Chapter 6
"Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan.
“Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito.
Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa.
“Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass.
Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya.
“You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya.
Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti.
“Bakit?” tanong niya sa mga ito.
“Nakaka-mature talaga ang magkaroon ng anak, Mare,” sagot ni Jessica. “Ang mature mo na ngayon mag-isip. Parang kahapon lang, nasa high school tayo at sinasabi mong hindi ka gagawa ng assignment dahil gagaya ka na lang sa top one natin.”
“Gaga! Bakit mo ipina-alala?” natawa siya.
“Pero, mabalik tayo sa ‘mysterious stranger’ na daddy ng inaanak namin.” Ni-quote pa nito sa hangin ang salitang mysterious stranger. “Bakit kayo nagkita? Saan at paano? At ano ang reaksyon mo at reaksyon niya?”
“Isa-isa lang na tanong,” reklamo niya rito.
Natawa lang ito at sinandig ang likod sa sandigan ng sofa. They are in one of the VIP’s rooms na nasa second floor ng bar. Mas tahimik roon kaysa sa first-floor kung nasaan ang dance floor na kasalukuyang bukas na para sa mga gustong sumayaw.
As usual, kahit pasado alas-otso y medya pa lang ng gabi ay sadyang marami ng customer ang bar. Pulos mga kabataan na hindi na menor kapag ganitong oras, mga estudyanteng gustong magpakasaya pansamantala.
“Siya ang may-ari ng Vesarius Airlines,” simula niya.
Natikal mula sa pagkakasandal sa upuan ang dalawa na para bang nakarinig ito ng isang interesante at nakaka-excite na balita.
“Teka,” si Jessica na nakatingin pa sa kisame ng lugar na parang may inaalala. “You said na Gideon ang pangalan no’n di ba?”
Tumango siya. Kilala yata nito.
“Ibig mong sabihin, si Gideon Vesarius ang daddy ni Summer?” tanong nito na nanlalaki pa ang mga mata.
Atubiling tumango siya dahil tinatantya niya ang dalawang kaharap na kulang na lang ay dambahin siya sa kinauupuan niya.
“You know him?”
Umiling ito ngunit nanatili pa rin ang malaking ngiti nito sa labi. “Not really pero nakita ko na siya. Best friend siya ni Kuya Ali,” wika nito. Ang tinutukoy nitong Ali ay ang kaibigan ‘daw’ ng nakakatanda nitong kapatid.
“Friend, makalaglag underwear din ang kagwapuhan ng isang iyon katulad ni Kuya Ali. Kung hindi ko lang talaga nahahalata si Ate na in-denial sa feelings niya, naku! Matagal ko ng sinulot iyan si Kuya Ali.”
Napangiwi siya dahil sa dreamy expression ni Jessica. Halatang may crush nga ito sa Alejandro Almeradez na iyon.
“Iyon nga,” she continued. “Alam niyo naman na gusto kong sa Vesarius Airlines ako mag on-the-job training di ba? It will have a big effect on my resume at maganda ang future ng mga natatanggap doon.”
Ngumuso siya at kinuha ang soft drinks sa mesa. She took a sip as she remembered what happened earlier.
“But sad to say, siya ang may-ari. Alam niya ang sikreto ko. Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon na masabi kung bakit deserve ko na magtraining sa kompanya niya. Kunsabagay,” she swallowed, gusto niyang ma-iyak, “sino nga naman ang gustong magkaroon ng empleyadong ibinenta ang sarili kapalit ng pera?”
“Hey, don’t say that,” sita sa kanya ni Qyla ngunit may kalakip iyon ng pag-aalala.
“Sinabi niya ba sa harap mo na hindi ka niya tatanggapin dahil sa nagawa mo? Aba! Gago ‘yon, ah!” inis na wika ni Jessica na para bang hindi ito pre-school teacher at umaakto na namang amasona.
“Hindi.” Bahagya siyang natawa kaya kumalma ang kaibigan na mistulang manunugod. “Hindi niya lang ako binigyan ng pagkakataon. After he kissed me, he said I’m done.”
Sa pang-ilang daang beses nang araw na iyon, gumuhit na naman sa kanyang isipan ang marubdob na halik ni Gideon.
“What?!” Qyla and Jessica asked in unison. “He kissed you?”
Napatanga siya sa harap ng mga kaibigan. Sinabi niya ba ang pangyayaring iyon?
Heck! Yes, sinabi niya at paniguradong tatadtarin na naman siya nito ng mga tanong.
“Nagrespond ka? May nangyari na higit pa doon? Masarap h*****k?”
Sinasabi niya na nga ba!
Sa huli, wala na siyang nagawa kundi magkwento sa mga ito. These two girls are her best of friend. They were with her on her darkest and challenging days. Isa pa, alam ng dalawang ito ang kanyang sikreto tungkol sa totoong pagkatao ng kanyang anak. Walang dahilan para magtago siya sa mga ito.
“Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol kay Summer?” tanong ni Qyla.
Bumuntong-hininga siya. Iyon din ang umokupa sa isip niya kaninang nasa cafeteria ng Vesarius Airlines. “Hindi ko alam. He is powerful and rich. Hindi ko alam kung tama bang ipakilala ko sa kanya si Summer.”
Hindi niya kasi alam kung tatanggapin ba nito ang kanyang anak. Knowing that her daughter is a product of one-night full of l(u)st. Walang namagitan na pagmamahal sa kanila ng gabing iyon. Gideon has lust and her was after the money she will get from him that time. Iyon lang at wala ng iba. It was all purely business.
