Share

Kabanata 0003

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2022-09-03 20:23:05

THIRD PERSON POV

Inilapag na ni Xavier ang dala-dala niyang suitcase nang makarating siya ng office niya. Niluwagan niya ang necktie niya saka niya nilingon si Simon.

“What happened to your search operation?” seryoso niyang tanong dito, naiiwas naman ni Simon ang paningin sa Boss.

“I’m sorry Sir but we can’t really find where she is.” Nakayuko niyang sagot, tumalim naman ang mga tingin ni Xavier kay Simon. Hindi na makatingin ng diretso si Simon kay Xavier dahil hindi mo gugustuhing magalit ito.

“Did you really search about her? I know what you did last night, you went to a bar. I told you to find her but what are you doing? Don’t make me mad Simon, you know what I can do to the people like you.” malamig niyang aniya, napalunok na lang si Simon.

“I went there to find her Sir, pinupuntahan ko lang ang mga lugar na possible niyang puntahan. Why do you want to find her if she’s that kind of a woman?” tanong ni Simon, kilala na nila si Xavier dahil para sa kaniya ang mga babae ay isang laruan lamang, mga tagapagpasaya sa mga lalaki sa kama. Natigilan naman si Xavier, hindi niya rin alam kung bakit pa nga ba niya hinahanap ang babaeng yun gayong isang gabi lang naman ang nangyari sa kanila. Tiningnan ni Xavier si Simon.

“She’s not that kind of woman, Simon. She is not.” May diin niyang sagot sa panghuli dahil alam na alam niya na hindi katulad ng mga prostitute ang babaeng nakasalo niya nung gabing yun. There is also a blood stain when he woke up but the woman is gone. Naramdaman niya rin ang pagkasikip ng dalaga sa gitna ng mga hita niya, hindi niya lang alam kung bakit hindi niya naman ito kilala ay tila nababaliw siya para hanapin ang dalaga.

Hindi lang naman ito ang naikama niya pero tila iba ang epekto niya sa pagkatao ni Xavier.

“Okay Sir, I’ll find her.” yukong wika ni Simon saka lumabas sa office ng Boss.

Lumipas ang mga araw, linggo at hindi lang buwan kundi apat na taon. Apat na taon na ang lumipas at abala naman si Athena sa pag-aayos niya ng mga gamit niya. Inilalagay niya na ito sa maleta niya. Apat na taon siyang nanatili sa New York at ang tanging kasama lang ang yaya nila at ang hindi niya inaasahang darating sa buhay niya.

Ang bunga ng isang gabing hindi sinasadya. Hindi niya gusto ang pagbubuntis niya noon dahil hindi niya matanggap, hindi niya matanggap na nabuo ang isang makasalanang gabi, ang gabing kinamumuhian niya, ang gabing isinusumpa niyang nangyari. Gusto niyang patayin ang bata dahil bunga lamang siya ng isang pagkakamali, nabuo siya ng walang pagmamahal sa pareho niyang mga magulang.

Ni hindi nga kilala ni Athena ang ama ng dinadala niya eh, tanging sa mukha lang. Hindi na rin siya nag-abala pang hanapin pa dahil bakit pa niya hahanapin ang isang taong halos sumira ng buhay niya. Maraming nawala sa kaniya noong mga panahon na yun, ang pinapangarap niyang kasal ay tila isang bulang naglaho, ang tiwala sa kaniya ng kaniyang ama ay nawala, unti-unti ring nasisira ang relasyon nila ng Ate Danica niya, nakulong siya ng apat na taon sa New York. Hindi rin siya makaalis dahil itinago ni Yaya Lucy ang passport niya. Kahit anong gawin niyang maghanap ay hindi niya makita.

“Baby, please don’t scatter your toys. I am putting them inside of your maleta. Do you want to leave them here?” anas niya sa kaniyang anak. Umiling naman ito sa kaniya.

“I’ll fix it na po. Can I take all of my toys po?” magalang niyang tanong, kahit na englishero at minsan lang naman magtagalog ay hindi pa rin nawawala ang salitang po sa kaniya.

“Of course baby,” nakangiti niyang saad. Hindi akalain ni Athena na ang batang gusto niyang patayin noon ay siyang nakakapagbigay ng ngiti at saya sa buhay niya. Ito ang nakasama niya sa maraming taon, dito niya ibinuhos ang oras niya habang nasa New York siya.

