Share

Chapter 7

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2021-08-05 23:35:07

Chapter 7

“Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design.

            Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. 

            “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.

            “Yes po,” tango nito. “But I like that pink pencil case, Mommy. It’s so beautiful.” Her daughter even slightly pouts her lips and gives her puppy eyes.

            Now, can someone tell her how can she resist this cute little devil in front of her?

            Gayunpaman, mas nanaig sa kanya ang pagiging ina na kailangan disiplinahin ang anak. Nameywang siya at tinaasan ito ng kilay. “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Summer,” aniya na ikinayuko nito.

            Summer played with his fingers tanda na kinakabahan ito at nag-iisip. Nang muli itong tumingala sa kanya, ay nangingilid na ang luha sa mga mata nito at yumakap sa isa niyang binti.

            “Sorry, Mommy,” mahina nitong wika at isinubsob ang mukha sa kanyang hita.

            Napahinga siya nang malalim at kinarga ang anak. Nasa tagong bahagi sila ng National Book Store kaya hindi sila masyadong nakaka-agaw ng pansin. May bibilhin din kasi siya para sa eskwela kaya pumasok siya roon.

            “Okay, anong ipapalit mo?” tanong niya nang magkapantay na sila.

            “My stickers, Mommy,” sagot nito sa kanya. “I won’t ask Tito Cai to buy me stickers tomorrow.”

            Bahagya siyang natigilan. She knows how much her daughter like those personalized stickers. Mukhang mas gusto na nito ngayon ang pencil case na itinuro nito kanina.

            “Okay. Pero isa lang, ha?! Huwag ng magtuturo, deal?!”

            Nakangiting tumango ang anak. “Thank you, Mommy,” she said sweetly as she gave her a peck on her cheek.

            Agad naman siyang nanlambot dahil sa sweet gesture na iyon ng kanyang anak. Summer is such a sweet baby. Natural ang pagiging malambing lalo na sa kanya, kahit pa minsan ay ang arte-arte nito.

            “Sige, kuha tayo ng isa.” Ibinaba niya ang anak at lumapit siya sa estante kung saan naka-display ang mga pencil case. “Ito ba, Baby girl?” tanong niya.

            “Yes, Mommy.”

            Kaya naman pala gusto ng anak niya dahil kulay pink ang kulay niyon at higit sa lahat ay barbie ang display niyon na nakapang-military uniform in a fashionista way.

            Kinuha niya na rin ang mga gamit na kailangan niya bago sila naglakad ni Summer patungo sa counter.

            “Baby, upo ka muna dito ha,” wika niya nang makitang mahaba ang pila sa counter. Baka kasi mangalay ito sa kakatayo. Wala pa naman itong pasensya minsan, mabilis mainip.

            “Yes, Mommy. I’ll behave po,” ngiti nito sa kanya at tiningan ang iba pang bata na naka-upo rin sa bench na kinauupuan nito.

            Bumalik siya sa pagkakapila sa may counter habang pana-panakang sinusulyapan niya si Summer na naka-upo lang habang nakikipag-usap sa ibang bata.

            Summer gave her a flying kiss nang makita siya nitong nakatingin. Nagflying kiss din siya na ikinahagikhik ng anak. Natawa rin siya at kinuha sa dalang shoulder bag ang kanyang pitaka dahil siya na ang nasa tapat ng cashier.

            “Three hundred forty-eight, Ma’am,” wika ng cashier sa kanya. She pulls out a five-hundred-peso bill and hands it to the cashier.

            Nang makuha niya ang resibo at pinamili ay umalis na siya sa pila at tiningnan ang kinaroroonan ng anak.

            Ngunit namutla siya nang makitang wala sa dating kinauupuan si Summer.

            “Summer,” kabadong tawag niya at naglakad patungo sa direksyon ng mga bata. “Nakita mo ba si Summer?” tanong niya sa batang nakita niyang kausap ng anak kanina.

            “Ms., anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ng babaeng ina ng bata.

            “T-Tinatanong ko lang kung saan pumunta ang anak ko?” wika niya. “Siya kasi ang ka-usap kanina.”

