Pumasok si Athena sa opisina ng kaniyang ama ng mapatulog niya na ang anak niya. Naupo siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama habang abala naman si Don Rodriguez sa mga kaharap niyang papeles.
“Can I talk to you Dad, for a moment?” aniya, tiningnan ni Don Rodriguez si Athena at hinayaan niya itong magsalita.
“I’ll find a job tomorrow para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay. Susubukan ko pong pumasok sa ibang kompanya.”
“For what? May mga sarili na tayong negosyo Athena and you don’t need to find a job. Kaya ko ang mga gastusin dito sa bahay at kapag kinukulang ka pa sa allowance mo I can give you more.” Umiling si Athena, simula pa lamang ay nakaasa na siya sa kaniyang ama pero ngayong may anak na siya, kailangan niyang tumayo sa mga sarili niyang mga paa.
“Not like that Dad, gusto kong bilhin ang mga gusto ng anak ko, gusto kong maibigay ang pangangailangan niya bilang ina. I want to stand on my own feet, ayaw kong iasa pa rin sa inyo ang lahat. Gusto ko po sanang magtrabaho ng walang kinalaman sa pamilya natin, gusto ko rin naman pong gawin ang responsibilidad ko bilang isang ina. Ayaw kong habang buhay ay nakadepende na lang ako sayo, gusto ko rin pong magdesisyon para sa sarili kong buhay.” Nakatitig lang naman sa kaniya ang ama niya. Kung sabagay, hindi naman habang buhay ay mananatiling mga dalaga ang mga anak niya dahil balang araw magkakaroon din sila ng mga sarili nilang buhay. Siguro, oras na rin para tumayo sila sa mga sarili nilang mga paa.
“Kung iyun ang sa tingin mo ay tama. Huwag kang mahihiyang lumapit sa’kin kapag nahihirapan ka na.” ngumiti at tumango na lang si Mia.
“Thanks Dad, have a good night.” Pagpapaalam niya, tumalikod na si Athena at bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay tinawag pa siya ng kaniyang ama kaya nilingon niya ito. Hindi pa kaagad nakapagsalita si Don Rodriguez at bahagya siyang ngumiti sa anak.
“Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sayo. Apat na taon kitang pinabayaan at hinayaang mag-isa, sa loob ng apat na taon na yun ay galit ko pa rin ang sumalubong sa pagdating mo. I’m so sorry anak, I just want to make sure that you have a good future. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sayo.” napangiti na lang si Athena saka binitawan ang hawak niyang door knob para puntahan ang ama. Mahigpit niya itong niyakap.
“I understand Dad, I’m sorry that I disappoint you.” hindi niya gustong madissapoint sa kaniya ang ama niya pero hindi niya naman sinasadya kung anong nangyari sa kaniya. Ilang minuto pa niyang niyakap ang ama saka nito naisipang umalis na. Naiintindihan niya naman ang nararamdaman nito. Malaki ang tiwala sa kaniya ng kaniyang ama pero nawala ang lahat ng yun ng malaman niya ang tungkol sa gabing yun.
Hindi niya lang maintindihan kung paanong nalaman kaagad ng ama niya tungkol dun. Nang makita ba siya ni Nolan ay nagsumbong ito kaagad? Bakit pa ba niya iisipin ang isang bagay na nangyari na ilang taon na ang nakalilipas.
Kinabukasan ay iniwan na muna ni Athena si Nathan sa kilala niyang katulong sa bahay nila. Matagal na itong nagsisilbi dun kaya ito lang ang mapagkakatiwalaan niya sa bata. Kailangan niyang maghanap ng trabaho. Nagsearch naman na siya online kagabi sa mga kompanyang hiring ngayon kaya pupuntahan niya na lang ang mga ito para mainterview siya.
Bagsak ang balikat niyang lumabas sa isang kompanya ng hindi niya na maabutan ang mga bakanteng pwesto pero hindi siya dun susuko, marami pa siyang kompanya na nakalista para puntahan niya at applyan.
“Miss kahit anong trabaho na lang,” pakiusap niya sa isang sekretarya ng kompanya nang palabasin siya.
