Share

Chapter 8

Chapter 8

“Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. 

Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. 

“What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. 

 “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.”

“Daddy? Kuya, may anak ka?”

Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito. 

“No—I don’t know.”

“Hala ka, Kuya.” Nag-squat ang babae at pinantayan si Summer at nginitian. “Hi, Baby. What’s your name?”

“Summer po. What about you? We have the same eyes just like daddy,” ngisi nito sa babae.

“Oh my God! Oo nga. Hala ka, Kuya,” pananakot nito sa kapatid na tila natuod sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. “Where’s your mom, Baby Summer?”

Namilog ang mga mata ni Summer, mistulang ngayon pa lang siya naalala ng bulilit. “She’s in bookstore.” Then, she holds Gideon’s hand. “Daddy, let’s go. I’ll tell mommy that I found you.”

Mas lalo siyang napasiksik sa pinagtataguan at kulang na lang ay hilingin niya na bumuka ang sementong kinatatayuan niya at lamunin siya niyon. 

‘Attention to all shoppers. We have a missing three years old little girl. She’s wearing all-pink clothes and was last seen at the National Bookstore on the second floor. Please bring her to the public information office on the first floor near the exit. Her mother is waiting for her. Thank you.”

Muling umere sa buong supermall ang boses na iyon galing sa naglalakihang speaker na nasa mga sulok na bahagi ng mall. 

Mukhang nahulaan na naman ng dalawa na si Summer ang tinutukoy sa announcement na iyon kaya kinarga ito ni Gideon. Mabilis na nagbayad ang babaeng kasama nito at saka lumabas. 

Siya naman ay halos matumba dahil sa panginginig ng kanyang mga binti. Ngayon niya lang din napagtanto sa sarili na kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga. 

“Ma’am, may bibilhin po ba kayo?” sulpot ng isang sales lady sa gilid niya. 

Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan dahil sa gulat. “W-Wala,” naiilang niyang sabi at mabilis na umalis sa kinatatayuan para umiwas sa tingin ng babae na kung tingnan siya ay para bang may gagawin siyang kahina-hinala.

Mabibilis ang kanyang hakbang na pumunta siya sa escalator pababa. Saka pa lamang nag sink-in sa utak niya na kailangan niyang kunin ang anak. 

Palakas ng palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib habang papalapit siya sa public information office. Handa na ba siya na malaman ni Gideon na anak nito si Summer? Handa na ba siya sa komprontasyon?

Hindi niya alam. Basta ang alam niya ay lang ay kabadong-kabado siya at hindi siya makapag-isip ng tama. Lintek na pagkakataon ito, favorite yata siyang surpresahin. 

“Mommy,” matinis ang boses ni Summer nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng public information office. 

Naka-upo ito sa isang Monoblock chair at kumakaway sa kanya. Biglang naglaho ang lahat ng negatibong tumatakbo sa isip niya at ang kabang naramdaman nang makita niya ang anak. Mabilis niya itong tinakbo at mahigpit na niyakap.  

“Mommy, I saw daddy. He’s with his sister. He hugs me po, Mommy like this.” Ipinalibot nito maliliit na kamay sa kanyang katawan. “He was big and strong. He carried me with his one arm only.” Unti-unting napawi ang ngiti nito nang tumingala sa kanya. “But he left with the beautiful girl.”

Ang sabi sa kanya ng babaeng nasa opisina ay ibinilin na lang daw ni Gideon at ng babaeng kasama nito si Summer dahil may biglaang emergency raw ang dalawa. Kung ano iyon ay walang ideya ang babae. Basta raw ay nagmamadali ang mga ito paalis. 

Ramdam niya ang pagiging matamlay ni Summer habang nasa byahe sila pauwi. Sabi kasi nito ay hanapin daw nila ang daddy nito na hindi niya sinagot. Masydong komplikado ang lahat. Hindi pa siya handa sa komprontasyon na mangyayari o kahit pa malaman ni Gideon ang tungkol sa anak nila. 