Natatakot siya sa magiging reaksyon at sasabihin nito kapag nakilala nito si Summer. She can’t take to see her daughter hurting. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang ayawan sa murang edad nito.
Hindi nga rin niya alam kung may asawa at anak na ito. Baka magulo ang pamilya nito kapag sinabi niya sa lalaki ang tungkol kay Summer. Hindi nga ba’t sinabi nito na thirty-three na ang lalaki?
Sa gwapo at yaman niyon, impossibleng wala pa.
“Pero alam mong karapatan niyang makilala si Summer dahil siya ama, di ba?” singit ni Jessica. Seryoso na ito sa pagkakataong iyon. Hindi katulad kanina na bumubungisngis na naman.
“Oo. Sabi nga sa akin ni Mama, kahit anong mangyari, siya pa rin ang ama ni Summer. Pero, natatakot lang ako para sa baby ko. I don’t want to let her feel unwanted. Ang bata niya pa. Paano kung ayawan siya ng ama niya?”
“Naiintindihan ka namin,” wika ni Qyla at lumipat ng upo sa tabi niya. Ganun din ang ginawa ni Jessica, pinapagitnaan siya sa kinauupuan. “Pero hindi mo makukuha ang mga sagot sa tanong at what if’s mo kung hindi mo susubukan. Saka di ba, walang sikretong hindi nabubunyag.”
“Ayaw rin naming na masaktan si Summer. Parang anak na rin namin ang batang ‘yon. Lumaki siya na nasusubaybayan namin. Pero hindi ba’t mas mabuti na iyong maaga pa lang ay malaman na niya ang totoo? Sooner or later, paniguradong maghahanap na iyon ng daddy.”
“She did last week,” wika niya at hinilot ang sintido, naisip ang larawan ni Gideon na nasa kanya na kinuha niya sa wallet na naiwan nito sa sofa ng hotel.
“See? Pero kung ano man ang disisyon mo, igagalang namin iyon at susuportahan ka.”
She smiled at them, almost teary eyed. Kapag ganitong may girl-bestfriend moment nila, it was always the best.
Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.
Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.
Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan.
Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hosp
Chapter 9 (Part 3) Napatanga si Lyzza sa papel na hawak-hawak kung saan nakalagay ang bago niyang schedule. Alas-singko pa lamang nang umaga nang binulahaw siya ni Ms. Helen para sabihing may bago siyang schedule at kailangan na nasa Vesaruis Airlines na siya ng alas-sais dahil maagang aalis ang eroplanong nakatoka sa kanya patungong Davao. At ngayon nga ay nakatanga siya sa papel na hawak-hawak dahil private plane pala iyon at hindi public. Higit sa lahat, super VIP ang nakasakay sa eroplano kaya kailangan talagang maganda ang serbisyo niya. Gusto niyang mapakamot ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang trip ni Ms. Helen kung bakit siya inilagay nito roon? Wala pa nga siyang kahit isang experience sa actual field dahil baguhan pa lang siya at nagte-training. Nasaan ba ang mga senior fli
Chapter 10 (Part 1) Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Gideon nang makita siya nito. She stilled on her feet and unconsciously held the edge of the plane’s door. “Bakit si Sir Gideon ang nandito?” mahinang tanong ni Ian sa kanyang tabi. Ramdam niya ang pagiging unkomportable nito sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung bakit ganon ang reaksyon nito kay CEO Vesarius. His unexpected visit seems made Ian tensed. Mabilis itong bumaba ng hagdan kaya sumunod na rin siya. “Good morning, Sir. The plane is ready,” wika ni Ian at magalang na yumuko sa harap ng lalaki. “Good morning, Sir.” Bahagya na rin siyang yumuko kahit pa naiilang na naman siya sa mg
Chapter 10 (Part 2) “Ubusin mo ‘yan.” He took a sip on his coffee before pulling his eyes back to his tablet. Gayunpaman ay nakikita niya pa rin ito na pasulyap-sulyap sa kanya. She drank the glass of orange juice when he spoke again. “How’s your foot?” “Ayos na po. Hindi na masakit. Nadala ng hilot at cold compress.” “That’s good. You should dispose your old shoes. Itapon mo na kapag dalawang buwan mo ng gamit.” Nasamid siya sa sinabi nito. Dalawang buwan pa lang, papalitan na niya? Aba, kung mayaman siya, may-ari ng factory ng sapatos at walang naghihirap sa mundo, bakit hindi? Pero dahil hindi siya mayaman, walang siyang sariling pagawaan ng sapatos at maraming nagugutom
Chapter 10 (Part 3) Nang tuluyan silang makalabas sa paliparan at binabaybay ang highway, pasulyap-sulyap siya sa lalaki. Hindi lang pala siya! Maging ito rin ay panay rin ang sulyap sa kanya. Isang beses na nagkasabayan sila ng tingin sa isa’t isa ay namula ang kanyang pisngi at nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil nahuli siyang nakatingin dito. Eh, ano ngayon? Di ba, tingin din ito ng tingin sa kanya. Mas mabuti pa nga siya at patago lang. Ito kasi ay titig talaga kung titig. Hindi man lang ba ito marunong makiramdam na naiilang siya sa mga titig nitong tagusan? Pakiramdam niya tuloy ay pati kaluluwa niya ay nababasa nito. Muli na naman niyang inamin sa sarili kung gaano ka-gwapo si Gideon Vesarius. Pinagpala ang lalaki—sa lahat lahat! Ilang minuto lang ang nakalipas, iniliko ni Gideon sa isang driveway ng hotel ang kotse nito. Nasa bungad pa lamang sila ay kitang-kita na niya ang malaking pangalan ng lugar. Almeradez Hotel ang nabuo ng mga l