“Pasensya ka na Ma’am pero wala na po kasi kaming bakante. Hindi pa kasi naaalis ang hiring post namin kaya pasensya ka na talaga.” Wala naman ng nagawa si Athena kundi ang lumabas na naman sa ikalimang kompanya na sinubukan niyang pasukan. Qualified naman siya, college graduate pero wala na talagang mga bakante.
Naupo na muna siya sa isang bench para makapagpahinga, tagaktak na ang pawis niya sa noo dahil sa init. Hinilot-hilot niya ang mga paa niya para makaginhawa ang mga ito, kanina pa siya lakad nang lakad pero wala namang nangyayari sa paghahanap niya ng trabaho.
Tiningnan niya ang papel kung saan nakasulat ang mga inilista niyang kompanya na papasukan niya. Ginuhitan niya na ang mga kompanya na napuntahan niya na.
“Ikaw ang next, sana meron ng bakante kahit ano.” Aniya pa sa sarili, kahit na masakit na ang mga paa niya ay pinilit niyang maglakad para makapaghintay ng taxi sa highway. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na siya sa kompanya. Napatingala pa siya dahil sa sobrang laki nito, nag-aalinlangan tuloy siya kung tatanggapin ba siya rito kung yung mga maliliit na kompanyang sinubukan niya ay pinalabas lang siya. Bahala na, susubukan niya lahat ng kompanyang pwede niyang puntahan.
“May magpapasa pa ba?” tanong ng isang empleyado sakto naman ang pagpasok ni Athena. “Kung wala na, ipapasa ko na ito sa taas.”
“Ah Miss, baka pwede akong humabol? Ito yung mga papeles ko.” anas niya rito, tiningnan naman ng babae ang mga dala ni Athena at kompleto naman na ang mga ito.
“Maghintay na lang kayo, hahatiin kayo sa dalawa. Yung isang grupo ay mapupunta sa manager namin at ang isa naman ay sa Boss namin. Good luck everyone.” Wika niya bago ito pumasok sa isang kwarto. Masaya naman si Athena dahil kahit papaano ay may naabutan pa siya ngayong araw.
“Ang Boss nila? Hindi ba at ang Boss nila ay si Sir Xavier Guevarra? Sana sa kaniya ako mapunta.” Rinig pa ni Athena na kinikilig ang ilang mga kababaihan. Siguro binata ang Boss nila dito, aniya na lang sa kaniyang isipan. Wala na siyang panahon pa para kiligin dahil ang importante sa kaniya ay makahanap siya ng trabaho ngayong araw para naman may napuntahan ang kapaguran niya.
Ilang minuto pa silang naghintay at habang naghihintay sila ay hinihilot naman uli ni Athena ang mga paa niya. Napadaing na lang siya ng makita niyang dinudugo na ang sakong niya gawa nang paglalakad niya.
“Donna Martinez, Jake Imperial, Bea Galope, Tina Raymundo....” maraming pangalan na tinawag ang babae at nakikinig lang silang lahat kung saan sila mapapapunta. “Lahat ng mga pangalan na nabanggit ko ay pumasok na sa loob at ang mga hindi naman nabanggit ay sumunod kayo sa’kin.”
Sumunod din si Athena sa babae, halos lahat ng mga lalaki sa kabilang grupo ay nandun at kaunti lang ang babae. Samantalang sa grupo nila ay halatang mga dalaga pa at talagang pinili ang may mga maayos na itsura. Hindi man alam ni Athena kung ano bang trabaho ang maitatapat sa kaniya, malugod niyang tatanggapin kahit ano iyun. Kahit na janitress na lang ang naiiwan sa kaniya, wala naman siyang magagawa. Ang anak na lang niya ang iniisip niya.
“Maghintay na lang yung iba dito kapag tinawag kayo saka kayo papasok sa loob.” Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ng babae. Pumasok na ito sa loob ng kwarto dala-dala ang mga papeles ng mga mag-aapply. Maya-maya ay unti-unti na silang nababawasan at nagtataka na lang si Athena dahil lahat ng mga lumalabas ay bagsak ang mga balikat. Hindi ba sila natanggap? Anong standard ba ang hinahanap nila para maging kwalipikado ka sa trabaho?
Kinakabahan tuloy siya kung matatanggap ba siya o hindi.
