Chapter 10 (Part 1)
Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Gideon nang makita siya nito. She stilled on her feet and unconsciously held the edge of the plane’s door.
“Bakit si Sir Gideon ang nandito?” mahinang tanong ni Ian sa kanyang tabi. Ramdam niya ang pagiging unkomportable nito sa kinatatayuan.
Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito kay CEO Vesarius. His unexpected visit seems made Ian tensed.
Mabilis itong bumaba ng hagdan kaya sumunod na rin siya.
“Good morning, Sir. The plane is ready,” wika ni Ian at magalang na yumuko sa harap ng lalaki.
“Good morning, Sir.” Bahagya na rin siyang yumuko kahit pa naiilang na naman siya sa mg
Chapter 10 (Part 2) “Ubusin mo ‘yan.” He took a sip on his coffee before pulling his eyes back to his tablet. Gayunpaman ay nakikita niya pa rin ito na pasulyap-sulyap sa kanya. She drank the glass of orange juice when he spoke again. “How’s your foot?” “Ayos na po. Hindi na masakit. Nadala ng hilot at cold compress.” “That’s good. You should dispose your old shoes. Itapon mo na kapag dalawang buwan mo ng gamit.” Nasamid siya sa sinabi nito. Dalawang buwan pa lang, papalitan na niya? Aba, kung mayaman siya, may-ari ng factory ng sapatos at walang naghihirap sa mundo, bakit hindi? Pero dahil hindi siya mayaman, walang siyang sariling pagawaan ng sapatos at maraming nagugutom
Chapter 10 (Part 3) Nang tuluyan silang makalabas sa paliparan at binabaybay ang highway, pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Hindi lang pala siya! Maging ito rin ay panay rin ang sulyap sa kanya. Isang beses na nagkasabayan sila ng tingin sa isa’t isa ay namula ang kanyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil nahuli siyang nakatingin dito. Eh, ano ngayon? Di ba, tingin din ito ng tingin sa kanya. Mas mabuti pa nga siya at patago lang. Ito kasi ay titig talaga kung titig. Hindi man lang ba ito marunong makiramdam na naiilang siya sa mga titig nitong tagusan? Pakiramdam niya tuloy ay pati kaluluwa niya ay nababasa nito. Muli na naman niyang inamin sa sarili kung gaano ka-gwapo si Gideon Vesarius. Pinagpala ang lalaki—sa lahat lahat! Ilang minuto lang ang nakalipas, iniliko ni Gideon sa isang driveway ng hotel ang kotse nito. Nasa bungad pa lamang sila ay kitang-kita na niya ang malaking pangalan ng lugar. Almeradez Hotel ang nabuo ng mga l
Chapter 11 (Part 1) Umawang ang kanyang mga labi sa gulat nang makitang magkasalubong ang mga kilay na in-end ni Gideon ang tawag at matalim siyang tiningnan na para bang may ginawa siyang kasalan dito. “Akin na ‘yan!” Tinangka niyang agawin ang kanyang cellphone mula rito. Ngunit, dahil sadyang tarantado si Gideon, inilayo pa nito iyon sa kanya. “Ibalik mo ‘yan. Hindi naman ‘yan sa ‘yo.” Pilit niyang inaagaw ang cellphone niya rito na panay naman ang layo nito sa kanya. At dahil matangkad ito at malaki ang katawan ay mistula siyang batang paslit na halos maglambitin sa katawan nito. “Boss, akin na!” Kulang na lang ay pumadyak siya sa inis at halos tadyakan ang lalaki.
