Isang gabi, matapos ang isang matagumpay na meeting kasama ang mga investors, umuwi si Kean sa kanilang bahay na pagod ngunit masaya. Dumiretso siya sa kwarto nila ni Maria, kung saan nakita niyang natutulog si baby Harry sa kuna, at si Maria naman ay nakaupo sa gilid ng kama, tila nag-iisip."Mahal, late ka na nakauwi," mahinang sabi ni Maria nang maramdaman niyang pumasok si Kean.Lumapit si Kean at hinaplos ang balikat ni Maria. "Pasensya na, mahal. Medyo natagalan lang ang meeting. Pero heto na ako, at wala nang ibang gustong gawin kundi makasama kayo ni Harry."Ngumiti si Maria, ngunit bakas pa rin sa kanyang mga mata ang alalahanin. "Kean... alam kong binibigyan mo ng pagkakataon si Mirasol na makasama sa mga importanteng meeting dahil magaling siya sa trabaho, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala. Baka kasi... sinasamantala niya ang pagkakataon para makalapit sa'yo."Tumigil si Kean, at tumitig sa mga mata ni Maria. Ramdam niya ang takot at pangamba ng kanyang asawa
Nang sumunod na araw, nagkaharap muli sina Kean at Mirasol sa opisina. Alam ni Kean na kailangan niyang linawin ang lahat upang maputol ang anumang pag-asa ni Mirasol, lalo na't ramdam niyang ang babae ang may kinalaman sa mga katanungan at pangamba ni Maria.Pagpasok pa lang ni Mirasol sa opisina, hindi na nakapagtimpi si Kean."Mirasol," simula niya, mariing tinitigan ang babae. "Ikaw ba ang nagkakalat ng litrato namin? Ano ang dahilan? Anong gusto mong mangyari?"Nagkunwari si Mirasol na hindi alam ang sinasabi ni Kean, pero bumakas ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, na tila nagpapahiwatig ng kasiyahan sa gulo."Bakit ko naman gagawin iyon, Kean?" tanong niya, tila naglalaro ang tono ng kanyang boses. "Ano ang mapapala ko roon? Pwera na lang… may pagtingin ka pa rin sa akin. Aminin mo, mahal mo pa rin ako, hindi ba?"Napailing si Kean, napakasakit sa kanya ang mga sinasabi ni Mirasol. Ang dati niyang kaibigang minsan niyang minahal, ngayon ay nagiging sanhi ng gulo at sakit s
Kinabukasan, tulad ng napag-usapan, bumisita si Maria sa opisina ni Kean. Bagama’t kinakabahan siya sa posibilidad na makita si Mirasol, desidido siyang patunayan sa sarili ang katotohanan. Gusto niyang makita mismo kung ano talaga ang nangyayari sa paligid ni Kean.Pagdating niya sa opisina, sinalubong siya ni Kean ng malapad na ngiti. "Mahal! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nandito ka."Napangiti si Maria, ngunit hindi niya maalis ang bahagyang kaba sa kanyang puso. "Gusto kong makita kung ano ang araw-araw mong ginagawa rito, para maramdaman ko na parte ako ng buhay mo, Kean."Niyakap siya ni Kean at hinawakan ang kanyang kamay. "Walang makakahiwalay sa atin, Maria," bulong nito. "Ikaw at si Harry ang lahat sa akin."Habang naglalakad sila papasok, napansin ni Maria ang ilang mga empleyadong nagbubulungan. Ramdam niya ang ilang mga matang nagmamasid sa kanila, at naroon pa rin ang mga matang tila may alam na hindi niya lubos na nauunawaan.At sa isang sulok, naroon si Miraso
Kinabukasan, maagang pumunta si Mirasol sa opisina ni Kean, bitbit ang isang basket ng pagkain. Alam niyang bihira sa oras na iyon dumadalaw si Maria, kaya't sigurado siyang maaabutan niya si Kean na mag-isa.“Hi, Kean! Nagdala ako ng lunch para sa’yo,” wika ni Mirasol habang nakangiti at tinutulak ang pagkain sa kanyang harapan.Ngunit hindi pa man sumasagot si Kean ay bumukas ang pinto, at tumambad si Maria, may dalang food container at may masayang ngiti sa mga labi.“Kean, mahal, pinagluto kita ng paborito mong sinigang na baboy!” aniya, at ng makita si Mirasol, agad siyang bumaling dito. “Oh, Mirasol! Napakaaga mo pala rito.”Halatang nagulat si Mirasol sa pagdating ni Maria ngunit nagpanggap siyang kalmado. “Ah, Maria… oo, gusto ko sanang dalhan ng lunch si Kean dahil… busy siya lagi,” sagot nito nang may pilit na ngiti.Ngumiti si Maria, ngunit may sinserong titig ang kanyang mga mata. “Salamat sa pag-aalala, Mirasol, pero asawa ako ni Kean kaya’t ako ang may responsibilidad na
