Nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka ko tiningnan si Daddy.
“What now, Athena? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila kung anong ginawa mo?! I didn’t raise a child just to slept with a stranger! You stupid woman!” sigaw pa ni Daddy, sige matatanggap ko naman lahat ng mga masasakit na salita sa inyo eh pero si Nolan ang gusto kong makausap. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya at sabihin na hindi ko siya niloloko, alam ko namang iyun ang nasa isip niya ngayon eh.
“Daddy, hindi naman po ako ganung babae eh. Hindi ko lang po talaga alam yung ginagawa ko kagabi—“
“Because you’re drunk! Kailan ka pa nag-inom ng sobra Athena? Ha?!”
“Hindi naman po ako nag-inom ng marami eh, iisa pa lang yung naiinom ko Dad.” Nilingon ko si Ate Danica para kampihan niya ako. “Ate, tell it to Dad please? Alam mong hindi ako nag-inom ng marami kagabi? nagpaalam nga ako sayo alas otso pa lang diba? Ate Danica.” Nagmamakaawa kong saad sa kaniya pero iniwas niya sa’kin ang paningin niya at yumuko. Halos bumagsak ang balikat ko ng wala akong marinig na sagot sa kaniya at nananatili siyang nakayuko.
“Maaga kang umalis for what, Athena? Para magawa ang gusto mong gawin with that stranger?!”
“It’s not like that Dad, please believe me. Nahilo na ako kagabi kaya hindi ko alam na ibang kwarto na pala napasok ko. Dad,” umiiyak ko ng wika sa kaniya pero napailing lang siya sa’kin.
“I expect too much about you Athena but you disappoint me this time. Don’t you ever go outside kung ayaw mong itakwil na kita bilang anak.” nanghihina ang mga tuhod kong bumagsak sa malamig na sahig nang talikuran ako ni Daddy. Tiningnan ko si Ate Danica at sumunod siya kay Daddy.
Alam ni Ate Danica kung anong nangyari kagabi pero bakit niya ako tinalikuran? Bakit hindi niya ako tinulungan na magpaliwanag kay Daddy? Paano ko sasabihin ang lahat kay Nolan? Saan ko sisimulan? Sana panaginip na lang lahat, sana nananaginip pa rin ako hanggang ngayon.
Bagsak ang balikat kong umakyat ng kwarto ko, dito na lang ba masisira ang lahat? I hope Nolan will understand me, pero paano? Saan niya ako maiintindihan if I betrayed him before our wedding?
Bakit ba sa kwarto pa ng lalaking iyun ako napunta? Bakit hindi na lang isang babae ang nagmamay-ari? Sana naging babae na lang siya para okay lang kahit na ibang kwarto ang napasok ko.
Nahiga ako sa kama ko at niyakap ang unan ko. Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko, nasasaktan na ako kapag iniisip kong iiwasan ako ni Nolan o mas malala ay iwan niya ako. Hindi ako makakalabas ng bahay dahil kapag sinabi ni Daddy, kailangan naming sundin.
Napasinghot na lang ako, nagkasipon na ako dahil sa pag-iyak ko. I can’t imagine my life without Nolan. Matagal na kaming dalawa at isang linggo na lang ay ikakasal na kaming dalawa, what will happen to our wedding? Kompleto na lahat, araw na lang ang hinihintay naming dalawa.
Wala na akong pakialam kung sino ang lalaking nakasama ko noong gabing yun, gusto ko siyang isumpa pero ano nga bang nagawa niyang kasalanan sa’kin? Ako ang pumasok sa loob ng kwarto niya. Siguro nga maswerte pa ako nun dahil hindi killer ang napuntahan ko.
Bakit ba kasi hindi niya na lang ako hinayaan kagabi? Sana nirespeto niya na lang ako bilang babae? Bakit niya sinamantala ang kalagayan ko?
Napabuntong hininga na lang ako, sinabihan niya akong sabihan ko siya kung ititigil niya pero anong ginawa mo Athena? Ikaw pa itong nagmakaawa na ituloy niya. Nabatukan ko na lang ang sarili ko, hindi ka na nahiya Athena.
