Share

Kabanata 2

"Ayos lang ho ba kayo?" untag ng nars sa nakatulala at wala sa sariling si Clarice. 

Napakalalim ng iniisip ni Clarice na animo'y wala siyang naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatulala lamang ito habang namumugto ang mga mata. 

"Miss?" Muling tawag ng nars sa atensyon ni Clarice. Marahan din nitong tinapik ang ang balikat ni Clarice ngunit patuloy lamang ito sa pagkatulala. 

"Nurse, magmadali ka na r'yan. Kailangan na ni doc. ang dugo," paalala ng isa pang nars sa nars na nag a-assist kay Clarice. 

"Miss!" Tawag ng nars kay Clarice na ngayo'y mas malakas na ang boses. Sinamahan niya pa ito ng pagtapik sa braso ni Clarice. 

Marahan namang napabalikwas si Clarice, animo'y kakagising lamang nito mula sa mahimbing na tulog. 

"Ano 'yon?" walang ganang tanong nito sa nars. 

Masama ang loob ni Clarice, kung maari ay ayaw niyang makipag usap kahit kanina pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan siyang makausap ng mga nars. 

"Ayos ka lang ho ba?" pang-uusisa ng nars na agad namang tinanguan ni Clarice. 

Malayo sa 'ayos' ang estado ni Clarice sa ngayon. 

Hindi niya masisisi si Vito kung bakit ganoon na lamang siya sisishin nito sa nangyare kay Lucille, ngunit nasasaktan siyang marinig ang mga katagang iyon galing mismo sa bibig ng lalaki. At ang mas lalong nakakasakit kay Clarice ay ang masaksihan na parang walang malasakit sa kanya si Vita para hindi siya pagbigyan sa kagustuhan niyang makita ang lola niya. Alam niyang alam ni Vito na ang lola niya na lamang ang mayroon siya sa buhay niya-- ang isa't isa nalang ang meron sila, pero ang tanging makita ang lola ay pinagkakait pa sa kanya ng asawa. 

Muling kumirot ang puso ni Clarice nang malala kung paano siya tignan ni Vito kanina, puno ng galit ang mga tingin nito. Ni walang bahid ng pagmamahal. 

"Miss, hindi ko po kayo makukunan ng dugo kung naninigas ho kayo. Kailangan niyo pong magrelax," wika ng nars kay Clarice. 

Malalim na napabuntong hininga si Clarice at pinilit kinalma ang sarili. 

Matapos ng mabilisang test na ginawa sa kanya, ay ready na siyang kunan ng dugong isasalin kay Lucille. Mabilisan na lamang ang test na isinagawa kay Clarice sapagkat nakapagsalin na siya ng dugo noon sa parehong babae matapos ng insidenting dahilan kung bakit siya nakulong. 

"Hingang malalim, miss." 

Napakagat na lamang si Clarice ng kanyang labi nang maramdaman ang pagpasok ng karayom sa kanyang balat. 

Malaki ang karayom, masakit ito, pero tila ba wala lang ang sakit kumpara sa sakit nararamdaman ni Clarice, ni hindi man lang ito nakaramdam ni katiting na kirot mula sa karayom. 

Malungkot na pinanood ni Clarice ang sariling dugo na dumaloy mula sa kanyang braso patungo sa blood bag sa kanyang gilid. 

Hindi dapat siya nagdudusa nang ganito. 

Wala dapat siya sa sitwasyon na ito. 

Hindi dapat ito nangyayare. 

Kung maaring maiba sana niya ang mga pangyayare ay gagawin niya. 

Kung maibabalik lamang niya ay ang panahong pinakalasan niya si Vito, ay gagawin niya at babaguhin ang mga nangyare. 

Hindi lubos maisip ni Clarice na dahil lamang sa isang pagkakamali ay mababago ang ikot ng buhay niya. 

Halos tatlong taon na ang nakakalipas simula ng magpakasal sila ni Vito-- dahil nabuntis siya nito. 

Labinsiyam lamang noon si Clarice ng mabuntis siya ni Vito. 

Gaya ng karamihan sa mga kabataan, si Clarice ay mapusok at kadalasa'y walang ingat. 

Unang kita pa lamang ni Clarice kay Vito ay agad na itong nahumaling at napamahal dito. Noong una ay simpleng paghanga lamang ang nararamdaman ni Clarice sa lalaki ngunit nang tumagal ay naging mas malalim ito. 

