Share

A Matter of Wife and Debt
A Matter of Wife and Debt
Author: pepperpiper

Kabanata 1

Marahang pinagpag ni Clarice ang kanyang higaan bago ito nahiga. Bagaman maaga pa ay napagod ito at gusto nang magpahinga. Halos madaling araw pa kasi nang sila ay ginising para maglinis sa malawak na bakuran ng kulungan kung nasaan siya kasalukuyang naroroon. 

Ipinikit ni Clarice ang mga mata at sinubukang matulog. 

Kumikirot ang buo nyang katawan sa pagod sapagkat hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa lahat ng inuutos sa kanya hindi lang para wala siyang maging problema sa mga kasamahan niya kundi para na rin maging maganda ang record niya. Ang sabi kasi ay natatala ang bawat mabuting ginagawa ng mga PDL para sa monthly evaluation nila. Kung sino ang may pinakamagandang tala ay maarining mabigyan ng parol. Alam ni Clarice sa sarili na hindi niya pwede palampasin ito. Lahat gagawin niya para lamang makalabas na kulungan. 

"Dominggo, may dalaw ka!" sigaw ng isang prison guard mula sa labas na mabilis nagpabangon kay Clarice mula sa pagkakahiga. 

Agad nitong inayos ang sarili, lalo na ang buhok nitong nagulo dahil sa kanyang paghiga. 

"Asawa mo ulit?" tanong ng isa sa mga kasamahaan ni Clarice sa selda. Jane ang pangalan nito. 

Nagkibit balikat lamang si Clarice sa kanya. 

"Bakit dinadalaw ka lang, hindi ka nilalabas? Eh diba mayaman yung asawa mo?" hirit pa ni Jane. 

Hindi na lamang ito pinansin ni Clarice at mabilis lumabas ng selda nang buksan ito ng guard. 

Nang makarating ng visitation area ay agad natanaw ni Clarice ang isang lalaki na may gwapong mukha at magandang pangagatawan. Halatang mayaman at respetado ito dahil sa suot na mamahaling amerikana. 

Hindi maiwasan ni Clarice manliit sa sarili nang makita kung gaano kagwapo, kalinis, at kaayos ang lalaki sa harapan niya. 

Sinong maniniwalang asawa niya ang lalaki kung masyado itong maayos tignan habang siya ay nakasuot ng kulay kahel na damit, may malaking titik 'P' pa sa likuran. 

"Clarice," bati ng lalaki. Malamig ang tinig nito at hindi makikitaan ng kahit anong ekspresyon ang gwapong mukha. 

"Vito," pabalik na bati ni Clarice bago ito umupo sa harapan ni Vito. Marahan siyang napangiti. "Buti napadalaw ka."

Masayang masaya si Clarice sa tuwing binibisita siya ni Vito ngunit hindi niya maipagkakaila na may konting kirot ito sa kanya sapagkat alam niyang kung maari lamang ay hinding-hindi siya pupuntahan lalaki. 

Hindi naman kasi sila tipikal na mag-asawa na mahal ang isa't isa. Sa kanilang dalawa, si Clarice lamang ang nagmamahal habang siya ay kinamumuhian ni Vito. 

"Si Lucille," panimula ni Vito. 

Marinig lamang ang pangalan na iyan ay sapat na upang masira ang araw ni Clarice. 

Palihim na naikuyom niya ang mga palad habang pinipilit ang sariling ngumiti. 

"Kumusta siya?" Sa bawat labas ng mga letra sa bibig Clarice ay nalalasahan nito ang pait at galit na nararamdam para sa babaeng si Lucille pero kagaya ng dati ay pilit na ipinagsawalang bahala na lamang ito ni Clarice. Wala rin naman kasi siyang magagawa.

Hindi rin nakawala sa paningin ni Clarice ang pag ismid ni Vito marahil dahil sa tanong niya, pero gaya ng palagi niyang ginagawa ay isinawalang bahala niya na lamang ulit ito. Muli siyang nag bulag-bulagan.

Simula noong kinasal sila ay ganito na kung umakto sa Vito, sanay na siya rito. 