Sa totoo lang, wala naman talaga siya dapat ikatakot o ikahiya. Kung may pamilya naman na si Gideon, hindi naman siya makikisiksik sa buhay nito. Kaya naman niyang buhayin mag-isa ang anak kaya hindi rin siya aasa sa pantustos na ibibigay nito kung sakali man. It’s not like, she intended to hide Summer. Hindi niya na ito nahagilap pagkatapos nang gabing iyon. Higit sa lahat, isang gabi lang naman ang usapan sa pagitan nilang dalawa. 

Kung gugustuhin man nitong makilala si Summer, she will let him. Subalit hindi nito pwedeng kunin ang anak niya sa kanya. 

Maingat niyang kinarga si Summer nang tumigil ang sinasakyan nilang taxi sa harap ng bahay nila. Nakatulog na ito habang nasa biyahe. Bakas pa rin ang kalungkutan at disappointment sa mukha nito. 

“Akin na, Ate. Ako na ang kakarga,” wika ni Caius sa kanya nang pumasok siya sa pintuan. Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig at kinuha sa kanya si Summer. 

“Salamat. Ilagay ko lang ito sa kusina, ulam natin. Umuwi na ba si Mama?”

“Hindi pa, ‘Te,” sagot nito sa kanya habang pumapanhik sa hagdan. Sandali itong tumigil nang nasa pinakataas na ito. “Ako na lang ang magbabantay mamaya. Patapos na rin naman ako sa project namin. Dito ka na lang.”

“Okay.” Nagluto siya ng pananghalian nila. Kadalasan kasi ay sa tindahan nila kumakain ang ina niya. Sunday is her rest day. Kapag matigas ang ulo nito at gustong magtrabaho sa tindahan kahit linggo ay pinapasara niya talaga kay Caius ang tindahan nila na inire-reklamo sa kanya ng mama niya.

Sabi nito ay sayang daw ng kita. Kaya naman ay pinapalitan niya ito o kaya ni Caius sa tindahan. Ewan ba niya, para kasing hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nito ang nangyari sa kanya apat na taon na ang nakalipas. 

Ate Lyz, ni-forward sa akin ni program director natin ang result galing sa Vesarius Airlines.’ Text sa kanya ni Quincy Mae na ni-replyan niya lang ng simpleng ‘okay’.

Nagpop-up sa notification bar niya na may announcement si Quincy Mae sa group chat ng buong batch ng course nila. Ni-swipe niya iyon paalis at hindi na nag-abala pang tingnan ang resulta na sinasabi ng kaibigab. Para ano pa? 

Magsasayang lang siya ng oras, alam naman niya na hindi kasama ang pangalan niya sa listahan. Ni hindi nga siya binigyan ng CEO ng pagkakataon na ma-interview di ba. 

Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa mga documents na kailangan para sa dalawa pang airlines na napiling pag-OJT-han ng university.  Mapupunta sa dalawang iyon ang mga hindi natanggap sa Vesarius Airline. 

Wala naman problema kung doon siya mag on the job training. Naghihinayang lang siya na hindi siya nakapasok sa Vesarius airlines. Ang ganda sana roon ng future niya dahil may instant trabaho agad pagka-graduate. May allowance rin na ibinibigay sa bawat estudyante na magte-training at ang usap-usapan ay may incentives daw na ibinibigay sa best student na may pinakamagandang performance.

Matapos isalansan ang mga dokumento sa isang folder ay tinabihan niya si Summer sa kama. Niyakap niya ito at hinalikan sa sintido. 

“Bahala na kung makilala ka ng daddy mo, Baby. Gusto mo naman na makasama siya di ba? Ayos lang sa akin. Basta ba hindi ka masasaktan. Ibang usapan kapag sinaktan ka kung sakaling may pamilya man iyon. At mas lalong ibang usapan kapag ilalayo ka niya sa akin.”

She drifted into sleep beside her daughter. 

