.“Gusto mo bang ipatong ang kanang binti mo sa unan para di na mangalay?” Nakangiti rin tanong ng nurse.“Yes,please.” Dahan-dahan pinatong ng nurse ang is
MULA SA OPISINA ni Attorney Sanchez. Dumiritso na si Manuel doon sa basement nitong building kung saan ang parking lot. Nasa tapat na siya ng kotse niya ay agad siya pumasok sa loob niyon. pinagana niya ang makina ng sasakyan. Pinaharorot na umalis sa IG Tower.Habang nasa byahe ay hindi pa rin niya maiwasan ang di mapapaisip sa pinag-usapan nila ni Attorney Sanchez. Walang foul play nangyari sa pagkamatay ni Franco Calvajar. Ayon sa report ng medico legal ay suicide ang nangyari. Ngunit hindi lingid sa kaalaman niya na may mga utang si Franco dahil sa nalulong ito sa sugal.Masakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip. “Ito na ba ang sinasabi mo, Franco?” mahinang usal niya sa kanyang sarili.Malaki ang utang na loob ni Manuel sa kay Franco Calvajar. Minsan nang niligtas ni Franco ang buhay niya. He meet car accident at nang mga oras na iyon ay si Franco Calvajar ang sumagip sa kanyang buhay, si Franco rin ang naging blood donor niya ng operahan siya at kailanganin niya
KANINA pa si Manuel paikot-ikot sa loob ng hospital upang hanapin si Yza. Subalit ni anino ng dalaga ay hindi niya nakikita. Tinatambol na rin ng kaba ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi na rin niya maiwasan na di mag-isip ng masama. Kung may masamang nangyari kay Yza, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.‘Huwag naman sana,’ piping dasal niya.“Manuel, kanina pa kita napapansin. Sino hinahanap mo?” Tanong ni Nurse Jane, ng makasalubong niya dito sa corridor.“Hinahanap ko si Yza, wala kasi siya sa private ward niya ng dumating ako.” Palinga-linga siya sa paligid ng nagbabakasakali na makita niya ang dalagang hinahanap niya.“Nakita ko sila na magkasama ni Doc Sandoval.”Kunot ang noo niya napatingin dito kay Jane. “Si Dax?” naninigurado ng tanong niya. “Nasaan mo sila nakita, Jane?”“Oo, nandoon sila sa garden,”pinasadahan nito ng tingin ang relo pambisig na suot nito. “Maiwan na kita, Manuel. May pasyente pa kasi ako.”“Salamat,” aniya bago ito makaalis. “Pu
"Dito ka nakatira?" Tanong ni Yza, ng huminto ang sasakyan sa compound ng Raider condominium. Palinga-linga siya sa paligid. Alam niya rin na pawang mga mayayaman ang nakatira dito sa Raider condominiums. Ang ibig sabihin lang ay mayaman si Manuel at hindi isang pangkaraniwang tao lang. Tinanggal ni Manuel ang seatbelt nito. Atsaka pumihit na humarap sa kay Yza. "Yes,I have a unit here," anito na bahagyang umuklo upang maabot nito ang seatbelt ni Yza."M-manuel," nauutal sabi ni Yza. Pakiramdam niya ay biglang nagkaroon ng mga paro-parong naghahabulan sa loob ng dibdib niya. Shit! kailangan bang mauutal? Lihim siya napa mura sa kanyang sarili. Ilang araw na rin sila magkasama ni Manuel ngunit tila hindi pa rin siya nasanay sa presensiya ng lalaki.Paano ba naman malapit na malapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Halos isang dangkal lang ang agwat ng pagitan ng kanilang mga mukha. Naamoy niya rin ang mabango at mainit na hininga ni Manuel na tumatama sa balat niya. Natutukso tuloy s
BAHAGYANG umawang sa kabiglaan ang mga labi ni Yza. Napasinghap siya, "why did you do that?"Sa halip na sa sumagot ay kinabig nito ang ulo niya patungo sa matigas nitong dibdib. Yza practically purred like a kitten. Gusto niyang sampalin ang sarili.Mayamaya ay naramdman niyang dumampi ang mainit na mga labi ni Manuel sa kanyang noo at bumaba ang halik a kanyang pisngi hanggang sa umabot iyon sa kanyang mga labi. Nag-alinlangan si za,ngunit sandali angay tumutugon na iya sa halik ng lalaki sa paraan na alam niya.She slid her tounge into his mouth and fenced with his tongue,dahilan para bigla itong mapaungol at tila nasapian na itinulak siya sa backrest ng sofa. Nakasuporta sa likod niya ang isang kamay nito ngunit ang kabila ay abala na sa paglilimayon sa kanyang katawan. Hinimas siya nito sa dibdib,sa braso, sa balakang...At the point, Yza felt his hand reaching between her legs. Doon na siya nag-panic at hinawakan ang kamay ni Manuel bago kumawala sa nakakalangong halik na yo
Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton
“NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel
“HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan
KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal
Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro
Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong
TULOG pa si nang pumasok si Manang Salod at kuhanin si Yuna sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.Si Celine na napadaan sa tapat ng guestroon na pansamantala inuukopa ni Don Hector. Papasok sana ito upang kumustahin ang matandang Sandoval nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Don Hector ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Sandoval. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inaakala iyon. Kumislap ang mga mata nitong maingat na umalis.Pasado alas-nueve na nang magising si Yza. Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya.Mabilis siya lumabas ng veranda at malalaki ang ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumaba ng hagdan.Kinakabahan nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok. Subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa kabilang silid at doon lumabas patungo sa si
“PA, totoo ba ito?” nanginginig ang boses na tanong ni Manuel. Taas baba ang adams apple nito habang nagsasalita. Tila ba pinipigilan nito ang anuman emosyon naramdaman nito.Ngumisi si Don Hector. "Yes, legal and with stamps.”Hindi na nakatiis si Yza na makinig lang sa pinag-uusapan ng mag-ama. Kinuha niya ang documento mula sa pagkakahawak ni Manuel.Ganun na lang paniningkit ng kanyang mga mata ng makita ang nakasulat sa hawak niyang papel. Marriage contract iyon at nakasaad doon na kasal sila ni Manuel. At may pirma rin ni Manuel.Ilang beses siya kukurap-kurap na baka namalik-mata lamang siya. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang nakasulat sa papel na hawak niya. Paanong nangyari na ang pangalan ni Manuel ang nakalagay sa marriage contract at hindi ang pangalan ni Hector. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nanginginig ang buong katawan niya. Sa samu't sari na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Tandang-tanda pa niya ang araw na ikinasal sila ni Hector. Dapat pangalan ni Hector ang
NADATNAN niya inaayos ng private nurse ang dextrose na nakakabit kay Don Hector. Sadyang matigas ang ulo ni Don Hector. Ayaw nito magpa confined sa hospital.Mas gustuhin daw nito na mmalagutan ng hininga sa sariling pamamahay nito.Hindi na lang siya nagpupumilit. Dahil alam niya rin na ang kagustuhan nito ang masusunod.“Kamusta siya?” tanong niya rito sa private nurse. Nakapikit ang mga mata ni Don Hector. “Kakatapos niya lang uminom ng mga gamot niya,” sabi naman ng nurse.“Hija,” anas ni Don Hector, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Kumusta ang pakiramdam mo Hector?” tanong ni Yza, naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan nito.“Im fine,” nagmulat ito ng mga mata. Biglang umaliwalas ang itsura nito ng makita siya.Hindi pa rin siya sanay. Naawa pa rin siya sa matandang Sandoval. Malaki ang binagsak ng katawan ni Don Hector, simula ng naging malubha na ang kalagayan nito.Nagpaskil siya ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto ko makita si Yuna,” sabi ni Don He