Chapter 5
Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito.
Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school.
Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at naghanap pa ng iba. He thought, she is an angel dahil tumagal sila ng isa at kalahating taon bago nila napagdisisyonan na magpakasal. Mahinhin sa panlabas na kilos at anyo ang babae ngunit wild sa kama na siyang dahilan kaya umabot ng lampas dalawang taon ang relasyon nila kasama na ang walong buwan na kasal sila.
Ngunit ang hindi niya alam, na may ibang nagpapaligaya rito kapag nasa serbisyo siya. His whore of an ex-wife was a real wolf, clothes in sheep. Tumatalon sa iba’t-ibang kama ng mga lalaki kapag wala siya. Lumalabas ang totoong kulay kapag sumisigaw na ito sa sarap.
Kahit noong mag-asawa na sila, sigi pa rin ito. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Ibinibigay niya naman ang luho nito at ang oras niya kapag nagbabakasyon siya mula sa serbisyo. Ngunit sadya yatang nakukulangan ang babae sa kanya kaya naghanap ng iba.
At iyon nga, matapos ang anim na buwan nilang pagiging mag-asawa ay mas pinili niyang makipag-hiwalay dito nang mahuli niya itong gumigiling sa ibabaw ng ibang lalaki sa mismong bahay nila—sa mismong kama nilang mag-asawa.
He was in rage, pero pinigil niya ang sarili na bunutin ang baril niya sa tagiliran at pasabugin ang bungo nito at ng lalaki nito. Hindi man lang nito ni-respeto ang bahay at ang master’s bedroom nila.
He managed to calm himself and filed a divorce. Kumuda pa ang ex-wife niya at sinumbatan pa siya tungkol sa pagkukulang niya. Mapagpasensyang inintindi na lang niya ito hanggang sa ma-aprubahan ng korte ang divorce na ni-file niya sa Las Vegas kung saan sila ikinasal.
Gayunpaman, sinigurado niyang walang makukuha ang kanyang ex-wife na kahit isang kusing sa pera at ari-arian niya. Nagreklamo pa iyon ngunit agad din umurong nang bantaan niyang magpa-file din siya ng kasong adultery. At alam na alam nito ang kakayahan niyang makakuha ng sapat na ebidensya para makulong ito sa kasong iyon. He was in military, after all.
At the end, his ex-wife chose to leave him alone and left the country.
At isang linggo nga matapos aprubahan ng korte ang divorce paper nila, inaya siya ni Alejandro na mag-bar. Kasama rin nila ang isa pa nilang kaibigan na si Riguel. The three of them are called bad-ass trio in military school sa batch nila, they always got each other’s back.
At dahil nga malungkot daw siya—at least that was what Alejandro said, ipinasundo siya nito sa driver nito at ipinahatid sa hotel na iyon kung saan may nagaganap na auction. Tinadtad niya ng mura si Alejandro nang tawagan niya ito nang mga oras na nalaman niya kung nasaan siya. Lalo pa siyang na-irita nang marinig niya ang malakas na tawa ni Riguel sa kabilang linya.
Ang rason ni Alejandro ay kailangan daw niyang maglibang. At ang ibig sabihin ng maglibang ay kumuha ng babae at magpakasaya.
His irritation for his two best of friends vanished when his eyes landed on the beautiful young girl. Nineteen or twenty years old, perhaps. She looks innocent and afraid. Na para bang ayaw talaga nitong ibenta ang sarili but she needed to.
Hindi katulad ng mga kasama nitong mga babae sa make-stage na panay ang paganda at pang-aaakit sa mga lalaking naroroon. She saw how the young girl got scared when she saw the old man has the highest bid for her.
Doon na siya gumawa ng aksyon. Suddenly, he felt a strong urge to save the girl and claim her at the same time. It was a fatal attraction at hindi niya iyon kayang salungatin. Inisip niyang tama si Alejandro, na malungkot nga lang siya kaya napagtuonan niya ng pansin ang batang iyon.
But deep inside, it was more than that. Kung talagang gusto niyang makalimot sa ginawa ng kanyang ex-wife sa pamamagitan ng babae, he will surely go to bar, pull some almost naked woman and f*ck her inside the comfort room of the establishment.
