Ang kanina pang hinihiling niyang hindi sana siya makilala ay hindi naging tagumpay. Bakit nakilala pa siya nito gayong apat na taon na ang nakalilipas saka bakit pa ba kasi niya naalala yun? Bahagyang natawa si Athena saka hinarap ang binata.
“I don’t understand what you’re saying, Sir.” pagtatanggi niya, baka kapag nakilala siya nito ay tanggalin siya kaagad sa trabaho niya. Mas lalong napangisi si Xavier, hindi siya maaaring magkamali dahil tandang tanda niya ang magandang mukha ni Athena.
Ipinamulsa ni Xavier ang dalawa niyang kamay saka diretsong nakatingin kay Athena.
“So, your name is Athena Rodriguez, sound familiar with your surname but I know there’s a lot of Rodriguez here in Philippines. Anyway, you left me that day. I know, it’s you.” mas lalong pekeng tumawa si Athena, hindi na siya komportable sa pinag-uusapan nila.
“Ano po ba ang sinasabi niyo Sir? Wala po akong matandaan.” Pagsisinungaling niya kahit na malinaw na malinaw pa rin naman iyun sa isipan niya. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking sumira ng buhay niya.
Napaatras na lang si Athena nang lapitan siya ni Xavier.
“Do I need to do that again? Just to remember me?” he said in his husky voice, napahinto na lang si Athena sa pag-atras niya ng maramdaman niya na ang malamig na pader sa likuran niya.
“Wala po akong kinalaman sa kung anong sinasabi mo po, Sir. I’m sorry but I think I need to go.” Akmang aalis na sana siya subalit iniharang ni Xavier ang dalawa niyang kamay sa pader dahilan para makulong si Athena. Iniiwas ni Athena ang mga mata niya at pilit niyang itatanggi kung anong nangyari sa kanila noong gabing yun. Bakit ba naman kasi sa dami ng kompanyang matatanggap siya ay dito pa sa kompanya ng lalaking ito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala na siyang choice, kailangan niya ng trabaho.
Nagigilawgaw na lamang si Athena nang hawakan siya ni Xavier sa pisngi niya.
“Gusto mo bang ipaalala ko bawat detalye ng gabing yun?” nakangisi nitong saad, dahil sa hindi na komportable si Athena ay buong lakas niyang itinulak ang lalaki. Naiyuko na lamang niya ang ulo niya dahil Boss pa rin niya ito pero ang lakas ng loob niyang itulak ang binata.
“Pasensya na po kayo Sir, hindi ko po sinasadya.” Hinging tawad niya.
“I won’t do such things Miss Athena, you can go back tomorrow to start your work.” Wika na nito saka bumalik sa swivel chair niya, inayos ang mga nagkalat na papeles. Naguilty naman si Athena dahil dun, mukha namang okay ang Boss niya at ang lalaking nakasama niya nung gabing yun pero nagsinungaling pa siya. Natatakot lang naman siyang alisin kaagad sa trabaho dahil lang dun.
“I’m really sorry Sir. I am not that kind of woman, kung ano man po ang nangyari nung gabing yun isang pagkakamali lang po yun. Hindi ko na po kasi alam ang ginagawa ko kaya hindi ko alam na ibang kwarto pala ang napasok ko. Have a nice day po, thank you for accepting me in this job.” Wika niya na saka lumabas ng opisina ni Xavier, napangisi na lang si Xavier. Alam niya naman na hindi nga siya nagkakamali, hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ni Athena.
“Interesting,” aniya saka napailing. Itinuon na lamang niya ang paningin sa mga gawain niya pero kahit na anong focus ang gawin niya ay hindi mawala sa isipan niya si Athena. Should he follow her?
Naibaba na lamang niya ang mga hawak niyang papeles at napatingin sa pintuan niya, gusto niyang puntahan ito pero naisip niyang papasok naman ito bukas. Subalit, paano kung tumakas na ito dahil nalaman niyang siya ang Boss niya?