Humihikab pa siya habang pababa sa hagdan ng kanilang bahay. Wala silang klase ngayong araw dahil ‘on the job training days’ na. Paniguradong walang tao sa mga fourth year classrooms ng university nila. Lalo na ngayon na ang ilan sa mga kaklase niya ay magsisimula na sa Vesarius Airlines. As for those na hindi natanggap, kailangan nilang magpasa ng resume sa dalawa pang natitirang airlines. 

Wala na si Summer dahil nauna na ang baby niya na pumasok sa eskwela. Hinatid ito ni Caius kaya siya na lang ang natira sa bahay nila. 

Humigop siya ng kape habang hinihintay niyang mag-on ang cellphone niyang pinatay kagabi dahil sunod-sunod ang pagnotify sa messenger niya. 

When her phone finally on, sunod-sunod na notification ang pumasok roon. Ngunit mas nangibabaw ang mga notification na galing kay Quincy Mae. 

May sampong missed calls ito at halos dalawampung text message. 

Curious na binuksan niya iyon. Literal na naibuga niya ang kapeng nasa bibig nang mabasa niya kung ano ang text nito sa kanya.

Sent: 8:17 pm

Congratz, ‘Te. Desurve!’

Sent: 9:02 pm

Maaga tayo bukas. Huwag kang pa-late. Kiss mo na rin ako ‘Te kay Baby.’

Sent: 8:30 am

Ate Lyz, nasaan ka na?”

Napalunok siya at natuod sa kinauupuan nang mabasa ang mga text na iyon ni Quincy Mae. Hindi niya pa maintindihan no’ng una kay ini-scroll pa niya ang iba pang text nito.

Sent: 8:45 am

Ginigisa na naman ako ni Prof. Helen. Menopausal talaga ‘to. Ako palaging pinag-iinitan.’

Sent: 9: 03 am

Umalis na kami. Sabi ko kay Prof. Helen, masakit ang tiyan mo kaya hindi ka makakapasok sa first day natin sa Vesarius airlines. Di bale, magse-selfie ako ng marami tapos send ko sa ‘yo.’

Mabilis siyang napatayo sa kinauupuan at tarantang hinanap sa group chat nila ang ni-sent na result ni Quincy Mae nang nagdaang gabi. 

“Sh*t!” bulalas niya nang makita niya ang kanyang pangalan na nasa naka-pwesto sa pinakaunahang hanay ng mga nakapasa. 

Mabilis niyang inubos ang natitirang kape sa kanyang tasa at walang lingon-likod na kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya para kumuha ng damit at twalya. Nagkandamali-mali pa siya sa nakuhang uniform sa tensyon at kakamadali. 

Mag-a-alas dyes y medya na nang umaga, late na late na siya sa unang araw niya sa Vesarius Airline. Di bale, pupuslit na lang siya sa building na iyon at hihingi siya ng back-up ay Quincy Mae. 

It was her fastest five minutes shower and taking her clothes on. Basta na rin lang siyang dumampot ng high heels sa shoe rack at halos magkakandatali-talisod pa siya nang tumakbo siya palabas ng bahay nila. 

‘Parang tanga naman ang secretary na ‘to. Panay ang balik sa lugar namin para itanong kung may dumating pa bang ibang intern.’

Mabilis siyang nagtipa ng reply kay Quincy Mae na nagsasabing papasok siya at papatusin niya ang idinahilan nito sa professor nila. 

Nang tumigil ang jeep na sinasakyan niya sa harap ng palikong daan patungong Airline ay agad siyang bumaba. 

“Ikaw pala, Ma’am,” bati sa kanya ng isang Lady Guard nang sa wakas ay narating niya na rin ang malaking gate ng compound. 

“A-Ate,” hingal niya at itinaas ang student ID. “Intern po, nahuli lang.”

“Pasok na, Ma’am. Kanina ka pa po itinembre ni Sir Cleo.”

“Ho?” Napatanga siya at gustong magtanong kung sino si Cleo. 

Nagtataka lang kasi siya dahil ang alam niya ay mahigpit ang security sa lugar na iyon. Marami rin CCTV camera sa paligid at may mga gwardiya sa di-kalayuan maliban pa sa tatlong security guard sa gate.