Lumipas ang araw na iyun na hindi ako lumalabas ng bahay. Wala ring kahit isa ang nag-abala na puntahan ako o tanungin kung kumain na ba ako. Nasanay akong sa tuwing kakain na ay ipinapatawag lang ako ni Daddy pero ngayong araw? Wala silang pakialam sa’kin as if that I really like what happened last night.
Gusto kong puntahan si Nolan, sasabihin ko sa kaniya ang lahat dahil alam ko namang mahal niya ako, nagbabakasakaling mapatawad niya pero hindi ako makalabas ng bahay dahil napakarami na namang gwardya sa labas pa lang pintuan.
Ganiyan si Daddy, kapag sinabi niya gagawin niya talaga. Ilang araw na akong naghihintay ng reply ni Nolan pero ni isang text wala man lang dumating. Napabuntong hininga na lang ako, wala akong ibang pinupuntahan kundi ang kwarto at ang garden.
Napalingon ako nang may makita akong tao sa gilid ng mga mata ko.
“Nolan,” anas ko at mabilis na tumayo ng siya ang makita ko. Nilingon niya lang ako saka tinalikuran din ako.
“Nolan, sandali!” tawag ko sa kaniya, mabilis ko siyang pinuntahan at hinarang ang daraanan niya. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Nasasaktan din akong makita siyang ganiyan.
“Mag-usap naman tayo oh, please?” nabuhayan ako na nagpunta siya rito lalo na at ilang araw na siyang hindi pumupunta rito.
“Ano pa bang dapat nating pag-usapan Athena? Kitang kita ko kung paano mo ako niloko. Kitang –kita kita kasama ng lalaking yun sa iisang kama, kitang-kita ko ang mga nagkalat na damit sa sahig. Tell me, ano pa bang ipapaliwanag mo sa’kin?” napailing ako.
“Did you saw me?” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil parang binibitak ang puso ko. Mapait siyang ngumiti saka ako tiningnan ng diretso sa mga mata ko.
“Hinanap kita ng gabing yun at wala ng sasakit na marinig ang mga ungol mo kasama ng lalaking yun. Am I not enough Athena?”
“No,” iiling-iling ako sa kaniya. “You’re more than enough Nolan. Please believe me, hindi ko alam ang ginagawa ko nung gabing yun. Please baby, forgive me.” pagmamakaawa ko sa kaniya, akma ko sanang hahawakan ang kamay niya nang bahagya siyang lumayo sa’kin.
“This is enough Athena, tama na yung ginawa mo sa’kin. Tama na yung pagpapahiya mo sa’kin. Kalimutan mo na lang lahat, wala ng kasal ang magaganap.” Mas lalo akong umiling nang umiling sa kaniya.
“Nolan, pag-usapan naman natin oh, please don’t do this. Inaamin ko namang nagkamali ako pero ikaw yung mahal ko, ikaw yung gusto kong makasamang bumuo ng sariling pamilya. Please, don’t cancel the wedding. Ang tagal natin itong hinintay diba? Kaunting tiis na lang eh. Please Nolan,” umiiyak ko ng saad sa kaniya, hindi ko kaya. I really love him at hindi ko alam kung paano ko kakayanin kapag iniwan niya ako.
Hinawakan ko siya sa dalawa niyang kamay at nagmamakaawang huwag niyang gagawin yun, huwag niya akong iiwan pero nanlumo na lang ako nang tanggalin niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya saka siya lumayo sa’kin.
“Minahal din naman kita Athena but seeing you with another man in a bed? Hindi ko alam kung paano kita mapapatawad. Palagi mong sinasabi sa’kin na ibibigay mo ang sarili mo sa mapapangasawa mo but what happened? Ang akala ko ay ako ang hindi makapaghintay sa honeymoon nating dalawa but I think I was wrong. Isang linggo na lang Athena, isang linggo na lang ay ikakasal na tayong dalawa. We should end this fucking relationship, don’t worry wala kang babayaran sa mga nagastos natin sa kasal because I still love you.” mas lalo na akong naiyak sa sinabi niya.