After all, siya ang nilalapitan ng mga babae. Alejandro told him that he was the exact replica of his brother—Nexus Almeradez. Masyadong seryoso, mahal ang ngiti at nakaka-intimidang tumingin.
But because of the fact that he spent three million for just one night with that young girl, alam niyang hindi lang iyon dahil sa divorce nila ng kanyang ex-wife.
He was attracted to a girl named Rona.
‘It was Lyzza. Her name is Lyzza, damn it!’ Parang natanga pa siya nang malaman niya ang tunay nitong pangalan kanina. Of course, hindi nito sasabihin ang tunay na pangalan ng gabing iyon.
Hindi nga ba’t may duda na siya ng gabing iyon na hindi nito iyon tunay na pangalan. And now, the girl pretends that she doesn’t know him. It was unacceptable. Lalo pa’t ito ang umukopa sa isip niya mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma.
That morning, four years ago, nakatanggap siya ng tawag mula sa kampo na kailangan na niyang bumalik para sa isang misyon. Kaya wala siyang nagawa kundi iwan ang magandang babae na tulog na tulog sa tabi niya.
But on his way to camp, he was ambushed by the notorious international syndicate na matagal na nilang minamanmanan. He was cornered at kahit sugatan na siya ay nagawa pa rin niyang pasabugin ang ulo ng bawat isang umatake sa kanya.
Iyon nga lang, huli na nang malaman niyang may bombang itinanim sa kotse niya ang mga tarant*do. Segundo na lang ang natitira sa oras nang makita niya iyon. Wala siyang nagawa kundi itapon iyon. Tumilapon pa rin siya sa lakas ng pagsabog at nagising na lang siya sa hospital pagkalipas ng apat na buwan.
Nang maging maayos siya, ipinagbigay alam sa kanya ng driver na inutusan niya na kunin ang babae sa hotel, umalis na raw at hindi na nito naabutan. The hotel management confirmed that the girl leave after thirty-minutes he left. Wala ang pulang sobreng iniwan niya tabi ng lampshade kaya alam niyang nabasa nito ang sulat niya.
But that girl was a real hard-headed. Matigas ang ulo nito at tumanggi na kausapin siya. Dahil doon, mas pinili niya na munang bumalik sa serbisyo at tapusin ang nalalabi niyang mga taon sa military.
He promised to his mother that he will leave the military at the age of thirty-two. And he did. Pagkapos ay ginugol niya ang isang taon para malaman ang pasikot-sikot ng kompanya ng kanyang pamilya.
As their oldest child and only son, responsibilidad niyang pamahalaan ang kompanya sa oras na mag-retire ang kanyang ama sa pagiging chairman nito. Hindi naman pwedeng pabayaan niya ang kanyang nakababatang kapatid na babae.
His little sister is a spoiled brat at alam niyang ayaw na ayaw nitong makulong sa apat na sulok ng opisinang kinaroroonan niya. She will surely get bored to death—at least that was her words.
At ngayon nga na nasa posisyon na siya bilang CEO ng Vesarius Airlines, naghire na siya ng private investigator para ipahanap ang babaeng iyon. But it looks like hindi na niya kailangan magwaldas muli ng pera dahil nakita na niya ito.
“Sir, ano na po ang gagawin sa mga natirang estudyante na nasa labas?” Cleo, his secretary asked while peeking inside his office.
Tinalikuran niya ito at pabagsak na umupo sa swivel chair niya. Sumandig siya roon at kinuha ang sign pen niya.
“Ipasa mo sa HR. I’m done with what I needed to do.”
Wala siyang paki-alam kung abutin ng alas-dose nang madaling araw ang head ng HR sa pag-interview ng mga estudyanteng gustong mag on-the-job training sa kanila.
“Yes, Sir,” masunuring wika nito at maingat na isinara ang pintuan ng kanyang opisina. Sanay na ito sa kanya. He doesn’t need to tell a ton of words para maintindihan nito ang inu-utos niya.
Cleo wouldn’t stay as his secretary for a year if he didn’t know that. He chose his employees very well. He doesn’t need an incompetent one.
Muling natuon ang atensyon niya sa resume ni Lyzza. The woman is smiling in her picture. Maliit lamang na ngiti iyon but the smile gains his attention.