Sa kabilang banda naman ay inis na inalis ni Xavier ang mga papeles na nasa kaniyang harapan. Sa dami nang pumasok sa opisina niya ay wala man lang siya magustuhan sa mga aplikante. Hindi niya naman inaalis ang mga ito, ipinupunta niya na lang sa ibang bakanteng trabaho. Tumayo na siya at tumalikod saka tumingin sa bintana niya.
“Paalisin mo na silang lahat, pagod na ako sa araw na ito.” utos niya sa kaniyang sekretarya.
“Pero Sir, nag-iisa na lang po kasi yung hindi niyo pa naiinterview. Sayang naman po yung paghihintay niya kapag pinaalis ko pa.” sinamaan ng tingin ni Xavier si Damian.
“Kapag sinabi ko gawin mo.” malamig niyang aniya, naiyuko na lang ni Damian ang ulo niya saka lumabas ng opisina ng kaniyang Boss. Nahihiya siyang hinarap ang babaeng nag-iisa na lang sa pila. Nakangiti pa si Athena dahil alam niyang siya na ang next pero nawala ang ngiting yun nang umiling sa kaniya ang lalaki.
“Pasensya ka na Miss pero pagod na kasi si Sir eh, kung gusto mo pwede kang bumalik bukas.”
“Pero bakit pa? Last naman na ako eh. Sir please, pakiusapan niyo naman ang Boss niyo na kahit saglit lang. Pagbigyan niya naman ako at hayaan niyang pakinggan ako saglit.” Nakikiusap niya ng saad, halos isang oras na siyang naghihintay pero bakit nung siya na ay pinapaalis pa siya? “Please naman oh, sabihin mo naman sa kaniya oh.” Muli niyang pakiusap.
Bumalik si Damian sa loob at nasa bintana pa rin si Xavier.
“Sir, nasa labas pa rin yung babae. Gusto niyang pakinggan niyo na muna siya para hindi na siya bumalik bukas para kung sakaling hindi siya matanggap, makakahanap siya sa ibang kompanya.” Inalis ni Xavier ang pagkakabulsa ng mga kamay niya at salubong ang mga tingin niya sa sekretarya niya.
“Sino ba ang babaeng yan na matigas ang ulo at hindi man lang marunong makini—“ hindi na natapos ni Xavier ang sasabihin niya ng makita niya na ang resume ng babae na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Literal siyang napahinto at tinitigang mabuti ang picture ng babae sa resume niya. Alam niyang hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng hinanap niya apat na taon na ang nakararaan.
“Papasukin mo siya,” utos niya, nagtataka man si Damian ay sinunod niya na ang Boss dahil baka bawiin pa nito ang sinabi niya. Pumasok naman na si Athena saka nakayukong lumapit kay Xavier.
“My name si Athena Rodriguez Sir, I’m here to apply for a vacant job kahit ano po tatanggapin ko.” wika niya ng hindi tinitingnan ang binata. Napangisi si Xavier, sa loob ng maraming taon ay kusa rin itong nagpakita sa kaniya. Halos halughugin niya ang buong Manila pero hindi niya ito nakita, ngayon nakatayo na sa kaniyang harapan.
“Okay naman ang resume mo, you have a college degree at okay na yun. Secretary ang hinahanap ko, gusto ko kapag tinawag ko pumupunta kaagad kahit anong oras pa yan, kahit kasarapan na ng tulog mo o kahit nasan ka man. Ayaw ko sa taong hindi marunong sumunod. Kaya mo ba yun?”
“Oo naman po Sir, kayang kaya ko po. Tatanggapin ko ang trabaho kapag kinuha niyo po ako.” masaya niyang wika saka tinangala ang binata, ang sayang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng kaba. Nawala ang mga ngiti sa labi niya at napalunok na lang siya ng makita ang mukha ng binata. Bahagya siyang natawa at dahan-dahan na iniyuko muli ang ulo niya.
Hindi niya akalain na makikita niya ang lalaking ito, hindi ba siya nagkakamali? Totoo ba ang nakita niya kanina? Alam niyang tanda pa niya ang mukha ng lalaking nakasama niya ng isang gabi at hindi siya maaaring magkamali na itong lalaking nasa harapan niya iyun.
