Thank you so much sa lahat ng nagbasa!!!
Chapter 1 Suot ang maikling palda at crop top na hindi umabot sa kanyang pusod, lumabas si Lyzza sa dressing room na pinagamit sa kanya ni Danielle. Pilit niyang hinihila pababa ang suot niyang maong na palda dahil halos makita na ang suot niyang panty sa sobrang ikli niyon. Napatigil lamang siya sa kanyang ginagawa nang may tumampal sa kanyang kamay. “Huwag mo ng hilahin, masisira ‘yan,” nakabusangot ang mukha ni Danielle nang sabihin iyon. Ngumunguya pa ito ng bubble gum nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumilay ang ngisi sa labi nito nang tuluyan siyang mapagmasdan. “’Yan. Sabi ko na, hindi talaga ako nagkamali ng pagkilatis sa ‘yo.”
Chapter 2 Four Years Later “Nasaan si Mama?” tanong ni Lyzza sa nakababatang kapatid pagkababa niya ng hagdanan ng kanilang bahay. “Nauna na sa tindahan. May aasikasuhin daw kasi siyang mga listahan,” sagot nito sa kanya at tumayo mula sa pakaka-upo sa sofa nila. “Aalis na tayo, Ate?” tanong nito sa kanya. Tumango siya matapos makita sa suot-suot niyang mumurahing relo na malapit nang mag-alas-syete ng umaga. “Oo, Cai,” sagot niya sa trese-anyos na kapatid at inipon ang buhok par
Chapter 3 Masakit na ang mga paa ni Lyzza nang makarating siya sa bahay nila. Four inches kasi ang taas ng takong na kanyang suot-suot na sapatos. Ni-require sila na magsuot niyon para daw masanay sila kapag nasa field training na sila. Pasado alas-sais na nang gabi nang maka-uwi siya sa bahay nila. Nagkaroon pa kasi sila ng orientation para sa interview nila sa Vesarius airlines next week. Alas-singko na iyon natapos, at dahil rush hour na, na-stuck pa siya sa traffic. “Mommy,” masiglang bati sa kanya ni Summer nang hubarin niya ang kanyang suot na sapatos at ilagay iyon sa shoe rack nila na nasa likuran ng pintuan.
Chapter 4 Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok. Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat. “Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building. “We will divide you in to two gr
Chapter 5 Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito. Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school. Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at na
Chapter 6 "Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. “Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa. “Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass. Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya. “You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya. Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti. “Bakit?”
Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.
Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.