Sa sobrang pagkahumaling kay Vito ay sinusundan na ito ni Clarice kahit saan siya magpunta. Ultimo sa bar ay sinusundan siya ni Clarice, kaya naman noong isang beses na sobrang nalasing si Vito at Clarice ay aksidenteng may nangyare sa dalawa na agad namang nagbunga. 

Nang malaman ng mga magulang ni Clarice na siya'y nagdadalawang tao, agad nilang pinagkasundo ang anak kay Vito at pinakasal. 

Labag na labag sa loob ni Vito ang pagpapakasal marahil hindi niya lubos na kilala si Clarice at hindi niya ito mahal, ngunit wala na itong nagawa pati na rin ang mga magulang nito dahil mayroong hawak na matibay na ebedensya ang mga magulang ni Clarice na siya ang ama ng dinadala nito. 

Simula ng araw na iyon ay kinakamuhian na ni Vito si Clarice, salungat sa nararamdaman ni Clarice para sa kanya. 

Bagaman hindi ligid sa kaalaman ni Clarice ang galit sa kanya ni Vito, pinagmulan ito ng kanyang matinding stress. Maliban sa mailap na trato ni Vito kay Clarice, ay pansin ng babae na malayo talaga ang loob sa kanya ng kanyang asawa, hindi lamang sa kadahilanang galit si Vito sa kanya-- dahil na rin sa katotohanang si Vito ay may ibang mahal. 

Kulang sa buwan ng isinilang ni Clarice ang kanilang anak, halos isang buwan ang bata sa loob ng ICU bago ito tuluyang binawian ng buhay. 

Mas lalong kinamuhian ni Vito si Clarice sapagkat sinisisi niya ang babae sa pagkawala ng anak niya. 

Halos lahat na yata ng kamalasan ay nasalo ni Clarice sa panahong iyon, dahil pagkatapos lamang ng iilang buwan ay na-diagnose ang ama nito ng stage 3 lung cancer at na depressed naman ang kanyang ina. Lahat ng ari-arian ng pamilya Dominggo ay naibenta na para sa pagpapagamot at pagttherapy. Halos wala nang natira kay Clarice maliban sa bahay nila ng tuluyan na siyang iwan ng kanyang mga magulang-- halos magkasabay lamang silang binawian ng buhay. 

Buwan lamang ang nakakalipas pagkatapos ng lahat ng iyon ng alukin ni Vito si Clarice ng divorce, na mabilis namang tinanggihan ni Clarice. 

Desperada na si Clarice sa mga panahong yun, ang tanging nasa isip niya ay si Vito na lamang ang mayroon siya kaya naman sa kabila ng lahat ng hindi kaaya-ayang trato sa kanya ni Vito ay tinanggap niya ito. 

Magmula noon ay wala nang bukangbibig si Vito kundi ang kagustuhang kumawala sa pagkakakasal kay Clarice. Dagdag pa sa pasakit ng babae nang bigla na lamang pumasok si Lucille sa buhay nila. Wala nang ibang ginawa si Lucille kung hindi ang siraan si Clarice kay Vito na animo'y may ikakamuhi pa ang lalaki rito. 

Lahat ng pananakit sa damdamin ni Clarice ay ginawa ni Lucille-- at lubusang nagtagumpay ito isang gabi nang mahulog siya sa hagdan. 

Pinalabas ni Lucille na itinulak siya ni Clarice sa pamamagitan ng pag maninipula ng kuha ng CCTV sa insidente. 

Dahil sa mga sugat na natamo ni Lucille sa akisidente ay agad inaresto si Clarice. Sinigurado hindi lamang ni Lucille at pamilya niya kundi pati na rin ni Vito na makukulong siya. 

Wala nang nagawa si Clarice kung hindi pagbayaraan ang kasalanang hindi niya naman ginawa. 

Minor injuries lamang ang natamo ni Lucille mula aksidente at makukulong lamang si Clarice ng dalawa hanggang tatlong taon sa kasong 'assault'. Gayunpaman, pakiramdam ni Clarice ay mahabang panahon siyang mabibilanggo dahil inoobliga siya ng asawang si Vito, na mag donate ng dugo kay Lucille. May sakit si Lucille kung saan nangangailangan siyang masalinan ng dugo, at tanging si Clarice lamang ang compatible dito.

Ayaw man ay wala nang magagawa si Clarice, sapagkat pinamukha sa kanya ni Vito na malaki ang utang na kailangan niyang bayaran. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status