Tinanggal niya sa pagkakadikit ang passport size nitong picture at itinago iyon sa loob ng kanyang drawer. Pagkatapos ay inilagay niya ang resume nito sa tabi, kasama ng tatlo pang naunang in-interview nito.
“ANONG nangyari sa’yo Ate Lyz? Bakit parang nasalo mo lahat ng kamalasan ngayong araw?” tanong sa kanya ni Quincy nang makita siya nito sa cafeteria ng Vesarius Airlines.
Lunch time na nang mga oras na iyon kaya nasa cafeteria sila. Ang totoo, kanina pa siya roon simula nang lumabas siya sa opisina ni Gideon. And that was three hours ago. Nanliliit siya sa sarili at naghihinayang. At oo, masama ang kanyang loob.
Para bang malaking sampal sa kanya ang hindi pagbigay ng pagkakataon sa kanya ni Gideon na maipakita ang kakayahan niya para makapasok siya sa Airlines na pag-aari nito. Vesarius Airlines is a big opportunity of each and every fourth-year tourism student like her.
Pero sadyang mapaglaro talaga ang pagkakataon dahil sa karami-rami ng taong pwedeng maging boss niya kung sakali ay ang lalaki pang may alam sa pinakatago-tago niyang sikreto maliban sa kanyang pamilya at dalawang matalik na kaibigan.
“Wala. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko,” sagot niya dito at pinaglaruan ang straw ng basong walang laman. Pangtatlong baso na niya iyon ng ini-inom niyang juice dahil nakakahiya naman tumambay sa cafeteria ng building kung hindi naman siya nag-o-order.
“Masama? Bakit sumama? Mabuti ka nga nasilayan mo ulit si CEO Vesarius,” anito at inilapag sa harap niya ang dala-dala nitong tray na may lamang pagkain.
Napabuntong-hininga siya ngunit hindi na nagsalita. Kung pwede niya lang sabihin kay Quincy na mismong ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kapag kasi sinabi niya ay magtatanong at magtatanong ito. Dahil kaakibat ng sikreto kung sino ang tunay na ama ni Summer ang dahilan kung bakit siya nabuntis ay nanatiling tikom ang bibig niya.
“At saka, alam mo Ate,” daldal muli nito matapos sumubo ng pagkain. Kahit punong-puno ang bibig ay hindi ito nagpa-awat sa pandadaldal sa kanya. “Iyong mga estudyanteng na-assign kay CEO inilipat din lang sa HR,” bungisngis nito.
“Na-interview ka ba?
Tumango siya at nagnakaw ng fries sa pagkain nito.
“Ang swerte mo,” anito na mas natuon ang atensyon sa kanya. Hindi inintindi na nagnakaw siya ng fries sa pagkain nito. “Eh, iyong mga ambisyosang bruha ng kabilang block, hindi. Akala yata ang swerte nila ngayong araw. Pare-pareho lang kami.” Quincy Mae laughed like she was really happy na napunta rin lang sa HR ang mga tinatarayan nitong mga estudyante na nasa kabilang section.
Minsan talaga, ang m*****a rin ng isang ito.
Gayunpaman, alam niyang mabait ito. Halos lahat kaibigan nito ang mga estudyante ng kanilang unibersidad. Iyon nga lamang, siya ang madalas nitong samahan mula nang bumalik siya sa pag-aaral.
Ang alam niya ay mayaman din ang pamilya ni Quincy, ayon na rin sa kwento nito sa kanya. But because she was a real time rebel of the family, ipinatapon ito ng amang politician sa public university.
At dahil dakilang papansin talaga si Quincy Mae, tuwang-tuwa pa ito na nag-aaral ito sa pampublikong unibersidad. Katwiran nito, masyado raw itong nasasakal sa pressure at standard na ibinibigay ng ama nito nang nag-aaral pa ito sa private school.
“Juice lang ang lunch mo?” tanong nito nang mapansin na wala siyang pinggan o kubyertos sa mesa tanda na wala siyang kinain.
“Busog pa ako, eh. Nabusog ako ng inumin,” sagot niya at tiningnan ito.
Quincy Mae is staring at her—no, staring at her back like she saw a ghost…more on a thing that she really like. Dahil mula sa gulat na ekspresyon ay ngumiti ito ng malaki at halos maghugis puso ang mga mata.