Gayunpaman, mas pinili na lang niyang ignorahin ang sinabi ng babae. Baka gumawa ng paraan ang maasahan na president ng block nila. 

Ang mga taong halos hindi mapuknat ang tingin sa ginagawa ang unang sumalubong sa kanya nang makapasok siya sa mismong building. Iilan lang ang kuryusong tumingin sa gawi niya, nagtataka kung saang baul ba siya kumuha ng lakas ng loob na pumasok ng ganong oras. Ke bagu-bago pa lang niya at intern lang ng kompanya. 

“Yes?” nakangiting tanong ng babae sa kanya sa reception area.

“Hi! I am one of the interns. Itatanong ko lang po kung nasaan ang mga kasama ko?”

Itinuro siya nito sa second-floor ng building. Nakita niya si Quincy Mae na kinakawayan siya mula sa isang pinto. Nahihiya siyang yumuko nang nagsilingunan ang mga ka-block mates niya. Mabuti na lang at orientation pa lang kung ano ang mga gagawin nila at kung saan sila nakatoka. 

Sasama na rin kasi sila sa ilang local flights.

Ilang beses niyang nakitang nagpapabalik-balik ang secretary ni CEO Vesarius. Wala naman itong sinasabi. Basta sumisilip lang sa kanila habang may kausap sa cellphone nito o kaya naman ay nagte-text, at aalis na. 

May schedule na siya ng flight niya nang pauwiin na sila ni Ms. Helen na siyang nag-orient sa kanila. Isa ito sa mga senior flight attendant ng airlines. Mabait ang babae at palangiti. Magaling din magbigay ng instruction. Hindi sila nahirapan intindihin kung ano ang mga dapat nilang gawin bukas na nasa actual field na sila. 

“Ate Lyz, sabay ka na ba sa amin o magco-commute ka?” tanong ni Quincy Mae sa kanya habang naglalakad sila palabas ng building. 

“Magco-commute na lang ako. Di ba uuwi ka sa bahay niyo?”

“Kung pwede nga lang na hindi, hindi ako uuwi don, eh,” irap nito at humalukipkip.

“Umuwi ka na do’n tapos kapag umiyak ka, balik ka sa apartment mo o kaya pumunta ka sa bahay.”

Nang tumango ito ay nagpaalam na siyang aalis. Dahil mayaman ang pamilya ni Quincy, may tagasundo ito kapag umuuwi ito sa bahay ng mga magulang nito. 

Bahagya niyang pinakiramdaman ang kanyang suot na high heels shoes habang naglalakad sa sementadong espasyo ng compound patungo sa main gate ng building. Sa kakamadali kanina ay mali ang nadampot niya. Luma na ang sapatos na nakuha niya. Noong isang taon pa yata niya huling ginamit iyon at pudpod na ang takong. 

“Ay!” Napatili siya at literal na napatalon nang bigla na lang may bumusina sa tabi niya. 

Nasapo niya ang dibdib sa gulat at tiningnan ang sasakyan na nasa harap niya. Hindi na siya gumawa ng kahit anong reaksyon pa at tumabi na lang. Baka kung sino ito, mahirap na. 

Hinintay niyang umusad ang sasakyan, subalit nanatili lamang iyon sa pwesto nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid para agad siyang makatakbo at makahingi ng tulong sa mga kaklase niyang naglalakad din sa di-kalayuan kung sakali man na may gawing masama sa kanya ang taong nasa loob ng kotse. 

Nang hindi pa gumalaw ang sasakyan ay tumalikod na siya at naglakad. That’s when the man inside the car gets out from his vehicle. 

Natigilan siya nang masalubong niya ang mata ng taong iyon. His deep brown eyes look at her and she couldn’t help but to felt awkward all of a sudden. Hindi niya alam kung saan ba siya naa-awkwardan, sa titig ba nitong tagusan o sa katotohanan na may isang gabing alaala sila, apat na taon na ang nakalilipas. 

She pinched her hand before walking towards Gideon. Tumayo siya sa harapan nito at binigyan ng maliit na ngiti. 