“Damn it!” mahina niyang mura saka lumabas ng opisina niya, sinubukan niyang hanapin si Athena, hindi niya na rin ito naabutan sa elevator. Lakad takbo pa ang ginawa niya hanggang sa makarating ng lobby subalit hindi niya na ito nakita. Ano bang ginagawa niya? Just for a woman that he slept for one night ay nagkakaganito siya?
Inayos niya ang coat niya saka bumalik ng opisina. Nasa resume naman nito ang lahat ng information niya kaya kung sakaling hindi ito bumalik bukas ay mahahanap niya ito.
“Sir, magkakaroon pa rin po ba tayo ng interview bukas para sa paghahanap niyo ng secretary?” tanong ni Damian nang pumasok ito sa opisina niya.
“No need, Athena is enough to be my secretary. She’ll be my permanent secretary from now on.” bahagya pang napataas ang kilay ni Damian pero nakabawi rin. Siguro oras na para makapagpahinga siya sa paghahanap ng mga secretary ng Boss. Siya naman talaga ang original secretary pero ang gusto pa ng Boss ay may assistant secretary pa siya dahil hindi naman lahat ng trabahong ipapagawa niya kay Damian ay hindi niya kakayanin.
“Sige po Sir.” nagpaalam na si Damian saka lumabas ng opisina. Nilalaro na ni Xavier ang hawak niyang ballpen sa pagitan ng mga daliri niya. Saan ba nagpunta si Athena sa loob ng apat na taon? Isang taon niyang hinanap si Athena pero ni isang impormasyon ay wala siyang nakuha sa dalaga. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya at nahahanap niya pero kay Athena lang siya nahirapan at kung kailan sinukuan niya na ito ay dun naman ito nagpakita.
May ngiting umuwi si Athena dahil sa isang araw na paghahanap niya ng trabaho ay nagbunga. Ang akala niya ay mahihirapan pa siyang maghanap. Mabuti na lamang at hindi siya hinusgahan ng bago niyang Boss sa kung anong nangyari sa kanila noon.
“Hi baby, how’s your day?” una niyang pinuntahan ang anak na nasa garden. Naglalaro pa ito ng maabutan niya.
“It’s a long long day Mommy, why are you taking so long?” boring nitong wika, kanina pa siya naghihintay sa ina, nakatulog na siya pero hindi pa rin ito dumating.
“Baby, Mommy is looking for a job, so starting tomorrow, don’t wait for me, okay? I’ll call if I’ll be late.” Napanguso naman ang bata.
“So, I will eat everyday alone cause you have a job now.”
“Yes baby, this is for you. Don’t worry, I will try to home early so we will eat together.” Wika niya saka niya ginulo ang buhok ng anak.
“I understand Mom, I love you.”
“Awww,” napakasweet talaga ng batang ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi pinagsisisihan ni Athena na dumating sa buhay niya si Nathan. Ang buong akala niya rin noong una ay ito ang sisira ng buhay niya pero nagkakamali siya dahil ito ang nagbigay ng panibagong pag-asa sa buhay niya.
Pagpasok ni Athena ng kusina ay naabutan niya dun si Nolan.
“Good morning,” bati na lamang niya. Maaga pa lang naman pero naisipan ni Athena na pumasok ng maaga dahil ito ang unang araw niya. Hindi niya gustong malate.
“Morning, want some coffee?” alok nito dahil nagtitimpla siya ng kape niya. Si Nolan ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Rodriguez at ayaw ni Don Rodriguez na isama ang problema ng anak niya rito sa trabaho niya.
“Can I?” nakangiti niyang wika kaya bahagyang natawa si Nolan. Naupo na si Athena sa upuan niya, pinapanuod niya naman si Nolan sa ginagawa niya. She miss him pero hindi na sila gaya ng dati. Nang matapos na magtimpla si Nolan ay naupo na rin siya sa harap ni Athena saka niya ibinigay ang tinimpla niyang kape.
“Ang aga mo naman yata ngayon, may pupuntahan ka ba?” pagtatanong ni Nolan.
“Hmmm, nakahanap na ako ng trabaho kaya papasok ako ng maaga.” Nagsalubong naman ang mga kilay ni Nolan.
“Trabaho? Bakit hindi ka na lang nagtrabaho sa sarili niyong kompanya?”