Kung hindi siguro kay Yaya Lucy baka nagawa na ni Athena ang gusto niyang mangyari dati, baka ipinalaglag niya na ang bata dahil ang pinangarap niya dati ay magkaroon ng anak sa taong mahal na mahal niya at hindi sa isang bunga lamang ng isang kasalanan.

Ang tagal niya ring naghintay na tawagan man lang o itext siya ng kaniyang ama pero hindi nangyari. Halos isang taon niya ring sinubukang kontakin si Nolan pero mukhang nagpalit na ito ng number maging ang Ate niya. Halos masira ang lahat ng sa kaniya, ilang beses niya ring sinisi ang ama ng dinadala niya dahil sa kaniya hindi natuloy ang kasal nila ni Nolan.

Araw-araw siyang naghihintay ng tawag o text ng mga tao na nasa Pilipinas but years later wala man lang siyang natanggap hanggang sa tinanggap niya na lang sa sarili niyang sa New York na siya mananatili, baka wala ng balak na pauwiin siya ng kaniyang ama hanggang sa lumipas ang apat na taon, sa hindi niya na inaasahang araw ay tumawag ang Daddy niya at pinapabalik na siya ng Pilipinas. Ibinalik na rin ni Yaya Lucy ang passport niya.

“Iha, nakaayos na ang lahat. Nakaayos na ba ang lahat ng mga gamit niyo?” pagtatanong ni Yaya Lucy nang pumasok siya sa loob ng kwarto ng mag-ina.

“Okay na po yaya,”

“Mom, are you not taking my other clothes?” tanong ni Nathan ng mapansin niya sa closet niyang nandun lahat ng mga makakapal niyang damit at mga jacket.

“Baby, the climate here and in Philippines is different. You don’t need that there beside we can buy another clothes of yours, okay?”

“Really? I’m excited to go there and meet my Lolo. Is he kind Mommy?” bakas ang saya sa mukha ng anak, napatingin na lang si Athena kay Yaya Lucy pero tipid lang itong ngumiti. Nilapitan ni Athena ang anak niya saka niya ito hinaplos sa mukha at tipid na nginitian.

“Don’t worry, I know he will love you.” tanging sagot niya lang dito kaya mas lalong ngumiti ang bata.

Inilabas naman na nila lahat ng mga gamit nila saka isinakay sa sasakyan. Nang maayos na nila lahat ay nagpaalam na sila kay Yaya Lucy at tinahak na ang daan patungong Airport.

Lumipas ang ilang oras at maayos silang lumapag sa airport ng Pilipinas. Namamanghang nakatingin sa labas si Nathan, ang anak ni Athena.

“Philippines is beautiful too Mom, so, there’s no a snow here?”

“Nothing baby, it’s hot here so we don’t need a thick clothes.” Napatango-tango na lang ang bata saka inilibot ang paningin sa paligid niya, ramdam niya na rin ang mga butil butil na pawis sa noo niya dahil sa init.

Kinakabahang lumapit si Athena sa sasakyan ng kaniyang ama. Kunot noo na ring nakatingin sa kaniya si Mang Roy, ang personal driver ng kanilang pamilya. Nagtatakang nakatingin sa kasamang bata ni Athena.

“Magandang araw po, Mang Roy.” Magalang niyang bati.

“Ganun din sayo iha,” aniya pero nasa bata pa rin ang paningin niya, pansin iyun ni Athena pero tipid na lang siyang ngumiti. Handa siyang harapin ang lahat. Pinagbuksan na silang dalawa ng pintuan kaya pumasok na sila. Paminsan-minsan ay patingin-tingin sa salamin si Mang Roy para tingnan ang dalawa. Mas lalo siyang nagtataka sa tuwing tinatawag ng bata na Mommy si Athena.

“It’s really hot here Mom, there is a big different in New York and here but they both beautiful. Are we going to stay here for good?” pagdadaldal ng bata.

“Yes baby, but it depends on the situation if we need to go back in NY.” Wala naman talagang kasiguraduhan, kung nagawa ng kaniyang ama na idala siya sa New York apat na taon na ang nakalilipas, malamang hindi malabong magawa na naman niya iyun sa kaniya. Napabuntong hininga na lang si Athena, matagal niya na itong pinaghahandaan pero kinakabahan pa rin siya. Mas lalong dumoble ang kaba niya nang makarating na sila, kitang kita niya na ang malaki nilang gate papasok sa loob ng kanilang bahay.

Kagaya pa rin ng dati, may mga gwardya pa rin sa labas ng bahay o sa loob man dahil sa katayuan ng kaniyang ama sa bansa.

