Tuluyang nanghina ang mga tuhod ni Clarice at napaupo na lamang ito sa malamig na sahig ng selda.
"Paanong nangyare 'yon? Hindi pwede. Hindi ito totoo."
"Malala na raw pala ang lagay ng lola mo. Nag-aagaw buhay na ito kanina nang bumalik ka rito."
"A-ano. . .?"
Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ni Clarice. Walang pagsisidlan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa nalaman.
Sobrang sakit sa kanya na hindi niya man lang nakausap o kahit nakita man lamang ang lola bago ito lumisan sa mundo.
Mabilis na inayos ni Clarice ang sarili at tumayo.
"Kailangan kong puntahan ang lola ko. Kailangan ko siyang makita," ani nito sa guwardiya.
Lumamlam ang tingin ng guwardiya kay Clarice. "Hindi ka na pwedeng umalis."
"A-ano?"
"Pasensya ka na pero hindi ka na pwedeng umalis ulit dahil kakabalik mo lang." Naaawa man kay Clarice ay wala nang magagawa ang guwardiya dahil ito ang patakaran nila.
Ni hindi nga talaga pwedeng lumabas si Clarice ng kulungan kung hindi lamang makapangyarihan si Vito at madaming pera.
"S-si Vito. Kailangan kong makausap si Vito," pagsusumamo ni Clarice.
Agad namang tumango ang guwardiya at sinamahan siya sa isang kwarto kung nasaan ang mga telepono.
Walang sinayang na segundo si Clarice, agad niyang tinipa ang sauladong numero ni Vito at saka ito tinawagan.
Sa bawat ring ng telepono animo'y binibitay si Clarice sa sobrang antisipasyon.
"Vito?" agad na tawag ni Clarice nang sa wakas ay sinagot na ni Vito ang tawag niya.
"Ano?" malamig na sagot ni Vito mula sa kabilang linya.
"Vito, tulungan mo ako. Sunduin mo ko rito, Vito, kailangan kong makita ang lola ko, Vito." Tuluyan nang napaiyak si Clarice. "Vito wala na ang lola ko."
Hindi umimik si Vito sa kabilang linya dahilan para lalong mapaiyak si Clarice.
"Vito, p-please. Please kailangan kong makita si lola-- gusto ko siyang makita. . ." pagsusumamo ni Clarice, pero wala pa ring naging sagot si Vito. Nananatiling tahimik ang kabilang linya.
"Vito? Vito andyan ka ba, Vito?" Pagtawag ni Clarice kay Vito sa pagitan ng mga hikbi nito.
"Vito, please. Gusto kong makita ang lola ko--"
"Hindi ako pwedeng umalis dito, kailangan ako ni Lucille."
Parang nabasag ang puso ni Clarice sa narinig. Kahit sa panahong kailangang kailangan niya si Vito ay hindi nito magawang maging andyan para sa kanya. Ni hindi nito kayang mag sakrispisyo para sa kanya. Talagang kasal lamang sila sa papel at hindi sa puso.
"Kailangan din kita, Vito." Iyak ni Clarice. "Kailangan kita ngayon."
"Maghahanap ako ng mag aasikaso para sa cremation ng lola mo," tanging sabi ni Vito.
"A-ano? Hindi, kailangan kong makita ang lola ko, Vito. Ikaw lang ang pwedeng makalabas sakin dito, Vito. Parang awa mo na, Vito tulungan mo ako."
"Kailangan ko nang umalis," ang tanging nasabi ni Vito bago ibaba ang tawag.
Agad na napahagulgol si Clarice sa sakit na nadarama.
Sinubukan niyang tawagan ulit si Vito pero hindi na ito sumasagot. Makailang subok pa si Clarice na tumawag kay Vito pero hindi pa rin ito sumasagot hanggang sa hindi na niya ma-contact pa si Vito.
Wala nang nagawa si Clarice kung hindi ay bumalik sa kanyang selda habang puno ng luha ang mga mata.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng kasama nitong si Jane kay Clarice nang makita siyang umiiyak.
Hindi nagawang sumagot ni Clarice kay Jane. Ang bigat ng loob ni Clarice na napahiga na lamang siya sa kanyang higaan at iniyak ang lahat ng sama ng loob niya.
Halos hindi na makahinga si Clarice sa sobrang pag-iyak pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. Kahit anong iyak ang gawin niya ay hindi ito nakakapagpagaan.
Hindi lubos maisip ni Clarice na wala na ang lola niya. Ni hindi niya man lang ito nakausap at nakita bago ito mawala sa mundo.