            “She went outside,” tinuro ng bata ang pintuan. “She said she saw her dad outside.”

            Agad siyang napatayo at hindi na niya nagawang makapagpasalamat sa dalawa dahil bumangon ang takot sa kanyang dibdib para sa anak.

            Sinong daddy ang tinatawag nito? Baka kung kanino lang ito sumunod at nawala.

            “Oh my God,” mahina niyang usal habang palingon-lingon sa paligid. “Where are you baby?”

            Litong napahakbang siya pakaliwa. Walang paki-alam kung nabubunggo niya ang mga tao na naglalakad pasalubong sa kanya.

            “Summer, Baby,” tawag niya. Hinawakan niya sa braso ang lalaking nakasandal sa railing ng mall habang nagce-cellphone. “Sir, may nakita po ba kayong bata na nasa three years old lang ang edad. Tapos kulay pink ang damit niya.”

            “Naku, sorry, Miss. Hindi ko napansin, eh,” sagot nito sa kanya.

            Nagtanong din siya sa iba pang nakakasalubong niya. Ngunit katulad ng nauna ay hindi rin daw napansin ng mga ito.

            “I-inform ko po Ma’am sa information kiosk at central management para mahanap ang anak niyo,” wika sa kanya ng guard na napagtanungan niya.

            “Salamat.” Tumango ito at ini-radyo ang sitwasyon.

            Binilinan siya nitong maupo muna para kapag nahanap na ang kanyang anak ay madali lang niyang mapupuntahan. Gustuhin man niyang gawin iyon, ay hindi siya mapakali sa kinauupuan. Hindi niya maatim na naka-upo lamang siya roon habang nawawala ang baby niya.

            Tumayo siya at muling naglakad para hanapin si Summer.

            “Summer, baby.” Narinig niya ang pag-ere ng boses sa boung gusali na ipinagbibigay-alam ang pagkakikilanlan ng kanyang anak.

            Napatigil siya sa paghakbang nang mahagip nang kanyang paningin ang kulay pink na damit ni Summer. Nasa loob ito ng isang boutique habang nakatingala sa dalawang tao.

            Bumuka ang labi ng kanyang anak kaya alam niyang nakikipag-usap ito. But what caught her attention is the man in front of her daughter.

            Wala sa loob na napatago siya sa likod ng isang poste nang makilala niya kung sino iyon. It was no other than Gideon Vesarius. Her daughter’s unknown father.

            “KUYA, sasamahan mo lang naman ako sa mall. Saka isang bag lang naman iyon, sige na,” Carollette, his little sister whined at him like a child. Niyugyog pa nito ang kanyang braso at kulang na lang ay maglambitin doon habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair.

            “I have tons of works, Rolle. Ikaw na lang. Magpasama ka kay Manong Tiburcio,” mahinahon niyang wika na ang tinutukoy ay ang family driver nila, habang panay buklat ng mga papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. He is in his office even it was Sunday. Kailangan na kasi niyang matapos na pirmahan ang mga papeles bago maglunes para makapagsimula na ng construction ang bagong pinapatayo niyang airlines sa Bicol.

            “Sige na, Kuya. Sandali lang naman at saka Sunday ngayon. Di ba dapat wala kang pasok ngayon,” kulit pa nito sa kanya.

            “No. I need to finish this paper. Alam mong matagal ng gusto ni Dad na magkaroon tayo ng paliparan sa Camarines Sur.”

            Masama ang loob na binitawan ni Carollete ang kanyang braso at nagdadabog na naglakad papunta sa harapan ng mesa niya.

            “Just go by yourself. I’m sorry, hindi kita masasamhan ngayon.” Ibinaba niya ang ballpen na hawak at tiningnan ito.

            Inirapan siya nito at humalukipkip. “Ganyan ka naman palagi.” Namasa ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Sabi mo sa akin, babawi ka kapag wala ka na sa military. Tapos ngayon, ang busy mo naman sa kompanya. You don’t keep your promises. Ang dami mo na ngang utang na time sa akin.”