Is he really wants to end this relationship? Pero bakit? Alam kong may pagkakamali ako pero bakit kailangan pa niyang tapusin ang relasyon naming dalawa. Okay lang sa’kin kahit iresched ang kasal namin pero huwag naman sa iiwan niya na talaga ako.
“I have to go,” aniya saka ako tinalikuran, sinundan ko siya ng tingin at nanlalabo ang mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil sa pag-iyak ko. Kitang kita ko pa kung paano niya alalayan si Ate Danica at hinawakan ito sa bewang niya.
Walang humpay ang pag-iyak ko dahil ang sakit sakit, ng dahil lang sa isang gabi ay nawala ang lahat ng pinapangarap ko sa buhay. Kung pwede ko lang ibalik ang oras gagawin ko, hindi ako sasama sa party na sinasabi ni Ate Danica. Hindi ko na lang sana ininom ang alak na ibinigay sa’kin ni Ate baka sakaling napigilan kung anong nangyari.
Simula nang makipaghiwalay sa’kin si Nolan ay si Ate Danica na ang palagi niyang kasama. Nolan is one of our father trusted people. Kapag lumalabas ako ay siya ang palagi kong kasama para bantayan ako pero ngayon si Ate Danica na lang ang binabantayan niya. Kinausap ko na rin si Ate Danica na sabihin niya lahat kay Nolan pero parang wala siyang pinapakinggan. Iniwan niya na lang ako sa ere.
“Dad, please don’t do this. Ayos lang po sa’kin na manatili dito sa bahay pero huwag niyo naman po akong paaalisin.” Pagmamakaawa ko kay Daddy, hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa’kin. I can’t blame him dahil naging mabuting ama naman siya sa’min. Hindi niya lang matanggap na ang anak niya ay nakipag-one night stand.
“You need to hide Athena, dun ka na muna magsstay sa bahay natin sa New York. Hindi ko alam kung anong ihaharap ko sa mga business partners ko kapag nalaman nilang ang bunso kong anak ay gumawa ng isang bagay na hindi katanggap-tanggap. Nakakahiya na madungisan mo ang pamilya natin.” bakas pa rin ang galit sa kaniya. Inihanda niya na ang lahat sa pag-alis ko.
Hawak hawak ko ang malaki kong maleta para hindi isakay sa sasakyan dahil ayaw kong umalis. Hindi pa kami nagiging okay ni Nolan, ikakasal pa kaming dalawa. Alam ko namang galit lang siya, kapag umalis ako paano pa namin maayos ang relasyon naming dalawa?
“Dad please, nagmamakaawa ako sayo. Hindi ako lalabas ng bahay, I promise pero huwag niyo naman po ako ipadala sa New York Please.”
“Nakapagdesisyon na ako Athena, you are going to the New York now at hindi ka babalik dito hangga’t hindi ko sinasabi.” napailing ako, I don’t want to go there, ayoko.
“Ano ba! ibalik niyo ang mga gamit ko!” umiiyak ko ng wika nang makuha na nila sa’kin ang maleta ko at isinakay na iyun sa kotse. Tiningnan ko pa si Daddy ng nagmamakaawa pero masyadong matigas ang puso niya. Ayaw niyang makinig sa’kin. Bakit kailangan pa niya akong itago sa New York?
Hindi naman lumabas sa mga news ang tungkol sa nangyari sa’kin. Ganiyan ba talaga sila? Mas pipiliin nilang mailayo ang mga anak nila sa kanila basta huwag lang madungisan ang iniingatan nilang mga pangalan?
Kahit makipag-away pa ako sa mga tauhan ni Daddy, magsasayang lang ako ng lakas ko. Wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang sa loob ng eroplano at hinayaang lumandas ang mga luha ko.