Nang mamatay ang mga magulang ni Clarice ay ang lola nalang niya ang naiwang kapamilya niya. Ang lola iya ang nag alaga at nag mahal sa kanya sa kabila nang lahat ng sakit na pinagdaanan at lalo na ang sakit na kinailangan niyang indahin kay Vito.
"Lola. . ." iyak ni Clarice sa sarili.
Sobrang nasasaktan siyang naisiip na namatay ang lola niyang hindi niya man lang ito nadamayan. Masakit para sa kanya maisip na baka kinailangan siya ng lola niya habang nasasaktan ito ngunit wala siya sa tabi niya. Ni hindi niya nagawang maging andyan para sa pinakamamahal niyang lola.
Kung may pagkakataon lang sana.
Mahigpit na naikuyom ni Clarice ang kanyang mga kamao ng may bigla siyang maalala.
May pagkakataon siyang makita at makasama ang kanyang lola kanina, pero ni hindi man lamang siya pinagbigyan ni Vito.
Kasabay na nag agaw buhay ang lola ni Clarice at Lucille at imbes na damayan ang lola ay andoon siya at nagbibigay ng dugo para sa babaeng sumira ng buhay niya.
Mahigpit na mahigpit ang pagkakakuyom ni Clarice sa mga kamao nito, kulang nalang ay dumugo ang mga palad niya pero hindi niya ito iniinda. Para sa kanya mas mabuti pang makaramdam siya ng pisikal na sakit kesa damhin ang sakit sa puso niya.
Pakiramdam niya ay hindi niya makakayanan ito.
"Lola." Muling hikbi ni Clarice. Walang pagsisidlan ang lungkot niya. Sa isang iglap nawala ang kanyang lola at lubos niyang sinisisi ang sarili at ang mga taong dahilan kung bakit nasa kulungan siya. Kung hindi dahil sa pagkakakulong niya ay hindi sasama ang loob ng lola niya at aatakehin sa puso.
"Mga hayop. . ." nag-ngingitngit na wika ni Clarice sa sarili.
Wala siyang kasalanan, alam niya iyo sa kanyang sarili. Hindi niya tinulak si Lucille sa hagdan. Kusa itong nagpahulog at nang sinubukan siyang tulungan ni Clarice ay pinalabas nitong tinulak siya at iyon ang nakunan sa CCTV.
Maliban sa matibay na bidyo ay makapangyarihan ang pamilya ni Lucille, lalo na si Vito na galit na galit nang malaman ang nangyare. Ni hindi nagawang lumaban ni Clarice-- wala na rin kasi silang pera para kumuha ng magaling na abogado.
Wala nang nagawa si Clarice sa nangyare at tinanggap nalang ito. . . pero hindi na siya makakapayag na muling apihin at saktan lalo na ni Vito.
Nagkamali man siya noon ay sapat na ang lahat ng pasakit na binigay ni Vito bilang kabayaran.
Pati ang lola ni Clarice ay nadamay na at sinisiguro niyang iyon na ang huling pagkakataong masasaktan pa siya ni Vito.
"Bilisan na ninyo riyan!" sigaw ng isang babaeng guwardiya habang nagbabantay sa mga naliligong babaeng preso. Sabay sabay silang naliligo habang may nagbabantay sa kanila. May nakatagala rin oras para sa paliligo nila. "Pambihira, eh kakabasa ko nga lang ng ulo ko eh!" asik ng isa sa mga babaeng preso. "Nakakainis, ni hindi tayo makapaglinis nang maayos ng katawan," dagdag pa ng isang babae. "Hindi kasi tayo mayaman gaya ng iba dyan na pinapaboran," parinig ng isa pa nilang kasamahan. Marahang napakagat na lamang si Clarice sa kanyang labi habang naliligo sa kabilang gilid. Rinig na rinig niya ang pasimpleng patutsada ng kanyang mga kasamahang preso. Naiintindihan ni Clarice ang inis ng mga kasamahan niya dahil nakikita nila ang mga pasimple pabor sa kanya sa loob ng kulungan. Naiintindihan niya sila at hindi masisisi pero hindi niya naman ito ginusto-- talagang pinagsisilbihan niya lang talaga si Vito kaya naman kapalit nito ay binibigyan siya ng pabor katulad ng masasarap na p