He heard her sniff kaya napahilamos siya ng kanyang mukha. Talunang inayos niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at itinago iyon sa vault na nasa ilalim ng kanyang mesa.

“Fine, let’s go,” wika niya na ikinatingin ng kapatid sa kanya.

“Sabi mo, marami kang trabaho,” tampo nito.

“That could wait, come on.” Makulit na natago nito ang bibig para pigilan ang ngiti nito.

“Huwag ka ng magtampo diyan. You always know how to make me say yes.”

“Syempre naman!” Bumungisngis ito at kumapit sa braso niya nang nagsimula silang maglakad palabas ng opisina niya.

Him, as her one and older brother spoiled this brat. Nagtampo ito sa kanya noon nang sabihin niyang papasok siya sa military. But he promised to her na madalas niya itong dadalawin na madalas din na hindi niya natutupad.

Kaya ngayong wala na siya sa serbisyo, palagi nitong pinapaalala sa kanya ang mga nabali niyang pangako rito.

“That Wayla Shane thinks that her boyfriend is really into her. She doesn’t know that he was also trying to get into my pants,” kwento sa kanya ng kapatid nang nakapasok na sila sa loob ng mall.

“He’s courting you?” interoga niya.

Natawa ng pagak si Carollete. “No, more on ‘nagpapahangin’. Puro naman siya kayabangan. At saka, duh! Ayaw ko sa cheater.” The brat rolled her eyes and put her left cheek against his arm. “Kaya lang Kuya, nabi-bwisit na ako sa kanya. Ang kulit, eh.”

Natigil siya sa paglalakad at nilingon ang kapatid. Salubong ang kanyang kilay at nawalan ng emosyon ang kanyang mukha.

“Does he scare you? Doing something wrong or something that you don’t like and out of the line?” striktong tanong niya, handang hanapin ang kung sino mang ponciopilatong iyon na tinutukoy ng kapatid niya.

Hinding-hindi siya magdadalawang isip na basagin ang mukha gamit lamang ang kanyang kamao kung sakali man na may hindi magandang gawin ang lalaking iyon.

“Ano ka ba, Kuya? Hindi niya ako tinatakot o sinasaktan. Saka subukan niya lang, babalian ko agad siya. Nag-aral kaya ako ng martial arts,” bida nito at ni-flip pa ang buhok.

Kumalma ang sistema niya matapos makasigurong wala ngang ginagawang masama ang lalaking iyon sa kapatid. Nang tumuntong ng kinse si Carollete, siniguro niya na marunong ito ng martial arts to protect herself. He asked one of his buddies in military na may-ari ng gym at martial art school, na personal na turuan ang kanyang kapatid.

            “That’s the boutique,” halos patili nitong wika at itinuro ang isang tindahan ng mga bag. Parang batang hinila siya nito papunta sa loob.

            Bumitaw ito mula sa pagkakahawak sa kanyang braso at kulang na lang ay tumalon-talon ito na parang bata. Nagpa-assist si Carollete sa isang staff para kunin mula sa pagkaka-display ang bag na kinukulit nito sa kanya.

            Habang siya naman ay napa-iling at tinungo ang couch na naroroon para maghintay. Ngunit bago pa man niya mailapat ang pang-upo sa malambot na couch, ay may humigit sa laylayan ng suot niyang longsleeve.

            “Daddy,” wika ng isang bata na nakatingala sa kanya. The little girl is wearing all pink clothes. Pink ang damit, pink na leggings at pink din maging ang suot nitong doll shoes. Hula niya ay tatlong gulang na ito.

            The little girl has a cute nose and slightly chubby cheeks that made her adorable. Maganda rin ang mga mata nito. Mahahaba at mapipilantik ang mga pilik-mata na bumagay sa kulay brown nitong mga mata. Brown orbs just like him and Carollete. At higit sa lahat, ang ngiti nito ay pamilyar sa kanya. It was stuck in his mind pero hindi niya alam kung kanino.