“Alam kong walang bakanteng pwesto. Hindi dahil sa anak ako ng may-ari dapat exemption na ako. No, I want to stand too on my own feet without help of the others.” Sumimsim siya ng kape niya. Nakatitig lang naman si Nolan kay Athena, ang dating Athena na nakilala niya ay nagbago. Tila nawala ang pagiging mahina nito, marami rin nagbago sa physical na anyo nito at ang kagandahang mas lalong lumilitaw.
Naiiwas na lang ni Nolan ang paningin niya nang lingunin siya ni Athena.
“Apat na taon na ang nakalipas, do you have a girlfriend now?” pagtatanong niya, napahigop naman si Nolan sa kape niya bago sinagot si Athena.
“Wala pa akong nahahanap simula ng maghiwalay tayo.” Mapait namang napangiti si Athena, hindi naman kasi ganun kadali ang mag-umpisa uli lalo na at ilang taon din naging sila.
“Ganun ba? I hope you will find your happiness Nolan. I’m sorry for causing you a pain.” Tumayo na si Athena saka inilagay sa lababo ang pinagkapehan niya. Maggagayak na siya para sa pagpasok niya ngayong umaga.
“Mommy can I play outside of the house?” pagtatanong ni Nathan habang naggagayak si Athena.
“No baby, you can’t. You can use the whole garden but don’t play in another place.” Bilin niya rito, ayaw ng Daddy niya na makita si Nolan ng ibang tao kaya sa garden lang ito naglalaro dahil hindi naman nakikita sa labas ang garden nila. Baka kapag naglaro si Nolan sa harap ng bahay nila ay mapagalitan pa siya ni Don Rodriguez, ayaw naman ni Athena na mangyari yun. Ayaw niya ng pinapagalitan ang anak dahil hindi naman ito nagbibigay ng sakit sa ulo.
“Oh okay, I understand Mommy. Take care Mom, I will play at the garden now.” Humalik naman na muna si Nathan sa kaniyang ina bago ito lumabas ng kwarto.
“Huwag bibigyan ng sakit ng ulo si Yaya, okay?” habol pa niya sa anak.
“Yes Mom,”
Nang matapos na maggayak si Athena ay lumabas na rin siya ng kwarto. Ng makaramdam siya ng pagkauhaw ay nagtungo na muna siya ng kusina subalit bago pa man siya makapasok ng kusina ay rinig niya ang mahinang boses ni Danica.
“Do you still love her Nolan? Kitang kita ko kung paano mo siya titigan kanina habang sabay kayong nagkakape!” pigil ang sigaw nito dahil nag-iingat siya na baka may makarinig sa usapan nilang dalawa ni Nolan. Nagtataka naman si Athena kung ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa.
“Danica, ano ba? Pag-aawayan pa ba natin ‘to?”
“Tinatanong kita ng maayos Nolan, tandaan mo tayong dalawa ang naglagay sa inumin niya noon para pagtakpan ang panloloko nating dalawa.” Naguguluhan si Athena sa naririnig niya sa dalawa, pero tila ba nagkakaroon na siya ng idea kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Baka rin nakakalimutan mong idea mo yun Danica. Wala akong ginawang mali para magalit ka ng ganiyan. Aalis na ako.”
“Pero kitang kita ko ang mga mata mo kanina Nolan! Do you still love her? Siya pa rin ba? Pero kung mahal mo siya hindi mo siya lolokohin.”
“You seduce me Danica at kung hindi kita minahal hindi ako papayag sa gusto mong gawin sa kaniya. Ikaw ang nagbaliktad ng number ng room number 4006 diba? Para dun siya makapasok kaya huwag mo akong dradramahan.” Naikuyom ni Athena ang mga kamao niya at hindi siya makapaniwalang sa loob ng apat na taon ay naitago nilang dalawa yun.
Siya ang nagdusa sa kasalanang hindi niya ginawa tapos malalaman niyang sarili niyang kapatid at fiancé pala ang may kagagawan ng nangyari sa kaniya.