Marahang pinagpag ni Clarice ang kanyang higaan bago ito nahiga. Bagaman maaga pa ay napagod ito at gusto nang magpahinga. Halos madaling araw pa kasi nang sila ay ginising para maglinis sa malawak na bakuran ng kulungan kung nasaan siya kasalukuyang naroroon. Ipinikit ni Clarice ang mga mata at sinubukang matulog. Kumikirot ang buo nyang katawan sa pagod sapagkat hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa lahat ng inuutos sa kanya hindi lang para wala siyang maging problema sa mga kasamahan niya kundi para na rin maging maganda ang record niya. Ang sabi kasi ay natatala ang bawat mabuting ginagawa ng mga PDL para sa monthly evaluation nila. Kung sino ang may pinakamagandang tala ay maarining mabigyan ng parol. Alam ni Clarice sa sarili na hindi niya pwede palampasin ito. Lahat gagawin niya para lamang makalabas na kulungan. "Dominggo, may dalaw ka!" sigaw ng isang prison guard mula sa labas na mabilis nagpabangon kay Clarice m
"Ayos lang ho ba kayo?" untag ng nars sa nakatulala at wala sa sariling si Clarice. Napakalalim ng iniisip ni Clarice na animo'y wala siyang naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatulala lamang ito habang namumugto ang mga mata. "Miss?" Muling tawag ng nars sa atensyon ni Clarice. Marahan din nitong tinapik ang ang balikat ni Clarice ngunit patuloy lamang ito sa pagkatulala. "Nurse, magmadali ka na r'yan. Kailangan na ni doc. ang dugo," paalala ng isa pang nars sa nars na nag a-assist kay Clarice. "Miss!" Tawag ng nars kay Clarice na ngayo'y mas malakas na ang boses. Sinamahan niya pa ito ng pagtapik sa braso ni Clarice. Marahan namang napabalikwas si Clarice, animo'y kakagising lamang nito mula sa mahimbing na tulog. "Ano 'yon?" walang ganang tanong nito sa nars. Masama ang loob ni Clarice, kung maari ay ayaw niyang makipag usap kahit kanina pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan siyang makausap ng mga nars. "Ayos ka lang ho ba?" pang-uusisa ng nars na agad namang ti
"Kumusta ho ang pakiramdam niyo, miss?" tanong ng nars kay Clarice na animo'y wala sa sarili. Marahang hinimas ng nars ang parte ng balat ni Clarice kung saan siya tinusukan ng karayom upang kunan ng dugo. Naawa ang nars kay Clarice. Ang akala kasi nito ay nasasaktan ang babae dahil sa pagkuha ng dugo, lingid sa kaalaman nito ang iba ang dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ni Clarice."Ayos lang ho ba kayo?" muling tanong ng nars. Hindi nito maiwasang mabahala lalo na dahil nakikita niyang namumugto ang mata ng pasyente niya.Nanghhihina man ay marahang ngumiti si Clarice sa nars. "Ayos lang ako." Naisip niyang kung sana ay katulad lamang ng Nars si Vito at nag-aalala ito sa kanya."Dominggo, kailangan mo nang bumalik," ani ng pulis na nagbabantay kay Clarice. Napatango na lamang siya at agad sinubukang tumayo, mabilis naman siyang inalalayan ng nars. "Kumain ho kayo nang marami para lumakas kayo," bilin ng nars. "Mag-ingat ho kayo, miss."Muling ngumiti si Clarice sa nars. Lubo

"A-ano? Paanong-- hindi--" Tuluyang nanghina ang mga tuhod ni Clarice at napaupo na lamang ito sa malamig na sahig ng selda. "Paanong nangyare 'yon? Hindi pwede. Hindi ito totoo.""Malala na raw pala ang lagay ng lola mo. Nag-aagaw buhay na ito kanina nang bumalik ka rito.""A-ano. . .?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ni Clarice. Walang pagsisidlan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa nalaman. Sobrang sakit sa kanya na hindi niya man lang nakausap o kahit nakita man lamang ang lola bago ito lumisan sa mundo. Mabilis na inayos ni Clarice ang sarili at tumayo. "Kailangan kong puntahan ang lola ko. Kailangan ko siyang makita," ani nito sa guwardiya. Lumamlam ang tingin ng guwardiya kay Clarice. "Hindi ka na pwedeng umalis.""A-ano?""Pasensya ka na pero hindi ka na pwedeng umalis ulit dahil kakabalik mo lang." Naaawa man kay Clarice ay wala nang magagawa ang guwardiya dahil ito ang patakaran nila. Ni hindi nga talaga pwedeng lumabas si Clarice ng kulungan ku