“Can I have a wine please?” rinig kong saad sa likuran ko, pamilyar sa’kin yung boses niya pero hindi ko alam kung saan ko narinig. Wala akong oras para isipin pa ang manly voice niya. Si Nolan ang iniisip ko ngayon, alam kaya niya na ipapadala ako ni Daddy sa New York? Kung alam niya, hindi man lang ba niya ako naisipang puntahan o kausapin si Daddy, is he really mad at me?
“Are you really sure Sir that you want to find that woman?” muli kong rinig sa dalawang nag-uusap sa likuran ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hahanapin din kaya ako ni Nolan kapag ako ang nawalan? Bakit ko pa kasi pinapakinggan ang dalawang nag-uusap na yan.
“Damn! Just find her, kung kinakailangang halughugin mo ang buong manila, gawin mo.” maawtoridad pang saad ng lalaki, silang dalawa lang ang pinakamaingay dito. Parang pamilyar talaga sa’kin ang boses ng lalaking yun eh.
Naalala ko naman yung lalaking nakasama ko sa kwarto na yun, possible kayang siya yun? Kung kakausapin ko kaya siyang sabihin lahat kay Nolan na hindi naman namin sinasadya yung nangyari? Mapapatawad kaya niya ako?
Mabilis akong tumayo para lingunin ang nasa likuran ko pero wala na yung isang lalaki, sinundan ko ng tingin ang isang lalaking papalayo na at nang mawala siya sa paningin ko ay tiningnan ko naman ang kasama niyang lalaki.
“Do you need something Miss?” tanong niya sa’kin, inilingan ko na lang siya.
Para saan pa para kausapin ko siya? Hindi ko na mababago yung naibigay ko na ang pagkababae ko sa estranghero. Saka ano pating gagawin niya rito? Wala na ring silbi dahil ano mang oras ay bababa na rin kami ng New York.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at tiningnan na lang ang mga ulap at ang mga kulay green sa ibaba. Sana tawagan pa rin ako ni Nolan, sana marealize niyang mahal pa rin niya ako at ako pa rin ang pakakasalan niya.
Muli kong naramdaman ang paglandas ng isang mainit na likido sa pisngi ko. Nasasaktan ako kapag naiisip kong hindi ko siya makikita, walang kasiguraduhan kung kailan ako babalik, kung aabutin ako ng ilang buwan or worst ilang taon. Natatakot akong pagdating ko ay may ibang pamilya na siyang binubuo. Kung sabagay, hindi ko naman na siya masisisi dahil matagal niya ng pinapangarap yun pero sinira ko lang sa loob ng isang gabi.
Sana mapatawad pa rin niya ako at kung paano niya akong natiis na hintayin ng maraming taon, sana mahintay niya uli ako ngayon. Hayaan niya sana akong mapatunayan ko sa kaniya that I truly love him.
Para akong lantang gulay na hila-hila ang maleta ko nang makalapag kami. Wala akong ibang marinig sa paligid ko, kung dati excited ako sa tuwing nakakarating ako dito ngayon hindi na.
“Ouch,” d***g ko nang may makabangga sa’kin.
“I’m sorry Miss, nagmamadali lang ako.” anas niya, tiningnan ko siya pero tumalikod din siya kaagad sa’kin. Bakit ba kanina ko pa naririnig ang pamilyar na boses na yun? Pinanuod ko na lang ang matikas niyang pangangatawan na papalayo sa’kin.
Naipilig ko na lang ang ulo ng maalala ko na naman kung paano ko hinawakan ang katawan ng lalaking yun. Bakit ko pa ba siya naaalala?! This is his fault! Kung hindi niya lang sana pinainit ang katawan ko, hindi mangyayari yun sa aming dalawa! Masaya na sana ako ngayon sa paghahanda sa kasal namin ni Nolan but here I am, nasa New York para itago ng sarili kong ama.
Maging siya ay ikinakahiya ako. Hindi ko naman yun sinasadya eh, bakit ganun na lang ang tingin nila sa’kin? Umaasa akong magagalit lang sa’kin si Nolan pero hindi ko inaasahan na napakabilis niyang makipaghiwalay sa’kin.