"Nag-aagaw buhay si Lucille," malamig na wika ni Vito. Bawat pantig ng letra ng sinasabi nito'y tila ba nagyeyelo sa lamig, enough to sent shivers down Clarice's spine. 

Napabuka ang bibig ni Clarice pero walang kahit anong salita ang lumabas. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang sabihin. Hindi niya rin mawari kung bakit magkahalong takot at saya ang nararamdaman niya sa balitang dala ni Vito. 

Nasa kulungan man ay alam ni Clarice na hindi siya masamang tao, kaya naman hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang galak nang malamang nasa bingit ng kamatayan si Lucille. Ayaw niya ng nararamdaman niya. May galit man siya sa babae ay hindi ito sapat para hilingin ang kamatayan nito. 

"Kailangan niyang masalinan ng dugo," dagdag ni Vito. 

Tila ba nanlamig si Clarice sa narinig. Alam na niya ang ibig sabihin nito. Alam na niya kung bakit binisita siya ni Vito. 

At kahit ayaw niya ay wala siyang magagawa. 

Gaya ng palaging nangyayare ay kailangan niyang sumunod kahit labag sa kanyang loob. 

"Pupunta tayo ng hospital ngayon," pinal na wika ni Vito.

Wala nang nagawa si Clarice kundi tumango na lamang at sumunod sa kagustuhan ng kanyang asawa.

~*~

"Pakitanggal nalang ng posas niya," utos ni Vito sa dalawang pulis na nagbabantay kay Clarice nang makarating sila sa hospital kung saan naroon si Lucille. Ito rin ang hospital na pag mamay ari ng pamilya ni Vito kung saan inilagi ni Clarice ang karamihan ng oras niya noon. 

"Sumunod ka," malamig na utos ni Vito kay Clarice. 

Tinahak ni Vito at Clarice kasama ang mga pulis na nagbabantay sa kanya ang mahabang pasilyo ng hospital. 

Marahil alam na ng lahat ang tungkol sa nangyare ay hindi maiwasan ni Clarice mailang sa mga matang nakatingin sa kanya habang naglalakad, lalo na ang mga mata ng mga nars sa hospital na kilalang kilala siya. 

Kailanman ay hindi nagustuhan ni Clarice ang makakuha ng atensyon mula sa maraming tao, mas lalo na ngayon na alam niyang hindi maganda ang rason kung bakit siya pinatitinginan ng mga ito-- kaya naman pilit niya na lamang ipinagsawalang bahala ang matang nakamasid sa kanya. 

"Si lola," nasambit ni Clarice ng may biglang naalala. "Andito si lola, pwede ko ba siyang makita?"

Binalingan lamang siya ni Vito ng tingin pero hindi ito sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad. 

"Vito, please. Gusto ko makita ang lola ko," pakiusap ni Clarice. 

Kumikirot ang puso niya sa tuwing naiisip niya ang kanyang lola, lalo na't alam niyang siya ang dahilan kung bakit nasa hospital ito ngayon. 

Nang malamang makukulong ang apo, ay inatake sa puso ang lola ni Clarice at hanggang ngayo'y nasa hospital pa rin ito. 

"Vito, please. Lola ko nalang ang meron ako. Gusto ko siyang makita, please."

Sa kabila ng pakikiusap ni Clarice ay hindi ito sinagot ni Vito. Patuloy lang ito sa paglalakad na parang walang naririnig. 

"Vito, please," muling pakiusap ni Clarice.

Iniabot nito ang braso ni Vito upang hawakan ngunit mabilis na iniwakli ng lalaki ang kanyang kamay na animo'y nakakapaso ang palad niya. 

Nanlilisik ang matang nilingon ni Vito si Clarice. "Kailangan ni Lucille masalinan ng dugo."

"Pero Vito--" 

"Baka nakakalimutan mong kasalanan mo kung bakit siya nag-aagaw buhay ngayon?" matigas na sumbat ni Vito, sapat para magdala ng mga luha sa mata ni Clarice. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status