Isa lang ang ibig sabihin niyon, nakakita na naman ito ng magpapaganda sa araw nito. Nilingon niya ang tinitingnan nito at halos mabitawan niya ang fries na isusubo sana niya sa kanyang bibig nang makita niya si Gideon na nakatayo sa likuran niya, ilang metro ang layo sa kanya.
He was standing in the middle of the cafeteria, crossing his arms arrogantly while looking at them—at her. His eyes travel towards their table at napako ang tingin nito sa baso niyang walang laman. Pagkatapos ay bumalik ang tingin sa kanya at tumungo ang mga mata sa labi niya.
Wala sa sariling natago niya ang kanyang mga labi nang sumingit sa isipan niya ang mapangahas na halik na ibinigay nito sa kanya kanina.
Mula sa blanko nitong ekspresyon, nagsalubong ang mga kilay nito at itinaas ang kamay. Sumenyas ito at maya-maya pa ay lumapit dito ang sekretarya nito.
May sinabi si Gideon ngunit hindi niya masyadong naintindihan. Ang narinig niya lang ay ang mga salitang ‘food’ at saka ‘service’.
Isang malalim at tagusan na titig ang muling ibinigay nito sa kanya bago ito tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas ng cafeteria.
“Sh*t!” impit na tili ni Quincy Mae na ikinatingin niya dito. Pagkataposs ay dumukwang ito sa mesa at hinawakan siya sa magkabilang braso. “Umamin ka, Ate Lyz. Bakit ganon ang tingin niya sa ‘yo?” nanunukat nitong tanong, mistulang ini-interogate siya.
“A-Anong tingin?” pagmamaang-maangan niya kahit alam naman niya ang tinutukoy nito. Bigla siyang nabalisa.
“Iyong tingin niya sa ‘yong matiim, madilim at nakakaakit!”
Chapter 6 "Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. “Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa. “Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass. Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya. “You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya. Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti. “Bakit?”
Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.
Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.
Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan.
Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hosp
Chapter 9 (Part 3) Napatanga si Lyzza sa papel na hawak-hawak kung saan nakalagay ang bago niyang schedule. Alas-singko pa lamang nang umaga nang binulahaw siya ni Ms. Helen para sabihing may bago siyang schedule at kailangan na nasa Vesaruis Airlines na siya ng alas-sais dahil maagang aalis ang eroplanong nakatoka sa kanya patungong Davao. At ngayon nga ay nakatanga siya sa papel na hawak-hawak dahil private plane pala iyon at hindi public. Higit sa lahat, super VIP ang nakasakay sa eroplano kaya kailangan talagang maganda ang serbisyo niya. Gusto niyang mapakamot ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang trip ni Ms. Helen kung bakit siya inilagay nito roon? Wala pa nga siyang kahit isang experience sa actual field dahil baguhan pa lang siya at nagte-training. Nasaan ba ang mga senior fli
Chapter 10 (Part 1) Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Gideon nang makita siya nito. She stilled on her feet and unconsciously held the edge of the plane’s door. “Bakit si Sir Gideon ang nandito?” mahinang tanong ni Ian sa kanyang tabi. Ramdam niya ang pagiging unkomportable nito sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito kay CEO Vesarius. His unexpected visit seems made Ian tensed. Mabilis itong bumaba ng hagdan kaya sumunod na rin siya. “Good morning, Sir. The plane is ready,” wika ni Ian at magalang na yumuko sa harap ng lalaki. “Good morning, Sir.” Bahagya na rin siyang yumuko kahit pa naiilang na naman siya sa mg
Chapter 10 (Part 2) “Ubusin mo ‘yan.” He took a sip on his coffee before pulling his eyes back to his tablet. Gayunpaman ay nakikita niya pa rin ito na pasulyap-sulyap sa kanya. She drank the glass of orange juice when he spoke again. “How’s your foot?” “Ayos na po. Hindi na masakit. Nadala ng hilot at cold compress.” “That’s good. You should dispose your old shoes. Itapon mo na kapag dalawang buwan mo ng gamit.” Nasamid siya sa sinabi nito. Dalawang buwan pa lang, papalitan na niya? Aba, kung mayaman siya, may-ari ng factory ng sapatos at walang naghihirap sa mundo, bakit hindi? Pero dahil hindi siya mayaman, walang siyang sariling pagawaan ng sapatos at maraming nagugutom