            “Daddy,” tawag ulit nito habang nakangiti ng malaki. Halos kumislap ang mga mata nito.

            “Hello, Little girl,” wika niya at nginitian ito. Tuluyan na siyang lumuhod sa harap nito at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Tinitigan niya ang mukha nito at hindi niya alam kung bakit parang may kung anong nag-uudyok sa kanya na yakapin ito. Dangan lamang, nag-aalala siya na baka matakot ito sa kanya.

            Ngunit hindi na niya kailangan mag-aalala at pigilan ang sarili dahil ito na mismo ang yumakap sa kanya.

            “Daddy, you are really here. I missed you so much,” malambing na wika ng bata sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ng mga maliliit nitong bisig sa palibot sa kanyang batok.

            Tila may humaplos sa kanyang puso dahil sa boses at ginawa ng batang iyon. He found herself hugging back the little girl. And at that very moment, he felt at peace. Na para bang may kulang sa kanya na biglang napunuan.

            His head moves and his lips kiss the little girl’s forehead, unconsciously…

Comments (73)
goodnovel comment avatar
Mario Andal
nagkita na ang mag_ama
goodnovel comment avatar
Marissa Ramirez Mapua
wow , nagkita ang mag ama.
goodnovel comment avatar
Zenna Guirena Malabanan
wow . Ganda Ng kwento.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Night with Gideon   Chapter 8

    Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.

    Last Updated : 2021-08-10
  • A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 1)

    Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan.

    Last Updated : 2021-12-04
  • A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 2)

    Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hosp

    Last Updated : 2021-12-04
  • A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 3)

    Chapter 9 (Part 3) Napatanga si Lyzza sa papel na hawak-hawak kung saan nakalagay ang bago niyang schedule. Alas-singko pa lamang nang umaga nang binulahaw siya ni Ms. Helen para sabihing may bago siyang schedule at kailangan na nasa Vesaruis Airlines na siya ng alas-sais dahil maagang aalis ang eroplanong nakatoka sa kanya patungong Davao. At ngayon nga ay nakatanga siya sa papel na hawak-hawak dahil private plane pala iyon at hindi public. Higit sa lahat, super VIP ang nakasakay sa eroplano kaya kailangan talagang maganda ang serbisyo niya. Gusto niyang mapakamot ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang trip ni Ms. Helen kung bakit siya inilagay nito roon? Wala pa nga siyang kahit isang experience sa actual field dahil baguhan pa lang siya at nagte-training. Nasaan ba ang mga senior fli

    Last Updated : 2021-12-04
  • A Night with Gideon   Chapter 10 (Part 1)

    Chapter 10 (Part 1) Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Gideon nang makita siya nito. She stilled on her feet and unconsciously held the edge of the plane’s door. “Bakit si Sir Gideon ang nandito?” mahinang tanong ni Ian sa kanyang tabi. Ramdam niya ang pagiging unkomportable nito sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito kay CEO Vesarius. His unexpected visit seems made Ian tensed. Mabilis itong bumaba ng hagdan kaya sumunod na rin siya. “Good morning, Sir. The plane is ready,” wika ni Ian at magalang na yumuko sa harap ng lalaki. “Good morning, Sir.” Bahagya na rin siyang yumuko kahit pa naiilang na naman siya sa mg

    Last Updated : 2021-12-05
  • A Night with Gideon   Chapter 10 (Part 2)

    Chapter 10 (Part 2) “Ubusin mo ‘yan.” He took a sip on his coffee before pulling his eyes back to his tablet. Gayunpaman ay nakikita niya pa rin ito na pasulyap-sulyap sa kanya. She drank the glass of orange juice when he spoke again. “How’s your foot?” “Ayos na po. Hindi na masakit. Nadala ng hilot at cold compress.” “That’s good. You should dispose your old shoes. Itapon mo na kapag dalawang buwan mo ng gamit.” Nasamid siya sa sinabi nito. Dalawang buwan pa lang, papalitan na niya? Aba, kung mayaman siya, may-ari ng factory ng sapatos at walang naghihirap sa mundo, bakit hindi? Pero dahil hindi siya mayaman, walang siyang sariling pagawaan ng sapatos at maraming nagugutom