“Pumasok na kayong dalawa sa loob, ako ng bahala sa mga gamit niyo.” Anas ni Mang Roy na ikinatango na lang ni Athena. Hinawakan ni Athena ang kamay ni Nathan saka sila sabay na pumasok sa loob. Sa bawat paghakbang niya ay tila bumibigat, apat na taon na ang lumipas at ngayon niya na lang uli makikita ang pamilya niya. Iniisip niya rin si Nolan, ano na bang nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon? May iba na kaya siyang pinakasalan?  

Pagpasok nilang dalawa ay nakita na ni Athena si Don Rodriguez na nakatayo sa kanilang sala. Seryoso ang mukha, gustong yakapin ni Athena ang ama pero tinatanya pa niya ito, tila ba nagkaroon ng malaking pader sa pagitan nilang dalawa. Hindi biro ang apat na taon, nakaramdam din siya ng galit sa ama dahil hindi man lang siya hinayaang magpaliwanag, ipinadala siya kaagad sa New York at nanatili dun ng apat na taon.

“Mom, is this your house?” agaw atensyong tanong ni Nathan, napatingin dun si Don Rodriguez dahil hindi niya naman ito napansin kanina. Na kay Athena lang kasi ang atensyon niya. Punong puno ng tanong ang isip niya pero walang lumabas na salita sa bibig niya.

“I’ll take him first in our room Dad,” aniya rito, hindi naman sumagot ang kaniyang ama kaya binuhat na ni Athena si Nathan para iakyat na muna sa dati niyang kwarto. Kakausapin niya ang Daddy niya ng wala sa tabi nila si Nathan. Ibinaba ni Athena ang kaniyang anak sa kama saka niya ito tinabihan.

“Rest here first baby then let’s talk later or I’ll tour you in our house.” Anas niya na ikinatango ng bata.

“Yes Mommy,” magalang niyang sagot dito, hinalikan ni Athena sa noo ang anak saka siya lumabas at isinarado ang pintuan. Mula sa itaas ay tiningnan niya ang kaniyang ama na salubong ang mga kilay at naghihintay sa sofa. Bumaba na siya saka niya ito nilapitan. Bakas na ang pagpipigil sa kaniyang mukha.

“Who is he, Athena?” malumanay nitong tanong, lakas loob namang sinalubong ni Athena ang mga mata ng kaniyang ama.

“He’s my son Dad,” dire-diretso niya ng sagot, hilaw na natawa si Don Rodriguez at nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sa anak. Wala ng pakialam si Athena kung muling magalit sa kaniya ang ama, matagal niya ng tinanggap yun, unang araw pa lang na ipinadala siya sa New York tapos hindi niya inakalang inabot pa ng apat na taon bago naalala ng sarili niyang ama na may isa pa itong anak.

“Are you insane?! Talaga bang sinasadya mo ng galitin ako Athena?! Hindi ba at nag-usap na tayo tungkol sa bagay na yan?! I told you to abort that child at talagang iniuwi mo pa!!” galit na galit niya na namang wika, inaasahan na ito ni Athena. Ano pa nga bang bago? Apat na taon siyang nawala pero pagbalik niya galit pa rin ng kaniyang ama ang sasalubong sa kaniya.

“Ganiyan na ba talaga kayo kasakim Daddy? Mas pipiliin niyo ang sinasabi niyong kalinisan ng pangalan mo kesa sa sarili mong pamilya? Handa kang ipapatay ang sarili mong kadugo para lang sa dignidad mo? Handa kang pumatay ng buhay dahil lang sa iniisip mong isa itong kahihiyan at kasiraan sa pamilya natin? Daddy, anak ko ang sinasabihan mong ipalaglag ko! Kahit na hindi naman sinasadya kung anong nangyari sa’kin apat na taon na ang nakalilipas pero anak ko pa rin siya. Nabuo man siya sa hindi inaasahang panahon, anak ko pa rin si Nathan, dugo at laman ko pa rin ang nananalaytay sa kaniya.”

“Huwag kang magmagaling Athena, I am just doing what best for you! Maaga pa lang ay sinabihan na kita! Kapag may nabuo ay kailangan mong ipalaglag! Pero bakit hindi ka marunong makinig? You like it, right? Ginusto mo ang nangyari nung gabing yun.” Panghuhusga ng kaniyang ama, mabait naman ito pero pagdating na sa pangalan niya tila hindi niya na ito kilala. Para bang hindi niya na kinikilala ang pamilya niya para lang mapanatiling malinis ang pangalan niya.