“Kaya mo ba?” muli niyang tanong, muling tiningnan ni Athena ang binata sa mukha. Sana ay hindi siya mamukhaan o hindi sana siya makilala ng binata. Ito na ang trabahong pagkakataon niya. “I want to hear your answer,” aniya pa, hindi tuloy alam ni Athena kung kukunin pa ba niya ang trabaho. Secretary? Malamang araw-araw niyan ay magkasama silang dalawa. Hindi naman siguro siya nakilala.
“Yes Sir, kaya ko po.” Mahina niya ng sagot tila nawala tuloy ang excitement niya. Tinitigan pa ni Xavier si Athena at napapangisi na lang siya.
“It’s all done, you can start tomorrow.”
“Salamat po,” yuko niyang wika, nagpapasalamat dahil mukhang hindi siya nakilala. Baka isipin ng lalaking ito na isang bayarang babae si Athena kung sakaling nakilala niya nga o baka hindi na siya tatanggapin sa kompanya dahil sa nangyari.
Akmang lalabas na sana si Athena ng opisina ni Xavier nang magsalita ito.
“Don't you recognize me Miss?” hindi na nakagalaw si Athena sa kinatatayuan niya nang sabihin yun ng binata. Kung ganun, nakilala siya nito. “I am the man you were with that night.” Dagdag niya na mas lalong nakapagpakabog ng dibdib niya. Mariin niyang naipikit ang kaniyang mga mata at natatakot na harapin ang lalaki.
Ang kanina pang hinihiling niyang hindi sana siya makilala ay hindi naging tagumpay. Bakit nakilala pa siya nito gayong apat na taon na ang nakalilipas saka bakit pa ba kasi niya naalala yun? Bahagyang natawa si Athena saka hinarap ang binata. “I don’t understand what you’re saying, Sir.” pagtatang
Nilapitan ni Athena si Danica, hindi niya naman masalubong ang mga mata ni Athena. “Athena,” tawag sa kaniya ni Nolan. “Huwag mong matawag tawag ang pangalan ko Nolan. Nandidiri ako sayo.” matigas niyang saad, tila ba naging bato ang puso ni Athena at tila ba bigla itong namanhid. Gusto niyang umi
“Pangangailangan? Yun lang ba Nolan? Napakababaw ng dahilan mo, dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto mo? Isang linggo na lang Nolan, kasal na dapat natin pero naisipan mo pa rin akong iset up para lang macover ang panloloko niyong dalawa sa’kin? Wala akong ginawa sayo, sana nga niloko mo na lan
“You look familiar,” anas niya rito, tiningnan naman siya ni Athena at maging si Athena ay napakunot ang noo, inaalala kung saan ba niya nakita ang binata. “Ikaw yung nasa plane diba?” tanong naman ni Athena. “Yun! Sabi ko na nga ba at nakita na kita eh. Oh, holy shit.” Aniya pa saka tiningnan si
Gusto sanang iwasan ni Athena ang Boss niya pero paano niya ba yun gagawin kung araw-araw silang magkikita at magsasama? Napabuntong hininga na lang siya, natatakot siyang baka malaman ni Xavier ang tungkol kay Nathan. Bunga man ng isang pagkakamali ang anak nila hindi pa rin kaya ni Athena na mawal
“Gusto ni Freya na ipaubaya na lang sa kaniya ang lalaking yun. Ano sa tingin mo?” pinapaikot-ikot lang ni Xavier ang hawak niyang ball pen sa mga daliri niya. “Give it to her tutal kapatid niya naman ang nawala sa kaniya. Hayaan mong ipaghiganti niya ang Kuya niyang pinatay ng gagong yun.” “Masus
“Let’s have a dinner first before we leave.” Baling ni Xavier kay Athena nang mawala na ang tatlong kameeting niya. “Wala na po ba kayong ibang ipapagawa, Sir?” tanong niya. Umiling naman si Xavier. “Let’s eat first,” “Pasensya na po kayo Sir pero sa bahay na lang po ako kakain. May kailangan pa
Napabuntong hininga na lang Athena, naalala niya na naman ang tinanong ng anak kagabi. Malamang magtatanong pa rin yun dahil naghahanap pa rin siya ng tunay na ama. Naihiga niya na lang ang ulo niya sa lamesa at ginawang unan ang braso. Ano bang sasabihin niya sa anak? Gusto pa ba talaga niyang mak
I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go
“Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng
“Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal
“Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i
Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na
“I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il
Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s
Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n
Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k