Share

Kabanata 0004

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2022-09-03 20:33:10

“Ganun ba talaga ang tingin mo sa’kin Dad?”

“Ano pa nga bang dapat isipin sayo Athena? Hindi ako nagkulang na pagsabihan ka dahi sisirain ng batang yun ang magandang kinabukasan na pangarap ko sayo!” nagpantig ang tenga ni Athena dahil sa narinig mula sa ama.

“Daddy naririnig mo ba ang sinasabi mo?! My son is here at maaari niyang marinig ang lahat ng sinasabi mo! Hindi sinisira ni Nathan ang buhay ko.” hindi niya mapigilang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Pumasok si Danica at Nolan ng kanilang bahay at pareho pa silang nagulat ng makita nila si Athena na kaharap at kausap ngayon si Don Rodriguez. Halatang nagtatalo pa silang dalawa.

“Hindi niya sinisira dahil noong mag-isa ko sa New York, na lahat kayo ay kinalimutan na ako siya ang kasama ko! siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko! Daddy, anak ko ang sinasabihan mong dapat ay pinatay ko na. Anak ko yun, kapag ba inutusan ka ng ibang na tao na patayin ako, gagawin mo ba?” balik niyang tanong sa ama, hindi naman nakasagot si Don Rodriguez, iniwas niya ang paningin sa anak. “Hindi madali ang apat na taon ko sa New York, ni wala akong kasama maliban kay Yaya Lucy but when Nathan came into my life, naging masaya kahit papaano ang pananatili ko dun. Kinalimutan niyo akong lahat pero siya ang naging kasama ko.” naguguluhan naman si Danica at Nolan kung sinong Nathan ang sinasabi ni Athena.

Did she really have a child? Takang tanong pa ni Nolan sa kaniyang isipan. Pero sino ang ama?

“Itago mo ang batang yan Athena, hindi siya pwedeng lumabas ng pamamahay ko. Naiintindihan mo?” iyun na lang ang nasabi ng kaniyang ama, lumandas naman na ang mga luha niyang kanina pa nagbabadyang tumulo. Gaano ba katigas ang puso ng kaniyang ama? Sarili niya itong apo pero nagagawa niyang bumitaw ng mga salitang hindi katanggap-tanggap. Umalis na si Don Rodriguez, masaya siyang nakabalik na ang bunso niyang anak pero hindi niya inaasahan na may kasama itong bata.

Ang akala niya ay matagal nang dinespatya ni Athena ang bata noong nasa sinapupunan pa lamang niya ito pero nagkakamali pala siya. Malaki ang pangarap niya para sa anak niya pero tila sinisira niya ito.

Dahan-dahang naglakad si Nolan palapit kay Athena. Bahagya pang nagulat si Athena ng makita niya si Nolan at Danica. Mabilis niyang pinalis ang mga luha niya, malamang narinig nilang dalawa kung anong pinag-uusapan nilang mag-ama kanina.

“Totoo ba? May anak ka na ba talaga Athena?” tanong ni Nolan, naiyuko na lang ni Athena ang ulo niya. Paano nga ba niya haharapin at kakausapin ang taong minahal niya noon? Gusto pa naman niya sana itong kausapin dahil hindi masyadong malinaw ang nangyari sa kanilang dalawa. Ni hindi sila nakapag-usap ng maayos. “Athena, please answer me?” dagdag pa niya.

“Hindi ka naman siguro bingi Nolan para hindi mo marinig diba? Athena has already a child at bunga iyun ng gabing niloko ka niya.” sabat ni Danica, nilingon ni Athena ang Ate niya. Hindi niya maintindihan kung ano bang ginawa niya rito para magalit ito sa kaniya. Alam ni Danica na hindi siya nag-inom ng gabing yun pero ni hindi man lang siya nagpaliwanag para kay Athena, mas pinili niyang manahimik.

“Gusto kong magmula sayo ang sagot Athena, itinuloy mo ba ang pagbubuntis mo nang may mabuo ng gabing yun?” muli niyang tanong, napairap na lang si Danica dahil paulit-ulit na lang si Nolan. Ano ba ang hindi niya maintindihan?

“Meron nga, I already have a child at hindi ko siya ipinalaglag. Hindi ko kayang pumatay.” Sagot niya rito, hilaw namang natawa si Nolan. Bahagya siyang umatras saka mapait na ngumiti kay Athena. Nasasaktan pa rin si Athena na nakikitang nasasaktan si Nolan. Paano pa nga ba niya aayusin ang nasirang relasyon nila noon ng dahil sa isang gabi? Tapos ngayon, kasama niya na ang naging bunga ng gabing yun. Pero kahit kailan hindi niya pinagsisisihan na binuhay niya si Nathan.