Pagkatapos ng board meeting, hindi na maitago ni Mirasol ang kasiyahan sa kanyang mukha. Para sa kanya, isang malaking pagkakataon ang business trip na ito para makalapit kay Kean at subukang agawin ito mula kay Maria. Matagal na niyang gustong mapansin ni Kean sa paraang higit pa sa pagiging katrabaho, at ngayon, isang linggo silang magkasama sa Singapore—isang pagkakataon na bihirang dumating.Lumapit siya kay Kean, at sa mapanuksong tono, sinabi, "I’m so excited for our business trip in Singapore, Kean. Please take good care of me if we're there," kasabay ng pilyong kindat at ngiti.Tumingin si Kean kay Mirasol, ngunit saglit lang, at hindi niya ipinakita ang anumang emosyon. "Oo, focus tayo sa trabaho," sagot niya nang mahinahon bago tumango at lumayo na kaagad.Sa likod ng kanyang isip, alam ni Kean na kailangan niyang sabihin kay Maria ang tungkol sa business trip na ito. Alam niyang pinagseselosan ni Maria si Mirasol, at magiging mahirap ipaliwanag ang sitwasyon, ngunit wala si
Nang sumapit ang araw ng business trip, tinulungan siya ni Maria sa pagready ng kanyang bagahe. Sa silid nila, abala si Maria sa pag-aayos ng mga damit ni Kean. Maingat niyang tinitiyak na lahat ng kakailanganin nito ay nasa bagahe—ang mga paboritong damit, toiletries, at ang maliit na rosaryo na lagi niyang pinapasok sa bag ng asawa bago ito magbiyahe. Habang inilalagay niya ang mga gamit, lihim siyang nagdasal para sa kaligtasan ni Kean at sana ay manatiling matatag ang kanilang relasyon, kahit na may isang Mirasol na nakapaligid. Habang si Kean ay abala sa paghahanda, si Donya Loida naman ay nag-organisa ng lahat para sa kanilang paghatid sa airport. Ipinag-utos niya kay Yaya Teresa na bihisan si Harry, na naka-puting onesie at may maliit na sumbrero. Buong sigasig na tinutulungan ni Maria ang pamilya ni Kean upang mabigyan ng magandang paalaman ang asawa. Nang magkasama-sama na silang lahat, nagkatinginan si Kean at Maria, at walang salita ang kinakailangan pa
Kinagabihan, sa kanyang hotel room, kaagad na tinawagan ni Kean si Maria. Sa sandaling narinig niya ang boses ng asawa, tila nawalan siya ng pagod at bumalik ang sigla ng kanyang puso.“Kamusta na, mahal?” bungad ni Kean, pilit na itinatago ang pananabik sa kanyang tinig.“Okay naman kami ni Harry,” sagot ni Maria, ngunit may bahagyang lamig ang boses nito na agad napansin ni Kean. “Ikaw? Nakakapagod ba diyan?”“Oo, pero walang makakapagod kung ikaw ang kausap ko,” sagot ni Kean, sinusubukang pagaanin ang kanilang usapan. “Miss na miss ko na kayo, mahal. Lalo na ikaw.”Hindi napigilan ni Maria ang isang mababaw na ngiti. “Miss ka na rin namin, mahal. Basta mag-ingat ka, ha? At sana, huwag mong kalimutang umiwas kay Mirasol.”Tahimik na natawa si Kean. “Ikaw lang ang kailangan kong alalahanin, mahal. Walang makakapalit sa’yo sa puso ko.”Sa bawat araw ng business trip na iyon, sinikap ni Kean na manatiling propesyonal at mag-focus sa kanilang mga pulong at presentasyon. Ngunit hindi ni
Matapos ang pag-alis ni Mirasol, tumayo si Kean sa loob ng kanyang hotel room at napapikit, iniisip ang mga alaala nilang dalawa. Alam niya ang bigat ng damdaming naramdaman ni Mirasol, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pinili niyang maging tapat sa kanyang nararamdaman—kay Maria at kay Harry.Makalipas ang ilang minuto ng pag-iisip, lumabas siya ng kwarto at bumaba sa lobby. Doon niya napansin ang kalmadong atmospera ng hotel. Tahimik niyang nilakad ang daan papunta sa hardin ng hotel kung saan malayang tanawin ang mga city lights ng Singapore.Habang nakatayo, binunot niya ang cellphone mula sa bulsa at tumawag kay Maria. Pagkarinig pa lamang niya ng boses nito, tila nawala ang lahat ng kabigatang kanina’y bumabalot sa kanyang puso.Kean: "Maria..." (ang kanyang tinig ay malambot, puno ng pagmamahal) "Nais ko lang sabihin sa’yo na miss na miss kita at si Harry."Maria: (may lambing at saya sa boses) "Mahal, hindi ba bukas pa ang balik mo dito? Ayos ka lang ba diyan?"Kean: "Oo, ayo