“Nolan!” sigaw ni Danica nang talikuran siya ni Nolan pero bago pa man makaalis si Nolan ay nagulat na lang siya ng makita niya si Athena, bakas ang galit at pandidiri sa dalawa. Tiningnan niya ang Ate niya at maging ito ay nagulat pero huli na ang lahat dahil narinig niya na.
Napasabunot na lang si Nolan sa sarili niyang buhok dahil alam niya na kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon ng mukha ni Athena.
“Athena,” anas ni Nolan dito pero sinamaan siya ng tingin ni Athena.
“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero bakit? Bakit niyo nagawa sa’kin yun?” pinipigilan niya ang sarili niyang hindi magalit pero naninikip ang dibdib niya dahil sasabog na ang galit sa dibdib niya. Hindi niya matanggap na ang lalaking minahal niya ay siya pa pala ang gagawa ng ganun klaseng bagay sa kaniya at ang sarili pa niyang kapatid. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang kasalanan para gawin nila sa kaniya iyun.
Ngayon, may kasagutan na kung bakit hindi man lang nagpaliwanag para sa kaniya ang Ate niya dahil sila mismo ang may gawa nun sa kaniya.
Nilapitan ni Athena si Danica, hindi niya naman masalubong ang mga mata ni Athena. “Athena,” tawag sa kaniya ni Nolan. “Huwag mong matawag tawag ang pangalan ko Nolan. Nandidiri ako sayo.” matigas niyang saad, tila ba naging bato ang puso ni Athena at tila ba bigla itong namanhid. Gusto niyang umi
“Pangangailangan? Yun lang ba Nolan? Napakababaw ng dahilan mo, dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto mo? Isang linggo na lang Nolan, kasal na dapat natin pero naisipan mo pa rin akong iset up para lang macover ang panloloko niyong dalawa sa’kin? Wala akong ginawa sayo, sana nga niloko mo na lan
“You look familiar,” anas niya rito, tiningnan naman siya ni Athena at maging si Athena ay napakunot ang noo, inaalala kung saan ba niya nakita ang binata. “Ikaw yung nasa plane diba?” tanong naman ni Athena. “Yun! Sabi ko na nga ba at nakita na kita eh. Oh, holy shit.” Aniya pa saka tiningnan si
Gusto sanang iwasan ni Athena ang Boss niya pero paano niya ba yun gagawin kung araw-araw silang magkikita at magsasama? Napabuntong hininga na lang siya, natatakot siyang baka malaman ni Xavier ang tungkol kay Nathan. Bunga man ng isang pagkakamali ang anak nila hindi pa rin kaya ni Athena na mawal
“Gusto ni Freya na ipaubaya na lang sa kaniya ang lalaking yun. Ano sa tingin mo?” pinapaikot-ikot lang ni Xavier ang hawak niyang ball pen sa mga daliri niya. “Give it to her tutal kapatid niya naman ang nawala sa kaniya. Hayaan mong ipaghiganti niya ang Kuya niyang pinatay ng gagong yun.” “Masus
“Let’s have a dinner first before we leave.” Baling ni Xavier kay Athena nang mawala na ang tatlong kameeting niya. “Wala na po ba kayong ibang ipapagawa, Sir?” tanong niya. Umiling naman si Xavier. “Let’s eat first,” “Pasensya na po kayo Sir pero sa bahay na lang po ako kakain. May kailangan pa
Napabuntong hininga na lang Athena, naalala niya na naman ang tinanong ng anak kagabi. Malamang magtatanong pa rin yun dahil naghahanap pa rin siya ng tunay na ama. Naihiga niya na lang ang ulo niya sa lamesa at ginawang unan ang braso. Ano bang sasabihin niya sa anak? Gusto pa ba talaga niyang mak
“Are you okay, Mommy?” tanong na ng anak na ikinatango naman ni Athena. “I need to leave tomorrow baby, two days ako dun. Si Yaya Jane na muna ang makakasama mo okay? Siya rin ang makakatabi mo sa gabi. I don’t want to leave you alone here but I had no choice baby eh. Mommy need in her job.” Wika n
I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go
“Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng
“Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal
“Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i
Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na
“I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il
Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s
Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n
Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k