“Nakapaghanda na ako ng pagkain mo iha, nakapamili na rin ako ng mga gamit mo. Nakaayos na silang lahat sa closet mo.” saad ni Yaya Lucy, siya ang tagapangalaga ng bahay namin dito sa New York.
“Bakit pa po? May mga damit naman na akong dala saka baka pauwiin din ako kaagad ni Daddy.” Walang buhay kong sagot sa kaniya.
“Ang sabi ng Daddy mo ay mananatili ka rito ng dalawa o hanggang tatlong taon kaya ipinamili na kita ng mga gamit mo.”
“Po?!” napabalikwas ako at tiningnan si Yaya Lucy pero seryoso siya sa sinabi niya. Tatlong taon?! Hindi yun pwede! Bakit naman ganun katagal? Hindi ko na yun kaya, I need to talk Nolan.
“Iyun ang bilin niya sa’kin, itong passport mo kunin mo na lang sa’kin kapag sinabi na ng Daddy mong babalik ka na.” napatingin na lang ako sa hawak niyang passport ko, hindi ko namalayan na nakalkal niya na ang mga gamit ko.
Are they really serious?! Oh fuck my life!
THIRD PERSON POV Inilapag na ni Xavier ang dala-dala niyang suitcase nang makarating siya ng office niya. Niluwagan niya ang necktie niya saka niya nilingon si Simon. “What happened to your search operation?” seryoso niyang tanong dito, naiiwas naman ni Simon ang paningin sa Boss. “I’m sorry Sir
“Ganun ba talaga ang tingin mo sa’kin Dad?” “Ano pa nga bang dapat isipin sayo Athena? Hindi ako nagkulang na pagsabihan ka dahi sisirain ng batang yun ang magandang kinabukasan na pangarap ko sayo!” nagpantig ang tenga ni Athena dahil sa narinig mula sa ama. “Daddy naririnig mo ba ang sinasabi mo
Pumasok si Athena sa opisina ng kaniyang ama ng mapatulog niya na ang anak niya. Naupo siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama habang abala naman si Don Rodriguez sa mga kaharap niyang papeles. “Can I talk to you Dad, for a moment?” aniya, tiningnan ni Don Rodriguez si Athena at hinayaan niya itong
Ang kanina pang hinihiling niyang hindi sana siya makilala ay hindi naging tagumpay. Bakit nakilala pa siya nito gayong apat na taon na ang nakalilipas saka bakit pa ba kasi niya naalala yun? Bahagyang natawa si Athena saka hinarap ang binata. “I don’t understand what you’re saying, Sir.” pagtatang
Nilapitan ni Athena si Danica, hindi niya naman masalubong ang mga mata ni Athena. “Athena,” tawag sa kaniya ni Nolan. “Huwag mong matawag tawag ang pangalan ko Nolan. Nandidiri ako sayo.” matigas niyang saad, tila ba naging bato ang puso ni Athena at tila ba bigla itong namanhid. Gusto niyang umi
“Pangangailangan? Yun lang ba Nolan? Napakababaw ng dahilan mo, dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto mo? Isang linggo na lang Nolan, kasal na dapat natin pero naisipan mo pa rin akong iset up para lang macover ang panloloko niyong dalawa sa’kin? Wala akong ginawa sayo, sana nga niloko mo na lan
“You look familiar,” anas niya rito, tiningnan naman siya ni Athena at maging si Athena ay napakunot ang noo, inaalala kung saan ba niya nakita ang binata. “Ikaw yung nasa plane diba?” tanong naman ni Athena. “Yun! Sabi ko na nga ba at nakita na kita eh. Oh, holy shit.” Aniya pa saka tiningnan si
Gusto sanang iwasan ni Athena ang Boss niya pero paano niya ba yun gagawin kung araw-araw silang magkikita at magsasama? Napabuntong hininga na lang siya, natatakot siyang baka malaman ni Xavier ang tungkol kay Nathan. Bunga man ng isang pagkakamali ang anak nila hindi pa rin kaya ni Athena na mawal
I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go
“Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng
“Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal
“Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i
Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na
“I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il
Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s
Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n
Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k