“I get it,” anas ni Nolan saka tumalikod na.

“Nolan!” tawag pa sa kaniya ni Danica pero dire-diretso na itong lumabas. Sinamaan naman ng tingin ni Danica si Athena.

“Kung masaya ka naman pala sa New York bakit hindi ka na lang nanatili dun? Tahimik na ang buhay namin dito Athena but you’re ruining it again.” Anas ng sarili niyang kapatid, umalis na rin ito at sinundan si Nolan. Mapait na napangiti si Athena, tama pa nga bang bumalik siya ng Pilipinas? Para kasing ang daming nagbago. Ang akala niya, sa pagbabalik niya maayos niya na ang lahat, maibabalik niya na sa dati ang lahat pero tila nagkamali siya.

Ramdam niyang maraming nagbago, nag-iba rin ang pakikitungo sa kaniya ng Ate niya. Parang nung gabing nagkaroon sila ng party ay okay pa sila. Hindi niya naman kasalanan kung anong nangyari nung gabing yun. Bakit parang sinisisi siya?

Inayos niya ang sarili niya saka ngumiti. Ayaw niyang humarap sa anak niyang malungkot siya. Ayaw niyang iparamdam sa bata na unwanted child siya sa pamilya nila. Mahal na mahal niya si Nathan kahit na hindi siya naging mabuting ina noong ipinagbubuntis niya ito. Kung wala si Yaya Lucy malamang walang Nathan ngayon sa buhay niya. Naging galit man sa kaniya ang pamilya niya pero hindi niya pinagsisisihan na magkaroon ng anak.

“Hi baby,” masigla niyang bati dito, abala siyang naglalaro sa kama.

“Can we go to the park now, Mom? I want to see the park here.” napakainosente niya at hindi niya kasalanan kung anong nangyari nung gabi yun dahil wala naman siyang kinalaman, siya lang ang naging bunga.

“Even I want to baby but we can’t, maybe next time? Let’s rest first. Can we?” ayaw ni Athena na palakihin pa ang gulo sa pamilya nila lalo na kung si Nathan ang pinagmumulan nun. Magkamatayan na pero hinding hindi niya hahayaang may mangyari kay Nathan at hinding hindi niya ipaparamdam dito na balewala siya.

“If that so Mom, Can I meet Lolo now? That man lately, is he Lolo?” pagtutukoy niya kay Don Rodriguez na siyang nakita niya kanina. Hinaplos ni Athena ang mukha ng napakainosente niyang anak.

“Yes baby but he’s still busy. Maybe you can talk to him later or tomorrow. Don’t be stubborn here okay?”

“Yes po Mommy, I’ll behave here so Lolo will not get mad at me.” napangiti na lang si Athena, sana kung gaano kaexcited ang anak niyang makilala ang Lolo niya ay sana ganun din ang kaniyang ama na si Don Rodriguez. Pero paano? Kung hanggang ngayon ay hindi niya tanggap na nabuntis si Athena ng isang lalaking hindi nila kilala.

Inayos niya na ang mga gamit nila, hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin ang anak niya kaya iniwan niya na muna ito sa kwarto nila saka siya lumabas. Nagtungo siya ng garden, napansin niya naman si Nolan. Aatras sana siya at hindi na sana ito lalapitan pero sino ba siya para gawin yun gayong siya itong nakasakit sa kaniya?

Naupo si Athena sa duyan habang nasa bench naman si Nolan. Pareho silang tahimik, gustong kausapin ni Athena ang binata pero paano? Saan siya magsisimula? Apat na taon naman na rin ang lumipas kaya may kaniya-kaniya na silang buhay.

“Congrats, nagkaroon ka na ng anak.” pambabasag ni Nolan sa katahimikan nilang dalawa. Bahagya pa siyang natawa. “Ang buong akala ko ay ako ang magiging ama ng magiging anak mo pero nagkamali pala ako.” napahigpit ang pagkakahawak ni Athena sa duyan ng marinig niya iyun. Nasasaktan pa rin siya, hindi naman kasi ganun kadali mawala ang pagmamahal eh. Nabawasan man siguro pero hindi maaalis.

“Galit ka pa rin ba sa’kin?” pagtatanong ni Athena. Anong klaseng tanong ba yun? Malamang oo, sinaktan niya si Nolan bago siya umalis pero ngayong pagbalik niya ay nasaktan pa rin niya. Kung siya nga ba ang nasa kalagayan ni Nolan? Nagkaroon ng anak sa ibang babae, malamang gaya nito ay masasaktan din siya.