Hilaw na natawa si Athena.

Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oo nga naman dahil lamang sa gusto mong panatilihing malinis ang inyong pangalan ay kayanyong ipalaglag ang kadugo mo mismo mr.
goodnovel comment avatar
Jekk '16
huhu.. grabi naman sariling apo Don.. gaganyanin mo.. wlang katumbas ang buhay ng tao Don.
goodnovel comment avatar
Gene Cabelin Serdiña
pesteng dignodad sa mayaman talagang importante
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A Night With Mafia   Kabanata 0004

    “Ganun ba talaga ang tingin mo sa’kin Dad?” “Ano pa nga bang dapat isipin sayo Athena? Hindi ako nagkulang na pagsabihan ka dahi sisirain ng batang yun ang magandang kinabukasan na pangarap ko sayo!” nagpantig ang tenga ni Athena dahil sa narinig mula sa ama. “Daddy naririnig mo ba ang sinasabi mo

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • A Night With Mafia   Kabanata 0005

    Pumasok si Athena sa opisina ng kaniyang ama ng mapatulog niya na ang anak niya. Naupo siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama habang abala naman si Don Rodriguez sa mga kaharap niyang papeles. “Can I talk to you Dad, for a moment?” aniya, tiningnan ni Don Rodriguez si Athena at hinayaan niya itong

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • A Night With Mafia   Kabanata 0006

    Ang kanina pang hinihiling niyang hindi sana siya makilala ay hindi naging tagumpay. Bakit nakilala pa siya nito gayong apat na taon na ang nakalilipas saka bakit pa ba kasi niya naalala yun? Bahagyang natawa si Athena saka hinarap ang binata. “I don’t understand what you’re saying, Sir.” pagtatang

    Huling Na-update : 2022-09-05
  • A Night With Mafia   Kabanata 0007

    Nilapitan ni Athena si Danica, hindi niya naman masalubong ang mga mata ni Athena. “Athena,” tawag sa kaniya ni Nolan. “Huwag mong matawag tawag ang pangalan ko Nolan. Nandidiri ako sayo.” matigas niyang saad, tila ba naging bato ang puso ni Athena at tila ba bigla itong namanhid. Gusto niyang umi

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0008

    “Pangangailangan? Yun lang ba Nolan? Napakababaw ng dahilan mo, dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto mo? Isang linggo na lang Nolan, kasal na dapat natin pero naisipan mo pa rin akong iset up para lang macover ang panloloko niyong dalawa sa’kin? Wala akong ginawa sayo, sana nga niloko mo na lan

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0009

    “You look familiar,” anas niya rito, tiningnan naman siya ni Athena at maging si Athena ay napakunot ang noo, inaalala kung saan ba niya nakita ang binata. “Ikaw yung nasa plane diba?” tanong naman ni Athena. “Yun! Sabi ko na nga ba at nakita na kita eh. Oh, holy shit.” Aniya pa saka tiningnan si

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • A Night With Mafia   Kabanata 0010

    Gusto sanang iwasan ni Athena ang Boss niya pero paano niya ba yun gagawin kung araw-araw silang magkikita at magsasama? Napabuntong hininga na lang siya, natatakot siyang baka malaman ni Xavier ang tungkol kay Nathan. Bunga man ng isang pagkakamali ang anak nila hindi pa rin kaya ni Athena na mawal

    Huling Na-update : 2022-09-07
  • A Night With Mafia   Kabanata 0011

    “Gusto ni Freya na ipaubaya na lang sa kaniya ang lalaking yun. Ano sa tingin mo?” pinapaikot-ikot lang ni Xavier ang hawak niyang ball pen sa mga daliri niya. “Give it to her tutal kapatid niya naman ang nawala sa kaniya. Hayaan mong ipaghiganti niya ang Kuya niyang pinatay ng gagong yun.” “Masus

    Huling Na-update : 2022-09-07

Pinakabagong kabanata

  • A Night With Mafia   Kabanata 0425

    I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go

  • A Night With Mafia   Kabanata 0424

    “Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng

  • A Night With Mafia   Kabanata 0423

    “Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal

  • A Night With Mafia   Kabanata 0422

    “Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i

  • A Night With Mafia   Kabanata 0421

    Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na

  • A Night With Mafia   Kabanata 0420

    “I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il

  • A Night With Mafia   Kabanata 0419

    Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s

  • A Night With Mafia   Kabanata 0418

    Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n

  • A Night With Mafia   Kabanata 0417

    Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k

DMCA.com Protection Status