    Last Updated : 2021-12-05
  • A Night with Gideon   Chapter 10 (Part 3)

    Chapter 10 (Part 3) Nang tuluyan silang makalabas sa paliparan at binabaybay ang highway, pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Hindi lang pala siya! Maging ito rin ay panay rin ang sulyap sa kanya. Isang beses na nagkasabayan sila ng tingin sa isa’t isa ay namula ang kanyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil nahuli siyang nakatingin dito. Eh, ano ngayon? Di ba, tingin din ito ng tingin sa kanya. Mas mabuti pa nga siya at patago lang. Ito kasi ay titig talaga kung titig. Hindi man lang ba ito marunong makiramdam na naiilang siya sa mga titig nitong tagusan? Pakiramdam niya tuloy ay pati kaluluwa niya ay nababasa nito. Muli na naman niyang inamin sa sarili kung gaano ka-gwapo si Gideon Vesarius. Pinagpala ang lalaki—sa lahat lahat! Ilang minuto lang ang nakalipas, iniliko ni Gideon sa isang driveway ng hotel ang kotse nito. Nasa bungad pa lamang sila ay kitang-kita na niya ang malaking pangalan ng lugar. Almeradez Hotel ang nabuo ng mga l

    Last Updated : 2021-12-06
  • A Night with Gideon   Chapter 11 (Part 1)

    Chapter 11 (Part 1) Umawang ang kanyang mga labi sa gulat nang makitang magkasalubong ang mga kilay na in-end ni Gideon ang tawag at matalim siyang tiningnan na para bang may ginawa siyang kasalan dito. “Akin na ‘yan!” Tinangka niyang agawin ang kanyang cellphone mula rito. Ngunit, dahil sadyang tarantado si Gideon, inilayo pa nito iyon sa kanya. “Ibalik mo ‘yan. Hindi naman ‘yan sa ‘yo.” Pilit niyang inaagaw ang cellphone niya rito na panay naman ang layo nito sa kanya. At dahil matangkad ito at malaki ang katawan ay mistula siyang batang paslit na halos maglambitin sa katawan nito. “Boss, akin na!” Kulang na lang ay pumadyak siya sa inis at halos tadyakan ang lalaki.

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • A Night with Gideon   Bonus Chapter: Summer Vesarius

    BONUS CHAPTER: SUMMER VESARIUS (Another sneak peek for Summer Vesarius’ story of Second Generation) It was their wedding anniversary. Ilang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Ilang raw niya ring pinagplanuhan ang candle light dinner para sa celebration ng first wedding anniversary nila. Subalit, halos makapangalahati na niya ang wine, wala pa rin Giovanni na sumusulpot sa harap niya. Her husband promised he will come. Akala niya ay ayos na silang dalawa ngunit nasaan ito? Ilang beses niya ng tinawagan si Ivanovich ngunit walang sumasagot. No’ng una ay sinabing male-late ito ng ilang minuto. Tinanggap niya ang dahilan na iyon. Giovanni never really loved her. Siya lang naman itong habol nang habol sa lalaki. She even stalked him! Nagpakasal lang naman sila dahil sa daddy niya. Oh, her dad who loves her so much! Naabutan sila nito sa kama matapos ang isang gabing p

  • A Night with Gideon   Bonus Chapter: A Night with Gideon

    BONUS CHAPTER: A NIGHT WITH GIDEON (Honeymoon) She groaned when Gideon’s mouth created lines at the side of her neck. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. “Gideon, I’m sore.” She heard him chuckled and continue kissing her bare back. Ang mainit at may kagaspangan nitong kamay ay humaplos sa kanyang baywang. Nawala ang pagkakasubsob niya sa unan nang hilahin siya nito. Tinigilan na nito ang pagh alik sa kanya kaya humarap siya sa asawa. “Good morning,” namamaos ang boses nitong malalim. “’morning.” Kusa niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa. “Strawberry, your breast is tempting me.” Mas idiniin pa niya ang dalawang bundok na pinangigilan ni Gideon kanina. Umungol ito kasabay ng pagpisil sa kanyang baywang. “You’re sore and yet you’re being a tease.” Humagikhik siya at pa-cute na tiningnan ito. “Sorry, Sir. Kasalanan mo naman. Kapa