“Ano bang dapat kong maramdaman? Matuwa?” kunwaring nasasaktan nitong saad kahit na kasama niya si Danica ng may mangyari kay Athena. Nilagyan nila ng isang gamot ang iniinom ni Athena para mahilo ito at makaramdam ng init sa katawan.

“I’m sorry, iyun lang naman ang masasabi ko sayo Nolan. I’m sorry for hurting you.”

“Hindi man lang ba pumasok sa isipan mong ipalaglag ang bata para sa’kin?” natigilan si Athena, gusto nga niyang ayusin ang relasyon nila ni Nolan. Minsan niya ring inisip na ipalaglag ang dinadala niya para kay Nolan pero sa sitwasyon kasi ngayon, hindi niya na kayang mawala sa kaniya si Nathan. Mahal niya si Nolan pero mas mahal niya na ang anak niya. Dito niya ibinuhos ang buong panahon at oras niya.

“I’m sorry,” iyun na lang ang nasabi ni Athena, kahit na minsan niyang inisip na patayin ang bata ay ayaw niya ng isipin pa yun ngayon.

“Naiintindihan ko, nakakahinayang lang ang ilang taon na nagkasama tayong dalawa. We almost there pero nasira lang ang lahat sa isang iglap. Siguro kung natuloy ang kasal natin noon baka may sarili na tayong pamilya.” Naisip din naman yun ni Athena pero naguguluhan na siya ngayon dahil hindi niya naman na pinagsisisihan na dumating sa kaniya si Nathan.

Gusto niyang tanungin na kapag ba inayos nila ngayon, may pag-asa pa ba? Pero ang kapal naman yata ng mukha niya para tanungin yun gayong nasaktan niya na nga yung tao. Siguro saka na o huwag na lang dahil may iba naman ng pinagtutuunan siya ng panahon niya, kontento na siyang si Nathan ang kasama niya.

Tumayo na si Nolan saka niya tiningnan si Athena na diretso lang ang tingin sa harap niya.

“I hope you’re happy Athena. I’m glad that you’re back hindi ko akalain na mamahalin mo ang New York ng apat na taon.” Aniya saka umalis, hilaw na natawa si Athena. Minahal ang New York? Kung alam lang niyang natrap siya sa bansang yun. Maganda ang New York, that is her favourite country pero ang pananatili niya dun ng apat na taon ay hindi niya ginusto. Paano ba siya makakaalis dun gayong itinago ni Yaya Lucy ang passport niya?

Napabuga na lang ng hangin si Athena at nanatili sa garden.

Pagsapit ng hapon ay sabay-sabay silang kumain. Ramdam mo pa ang tension na namamagitan sa kanilang lahat. Tanging mga kubyertos na lang ang maiingay.

“Mom, can I get some of that dish po?” magalang na tanong ni Nathan, napatingin naman sa kaniya si Don Rodriguez at si Danica. Napapairap na lang si Danica.

“Sure baby,” pinapakiramdaman lang din ni Athena ang pamilya niya. Binigyan niya ng ulam si Nathan saka sila muling kumain. Maya-maya ay napatingin siya kay Danica nang pabagsak nitong ibinaba ang mga kubyertos niya.

“Nawalan na ako ng gana,” anas niya.

“Mommy told me to finish a food Tita, there’s a lot of people outside and they are not eating three times a day like us.” Daldal ni Nathan, nanlaki na lamang ang mga mata ni Athena dahil dun. Hilaw na natawa si Danica saka niya tiningnan si Nathan. Mabilis na tinakpan ni Athena ang dalawang tenga ng bata.

“Ano bang pakialam mo? Ang bata bata mo nakikisawsaw sa mga matatanda.”

“Ate naman,” pagpipigil sa kaniya ni Athena.

“What? Kasalanan ko bang hindi mo pinagsasabihan ang anak mo Athena?” masungit nitong saad, mabuti na lamang at natakpan kaagad ni Athena ang tenga ni Nathan.

“He’s right anyway Danica, better to finish your food.” Sabat ng kanilang ama, umirap lang si Danica saka tumayo, hindi na pinansin ang sinabi ng ama.

“Pagsabihan mo ang anak mo kung gusto niyang magtagal sa pamilyang to.” dagdag pa niya.

“Danica!” sigaw na ng kanilang ama, inis namang umalis si Danica sa hapag kainan nila. Ano ba kasi talagang nagawa ni Athena sa kaniya para magsungit siya ng ganito? Umayos naman na si Athena saka niya nginitian si Nathan.

“Tapusin mo na lang baby ang pagkain mo para mahugasan na kita, okay?” napapalingon lang paminsan-minsan si Don Rodriguez sa kanilang mag-ina. Nakakaintindi rin pala ito ng tagalog.

“What did Tita said, Mommy?”