Chapter 11 (Part 2) Agad niyang ni-dial ang number ni Caius nang marinig niya ang paglapat ng pinto pasara. Dalawang ring lang ay agad na sinagot ng kapatid ang kanyang tawag. “Ate,” bungad nito. “Hinahanap ka na ni Summer. Bakit wala ka pa raw, eh gabi na.” Hinawi niya ang blinds sa ceiling to floor na salaming pader ng suite. Bumungad sa kanyang mga mata ang mga naglalakihang building na buhay na ang mga ilaw. Nag-aagaw dilim na ang kalangitan. Lampas alas-sais na ng gabi. Ganon ba siya katagal natulog? Kaya pala kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi siya kumain ng pananghalian kanina. “Paka-usap naman sa kanya Cai. Nandyan ba siya?” “Summer,” tawag nito sa anak niya sa kabilang linya. Sanda
Chapter 12 Hinawakan siya nito sa kamay na ikapitlag niya. Voltage of electricity rushed in her system again with the mere touch of their skin. Subalit, hindi katulad kanina ay hindi na siya gaanong nagulat. Mahina siya nitong hinila patungo sa mga nakahilerang mga mesa habang nasa isa nitong kamay ang plato na nag-uumapaw sa dami nitong kinuhang pagkain. Inilapag nito ang dala-dala sa mesa kung saan ito nakaupo kanina. May dalawa pang tao roon na nakatingin sa kanila nang pinaghila siya ni Gideon ng upuan. Ngumiti sa kanya ang babae at naglahad ng kamay. “I’m Ellaine Almeradez.” Nahihiyang tinanggap niya ang kamay nito. “Lyzza Pacammara po, Ma’am.” Naaliw na natawa ito sa sinabi niya. “Just call me, Tita Ellaine.” Tumango siya at sinuklian ng ngiti ang babae. Mukha naman itong mabait at kahit medyo may katandaan na ay nababakas pa rin ang kagandahan nito noong kabataan, Siya kasi ay hindi head-turner. Paran
Chapter 13 “L-Lumabas na tayo,” her lips slightly tremble and look away. Hindi ito sumagot bagkus ay muli nitong kinuha ang kanyang mga kamay at ikinulong iyon sa malaki at magaspang nitong kamay at saka siya hinila palabas ng hospital. His calloused hands send warmth to her cold hands. Saka pa lamang siya nakahinga nang tuluyan silang makalabas. “Pasensya na. Ayaw ko lang talaga kasi sa amoy ng hospital. Ayaw ko sa loob.” “You should tell me para na-ibalik sana agad kita sa hotel.” “I’m okay now. Pwede naman kitang hintayin dito sa labas. Baka may itanong pa sa ‘yo ang nurse sa loob.” “No. Bumalik na tayo sa hotel or gust
Chapter 14 Her hand is small compared to Gideon’s but it was strangely fit for each other. Katulad na lang ngayon na magkahawak-kamay silang dalawa habang nasa loob sila ng kotse nito na nakaparada sa bahagyang tago na bahagi ng parking lot. “Malapit na ang flight ko,” sabi niya kay Gideon na hindi pa rin magawang bitawan ang kanyang kamay. Umusli ang labi nito na nauwi sa simangot. Halos magi-isang oras na siya sa loob ng kotse nito na wala naman ibang ginagawa kundi maghawakan ng kamay at paminsan-minsan nitong pagnakaw ng halik sa kanya. “I was thinking na i-pull out ka na lang and train under my wings so that you cannot keep leaving whenever you have a flight.” Mahina niyang pinitik ang matangos nitong ilong. “
Chapter 15 Nanigas siya sa kinatatayuan nang masalubong niya ang walang emosyong mata ni Gideon. He was looking at her with those cold eyes and his face was emotionless, telling her that she’d did something wrong and unforgivable. “Anak, mabuti naman at nandito ka na. Nabigyan na ng gamot si Summer pero sabi ng doctor o-obserbahan daw ang platelets ng bata. Na-dengue raw,” singit ng mama niya. Saka niya pa lamang bumalik ang isip niya sa katinuan at naalala ang anak. Mabilis niyang nilapitan ang natutulog sa hospital bed na si Summer. Napatakip siya ng bibig nang makitang maputlang ang baby niya. Pati labi nito na dating mamula-mula, ngayon ay halos wala ng kulay. “Nandito nga pala anak ang boss mo. Siya ang tumulong sa amin kanina na dalhin si Summer dito sa h