  • A Night with Gideon   Bonus Chapter: The CEO's Spoiled Wife

    BONUS CHAPTER: THE CEO’S SPOILED WIFE “Daddy, look me,” ngising-ngisi ang tatlong taong gulang na si Jermanine Cathleen nang sinalubong siya nito sa living room. “What happened to you, Baby Kat?” Puputi na talaga ang buhok ni Alejandro sa pinaggagawa ng bunso niya. Kalat-kalat ang nakapahid na lipstick nito sa lips na umabot na hanggang pisngi. May bahid din ng powder ang pisngi. “Dydy, petty me.” Proud na proud pang inilagay nito ang likod ng palad sa kaliwang pisngi. Umuklo siya para maabot ang bulilit. “You look like a clown, Baby.” Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa bibig ni Katkat gamit ang hinlalaki. Subalit, natigilan siya nang mapansing papangiwi na ang bibig nito. Nang bumuka na ang bibig nito, nataranta na siya. “Sh!t, I’m sorry.” Mas umatungal ng iyak si Katkat at nagpapalag sa yakap niya. “Not me clown naman pu. Bad, Daddy. Petty m

  • A Night with Gideon   Extra Chapter 2

    EXTRA CHAPTER 2: EL GRECO—LASKARIS NUPTIAL “Daddy, alive po si Lolo ko? I though he’s dead.” Hinigit-higit ni Amber ang laylayan ng kanyang damit habang ang mga inosenteng mata ay nakatingala sa kanya. “Your Lolo is alive because he’s a good man.” “If dead na ba, pwede pang maging alive?” Mahina siyang tumwa at inabot ng kanyang bibig ang tuktok ng ulo ni Amber para patakan ito ng h alik doon. “No, Baby. Your Lolo is not dead.” “Is it a joke lang po? But Mommy and I cried. So ugly naman ng joke. I don’t like that joke.” Inayos niya ang pagkakahawak kay Raegan bago hinarap ang panganay. “It calls white lies, Baby. We are lying for good reasons.” Lumabi si Amber at tumingala na parang nag-iisip. Kapagkuwan ay muli nitong ibinaling ang tingin kay Chelary at Luigi na nag-uusap sa dalampasigan. “Why Mommy is crying now?” “Because she’s happy. Tears of joy,” mapagpasensya

  • A Night with Gideon   Extra Chapter 1

    EXTRA CHAPTER 1: DINNER AT NORTHSHIRE Northshire village is peaceful. Iyon ang napansin ni Chelary nang ipinasok ni Riguel ang kotse nito sa malaking tarangkahan. Marami pa ring puno kahit hindi niya na mabilang kung ilang establisyemento na ba ang nakatayo. Nang unang beses niyang makapunta sa bahay nina Jenza, wala pang village roon. Tanging malaking mansyon pa lamang ng pamilyang Weinstein ang nakatayo sa malawak na lupain. Almost three fourth of the Northshire Land is owned by the Weinstein Family. Cale Ivanovich and his wife decided to make a village since their cousin—Funtellions wants to live near them. Funtellion and Rocc’s were the one of the pioneers in the village. Hanggang sa marami ng nagkainteres katulad nina Vesarius, Almeradez at Ralvan. “You okay there, my Love?” malumanay niyang tanong sa anak sa backseat. Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Aaway ba ako ni Su