“She said that you should the one who finish your food baby kasi hindi lahat ng bata ay nakakakain ng masarap like you.” napatango-tango ang inosenteng bata sa sinabi ng ina. Hindi maintindihan ni Athena kung ano bang nangyayari sa Ate niya at kung anong nagawa niyang mali?

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sayo athena umalis na lang kayo dyan sa bahay ng ama mo at sana malaman mo na ang ate at ex mo ang may kagagawan ng nangyari sayo nuon
goodnovel comment avatar
Jekk '16
Ang ate mo kc athena may gusto sa ex bf mo.. or pinagkaisahan ka lng nlang dalawa.. ikaw naman na wlang kaalam alam
goodnovel comment avatar
Gene Cabelin Serdiña
masaya nakakaexite
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A Night With Mafia   Kabanata 0005

    Pumasok si Athena sa opisina ng kaniyang ama ng mapatulog niya na ang anak niya. Naupo siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama habang abala naman si Don Rodriguez sa mga kaharap niyang papeles. “Can I talk to you Dad, for a moment?” aniya, tiningnan ni Don Rodriguez si Athena at hinayaan niya itong

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • A Night With Mafia   Kabanata 0006

    Ang kanina pang hinihiling niyang hindi sana siya makilala ay hindi naging tagumpay. Bakit nakilala pa siya nito gayong apat na taon na ang nakalilipas saka bakit pa ba kasi niya naalala yun? Bahagyang natawa si Athena saka hinarap ang binata. “I don’t understand what you’re saying, Sir.” pagtatang

    Huling Na-update : 2022-09-05
  • A Night With Mafia   Kabanata 0007

    Nilapitan ni Athena si Danica, hindi niya naman masalubong ang mga mata ni Athena. “Athena,” tawag sa kaniya ni Nolan. “Huwag mong matawag tawag ang pangalan ko Nolan. Nandidiri ako sayo.” matigas niyang saad, tila ba naging bato ang puso ni Athena at tila ba bigla itong namanhid. Gusto niyang umi

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0008

    “Pangangailangan? Yun lang ba Nolan? Napakababaw ng dahilan mo, dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto mo? Isang linggo na lang Nolan, kasal na dapat natin pero naisipan mo pa rin akong iset up para lang macover ang panloloko niyong dalawa sa’kin? Wala akong ginawa sayo, sana nga niloko mo na lan

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0009

    “You look familiar,” anas niya rito, tiningnan naman siya ni Athena at maging si Athena ay napakunot ang noo, inaalala kung saan ba niya nakita ang binata. “Ikaw yung nasa plane diba?” tanong naman ni Athena. “Yun! Sabi ko na nga ba at nakita na kita eh. Oh, holy shit.” Aniya pa saka tiningnan si

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0010

    Gusto sanang iwasan ni Athena ang Boss niya pero paano niya ba yun gagawin kung araw-araw silang magkikita at magsasama? Napabuntong hininga na lang siya, natatakot siyang baka malaman ni Xavier ang tungkol kay Nathan. Bunga man ng isang pagkakamali ang anak nila hindi pa rin kaya ni Athena na mawal

    Huling Na-update : 2022-09-07
  • A Night With Mafia   Kabanata 0011

    “Gusto ni Freya na ipaubaya na lang sa kaniya ang lalaking yun. Ano sa tingin mo?” pinapaikot-ikot lang ni Xavier ang hawak niyang ball pen sa mga daliri niya. “Give it to her tutal kapatid niya naman ang nawala sa kaniya. Hayaan mong ipaghiganti niya ang Kuya niyang pinatay ng gagong yun.” “Masus

    Huling Na-update : 2022-09-07
  • A Night With Mafia   Kabanata 0012

    “Let’s have a dinner first before we leave.” Baling ni Xavier kay Athena nang mawala na ang tatlong kameeting niya. “Wala na po ba kayong ibang ipapagawa, Sir?” tanong niya. Umiling naman si Xavier. “Let’s eat first,” “Pasensya na po kayo Sir pero sa bahay na lang po ako kakain. May kailangan pa

    Huling Na-update : 2022-09-07

Pinakabagong kabanata

  • A Night With Mafia   Kabanata 0425

    I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go

  • A Night With Mafia   Kabanata 0424

    “Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng

  • A Night With Mafia   Kabanata 0423

    “Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal

  • A Night With Mafia   Kabanata 0422

    “Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i

  • A Night With Mafia   Kabanata 0421

    Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na

  • A Night With Mafia   Kabanata 0420

    “I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il

  • A Night With Mafia   Kabanata 0419

    Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s

  • A Night With Mafia   Kabanata 0418

    Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n

  • A Night With Mafia   Kabanata 0417

    Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k

DMCA.com Protection Status