“Thank you for giving me a chance to work in here, Sir,” wika niya at bahagya pang yumuko. 

Binabawi niya na ang mga murang natanggap nito sa isipan niya.

“How’s your first day?” buong-buo ang boses nitong tanong. Nakakaintimida!

“Okay lang po. We will—”

“I told you to cut the ‘po’.”

“It would make me disres—”

“Who cares?” Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol na naman nito ang sinasabi niya. “You should only care on what I am saying, Ms. Pacammara.”

“Pero po…”

“I’m your boss. I don’t want to hear you saying ‘po’ or ‘opo’ when you are talking to me.”

Hindi niya alam kung ano ang trip nito sa buhay kaya tumango na lang siya. Sigurado naman siya na hindi sila palaging magkikita nito. With her flights on the following days, hindi niya ito makikita. 

“Sige,” aniya kahit naa-awkwardan siya. “Uuwi na ako. Thank you ulit, Sir.”

Hindi ito sumagot sa kanya bagkus ay tinitigan lang siya. Nang mapagtanto niyang wala itong sasabihin ay muli niya itong binigyan ng maliit na ngiti at humakbang para sana lampasan ito. 

“Ay!” Napatili siya nang bigla na lang bumigay ang takong ng kanyang sapatos.

Maliksing napakapit ang kanyang kamay sa necktie na suot ni Gideon. Dahil sa pagkabigla, hindi napaghandaan ni Gideon ang ginawa niya at nahila niya ito pababa. 

Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes nito at agad na napakapit sa pintuan ng kotse. Mistula lang siyang unggoy na naglambitin sa necktie nito ara hindi tuluyang maplakda ang kanyang mukha sa sahig. 

He slightly bended while she was gripping her necktie, almost dragging him to the floor.

Tarantang binitawan niya ang necktie nito at namimilog ang mga matang umayos ng tayo sa harap ng lalaki.

“Sorry po. Sorry, hindi ko sinasadya.” Mabilis siyang ilang beses na yumuko rito.

“Next time, you should be careful.”

“Opo, sorry.”

Hindi siya nito inimikan bagkus ay tipid lamang itong tumango at tiningnan lang siya. Dumako ang mga mata nito sa paa niya at sa lintek niyang sapatos na siguradong tatadtarin niya pagkarating niya sa bahay.

“Does it hurt?”

Mabilis siyang umiling at itinago ang kaliwang paa sa likod ng kanan. P*****a, oo masakit! Nagka-sprain yata siya. 

Ayaw niya lang ipakita kay Gideon. Mukha na nga siyang tanga sa harap nito kanina, dadagdagan pa ba niya ang kahihiyan niya?

“Hindi po, Sir.” Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiwi. Pasikreto niyang sinamaan ng tingin ang putol na takong ng heels niya na nasa sahig. 

“I said cut the ‘po’.” Bakit ba ang dominante ng lalaking ito? At bakit ba hindi pa ito umaalis?

Can he just leave her alone? Gusto na niyang ngumiwi at umuwi. Mumurahin pa niya ang takong ng sapatos niya. 

“Hindi, Sir.”

Tipid itong tumango at saka pumasok na sa loob ng kotse nito. Gusto niyang magdiwang nang makitang umupo ito sa passenger seat at isinara ang pinto ng kotse.

His tinted window rolled down. “Move aside.”

Inihakbang niya ang kanyang paa, pigil na pigil ang sariling mapangiwi. 

“Aray ko!” Hindi nakisama ang bibig niya sa iniisip nang sumigid ang kirot.

Muling bumukas ang pinto ng kotse ni Gideon. Bago pa niya malingon ito ay bigla na lang siyang parang sakong umangat sa ere at walang sabi-sabing isinakay siya nito sa loob ng kotse nito. 

Mga Comments (3688)
goodnovel comment avatar
Mary Jean Delfin Paparon
pa unlock nman po
goodnovel comment avatar
Lane Gajonera Ganancial
pa unlock pls
goodnovel comment avatar
Charzel Jewel
Pa. Unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status