  • A Night with Gideon   Special Chapter

    SPECIAL CHAPTER(A sneak peek of Amber El Greco’s Story of Second Generation) “Who are you?” takang tanong ni Amber sa lalaking nakaupo sa harap ng pinto ng kanyang dormitory. Mula sa pagkakayuko nito, gulat ang mga matang napatayo. A nerd—braces, oily skin, pimples… He seems familiar to her. Nanginginig ang kamay na inabot sa kanya nito ang dalang palumpon ng bulaklak. Ang iba ay nabali na ang tangkay. “I-I’m—” Yumuko ulit, kinagit ang labi. Bahag na ang buntot lalo pa’t hindi niya kinuha ang bulaklak. “You need something?” she asked, kind as she can. “I-I just want to say t-that I-I like you,” anito sa matigas na ingles. Nginig na nginig ang boses na parang takot yata na ipahiya niya. Well, hindi naman iyon ang unang beses na may nagkagusto sa kanya. Simula nang lumipat siya sa Catherine International School sa Russia, hindi na niya mabilang kung ilan na ang nabast

  • A Night with Gideon   Epilogue

    EPILOGUE Lumipad si Riguel papunta Australia, ilang linggo bago siya manganak, para sabihin sa Daddy niya na gusto niyang kasama niya rin ito kapag nanganak na siya. Pero hindi iyon nangyari dahil bukod sa hindi pa ito sigurado kung ligtas na bang lumabas, matagal rin itong nawala. Chelary understands that. Isa pa, hindi niya na naman kasi makontak si Maude. Nang huling beses niya itong nakausap, pupunta raw ito sa Morocco. Ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol rito. Tama nga talaga si Jenza sa sinabi nitong masyado siyang inosente sa mundong ginagalawan ng kanyang kapatid. She can’t imagine herself leaving the country and her family to deal with dangerous criminals. Sinabi niya kay Riguel na gusto niyang si Luigi ang maghahatid sa kanya kapag ikinasal sila sa simbahan. He understands and told her that he can wait. Nahulog na naman ang loob niya asaw

  • A Night with Gideon   Chapter 71

    CHAPTER 71 “Pag-uuntugin ko kayo ni Daddy,” sigaw niya sa asawa na napakamot-kamot na lang sa ulo. Hanggang sa makauwi kasi sila at nagmumuryong pa rin siya. “I hate you.” “You don’t, Cherry.” Sumipa-sipa ang kanyang mga paa habang sinusuotan siya nito ng damit pangtulog. “Just wait bukas kapag gising na si Amber. Kakampihan niya ako.” Sa kanyang pagkapikon, tumawa lang si Riguel. Sinabunutan niya tuloy. “Nakita mo kung paano kami umiyak ni Amber nang malaman namin na patay na si Daddy. Tapos ikaw, alam mo pala.” “Dad wants me to do that.” “Nakiki-daddy ka na ngayon. Kapag narinig ka no’n, lagot ka.” Umungol ito sa pagkadisgusto, kapagkuwan. Na para bang naalala nitong ayaw nga ni Luigi. ““I’ll marry you again para payagan niya na ako.” “Okay,” aniya at nagtaas ulit ng kilay. “Nasaan si Daddy.” Tinabihan siya ni Riguel sa kama at paulit-ulit n

  • A Night with Gideon   Chapter 70

    CHAPTER 70 Walang pag-iingat na hinablot ni Riguel ang braso ni Ingrid nang maabutan niya ito sa parking lot ng mall. “Regulus! Bitawan mo ako. I’m your mom, you disrespectful jerk!” “What did you tell to my wife?” galit niyang singhal rito. “What? Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit anong sabihin mo, anak pa rin kita. Sa akin ka nanggaling.” “You’re not my mother. Hindi ka nagpaka-ina sa akin. You and Rufino dispose me like a f ucking dog.” Gumuhit ang galit sa mga mata ng babae. Lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi bago galit na galit siya nitong dinuro. “Hindi mo alam kung ano ang sinakrispisyo ko para sa ‘yo! Kung hindi ko tinuloy ang pagbubuntis sa ‘yo, wala ka sana sa mundong ito. You owe me your li—” “Ginusto mong dalhin ako. Rufino paid you to carry his f ucking heir. Ibinigay niya sa ‘yo lahat ng luho mo para ituloy mo ang pagbubuntis mo sa akin. Don’t act like you were the vi

DMCA.com Protection Status